30
Ross
05:00 AM
Missy:
I'm not smoking
Labas ka
Ross:
Giniginaw ako
Missy:
Sensitive mo naman
Ross:
Sa glass door nalang ako
Missy:
Mas maganda langit dito
Ross:
Okay na ako dito
Sayo lang din naman ako napapatingin, bakit pa ako lalabas
Sobrang ganda mo kahapon
Missy:
Anong meron kahapon?
Ross:
Nag make-up ka
Missy:
Hindi mo nga pinansin
Ross:
Napansin ko, nahiya lang ako talaga
Missy:
Ano pa?
Ross:
Ha?
Missy:
Yun lang napansin mo?
Ross:
Naka dress ka :))
Na sobrang bagay din sayo
Sobrang gaan din ng ngiti mo kahapon, parang hindi pinilit
Madalas nakasimangot ka lang o walang reaksyon eh
Missy:
Ano pa?
Ross:
Meron pa?
Wait
Missy:
Ito yung mas mahalaga tapos
hindi mo napansin
Ross:
...
Nag-iisip pa ako, saglit lang
Missy:
Dapat alam mo
Ross:
Alam ko yan talaga
Saglit
Missy:
Wala, ang tagal
Ross:
Aalis ka?? Saan na punta mo?
Maninigarilyo ka na?
Missy:
See? Hindi mo nga alam
I didn't even buy a cigar, paano
ako maninigarilyo?
Ross:
You didn't..?
Missy:
Shut it
Ikaw pinagbayad ko hindi mo
manlang napansin
Wala na, bibili na uli ako sa susunod
Ross:
Sorry, hindi ko nga talaga napansin
Missy:
Halata naman
Ross:
BABAWI AKO
Missy:
👍
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top