Chapter 4

Chapter 4

/ LEOX ACHERON SOLACE /


Leox Acheron Sparks Controversy with Unexpected Kiss at Gay Bar

In an unforeseen twist that has captured the attention of both fans and media, Leox Acheron Solace, renowned for his impeccable public image and spotless career record, was recently photographed in an intimate moment at a gay bar. The celebrated actor, known for a career marked by professional achievements and personal discretion, was seen kissing another man at Vien, a popular LGBTQ+ venue.

The incident, which took place last month, has ignited a wave of speculation and discussion. Eyewitnesses reported that Leox appeared relaxed and engaged in lively conversation before the moment was captured on camera. The images, which quickly spread across social media, show the celebrity in a passionate kiss with a guy, a situation that contrasts sharply with his previously unblemished public persona.

Leox has long been celebrated for maintaining a professional and private demeanor throughout his career. .

As of now, Leox has yet to address the incident publicly. The absence of a statement from his representatives has only added to the speculation, with fans and commentators dissecting the potential implications for his career and personal life. While some view the kiss as a simple, private moment that should not overshadow his achievements, others are questioning how this revelation might impact his image.

I've been reading the article on my phone for a couple of hours and I really can't remember what happened that night. I swear I really can't remember how and why did I kissed that guy which I really don't know who.

Ang tanging ala-ala ko lang sa lalaking iyon ay ang kanyang asul na mga mata. Kapag sumasagi sa isip ko ang mata na iyon ay parang may kung ano sa loob ko na gustong kumawala.

"Oh! Sinong bababa ng Lindenvale? Hinay-hinay lang tayo! H'wag masyadong magmadali! Labas muna ang mga nakaharang, sumakay na lang kayo pag nakababa na lahat! Lindenvale! Lindenvale!"

"Hinay-hinay lang po!"

Nakisama na ako sa mga pasaherong naglalakad papalabas ng bus. Wala naman akong malalaking maletang dala kaya hindi ako nahirapang makipagsiksikan kanina. Pero sobrang nakakapagod ang biyahe patungo rito.

Pagkababa ko ay dumiretso agad ako sa gilid ng kalsada at sumilong sandali sa isang shed, mabuti at wala masyadong tao na nakatambay dito.I'm wearing a cap and a mask dahil mainit pa ang issue tungkol sa akin na kahit sa isang lugar na katulad ng Lindenvale, na malayo sa siyudad, ay umabot. Paanong hindi, eh kahit saan sa mundo ka magpunta ay palaging nangunguna ang Crown Entertainment sa larangan ng showbusiness. Mapa-artists, movies or variety shows ay ito ang nasa unahan ng listahan.

Kaya nang sumabog ang issue ko ay nabulabog ang buong mundo. Paano eh isa ako sa artist ng Crown Entertainment and I've been maintaining my image as spotless as it could be. I've known for being exemplary.

"Hah!" Marahas akong nag buga nang hangin ng makita ang isang billboard na nasa mismong harapan ko pa.

It's about me and my existing issue. Talagang pina-billboard nila ah?!

"Naku, Kat pa'no ba 'yan? Ano na'ng mangyayari sa idol natin?"

Aalis na dapat ako at maglalakad na patungo sa isang pamilyar na eskinita, pero hindi ko itinuloy dahil sa dalawang babae na nakatayo sa hindi kalayuan. Nakatingala silang dalawa sa billboard.

"Sus, hindi naman bago ang ganyang issue. Isa pa, kaya lang naman naging issue 'yan dahil sikat siya. If ordinaryong tao lang si Leox, kagaya natin, ay hindi iyan magiging big deal."

I looked at the billboard once again and read the words written below my face. The fall of one of the CE's prince.

"But we already know that the community haven't really accepted the change. Ang dami pa ring hindi talaga tanggap ang mga taong katulad niya. They see them as a broken piece na kailangan e-repair."

"Ewan ko ba sa iba! Tao rin naman sila 'diba? They still have the ability to think rationally and the only thing that made them 'naiiba' sa lahat ay ang orientation lang nila. Parang point of view lang natin 'yah eh."

"Tama. We're all the same, human, but what made us distinct from each other are our personal perspectives or our own views in life. Parang ganyan lang 'yan."

Easy for them to say, but I admire their understanding on this kind of thing. I mean, not everyone can absorb such changes, especially if masyado silang literal kung mag-isip.

"Pero gusto ko malaman kung sino 'yung ka chuk-chakan niya, girl! Sayang lang at wala pang pres con si Leox."

I also wanna know who he is.

"Para magawan kaagad ng fun's club, divah?"

"Trooot!"

Lihim akong napangiti sa naging usapan nang dalawang babae. I don't know them personally but I really appreciate them. Hindi man lahat ay tanggap ako, but I'm still happy na may mga katulad pa rin nila na malawak ang pang unawa. I know I can't please everyone and make them understood me, pero knowing na may mga individual na nauunawaan ako ay nakunan ang bigat sa aking damdamin.

Pinapagtuloy ko na ang paglalakad patungo sa lugar kung saan ako lumaki. I grew up here in Lindenvale, pero no'ng eight years old ako ay lumipat na kami sa Quintessa dahil sa career ko.

Back then wala pang masyadong establishment dito at wala rin masyadong bahay. Tahimik na lungsod lang naman ang Lindenvale and what made this place unique from every other places around Maharlika, and the reason why I always choose this place to unwind, is because of their beautiful landscapes and the beaches as well. Palagi talagang na-fe-feature ang beaches ng Lindenvale dahil sobrang ganda ng sunset dito. Pero a side from the natural phenomena is magaganda rin at affordable ang renta ng bawat cottages, at isa pa ay dahil din sa masasarap na seafoods na hinahain sa bawat restaurants.

Malawak ang nasasakupan ng lugar at kilala rin ito bilang bagsakan ng mga seafoods. Actually may seafoods festival nga sila rito. I still remember when I was a kid palagi kami sa night market at paboritong bilhin namin no'n ay ang squid roll tapos may barbecue squid din.

Habang naglalakad ay lihim kong tinitignan ang paligid at mga establishments at agad na may mga ala-ala na sumasagi sa isipan ko. Sobrang tagal ko na rin palang hindi nakabalik sa lugar kung saan ako nanggaling.

My feet automatically stopped in front of a familiar blue gate made up of wood. Langhap ko ang hanging dagat mula sa kinatatayuan ko at ramdam ko na isinasayaw ng hangin ang medyo may kahabaan kong buhok. Rinig ko naman ang bawat pag hampas ng alon sa dalampasigan at ang mga huni ng ibon.

In front of me is our old house, and it is filled with memories that I treasured the most. Hindi ito kasing laki ng mga bahay na meron ako ngayon, normal lang ang laki nito. Dalawang palapag ito na may tatlong kwarto, dalawang banyo, isang kusina, at mayroon din itong hapag na kung saan sabay kaming kumakain noon. Kung hindi ako nagkakamali ay may basement ito tapos sa likod ay doon tinatambak ni papa ang mga collection niya.

Hindi ito binenta ni mama dahil sa parehong rason na meron ako.

"Hah!"

Sinimulan ko nang buksan ang gate at naglakad patungo sa pinto na kanina ko pa tinititigan. Walang binago si mama sa bahay, kahit ang kulay nito. Alam ko naman na malinis ang loob dahil may caretaker si mama na buwan-buwan dumadalaw dito at naglilinis. Kapag may sira ay agad pinapa-repair ni mama.

Dala ko naman ang susi kaya agad din akong nakapasok sa loob ng bahay. The moment I opened the door, a familiar scent met my nose and it brought me to my childhood. Agad akong napangiti nang muli ko na namang ma-alala ang kahapon.

Ang sahig at gawa pa rin sa narra planks at hindi ito magaspang. Inalis ko na ang mask at cap na suot ko at inilapag sa lamesa. In-on ko na rin ang aircon dahil masyadong mainit ang panahon at pawisan din ako dahil sa paglalakad. Pinagmasdan ko muna ang loob at napansin na may stock ako ng pagkain. May microwave rin at nang buksan ko ang hanging cabinet ay mayroon stock ng instant coffee, noodles, biscuits, loaf, palaman, at canned goods.

Sunod kong binuksan ang ref at bumungad sa akin ang mga laman nito, naka-on din ito.

"Alam ba nilang dito ako pupunta?"

Nang isara ko pabalik ang ref ay tumunog ang cellphone ko, it was my mother, agad ko naman itong sinagot.

"Ma!"

"Do you need anything? Ayos lang ba ang mga pagkain na nariyan? I also put some ice cream sa freezer, I know that is your comfort food kaya dinamihan ko na. Sa pantry naman naroon ang mga favorite desserts mo. Alam ko naman na need mo ang mga iyan kaya I made sure to put everything in there."

Hindi kaagad ako nakasagot. May idea naman akong siya ang may gawa nito, yet I still can't believe she did it for me.

"Thanks."

Iyan lang ang tanging nasabi ko.

"Are you okay?"

Alam kong gusto niya rin malaman ang buong katotohanan tungkol sa issue na mayroon ako ngayon, pero mas pinili niya pa rin akong tanungin kung ayos lang ba ako.

"Yeah, I'm fine."

"Well, that's good to hear. How's the weather there? Mahangin ba? Umuulan ba riyan ngayon?"

Sumilip ako sa pinakamalapit na bintana sa kinatatayuan ko.

"Mahangin pero walang sign na uulan."

"Mabuti naman kung ganon. Anyway, I still have work to do, son. Mag ingat ka riyan sa Lindenvale and don't worry about the neighbors, I already informed them about you."

"Ma a—"

"I just want you to be safe and in fact they are going to hide you from the media. They are old, but I can trust them more than your agency. I have to hung up na, bye!"

Binalik ko sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone at muling pinagmasdan ang paligid. After a few seconds, I decided to go to my old room para ilagay ang mga dala kong damit. Pagkatapos ay bumaba ako't tinungo ang kusina para magluto.

Ten o'clock na rin at hindi pa ako kumakain. I was starving and I don't have the energy to cook a more decent food kaya cup noodles na lang ang kinain ko. Sinabayan ko na lang ito ng tinapay. Pagkatapos kong kumain ay nag desisyon akong buksan ang social media accounts ko. Actually kanina pa vibrate nang vibrate ang selpon ko dahil sa rami ng mga text messages na natatanggap ko. Wala akong binuksan at binasa dahil nag pasya akong kalimutan muna sandali ang lahat.

After checking my accounts, flooded with messages from both people who support me and those who don't, I put my phone back in my side pocket. Nakaupo lang ako sa sofa habang nakatitig sa screen ng tv na nasa harapan ko.

I don't really know what I feel right now, but I am sure that I'm not angry. Wala rin akong planong magsalita pa tungkol sa issue ko. I know people  might call me a coward for hiding from everyone, but do I really have to?

Hindi ko naman pinagsisisihan ang ginawa ko, kaso parang nayanig ang buong mundo dahil sa issue at kailangan kong magpaliwanag sa buong mundo kung sino ang lalaking kahalikan ko.

"Hah!"

Marahas kong hinilamos ang mukha ko gamit ang dalawang palad at ginulo ang aking buhok. Hindi ako galit, pero frustrated ako ngayon.

I want to know who that guy was. I want to know the reason why we kissed that night. I mean, I know myself, and I don’t usually act impulsively, especially when I'm in a place that's crowded with people. I want to know why I was reckless that night.

"Am I too drunk?" I asked myself. "Fuck!"

I really don't have an answer. Was it his blue eyes that got me? Gagi!  Just because of his eyes? But the moment I remember those electric blue eyes, I get chills all of a sudden. It's like they sucked the remaining strength out of me.

"Who the hell is he?"

*****•*****

/ DAL LUBOMIR /

Mainit ang sikat ng araw ngayon at mahangin din. Malaya kong pinagmamasdan ang bawat paghampas ng alon sa dalampasigan. Dahil may kalakasan ang hangin ay medyo marahas ang bawat alon sa dagat. Pero kahit na ganito ay payapa pa rin para sa akin ang pakinggan ang tunog ng mga hampas ng alon. Ilang taon na ba akong hindi nakakauwi sa Lindenvale? Ten years?

Wala naman akong magandang ala-ala sa lugar na ito kaya wala akong planong bumalik. There's no place here that would remind me of happiness, puro pasakit lang. Tapos kaya rin lang ako bumalik dito dahil sa isang pangyayari na hindi ko naman ginawa.

Ewan ko ba! Malas ba talaga ako? Wala naman akong ibang ninanais kung hindi ang mag trabaho at mag pursige dahil tulad ng ibang tao ay may pangarap din ako.

Konting kibot ko na lang ay makukuha ko na ang pangarap ko, pero parang pinagkaitan na naman ako.

"Nothing will happen if you keep spacing out. The sea can't solve your problem so stop staring at it."

Napakurap ako nang may biglang magsalita sa likod ko. Nang lingunin ko kung sino ay bumungad sa akin ang pamilyar na pigura.

"Sinabi ko na h'wag mo akong sundan."

"Para ano? Para magawa mo na ang balak mo? Ano sa tingin mo ang mangyayari?"

Pagod akong humarap sa kanya. I tried to look at his eyes but I couldn't handle the emotion in there. Hindi ko makakayang makita ang mga emosyon na iyon dahil alam kong ako ang dahilan.

"You don't have to care."

I heard his drastic sigh that made me flinch. Galit na naman siya.

"You don't have to feel obligated."

"Shut the fuck up, Dal! If there will be one person in this world who actually cares about you, ako yun!"

Pinili kong hindi pakinggan ang sinabi niya at binalik ang atensyon sa dagat na katulad ko, hindi payapa.

All I could hear was his murmur.  Mas nanaig sa aking pandinig ang tunog ng malakas na alon na humahampas sa dalampasigan. In all honesty, what I am looking at now is a total masterpiece to capture, but I couldn't find a reason to capture it using my camera. Tila ba, nawalan ako ng interes.

I feel like an empty vessel walking through the void. Not knowing my exact destination.

"Umuwi na tayo."

Kahit rinig ko ang pag aya niya hindi ako lumingon. Uuwi? May uuwian pa ba ako? What I have in Lindenvale is not a house, it's a cage.

"Mauna ka na." Walang gana kong tugon at tumingin sa buhanginan. "Dito muna ako."

"Baka gusto mong magtawag ako ng mga tao para kaladkarin ka pabalik ng mansyon?"

Irritation is visible in his voice. Napupuno na rin siya sa akin dahil ilang linggo na rin akong ganito. Masisisi niya ba ako? Halos buong pagkatao ko ang nawala dahil sa iisang tao, na akala ko pamilya ang turing sa akin.

"Dal, isa!"

Marahas akong bumuga ng hangin at napipilitang sumunod sa kanya. Alam ko namang concern siya sa akin, pero nagiging oa na rin siya. Alam ko na inaakala niyang magpapakamatay ako kaya ako narito.

Pag dating namin sa mansyon ay agad akong nabalot ng katahimikan. Wala naman kasing ibang tao rito bukod sa aming dalawa.

"What do you wanna eat?"

"Mamaya na ako kakain," walang gana kong sabi at naglakad na patungo sa itaas kung nasaan ang kwarto ko.

I don't really know what to do now. I lost everything. Iyong mga paghihirap ko ay hindi ko magawang suklian dahil sa pangyayaring ito. Bakit ba ang hirap maging masaya sa mundong ito?

As I lay down on my bed, a sudden memory flashed in my head. I don't know what happened after that night, but I can't lie to myself. I was intoxicated by his presence and drowned in his scent. It was just for a couple of minutes, but he made me forget.

I don't know who he was, but I could feel, at that moment, that I was safe with him.

- B M -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top