Chapter 3
HAWAK ko ang polo niya na nasa dibdib ko habang kakaba-kaba akong pababa ng hagdanan.
Hindi ko alam kung ano ba'ng iisipin ko o kung ano ba'ng dapat kong gawin sa mga oras na ito. Makailang beses ko na rin minura si Jice sa utak ko dahil isinugo niya ako sa ganitong klase ng trabaho na hindi ko malaman kung killer ba ang amo ko o may tama sa ulo—pero sobra namang pogi nito para magkatama lang sa ulo, hayst!
Nang narating ko ang labahan ay agad kong hinagis lang doon ang polo niya. Wala akong balak na labhan iyon dahil hindi ako labandera.
Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa mga sinabi niya kanina sa akin. Ayaw kong matakot pero sobrang detalyado ng pagkakasabi niya na para bang naroon siya mismo sa pinangyarian ng krimen o . . . siya mismo ang pumatay. Nakakapag-overthink, putcha!
Umagang-umaga pero sobrang problemado ko na. Kadarating lang niya pero parang bagyo agad ang dala niya.
Tumungo ako sa kuwarto ko at nang madaanan ko ang sarili ko sa salamin ay doon ko lang napagtanto na mukha pala akong magbabasura. Pagkatapos ng lahat ng nangyari kanina, mukha pala akong nababaliw na—pero maganda pa rin ako.
Ang bilis kumalma ng pagkatao ko kahit parang marami akong pagdududa. Siguro talent ko talaga 'to—ang maging gagang tapang-tapangan. Malaki ang chance na ma-murder ako sa style kong 'to.
Kinuha ko ang tuwalya ko at agad tumuloy sa banyo. May sariling banyo naman itong kuwarto ko kaya hindi na kami magtatagpo ng amo kung sakali.
In-enjoy ko ang mainit na tubig sa katawan ko habang naliligo. Sa lamig sa labas dahil sa lakas ng ulan at may sira-ulo pa akong amo, magandang reward na rin ito sa sarili ko.
Nasa kinse minutos din siguro akong naligo bago ako lumabas ng banyo. Nagtapos lang ako ng tuwalya. Pinagpag ko muna ang paa ko sa basahan bago ako sana maglalakad papunta sa cabinet ko nang makaramdam ako ng presensiya.
Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko ang boss ko na walang pang-itaas na damit at nakaupo sa kama ko habang ang dalawang kamay niya ay nakatukod sa papatalikod.
Putcha naman talaga! Paano naman hindi aakitin ang isang ito ng mga nauna sa akin! Palay na ang lumalapit sa manok, sino ba naman ako para mang-snob—Vinn, punyeta ka! Hindi ka bibigay. Hindi ka malandi! Baka tine-test ka lang niyan!
"A–ano'ng ginagawa mo rito?" walang modo kong tanong.
Imbes na sumagot sa akin ay tinitigan niya lamang ang kabuoan ko na parang jina-judge na naman niya ako.
Hoy! Maganda ang curves at bumper ko!
"Ano ika kong ginagawa mo rito?! K–kahit boss kita, mali na pumasok ka sa kuwarto ko—"
"This is my room," malalim ang boses na sagot niya sa akin.
Pinangunotan ko siya ng noo at parang gago akong nakalimutan na nakatapis lang pala ako ng tuwalya dahil lumapit ako sa kaniya at namaywang. "Excuse me? Walang nakalagay na pangalan mo sa harapan ng pinto. Wala ring kahit anong gamit 'to noong in-occupy ko! Boss kita pero mali na angkinin mo—"
Bigla siyang ngumisi sa akin at naroon na naman ang mga mata niyang sobrang lalim kung tumingin kaya't napahinto ako sa pagsasalita.
Bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo at muli ay nanliit na naman ako nang tapatan niya ako. Hindi ako katangkaran, mga 5'6 ft. lang ako.
"P–problema mo?" utal na tanong ko. Nawawalan talaga ako ng modo sa kaniya. Sukat ba naman tutukan ako ng kutsilyo sa first meeting namin, 'di ba? Oo na, putcha! Ako na ang naunang nanutok!
Bigla niyang itinaas ang kamay niya na para bang hahawakan niya ang mukha ko kaya't agad akong kinabahan—ngunit mali pala ako. Itinaas niya lamang ang kamay niya na parang may iminumuwestra siya sa ere na sinusukat na hindi ko maipaliwanag.
"She's around 5'2 feet," aniya at naitagilid ko ang ulo ko sa narinig kong sinabi niya.
"5'6 ako! Pinagsasasabi mong 5'2?!"
Hindi niya ako sinagot. Pabagsak siyang muling naupo sa kama ko at nagde-duwatro pa na akala mo judge siya sa Victoria Secret fashion show at ako ang model na tapis lang ng tuwalya ang damit.
"I asked you to get my bath ready. Did you hear me right or you readied yourself for me?" tanong niya sa akin sa blangkong emosyon habang parang gusto na naman akomg kontrolin ng abo niyang mga mata.
"U–utang na loob! Lumubay ka! Magbibihis ako! A–ano'ng pinagsasasabi mo! H–hindi kita type, duh!"
Putcha! Forda utal ang ferson dahil nagsisinungaling! Paanong hindi ko siya type, e, willing nga akong luhuran siya—joke lang! Hindi ka malandi, Vinniece Jan Saavedra!
I saw him smirked as if he was mocking what I said at naiintindihan ko. Kahit ganiyan ako kaguwapo at may nagsabing hindi ako type at nauutal pa, iisipin ko talagang nagsisinungaling sa akin, e.
Tumayo siya mula sa kama at sandaling luminga-linga sa paligid na para bang may hinahanap sa kuwarto ko.
"David and his innate meddling trait, tssss," aniya at naglakad na palabas ng kuwarto ko na para bang wala na naman siyang ginawang mali at masama.
Kaunti pa talaga, Lancelot Haunter Lewis, isusumbong na kita DOLE!
NASA sala ako ngayon at kaharap ang laptop habang nag-e-encode na naman ng mga number na hindi ko malaman kung para saan. Nakataas ang mga paa ko sa lamesita sa harap ko habang nakapatong ang laptop na may unan sa hita ko.
Malakas pa rin ang ulan sa labas pero hindi na kasing lakas kagaya sa ulan kanina. Nakahawi ang kurtina ng malaking bintana sa tabi ko kaya kita ko pa rin ang buhos ng ulan pero this time, wala naman nang kidlat.
Hindi ako pa ako nanananghali dahil wala akong balak magluto. Hindi ako labandera niya, mas lalong hindi niya ako kusinera. Kung magutom siya, problema na ng mga bulate niya sa tiyan iyon.
Kumukrug-krug na rin ang tiyan ko pero matiisin naman akong tao huwag lang akong mautusan. Mapapagtiyagaan ko pa 'tong chichirya na binuksan ko kahit paano.
Nasa ikalawang pahina na ako ng ine-encode ko nang makita ko siyang pababa ng hagdanan.
Nakabihis siya. Naka-navy blue long sleeves siya at black pants. Naka-black shoes din siya na alaga sa kintab. Mukhang ang bango-bango niya dahil abot na abot sa akin ang pagka-fresh niya.
Hindi ko ni-ready ang panligo niya dahil gaya nga ng sinabi ko, hindi niya ako maid. Matigas ako, duh!
Akala ko ay magtutuloy siya sa pinto pero—izza prank, amp! Sa akin siya dumeretso. Namulsa siya sa harap ko at tiningnan ako nang mataman.
Gandang-ganda ba 'to sa akin? Naka-short akong maong na maiksi at loose shirt na itim. Walang maganda sa akin sa mga oras na 'to. Mukha akong nanay na kapapanganak.
"A–ano na naman?!"
Wow! Forda utal na naman ako sa nakaka-intimidate niyang tingin, putcha!
"Get dressed," utos niya sa akin para bang aso ako na mapapasunod sa two words niya lang.
"Saan naman tayo pupunta—"
Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil mabilis niya akong tinaliluran. Tamo 'tong isang ito! Bastos din kaya nawawalan ako ng modo.
Ibinaba ko ang laptop matapos kong i-save ang mga nagawa ko na. Agad akong tumakbo sa kuwarto ko at mabilis na nagpalit ng damit. Mabilis talaga akong kumilos kasi halata sa kaniya na iiwan niya ako kung babagal-bagal ako.
Pero . . . wala naman siguro siyang balak na murder-in ako, 'di ba?
Nagsuot lang ako ng pulang t-shirt, maong na fitted na pantalon at white shoes, saka na ako bumaba.
Nakita ko siyang nasa harapan ng pinto. He stared at me for quite sometime before he smirked mockingly. Aba'y sira ulo talaga 'to. Pogi lang, may sira naman sa ulo.
Sinunan ko siya nang lumakad siya papunta sa likod ng bahay. Bigla niyang iniumang ang braso niya sa mga halaman at sa gulat ko ay bigla na lamang bumukas ang akala ko noong una ay simpleng pader lamang at nakita ko ang sobrang garang sasakyan. Hindi ako mahilig sa mga sasakyan kahit na maraming sasakyan sa bahay. Nasabi ko ngang ang sasakyan ko ay nabili ko sa halagang seventy thousand lang.
Sumakay siya roon at sumunod naman ako. Halatang walang ka-gentleman-gentleman ang boss ko kaya hindi na ako umasang ipagbubukas niya ako ng pinto.
"Saan ang punta natin, Bossing Sir?" tanong ko sa kaniya nang nasa daan na kami pero imbes sumagot, mas pinabilis na lang niya ang pagpapatakbo niya. "Putcha! Dahan-dahan naman! Mag-aasawa pa ako at magkaka-anak! Ang dulas-dulas ng daan, para kang . . ."
"What?" GAGO! IYON LANG PAMBIBITIN KO PALA NG SALITA ANG MAKAKAPAGPASALITA SA KANIYA?!
". . . demonyo," halos bulong na sagot ko.
"I told you, I am," kaswal na sagot niya sa akin ay nakita ko ang nakakatakot na ngisi sa mga labi niya.
"Bossing Sir, totoong ikaw naman ang totoong Mr. Lewis, 'di ba? Magso-sorry na ako ngayon sa panunutok ko ng kutsilyo. Kasalanan mo naman 'yon kasi hindi ka nagpakilala kaagad. Magpapakabait na 'ko sa 'yo basta ayusin mo iyang tabas ng ulo mo. Hindi ako mabait na tao, Bossing Sir, pero pipilitin ko kasi mataas kang magpasuweldo," panimula ko at wala man lang akong nakuhang reaksyon mula sa kaniya.
Tuod yata ang isang ito. Magaling lang 'to sa pagngisi-ngisi.
Hindi ko na alam kung saan kami nakarating, kumukulo na talaga ang tiyan ko sa gutom. Kakainarte ko kasi ito na hindi ako kusinera, e.
May nakita akong nakasulat sa hinuntuan namin na Lake Woodern kaya para akong binundol ng kaba sa dibdib.
Dito natagpuan ang bangkay ng babae sa radyo!
Putcha! Ganitong-ganito ang mga napapanood ko sa tv, e. Iyong bang ang killer ay bumabalik sa crime scene na parang hindi siya ang pumatay at parang walang nangyari.
Bumaba ang boss ko sa sasakyan niya st bumaba rin ako na pinagsisihan ko. Putcha! Nakaputing sapatos ako tapos puro putik ang binabaan ko!
Makikiusyoso ba ang isang ito para sa bago niyang libro? Hindi ko alam na ito pala ang interes ng mga pyschology book writer—o baka siya talaga ang pumatay—utak mo na naman, Vinn, putcha ka!
Nakita kong lumapit siya sa mga pulis at tiningnan lamang siya nang mataman ng mga ito. Para kasing gago. Boss na boss ang dating, e, hindi naman yata siya kilala.
Sa totoo lang, hindi naman ako mahilig talagang magbasa ng libro pero mukhang sikat talaga itong boss ko kasi maraming fans, e.
"Mr. Lewis," ika n'ong isang pulis yata 'yon na naka-maong na jacket. Hindi naka-uniform, e, pero base sa pagkalabundat ng tiyan, halatang pulis—o baka detective. Malay ko ba sa category ng mga iyan. Tanungin ako sa category ng brandy at beer, mas madali kong masasagot.
Mali pala ako, kilala pala ang mokong.
Hindi siya sumagot nang tinawag siya n'ong pulis. Dumeretso lang siya doon sa maraming-maraming kumpol ng pulis kaya sumunod ako.
"Ma'am, bawal po kayo rito," harang sa akin ng isang pulis na isa pang bundat kaya sinamaan ko ng tingin.
"Boss ko 'yon. Kasali ako," bida-bidang sabi ko at bigla ko siyang nilayasan kaya hindi niya na ako napigilan.
Halos bumaliktad ang sikmura ko kahit wala pa naman akong nakakain nang makita ko ang patay na bangkay ng babae na kasalukuyang parang inaanalisa ng mga taong nakabalot ng puting PPE.
Halatang binrutal ang babae at pinahirapan. 'Tang inang mga tao 'to! Halang ang mga kaluluwa!
Pinilit kong titigan ang babae kahit na sukang-suka na ako at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
Wala ang isa niyang tainga.
"She lost her ear because that what made her a sinner."
Parang nanginig ang tuhod ko sa naalala kong sinabi ni Mr. Lewis.
May lumapit na pulis doon sa lalaking naka-maong na jacket kaya't napabaling doon ang atensyon ko. "Sir, according to the initial investigation, malaki ang chance na pagnanakaw ang intensyon ng krimen dahil mayroong diamond necklace ang biktima bago ito mawala."
"The woman is missing the necklace she was wearing before she got killed. The killer took it as a souvenir along with her ear. A good riddance I must say."
"Hindi rin nakapanlaban ang biktima dahil masyadong malaki ang suspek na nasa 6 feet ang taas kumpara sa biktima na 5'2 feet lamang ang height."
"She's around 5'2 feet."
Unti-unti ang paglala ng panginginig ko at takot na bumabalot sa akin.
Bumaling ang isa sa mga nakaputing PPE doon sa lalaking naka-maong na jacket at nagsalita. "She was stabbed in the neck but that didn't kill her."
"The knife went here at first . . but that was not the vital point that killed her."
"Ano'ng ikinamatay niya?" tanong muli ng pulis.
"It was when the knife was stabbed in her submental space," sagot ng nakaputing PPE at doon na tuluyang nayanig ang buo kong pagkatao.
"This . . . her submental space was the vital point. She took her last breath when the killer hit this spot."
Napaatras ako at napatutop sa mga labi ko sa reyalisasyon at gulat sa mga narinig ko. Nilingon ko si Mr. Lewis at sa hindi ko malamang dahilan ay nilingon din ako nito, saka . . . nginisihan.
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Yieeeeee. Kinakabahan ako. HAHAHAHAHAHAHA!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top