Chapter 1

CHAPTER 1

/LEOX ACHERON SOLACE/

"It's a wrap!"

Lahat nagpalakpakan nang sabihin iyon ni direk. Everyone are happy clapping their hands, some are jumping knowing that we can now have eight hours of sleep. While I was just on the corner, watching everyone doing their own stuffs. Honestly, pagod ako to the point na tinatamad na akong ngumiti at batiin ang lahat. But I have a reputation to think about, so I have to act fine.

"Good job, Leox!" Bati sa akin nang kasama ko sa shoot na si Isaac. He's actually one of the spotlight of this movie, the dedicated detective who never gets tired of solving the crime that my character did. I have a good time working with him because of how professional he is. I never heard any complains from him when we had a rough fight on set.

"Same goes to you, Isaac!" Magiliw na bati ko rin sa kanya.

"I had a good time working with you. Pero lahat naman ng cast ay pawang magagaling."

Tama ang sinabi ni Isaac. The directors did find the great casts to portray the characters. I could say that this movie will gather a lot of awards this year.

"Leox!"

Sabay kami ni Isaac na napalingon sa babaeng tumawag sa akin. She's still covered with red stains all over her body, pero hindi pa rin nawawala ang angkin nitong kagandahan. She's smiling from ear to ear while walking towards me.

"It was nice working with you, Gerica." Si Isaac ang unang kumausap sa kanya na abot langit ang ngiti. "Sana makatrabaho ulit kita."

Gerica just smiled at nakipag shake hands sa kasama ko, but I could see her eyes penetrating on me. Actually kanina ko pa siya napapansin na nakatitig sa akin.

"Ako rin naman, Isaac. Sana makatrabaho ko kayong dalawa sa susunod," she said it with a sweet smile. "By the way, there will be an after party on Haven's Bar mga eight ng gabi, dapat nandoon kayo because you two are the spotlights of this project."

We both nodded our heads, iyon lang at tumalikod na ito pagkatapos mamaalam na magbibihis siya sa tent nya. Si Isaac naman ay umalis na rin dahil may event pa siyang pupuntahan.

It's still seven in the morning and the weather is so cold since we are having our last shoot here in San Dimartino at naka t-shirt lang ako na manipis at maong na pantalon. I still have the red stains on some part of my body and a fake wounds. Bago ako nagpasyang mag bihis ay tinungo ko ang tent ni direk. Pagpasok ko ay nakaharap silang lahat sa equipment na nasa gitna. Sa screen naka-play ang  scene na nangyari kanina. It was Isaac, Gerica and me. Gerica was lying on the ground, full of blood, unmoving while Isaac was busy walking on sticky mud, looking for Gerica, which happens to be his girlfriend. On the other side of the area was me, holding a bloody hammer, that I used to kill my last victim. The location was near the reservoir, and it was raining. Basa kami lahat at sobrang dumi rin ng buong paligid. But none of us was complaining while doing our scenes. Lihim akong napangiti nang makita ko ang buong pangyayari. It was so realistic.

The movie is entitled The Reservoir which is the place where the murderer throws his victims. Honestly, I did all the difficult parts. I have to act, think, and move like a psychopath. Sobrang hirap, but I did give justice to my character. Halos lahat ng scenes ko ay makalat, malagkit, at mabigat.

Lumabas na ako ng tent nila direk at pumasok sa sarili kong tent para mag bihis. Naka abang naman ang manager ko na si Kim at ang assistance nito na si Jeric, sa kabilang banda nang tent naman nakatayo si Bobby, my P.A.

"Good job, Leox! For sure Ikaw na naman ang magiging best actor sa taong ito!" Kim said while clapping his hands. "'Diba, Bobby? Nakita mo naman 'yung mga mata niya? Nangungusap! Nakakadala! Bagay na bagay sa'yo ang role mo this time, Leox!"

Napabuga na lamang ako ng hangin sa narinig. They are my number one supporters and the people who are always by my side. Hindi na sila na-iiba sa akin and I treated them as a family. Dalawang dekada na silang nagta-trabaho sa akin, kaya hindi na nakakapagtataka kung bakit sobrang kaswal na nila sa'kin.

"Truee! Binuhat mo lahat ng characters! Kung hindi dahil sa'yo, hindi maganda ang kahihinatnan nang palabas na ito!"

"Hep! That's enough. Everyone of us did our best and all of them are great. Hindi ko sila binuhat, it's just my character has a lot of scenes than them," singit ko at pinandilatan sila.

Hinubad ko na ang t-shirt na suot at kaagad naman lumapit sa akin si Bobby na may dalang wet tissue. Siya na ang nagtanggal ng dumi sa likod ko. Pagkatapos ay binigay nya sa akin ang isang itim na t-shirt at itim na jacket. Sobrang lamig kasi sa labas tapos basa pa ako kanina dahil sa fake blood sa buong katawan ko. After fixing myself, nag start na sila mag impake. Sinabihan ko na rin sila na sa bahay ko rito sa San Dimartino kami magpapahinga at bukas na kami babalik sa Quintessa dahil sa lamig ng panahon.

After everything else ay lumabas na kaming lahat sa tent. Hindi ko naman inaasahan na naka abang pala sa labas si Gerica. Nakapag-ayos na rin ito at nakasuot ng puting dress.

"Mauna na kayo," sabi ko sa mga kasama ko. Nang wala na sila ay hinarap ko ang taong mukhang kanina pa ako inaabangan. "May hindi ka pa ba nasabi sa akin?" Straightforward kong tanong.

Sobrang pagod na ang nararamdaman ko kaya atat na akong umalis at sumakay sa kotse, nang sa gano'n ay makapag pahinga ako. But she's delaying my crave of comfort.

"It seems like you're not really a kind man, Leox." Nakangiti nitong wika. Walang maraming mata sa area namin kaya malaya niya akong nahahawakan na walang nakakakitang ibang tao. She shamelessly put her filthy hand on my shoulder. Dahan-dahan nyang pinapagapang ang kanyang kamay patungo sa buhok ko, and I don't like what she's doing.

"Stop!" I firmly said in a low voice. "We're not on set, Gerica."

Tumawa ito ng mahina at humiwalay sa akin. "I know, I know. But people would think we're an item if they saw us this close. I mean, wala pang nababalitaan na may girlfriend or fiancé ka, this will be the first."

Napahilamos ako nang mukha sabay iwas sa kanyang mga mata, na kanina ko pa gustong dukutin. Ang mga katulad ni Gerica ang talagang iniiwasan ko sa industriya na ito. Sila 'yung tipong ng tao na umaaktong maamo kapag maraming nakatingin, pero kapag kayo na lang dalawa lumalabas ang tunay na ugali.

"I'm open for that kind of topic, but not with you. So please, excuse me I need to rest."

Akala ko makakawala na ako sa kanya, pero bigla nyang hinarang ang kanyang sarili sa mismong daraanan ko. Naramdaman ko ang pag dikit ng kanyang dalawang bundok sa dibdib ko at hindi ko maiwasang pumikit dahil nag-iinit ang ulo ko sa ginawa nya. Sobrang naiinis na ako kaso hindi ko siya pwedeng balewalain dahil for sure gagawa ito ng eksena na pagsisisihan ko sa huli.

"We make out once and I thought you like me! Bakit parang na amnesia ka, Leox?"

Napahilot ako sa sintido ko nang bumalik na naman sa aking isipan ang pangyayaring iyon. I composed myself, trying to controll my anger and to think rationally. Ayokong magkaroon kami ng issue ng babaeng ito.

"I was drunk and you forced yourself to kiss me. I did not kiss you back because you smell like a rotten herb," mahinang sigaw ko. "You still smell like a rotten herb, so please, lumayo-layo ka sa'kin."

I could see red on her face. Siguro naiinis siya ngayon na tinawang ko siyang mabaho. Naka kuyom na rin ang mga palad nito, at nagpipigil na rin siyang sumigaw sa galit.

"Honestly, you're just pretty pero hanggang doon ka lang. And please, learn to respect someone's privacy dahil nakakasira ka ng mood."

Napa-nganga ito sa narinig mula sa akin. Hindi siguro inaasahan ang mga naririnig. Masyado kasi nilang ginawang malinis ang image ko kaya marami ang nagtataka kung bakit ako ang may pinakamagandang reputasyon.

"Huh! We're all people-pleasers here so don't act high, Leox!" Iyan ang sinabi nya bago nya ako tinalikuran. Naiwan akong nakatayo habang paulit-ulit na nag re-replay sa aking utak ang sinabi nya.

People-pleasers huh!

I was a people-pleaser back then pero na realize ko na wala akong makukuha kong mananatili akong ganon. I do what my fans wants me to do, but not all the time, and I only do those stuffs na nakaka-benefit sa akin. I wont do silly stuffs just to please my fans, I'm not a puppet.

Iwinaksi ko na sa aking isipan ang kaganapan na iyon. Ayokong mas lalo pang masira ang araw ko dahil sa kanya. Nagmamadali kong tinungo ang kotse ko at kaagad sumakay nang pag buksan ako ni Kim mula sa loob. Napapikit na lamang ako nang maramdaman ang malambot na upuan sa aking balat.

Sa wakas!

"Ano'ng sinabi nang hitad na iyon?" Usisa bigla ni Kim. "Ilang beses siyang nag tangkang lumapit sa'yo."

Yeah I know, nakikita ko naman and I always find ways para hindi nya ako malapitan. Hindi naman sa takot ako sa kanya, pero kadalasan kasi sa mga personalidad na nali-link sa kanya ay nadadawit sa mga kabulastugang ginagawa nya sa buhay. Hindi ako papayag na sirain nya ang magandang image na ibinigay sa akin ng Crown Entertainment.

"Oo nga! Tapos ang lagkit pa kung makatingin!"

"Kung alam lang nya kung ano'ng klaseng isda ang kini-crave nya."

Nagtawanan silang lahat sa loob ng sasakyan habang masama ko silang tinignan isa-isa. Hindi naman ako galit, nagpapasalamat pa nga ako dahil hindi nila ako inisipan ng masama no'ng nalaman nila ang buong pagkatao ko. Bagkus ay mas sinuportahan pa nila ako.

"Hoy, may chika ako. Kilala nyo ba 'yung sikat na photographer?" Pag-iiba sa usapan ni Jeric habang nagmamaneho.

"Oooh nakilala ko siya no'ng may photoshoot si sir Isaac. Sobrang galing nga no'n eh! Tapos sobrang bait pa," sagot ni Bobby. Nagtataka naman ako. Kailan siya sumama kay Isaac sa isang photoshoot? Hindi ko alam ito.

"Well, baka nagkakamali ka sa part na mabait siya, Bobby dahil may issue siyang kinakaharap ngayon. Siya nga ang laman ng social media accounts ko."

"Gosh! Is this real?" Nagulat ako sa biglang pag sigaw ni Kim na katabi ko lang. She's looking at her phone and she's reading an article about the said photographer.

I've never met him, but I've heard a lot of good comments about him. Maganda rin daw ang mga gawa nya. Sa pagkakaalam ko ay may big project na naghihintay sa kanya and siya ang representative ng agency nya. It's a certain competition about photography.

"Who knows what really is happening. Pero sa ganitong klase ng issue ay mahirap pagkatiwalaan ang parehong panig. We know already how this industry works behind the curtain."

I agree what Bobby said. Kaya nga doble ingat ang ginagawa ko araw-araw. Sumilip ako sa binabasa ni Kim, hindi ko nakita ng buo ang mukha nang photographer, I only saw his tattoo on his right hand and the words under his picture.

..was said to harm his friend and tried to rape her...

- BM -

[ Thank you for reading! Don't forget to vote and comment! Have a great day!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top