Chapter 2
SAKAY kami ng sasakyan ni Jice habang binabagtas namin ang daan papunta sa bahay kung saan ako mag-isang maninirahan. Literal na puro puno at walang kabahayan ang dinadaanan namin kaya parang nakakpag-overthink.
Ang lala pa naman ng trust issues ko at mapag-overthink ako. What if may tumalon na polar bear? Or may humabol sa amin na giant alligator? Or may kasing laki ni Kingkong na biglang suntukin itong sasakyan?
"Shutangena, kahit hindi ka nagsasalita, alam kong may masama sa iniisip mo dahil sa tabas ng pagmumukha mo, Vinniece!" ani Jice, saka pa ako nilingon.
Inismiran ko siya at bumaling ako sa bintanan sa may tabi ko. "Siguraduhin mong hindi ko ikakamatay 'to at literal lang akong mag-aayos ng mga papel para pipti kyaw, kung hindi talagang sasamain ka sa 'kin!"
Narinig ko siyang tumawa kaya bumaling ako sa kaniya. Nakakairita talaga ang isang ito. Wala na ngang kwentang kausap, wala pang kwentang kaharap.
"Seryoso nga ako! Mabait 'yang si Mr. Lewis. Mahirap lang kausap pero keribumbum na. Magkakapanisan kayo ng laway kasi tahimik pero importante mataas magpasahod," paliwanag niya na hindi ko naman hinihingi. Para talagang shunga 'tong pinsan kong 'to. Hindi ko alam saan nagmana ng utak, matalino naman ang tito Dylan.
"Iyon nga ang nakakataka. Ang taas magpasahod tapos simple lang ang gagawin. Parang Hansel and Gretel na patatabain, saka iluluto? Putcha, Jice, ang ganda ko para ialay!"
"Shutangena, Vinn! Ano namang alay?! Gaga!" buwelta niya pabalik sa akin.
Tinampal ko nang bahagya ang kamay niyang nasa kambyo at sandali niya akong nilimgon. "Ikaw ngang gago ka, umamin sa akin. Paano mo nakilala iyang magiging boss ko, ha? Imposible naman na makilala mo 'yan nang basta-basta dahil hindi ka naman mahilig sa mga sosyalan. Pang kanto gaming ka lang, e."
Nakita kong parang bahagya siyang hindi malaman ang isasagot sa akin. Noon ko pa pinaghihinalaan ang pinsan ko na 'to na baka miyembro ng sindikato, e. Paano ba naman ang bilis kumilos at parang laging kalkulado ang galaw—o baka TH lang talaga ako.
"Ah . . . eh . . . kakilala kasi 'yan ng boss ko sa Phyrric. 'Di ba nagtatrabaho ako ro'n sa agency na nagha-hire ng mga kasambahay? Doon namin nakilala 'yan si Mr. Lewis. Kliyente 'yan," sagot niya at kahit na kaduda-duda talaga ang bibig niya, wala akong magagawa kung hindi maniwal. Fifty thousand buwan-buwan ang nakataya rito, wala akong karapatang mag-inarte.
Malayo-layo na rin ang nalalakbay namin nang marating namin ang isang napakalaking bahay na napapalibutan ng napakaraming puno at halaman. Literal na mansyon ito sa gitna ng kagubatan.
Tinulungan ako ni Jice na ibaba ang mga gamit ko. Grangster ang mga magulang ko. Wala man lang kahit isa sa kanila ang naghatid sa akin dito.
Porke't bente sais na ba ako, itatapon na lang nila ako? Wow, ha? Parang hindi sinabi ng nanay ko na baby niya ako kahit pa maging sitenta ako. Mga plastik talaga ang mga magulang kong walang sexy time.
"Lalayas na ako. May mga pagkain na diyan sa ref. May magde-deliver naman sa 'yo lagi ng pagkain kada isang linggo kaya hindi ka magugutom. Ikaw na ang bahalang mag-explore sa bahay. Kaya mo na 'yan, gudbay!"
Himdi man lang niya hinintay na um-oo ako, lumayas na agad ang sira-ulong iyon at talagang iniwan akong clueless sa mga gagawin ko rito.
Siguro naman may instruction na kaya bahala na.
MABILIS akong naka-adjust sa pamumuhay ko rito kahit na ilang araw pa lang. Luto ko, kain ko. Kalat ko, linis ko.
Noong unang beses akong dumating dito, may maliit na note akong nakita sa table ko na may nakasulat na:
You will do nothing in this house except from arranging everything that will be sent to you and the following:
1. Proofread Mr. Lewis' works.
2. Arrange his notes.
3. Encode the things he needs you to encode through his own website. His website is the only website you can access using the laptop beside this note.
4. Do not ever go to the 3rd floor. It is Mr. Lewis' working area. He doesn't want anyone entering his working space.
5. Cook whatever you like, just always maintain cleanliness.
6. Do not ask questions to Mr. Lewis.
7. LASTLY, whatever you see, whatever you hear, you must keep it all to yourself.
Sign here if you agree: _______________
This is David Blant, his secretary.
Noong una ko talagang mabasa 'yan, ang una kong naisip ay baka drug lord ang magiging amo ko. Daming demand—though keri lang mag-demand kasi mataas naman siyang magpasahod pero syempre iyon nga at mapapaisip ka talaga.
Nasa kusina ako ngayon at ang lakas-lakas na naman ng ulan. Para akong laging nasa Wetland sa lugar na ito. Mas madalas pang maulan kaysa makita ko ang araw.
Nag-aayos ako ng lulutin ko nang makarinig na naman ako ng balita sa radyo. Lagi ko talagang sinisindihan 'yan dahil nakakabingi ang katahimikan dito.
"Isang bangkay ng bata ang natagpuan na walang ulo malapit sa may daungan ng mga bangka. Inaalaam pa ng mga awtoridad kung ano ang maaaring sanhi ng pamamaslang. Wala pa ring nahuhuling suspek hanggang sa mga oras na ito."
"Matatakot ka na lang talaga sa nangyayari sa mundo, pucha! Pahalang nang pahalang ang mga kaluluwa ng mga tao!" sentimiyento ko.
"Ganoon talaga, either ginagawa nila iyan para sa pera o para sa self contentment," anang isang tinig at paglingon ko ay may nakita akong lalaking may katangkaran. Naka-suit ito at may hawak na briefcase. Gago, mukhang abogado! Baka may nalabag ako!
Tinutok ko ang kutsilyong hawak ko dahil iyon ang sabi ng reflexes ko. Mahirap na at kailangan kong protektahan ang sarili ko.
"Sino kang kupal ka at paano kang nakapasok?!" tanong ko at sinagot lamang ako nito ng tawa na malakas.
Masamid ka sanang gago ka!
"Put that down, Ms. Saavedra. I am David. I was the one who wrote the instruction and I am Mr. Lewis' secretary," paliwanag nito sa akin at nakahinga ako ng maliwag.
Ibinaba ko ang kutsilyo at tinapunan siya ng mapanghusgang tingin.
"Sa wakas naman po ay nadalaw na ninyo ako. Tagal ko po kayong hinintay sa totoo lang. Nakuha kong nabobo sa pag-encode sa website ng boss mo, mabuti po at ang bilis kong matuto, 'di ba po? Kung hindi po siguro ay pareho na po tayong walang trabaho ngayon po," buwisit na wika ko at alam kong ramdam niya 'yon pero tinawanan na naman ako ng putchakan na 'to.
"I know you can do it," sagot nito matapos tumawa at naupo sa harapan ko. "Lagi mo naman ine-encode ang mga papel na pinadadala sa 'yo?" tanong nito at tinaasan ko ito ng isang kilay.
"Kahit po nakakabobo, iyon lang naman ang gagawin ko at pampalipas-oras ko rito kaya lagi ko pong ginagawa. Nakaka-stress man ang puro numbers po, pero opo, lagi ko naman pong nae-encode."
"Let's drop the po, Ms. Saavedra—"
"Vinn na lang. Nai-stress na 'ko. Huwag mong dagdagan," putol ko at tumawa na naman ang lintek.
Mukha ba 'kong komedyante?
"Okay, Vinn."
"Bale ano nga ang ipinunta mo rito?" straight forward na tanong ko. Alangan namang magpaligoy-ligo pa kami, 'di ba?
"So iyon nga. Mr. Lewis will be publishing a book the soonest. Ang gusto niya ay siya mismo ang mag-handle ng book. One of these days, baka umuwi siya from America pero hindi ko naman alam kung dito siya tutuloy. Inihahanda lang kita. He's actually hard to deal with. Before you, thirty-eight persons na ang nasisante niya. Aside from they are not good with their works, they always seduce Mr. Lewis."
Ay, pak! Hot fafa pa yata ang amo ko, putcha. May pa-seduce ang mga nauna sa akin. Ano ba sila? Agogo dancer?
"Wala po akong balak magka-jowa—"
"Nasasabi mo lang iyan ngayon na hindi mo pa siya nakikita—"
"Nasasabi ko 'to kasi hindi ako malandi, Sir David." Tumawa na naman ang gago sa sinabi ko. "Kung malandi ako, pinatos ko na sana ang hinihinging apo ng mga magulang ko. Rest assured na hindi ko lalandiin si Bossing Sir."
"That'a good thing to hear, Vinn. Ito nga pala ang initial payment mo," anito sa akin at inabutan ako ng sobreng kulay puti.
Binuklat ko iyon at bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa lilibuhin na nakita ko. Alipin na alipin ng salapi ang dating ko, putcha! Pero kiber, alipin naman talaga ako ng salapi.
"Thank you po rito, Sir David. Gagalingan ko pa, don't worry."
"I will be going now. Baka hindi ako makauwi sa lakas ng ulan," anito at tumango lang ako.
Hindi ko siya hinatid palabas. May paa naman siya noong nakapasok siya, kaya may paa rin siya para makaalis.
Inamoy-amoy ko ang pera bago ko muling tinuloy ang niluluto ko.
Ako lang ba o nakakagana talaga ang amoy ng mga lilibuhing pera? Putcha! Sa pera na lang ako kinikilig!
(NOTE: HINDI ITO NAULIT. DITO MAGTATAGPO ANG PROLOGUE AT CHAPTER.)
ISANG buwan na ako sa trabaho ko at so far wala pa rin akong nagagawang maganda sa buhay ko. Bored na bored na ako rito pero dahil malaki ang pasahod, napagtitiyagaan ko.
Naghihikab akong kasalukuyan nang bigla na lamang akong makarinig ng sunod-sunod na pagkatok mula sa main door sa ibaba. Napalingon ako sa bintana ng kuwarto ko at may kalakasan na pala ang ulan sa labas.
Mabilis akong bumaba ng hagdanan. Nang marating ko ang main door ay sumilip muna ako sa peephole. Mahirap na at nasa sobrang liblib na lugar ako, hindi pa ako ready na ma-massacre. Nakakita ako ng lalaking nakatalikod na nakaputing mahabang manggas.
Hmmm . . . hindi ito si Mario na normal na nagde-deliver dito.
Binuksan ko ang pinto ngunit hindi bukas na bukas para maisara ko naman kung sakaling babalakan ako ng masama.
"Ano ho'ng kailangan nila?"
Unti-unti ang naging paglingon nito at para akong natanga sa oras na ito. Kalait-lait ang itsura ni Mario, pero ang isang ito . . . kalangit-langit, shet!
Ang tangkad niya, mga six footer mahigit siguro ito. Maputi. Ang kapal ng kilay. May kapungayan ang mga mata na kulay abo. Sobrang tangos ng ilong na para bang nagmamainam, at sobrang pula ng maninipis niyang mga labi.
Hindi ito nagsalita, bagkus ay marahang itinulak ang pinto ngunit nagmatigas ako kahit pa guwapo siya. Hindi pa ako ready na mamatay.
"Hindi ako basta nagpapapasok ng tao rito—"
"Open the door." Three words. Putcha three words lang pero parang nakakapanlambot na siya ng tuhod.
"Bubuksan ko lang 'to kapag nalaman ko kung ano'ng pakay mo. Malay ko kung balak mo 'kong patayin," sagot ko kahit pa malaking-malaki ang chance na mautal ako. Tapang-tapangan talaga ako, e.
Imbes sumagot ay tinitigan lamang ako nito nang mariin na para bang kung puwede lang akong mamatay sa titig niya ay bumulagta na ako ngayon.
"Open the goddamn door," kalmadong muling wika nito pero para bang may mga kasamang balisong iyon sa sobrang lakas ng dating.
"S–sino ka muna kasi—"
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lamang niyang tinulak nang marahas ang pinto kaya't bahagya akong napatalsik palayo.
"I don't like repeating my words, lady."
Pumasok ito ng bahay at nagtuloy-tuloy sa may hagdanan. Tinitigan ko ang kabuoan niya at doon ko lamang napagtanto ang suot niyang damit. Hindi naka-tuck in ang polo na suot niya, nakaitim na pants siya, at wala siyang sapin sa paa dahil may kakaunting putik ang mga iyon. Gusto ko siyang pigilan sa pag-akyat ngunit para akong naestatwa sa klase ng tingin na bigay niya dahil nakalingon na pala siya sa akin.
Nang mawala siya sa paningin ko ay pumailanlang bigla ang radyo na lagi namang nakabukas.
"May natagpuang isang bangkay ng babae malapit sa Lake Woodern. Kasalukuyang iniimbestigahan ang naturang krimen. Wala pa di-umanong pagkakakilanlan ang babae ayon sa mga otoridad at hindi pa malaman ang sanhi ng brutal na pagpatay."
Agad gumapang ang kilabot sa pagkatao ko sa narinig ko kaya't tumakbo ako sa kusina para kumuha ng kutsilyo bago ako sumunod sa taong iyon sa taas. Malapit lamang dito ang Lake Woodern kaya't tila ako niyanig sa narinig ko.
Nanginginig akong nakarating sa 2nd floor at isa-isang binuksan ang walong mga silid pero wala siya sa kahit alin man sa mga iyon.
Napalingon ako sa itaas at kumabog ang dibdib ko. Ang nasa 3rd floor ay ang opisina daw ng amo ko kung saan ito nagsusulat ng mga akda nito na pinakabawal kong pasukin. Ano naman ang pakay ng taong iyon doon?
Dahan-dahan akong umakyat habang mariin ang hawak ko sa kutsilyo. Nanginginig ako pero kailangan kong lakasan ang loob ko dahil wala namang magliligtas sa akin kung sakali. Malayo ako sa kabihasnan. Kung tatakbo man ako ay mamamatay lang ako sa labas dahil wala naman akong kapitbahay lalo pa't may kalakasan na rin ang ulan.
Narating ko ang nag-iisang silid sa 3rd floor. Pinakiramdaman ko muna ang paligid bago ko sinipa ang pinto. Ngunit bago pa ako makapasok ay may bigla na lamang humatak sa akin papasok at mabilis na naagaw ang kutsilyo sa akin. Marahas akong isinandal ng humatak sa sa akin sa cabinet na naroon at saka itinutok ang kutsilyong kaninang hawak ko sa may leeg ko.
Nanginginig ako sa takot ngunit tila binabalot ako ng kakaibang pakiramdam ng mga titig niya. Para akong nilalamon ng mga iyon.
"S–sino ka?! A–ano'ng kailangan mo at ano'ng ginagawa mo?!" Tapang-tapangan na lang talaga ako. Wala na akong ibang magagawa sa sitwasyon ko.
"The knife went here at first . . ." aniya at saka marahang pinagapang ang talim ng kutsilyo sa leeg ko. ". . . but that was not the vital point that killed her."
"Ano'ng sinasabi mo?!" gulong-gulong wika ko.
Muli niyang pinagapang ang kutsilyo patungo sa tainga ko at ramdam ko ang lamig ng talim ng kutsilyo maging ang malamig na butil ng pawis na namumuo sa noo ko.
"She lost her ear because that what made her a sinner," patuloy niya at nagulat ako nang ibaba niya ang tulis ng kutsilyo patungo sa ilalim ng panga ko. "This . . . her submental space was the vital point. She took her last breath when the killer hit this spot," aniya bago lumayo sa akin at binitiwan ang kutsilyong hawak niya.
Namulsa siya, saka ako nginisihan. Ngisi iyon na tila gusto niya akong angasan at usigin.
"Walanghiya ka!" sigaw ko sa kaniya dahil sa takot na naramdaman ko at napu-frustrate ako sa mga inaakto niya!
"You're officially hired, Vinniece Jan Saavedra," walang emosyong sabi nito at tila natuod ako sa narinig ko.
"I–ikaw ba si—"
"Lancelot Haunter Lewis—your boss."
"S–sinungaling! Pogi ka, oo! Pero h–hindi mo 'ko madadaan sa kapogihan mo!" singhal mo rito kahit pa utal-utal ako.
Binigya lamang niya ako ng nakakalokong ngisi bago siya naupo sa swivel chair na naroon.
May kinuha siya sa ibabaw ng mesa at pinaglaruan niya iyon sa mga daliri niya—dart.
Nilingon niya ako sandali at parang nanginig lalo ang mga tuhod ko sa kaabohan ng mga mata niyang parang gusto akong lupigin. Sobrang lalim kung tumingin pero hindi mo mababasa ang nais iparating.
Halos maituwid ko ang pagkakatayo ko nang bigla na lamang niyang ibato ang dart na hawak niya sa gawi ko at wala akong nagawa kung hindi ang mapapikit.
Nang maramdaman ko na walang nangyari sa katawan ko ay dumilat ako at nilingon ko ang pinagtarakan ng dart. Bullseye iyon sa dart board.
Muli akong bumaling sa kaniya at naroon na naman ang tingin niyang hindi ko maipaliwanag. "I don't lie. I don't mess with people, lady."
"D–demonyo ka," halos pabulong na anas ko. Sobrang natakot ako sa ginawa niyang iyon.
Halos maparalisa ako sa kinatatayuan ko nang isa-isahin niyang alisin ang butones ng suot niyang polo.
"I am," sagot niya na para bang narinig niya ako, saka niya dahan-dahan na pinasadahan ng dila niya ang labi niya.
Bago niya pa tuluyang maihubad ang polo niya ay iniikot niya ang upuan niya paharap sa malaking bintana na nasa likod niya. Kitang-kita roon ang lakas ng ulan maging ang pagpitik ng kidlat.
Akmang aalis na ako nang ihagis niya ang polo niya patalikod na para bang alam niyang sasaluhin ko iyon.
"Get my bath ready," utos niya sa akin at parang nagpanting ang tainga ko sa narinig ko.
Seryoso kang hayop ka? Pagkatapos mo 'kong halos patayin, uutusan mo ako na parang walang nangyari?!
Gangster ako by nature! Kaya kahit na nanginginig ang mga tuhod ko ay pinuntahan ko ang kinauupuan niya at hinarap siya—pero parang mali, putcha! Nakuha ng mga pandesal sa tiyan niya na bahagyang nasisinagan ng liwanag ang atensyon ko.
Tiningnan niya lamang ako na parang jina-judge niya ang pagkatao ko sa mga tingin niya.
"B–bakit ako ang magre-ready ng panligo mo?! H–hindi mo 'ko maid!" sigaw ko sa kaniya at alam kong tapang-tapangan na lang ako.
"Rule number seven," tipid na sagot niya sa akin at kinunotan ko lamang siya ng noo.
"P–pinagsasasabi mo?! I–ikaw ang maghanda ng panligo mo! B–bahala ka sa buhay mo—MOMMY!!!!!!!!!!"
Napasigaw ako dahil bigla na lamang kumidlat nang matalim na kitang-kita ang liwanag sa bintana at napatalon ako sa taong nasa harapan ko at ngayon nga ay nasa kandungan na niya ako.
Iniangat ko ang tingin ko at para akong nalulula sa sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.
Akala ko ay ihahagis na niya ako paalis sa kandungan niya ngunit bigla na lamang niyang hinapit nang mahigpit ang baywang ko gamit ang kaliwang kamay niya.
Muling kumidlat nang matalim ngunit sa pagkakataon na ito ay hindi na ako napatili o natakot. Tumama ang liwanag ng kidlat sa mukha niya at parang kuminang ang abo niyang mga mata na animo ba lalo na akong gustong lamunin nang buo.
"P–pasensiya ka na. H–hindi ko sinasadya. Takot talaga a–ako sa kidlat—"
Nahinto ang pagsasalita ko nang makita kong nilingon niya ang leeg ko at pinasadahan iyon ng kanang hintuturo niya pababa sa malapit sa clevage ko na sobrang ikinagulat ko.
Hindi nakakabastos ang dating. Tila may inaaral siya na hindi mo mapaliwanag.
"The woman is missing the necklace she was wearing before she got killed. The killer took it as a souvenir along with her ear. A good riddance I must say."
Muli na naman akong nanlamig sa narinig ko.
Ibig sabihin mula kanina . . . sinasabi niya sa akin ang nangyari sa babae sa radyo? Bakit? Siya ba ang killer?
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Comment naman kayo ng insights n'yo. First time ko sa mytery-thriller with a touch of general fiction genre. Hindi ko alam kung effective. HAHAHAHAHA!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top