Simula

Simula

...

“Lahat na lang ng ginagawa ko ay mali, lahat na lang ng mga mali ko ay palaging sinasabi!” pasigaw kong sambit para tagos sa puso talaga. Kinuha ko ang walis at padabog itong itinapon pabalik sa puwesto nito kanina. “Lahat na lang ako ang may kasalanan! Lahat na lang sa akin isinisisi! Kasalanan ko bang maging ako? Kasalanan ko bang maging magan––?”

––da!

“Hoy Gaviena!” gulat akong napalingon kay mama, tapos awkward na ngumiti. “Pinagsasabi mo riyan?” taka niyang tanong.

Inis ko siyang binalingan, “Mama, naman eh! Saka na ho sana kayo umeksena kung nasabi ko na ang last word na iyon eh! Hindi man lang pinagbigyan, hindi ko tuloy feels!” sabi ko sabay nguso pagkatapos.

“Pweee! Daming arte!” Umakto pa siyang nasusuka at kinuha iyong walis tambo na itinapon ko kanina. Mama ko ba talaga siya?! Inis much na ako rito oh!

Well, this is my mother. She’s Gramira. Mahirap lang kami pero magaganda kami. Tumpak!

“Ma, hindi niyo po ba ako anak? Ma, sabihin niyo lang po ang totoo ay hindi ho ako magagalit sa inyo!”

“Hoy Gaviena Shaefira tumigil ka riyan sa kagagahan mong iyan ah! Kanina pa ako nasusuka sa kdramahan mo! Kung ’di kita anak edi sana nasama na kita sa binebenta kong mga gulay riyan!” bulyaw niya.

“Titigil sa ano? Kagagahan o kadramahan?” tanong na binawi ko agad kasi naman baka tumama pa sa akin ang inamba niyang walis. Mahirap na at baka masira itong beauty ko ’no! Limited lang ito, kasi mamaya magiging haggard na naman!

“Ano ba kasing eksena ang ginagawa mo? Baka isipin ng kapitbahay natin na inaabuso kitang babae ka!” sabi pa niya. Yeah, Marites are just around us. Nakapalibot lang sa mansyon namin!

“Mommy, calm down, okay?”

Umirap siya, cute, hehe. “Mommy, calm down, okay?” gaya niya sa mas mahinhin na boses.

Siyempre nainis na naman, pinapabebe ko iyong boses ko and I know how she hated me if I was like that!

Kaya sumeryoso ako at sinimulan nang magpaliwanag, “Ma, practice lang iyon. Hehehe, gusto ko kasing mag-audition sa Pilipinas got talent hehe tapos isusunod ko ang The clash!” sambit ko, umiiling siya dahil hindi makapaniwala na may mala-dyosa siyang anak.

“Eh? Wala namang audition sa Pilipinas got talent ha?” taka niyang tanong.

“Kaya nga nag-p-practice na ako eh para paniguradong panalo ’pag mayroon na!”

“Sa ka-OA-han mo, pwede ka na mag-artista, tapos role mo ay anak na nasubrahan sa pansin.”

“Mommy, stop. Stop, okay? You’re hurting me and my mind.”

Siyempre, utak ko talaga iyong nasasaktan! Utak ko kasi ang nagdidikta sa puso na masaktan eh, pero joke lang.

“Sa kaniya ka talaga nagmana eh ’no?” biglang turan niya.

“Ma, malay ko ’di ba?” balik kong tanong.

Malay ko talaga! Nakilala ko lang naman siya dahil sa mga kuwento ni mama. Hindi kasi ako nabigyan ng pagkatataon na makilala talaga siya, na makita siya sa harap ko.

“Sorry ’nak. Kung alam ko lang na maaksidente siya noon, sana... Sana ’di ko na lang siya pinayagan na mamasahero noon.”

My father was a tricycle driver. He was a good driver back then, ani pa ni mama. Pero, kahit gaano pa siya kagaling na driver kung nakatadhana na ang isang bagay para mangyari... Wala pa ring saysay.

“Ma, ’yan na naman tayo...” kanta ko pa, bumibirit pa talaga!

Gaviena Shaefira Minundong, 23, dakilang dyosang waitress niyo!

Tawa rito at tawa roon. Nagpapatawa rito at doon. Ngiti, saya at halakhak na parati kong pinapakita sa lahat ng tao, lalo na sa mga taong pinapahalagahan talaga ako.

Pero, sa lahat ng tawang iyon, may nakatago pa ring lungkot na nanatili sa anino ng aking mga mata’t labi.

Charr lang! Drama na naman!

“Ma, ako na po pala ang magluluto ngayon para sa hapunan natin. Para naman mas masarap na ang pagkain natin mamaya oh,” nakangiting sabi ko kay Mama na nakanganga na ngayon.

Sorry, my dear, mother dear! May sobrang maganda ka lang po na anak!

“Gaviena, ako’y iyong tigil-tigilan sa mga ganiyan-ganiyan mo na iyan ha!” Turo-turo pa niya ako.

“Ganiyan-ganiyan ka riyan, ’di naman kita ginanyan ah!” sabi ko sabay turo ko rin sa kaniya. “Sige na nga, sa’an pa nga ba ako nagmana ’no? Siyempre sa ina kong maganda at kay sarap magluto ng pagkain, ehe!” sambit,ko pa.

Ang totoo? ’Di naman talaga! Pero, payts na rin! Hahaha, sadyang ako lang talaga ang masarap magluto ng pagkain, sabi pa ni mama, namana ko raw ito kay papa. May munting karinderya pa nga raw kami noong araw eh, kaso mula ng mawala si papa, hindi na binuksan ang karinderya kasi wala namang magaling at,masarap na magluto.

Oh, kita niyo na? Kahit tricycle driver siya, may hinahandle rin siya na karinderya. Wala kasi sa pamilya namin ang tamad, ang papa ko naman ay nasubrahan sa pagka-hardworker niya, kina-career much niya talaga.

“Talande eh? Bolera pa talaga. Hihingi ka ng pera? Kumuha ka lang doon sa pitaka ko, nambobola pa,” saad ni mama.

Mukha ba akong nanghingi ng pera?

“Mama, naman! Oho, nasa’n na po ang wallet mo? Hehehe,” sakay ko sa kalokohan ng ina ko.

“Tsk, sabi na eh! Naroon sa may bag ko, nakapatong sa may kama. Singkwenta lang ah, kulang iyong mga benta mong jokes,” dagdag niya.

Asarin ko lang siya ng ganito, sinasabayan din naman niya. Para ’di masyadong madrama buhay namin, ’no!

“Bakit, ho? Dati-rati naman ay ’sangdaan kahit hindi ako nagsasabi ng totoo, ngayon na nagsasabi na ako ng totoo... Singkwenta na lang?” pa-inosente kong sabi.

Binibigyan ng mas malaking halaga ang kasinungalingan kaysa sa katotohanan!

“Siyempre Ingles iyong papuri mo noon, ngayon hindi!” tugon niya sabay lapag ng barya niya, siya na pala kumuha ng wallet niya.

“Bakit barya?”

“Ayaw mo niyan, may barya ka na, hindi mo na kailangan na ipabarya ang mga papel mong pera para sa pamasahe.”

“Mama, naman eh! ’Wag kayong maingay, baka mamaya marinig ng kapitbahay natin, manghihingi na naman sila ng tseke niyan!” Pairap kong sabi na tinawanan lang ni mama.

Tumatawa siya, kasi ang totoo niyan, eh wala pa akong suweldo. Bukas pa ang pera ko, kasi bukas pa suweldo namin.

Si mama, tumutulong sa tiyahin ko, nagtitinda roon sa palengke. May suweldo rin siya kasi partner na sila ni tiya eh... Hati sila ng pinuhunan nila sa mga gulay, prutas, isda at karne. Tapos may iba pa silang binebenta.

“Ikaw ’pag narinig ka nila sa pinagsasabi mo, ikaw ay siguradong malalagot. Ma-l-late ka na, pumasok ka na sa trabaho mo. ’Wag mong baunin iyang pagkapilya mo ah? Pasaway ka pa naman,” paalala pa niya.

Shhh!

Kung si mama tindera sa palengke, ako naman ay waitress sa isang resto na medyo malapit lang din naman sa amin. Isang sakayan lang. Kapag sa motor ako sumakay, 75 pesos ang plete, sa tricycle 50 pesos. Kapag sa jeep naman ay 25 pesos. Kapag bisikleta, ay ’wag na lang, ’di ako papatol diyan.

Ano? Iniisip ba ninyo na hindi ako marunong? Pwes, tama kayo. Isekreto niyo muna iyan ah.

“Opo! Nasaan po sila?” tanong ko pa, pagtutukoy sa aking mga kapatid. “Ashana, Artami, Zaira at Zacnil! Hali na kayo rito! Aalis na ako!” pagtawag ko sa kanila.

“Mamaya pa ang mga iyon, nag-uunahan pa sa pagligo,” sabi ni mama nang may tumatakbo na papalapit sa amin, bagong ligo pa ito.

“Bye-bye, Ate Gav-gav!” paalam niya saka humalik sa aking pisngi. Si Zacnil ang bunso namin. Grade 1 student na siya.

Kapatid ko sila ni Zaira kay Tiyo Zach, ang naging huling asawa ni mama. Sina Ashana at Artami, mga kapatid ko sa kay Tiyo Anthon. Si Tiyo Anthon ang sumunod kay papa ko na naging asawa ni mama.

Saan na sila ngayon? Wala na... Si Tiyo Anthon, namatay dahil sa heat stroke, dati siyang construction worker. Si Tiyo Zach, dahil sa malubhang sakit sa baga na siyang namana ni Zacnil.

Ang totoo niyan eh may sumunod pa kay Tiyo Zach. Si Tiyo Gren, kaso... Gag* iyon eh. Apat na buwan pa lang ay iniwan na si Mama. May asawa naman pala siya sa States, tapos pinaasa si Mama. Wala naman kaming kaalam-alam sa buhay at sa buhay personal noon. Mabuti na lang at wala akong naging kapatid sa pagsasama nila.

Si Zacnil ang pinakamahina sa amin. May hika at madaling mapagod... Pero kahit ganoon, masaya kami dahil lumalaban siya.

“Bye-bye, Zacnil.” Hinalikan ko siya sa may pisngi. “Huwag kang magpapagod sa paglalaro ah?” tumango naman siya.

“Mauna na po ako, Mama Gram!” Pagpaalam ko sa kaniya. Nagmano ako at humalik sa pisngi niya. “Kayo na po ang bahala magpaalam sa kanila para sa akin,” saad ko pa. Ma-l-late na ako!

“Ingat ka, Gavie!” Sigaw pa ni mama, kumaway lang ako sa kaniya at nagmamadali na sa paglakad.

Mag-aabang pa ako ng motor! Oo, motor! Kasi baka malate pa ako kung mag-j-jeep pa ako! Ang daldal ko kasi eh!

“Kuya, pasakay po. Sa resto po ng Perfecto!”

“Medyo matagal ka na naman ngayon iha, pero aabot tayo niyan.” Si Kuya Nimo, Uncle ni Hanami.

Si Hanami ay ang nag-iisa kong best friend. Well, she really is! Kahit mag-away pa kami niyan palagi, nagbabati naman din lagi.

“Opo, pero, dahan-dahan po ah. Baka makabunggo tayo,” paalala ko pa. Kasi naman, mahirap na!

Oh, no! Negative iyon Gavie! Erase!

'Basta paninigurado lang!' Oh, ’di na negative iyon ah!

“Opo.”

Mabait na tao itong Uncle niya, may isang itong anak na babae na sobrang clingy sa akin. Naku, kapag nakita ako niyan. Agad-agad, may kiss mark na sa pisngi ko, charr! Basta nanghahalik agad ang batang iyan. Ka-edad ni Zacnil si Habi.

“Salamat, Kuya! Mauna na po ako,” inabot ko ang pleti ko.

“Sige, iha. Magpursigi ka sa trabaho,” ani pa niya.

“Oho, salamat.” Tumango naman siya, at nang makaalis na siya ay dali-dali na ako sa pagpasok sa loob. Buti na lang kaka-open pa nila! Kundi malilintikan talaga ako.

“Good morning,” bati ni Fian. Receptionist siya rito.

“Good morning Fian,” balik kong bati sa kaniya.

Nakapagbihis na kaming mga waitress ng uniform namin. White longsleeves with black blazer, black skirt/slacks and black shoes.

“Good morning. Buti nakahabol ka Gav.” Si Jazzy, isa sa mga kaibigan ko rito. Mga, talaga ano? Sabagay, tatlo naman sila na mga kaibigan ko rito.

Itinali ko na ang buhok ko, gaya ng required dito sa aming mga staff.

“Oo nga, eh. Naglinis pa kasi ako sa amin ’saka k’unting drama saglit.”

Bumaling siya sa akin na umiiling, “ikaw talaga, oh. Buti na lang din, wala pa si Master Jack.”

Ang manager ay si Master Jack, at may assistant manager pa siya, dalawa.

“Sinabi mo pa,” nag-high five pa kami sabay tawa at tumahimik rin ng tinitigan kami ng ibang mga kasama.

“Buenas dias, Gaviena!” Cielo greeted me with his usual aura, with his magnificent smile. He’s a waiter, too.

Well, cute siya, but no. May hinahanap pa ako... ang prinsipe ko. Charr lang... pero kung gusto niyo, tutuhanin niyo.

“As usual, pagbutihin niyo pa ang trabaho. Intendido?” Si Kille, ang sinasabing leader sa aming mga waitress dito sa resto ng Perfecto.

Perfecto! Sosyal!

Ang totoo niyan, ’di ko pa nakikita ang may-ari nito. Kahit sa aming mga waitress, wala pang nakakita o nakakaalam ng pangalan.

“Intendido!” tugon namin.

Bali 31 kaming mga waitress, 16 ang magsisimula sa 7:00 A.M. hanggang 4:00 P.M. at 16 rin ang 4:00 P.M. hanggang 12:00 A.M.

Oh? Sumobra? Ganito kasi iyan... 15 waitress plus Kille is equals to 16. Tapos 15 ulit ka waitress plus Killw is equals to 16.

Pito ang cook ang isa roon ay ang chef master o head chef, at tatlo ang bartender para sa gabi. May banda rin ang resto na ’to, isang grupo ng barista... Gabi-gabi naman ay may ibang banda na nag-p-perform rito, barista kumbaga, pero mabilis lang din sila matapos.

Ang may-ari nito sa ngayon na kinikilala naming lahat ay si Sir Vreck, habang hindi pa raw handa magpakilala ang totoong tagapagmana. Si Sir Vreck, he’s a chef too.

Sa edad na bente-quatro, may mga ari-arian na raw ito na sa kaniya talaga... pero kahit isa sa mga ito ay hindi pa muna siya official na nagpakilala. Kagaya rin sa Perfecto.

Ang mga magulang din kasi nito ay humble raw at pa-lowkey lang.

Sana all, ’di ba?

“Bhe, sa may table 14... Need ng special assist roon. Ikaw na roon,” saad pa ni Felton, ang Chuvakla kong kaibigan.

Special?

Ayaw ko sana kasi may pagsisilbihan pa ako roon, ngunit inako niya iyon at ako na ra ang bahala sa table 14.

Bakit ’di si Kille ang i-assign roon?

Siya naman ang mahilig sa mga special-guest kunuhay!

Heads up, breasts out!

“Hello! Good morning, Señor! Welcome to Perfecto,” masayang bati ko sa kaniya. “May I take your order, Señor?” tanong ko pa pero hindi pa rin siya nagsasalita. “Would you like something to drink, Señor?” I asked.

“I want you in my company,” diretsahang sabi niya.

Ano raw?

May special offer pala! Narinig ko ang mahinang pagsinghap ng lalaking nakaupo sa tapat ng table 14. Narinig niya siguro ang kagaguhang sinasabi ng lalaking narito. Gwapo rin!

Ngumiti ako ’saka umiling. “Sorry, but I can’t. I am busy here, Señor. I can’t accompany you to your company,” tugon ko.

Wait?!

Tama ba iyong tugon ko?

Nakita ko siyang ngumisi, gag* pala ito eh! Gwapo sana pero... bahala na.

“Oh, sure! You’ll go with me then, sooner or later.” Sasabat pa sana ako ngunit inunahan na niya ako, “and also... Don’t call other customers like that. Got it?”

Ano raw?

“Got it? Yes, Señor!” tugon ko. “Señor, the soup today is pumpkin ginataan with onions and our chef’s special today is Chicken Basilicum and Nasi Goreng. Nasi Goreng is an Indonesian fried rice,” huminto ako sa pagsasalita ng mag stop-signal siya.

Ano na naman?

Bawal kami makipag-chikahan nang chikahan sa customer dito. Actually, okay lang naman sana... Pero huwag din iyong grabe na sa chika ’no!

It can definitely ruins our reputation daw!

Taka ko siyang tiningnan ng hindi naman siya nagsasalita. Pinahinto niya ako sa wala!

“Sir, here’s our food menu please.” Inabot ko sa kaniya ang menu. Kinuha niya naman ito at tiningnan.

Nang makitang bumuka iyong bibig niya ay hinanda ko na ang sarili para mag-take note ng order niya.

Ngunit...

“I’ll have a glass of water, please.” Seryosong ani niya.

Niloloko ba ako nito? Kuripot!

“Oh, okay Señor. Hot or cold, Señor?”

“Lukewarm,” tugon niya.

“Please, in a minute Señor.” Umalis na ako roon. Akala ko ba special guest!

“Jima,” tawag ko kay Jima, kaibigan ko rin dito. “A glass of lukewarm water, please.”

“Memorize ah?” bulong niya na ikinainis ko lalo. Kaibigan ko ito, oo.

“Dali na,” suway ko sa kaniya. Hindi pa rin kumilos eh. Ngumisi siya at kumilos na.

“Oh, regards mo ’ko ah!” Kumindat pa siya pagkasabi no’n.

“Here it is, Señor...” sabay lapag ng order niya sa table.

A table for two itong puwesto niya. Maybe, he’s waiting for someone.

Hindi na muna ako umalis baka kasi may o-orderin pa siya.

“Thanks,” ani niya ng makakalahati siya ng inom roon.

Tumayo na siya at pinagpagan pa ang suot niyang black coat. Executive na executive ang dating!

Oh! Nakapang-business nga siya ng attire. Tuxedo kung tawagin!

Tumikhim siya at tinungnan ako, “About the bill. I didn’t bring my wallet and phone with me, nor my black cards...” tiningnan niya ako toe-to-head at pagkatapos ay ngumisi. “All you have to do is to familiarize my face so you’ll gonna recognize when I come back here,” he uttered.

Umiling ako habang naiilang na tumingin sa kaniya. “Nothing to worry, Señor. Your glass of lukewarm water is free... ”

Tama! Free lang naman tubig na iyon!

Kunot ang noo niya nang bumaling sa akin, tapos tumango. “Okay, then. Hope to be here, again... Soon, Ms. Minundong,” kapagkuwan ay umalis na siya.

Tumatawang sumunod naman sa kaniya ang lalaking nasa tapat lang ng table niya nakaupo kanina. Iyong lalaking pasimple ring nakatingin sa amin.

Ms. Minundong. Paano niya nalaman?

***
Jessafelovers258

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top