Chapter 5

Head for the Hills

We're blending in with the crowd at the main marketplace of Salaya. Masigla ang bayan tuwing gabi dahil sa mga kalakal kaya maraming nagdadagsaang tao ngayon. Ginamit namin ang pagkakataong ito upang hindi kami makita ng mga humahabol sa amin.

Nagkunwari akong nagtatanong ng mga presyo ng gulay sa mamang nagtitinda. Nahalata ko kasing may napatinging bandido sa aming kinaroroonan.

"Ang mahal naman po. Wala na pong tawad?" I acted like I'm really buying his trade.

"Kung gusto mo ng mura, sa iba ka na lang bumili! Nakakasira ka ng modo." Masungit na tugon ng tindero. Hindi naman sariwa 'yung tinitinda niya.

Hinila ko na lang paalis si Ragnar. Tamang-tama naman paglingon ko ay may papalapit na bandido sa aming gawi.

May napansin akong eskinita. Tumungo ako habang hila-hila pa rin ang kamay ni Ragnar. Madilim na masikip ang daan pero mukhang hindi kami nila rito masusundan. May kakaibang amoy rin na masakit sa ilong pero kailangang tiisin.

Sa kaliwang bahagi ay mayroong nakabukas na pinto. Hinila ko ang kasama ko patungo sa loob. Pasok lang ako nang pasok, akala mo naman, kabisado talaga ang lugar. Kinakabahan kasi ako kaya kusang gumagalaw na lang ang katawan ko.

It was too late to back out when the realization hit me. We entered a place that tarnished my innocent eyes. There were naked women everywhere. Some were doing lewd acts with other man.

"My grandpa will kill me if he found out I went to this obscene place." I mumbled.

Dumako ang tingin ko sa entablado. May mga hubo't hubad ding mga babae na sumasayaw. Habang ang lasing na mga lalaki ay naghihiyawan. Napangiwi pa ako ng hinaplos ng isang lalaki ang binti ng babaeng sumasayaw.

"Magandang gabi, binibini at ginoo." Hinarang kami ng isang babaeng may makapal na kolerete sa mukha. Makulay ang kaniyang mga mata habang sobrang pula naman ng kaniyang mga labi na animo'y sasabog na. "Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo."

Napansin ko kaagad ang malalagkit niyang ngiti sa lalaking kasama ko. She licked her lower lip and locked her gaze to him. I raised a brow because of what she did right in front of me.

"Wala, napadaan lang kami." Walang emosyong wika ko.

"Mura ang aming mga silid ngayon. Bibigyan ko kayo ng tawad," ani nito sabay kindat kay Ragnar.

Dahil sa inis ko sa malanding babae, hinila ko si Ragnar paalis sa malaswang lugar na 'yun. Hinding-hindi na ako papasok ulit sa ganoong lugar dahil hindi kakayanin ng sikmura ko. 

Nagpatuloy lang kami sa pagtahak sa masukal na eskinita. Binitawan ko na ang kamay ni Ragnar dahil kanina ko pa 'yun hinahawakan. Baka kung ano pa ang isipin niya. Ayon pa naman sa mga aklat na nabasa ko, ang bilis mag-assume ng mga lalaki.

Nang makarating kami sa bahagi kung saan may dalawang lagusan ay tumigil ako.

"Mauna ka na." Lumingon ako kay Ragnar at naglakad papunta sa kaniyang likuran. This was the part where my indecisive mind was bothering me. Maybe it was his time to choose the right way.

Walang pag-aalinlangan tumungo si Ragnar sa kanang likuan. Kaagad naman akong sumunod sa kaniya. Napapatingin ako sa dinadaanan ko dahil walang ilaw sa bahaging ito. Tanging liwanag mula sa buwan ang nagsisilbi naming gabay.

Napagtanto ko rin na hindi pa rin gumagana ang apoy ko. Kahit anong pilit kong gamitin ito ngunit wala talaga. Hindi ko na rin ito nararamadaman. Sa tingin ko ay may kinalaman ang mga bandidong 'yun sa pagkawala ng kapanyarihan ko.

Ang lalim na ng aking mga iniisip, hindi ko napansin na tumigil si Ragnar sa paglalakad. Nauntog ang ulo ko sa kaniyang likuran dahil nakayuko ako habang naglalakad.

I caught a glimpse of Ragnar's hand and I saw that he was holding his knife. I craned my neck to see our front. My eyes widened when I saw three huge bandits obstructing our way. 

Sinenyasan niya akong umatras gamit ang kaliwang kamay niya. Mabilis ko naman itong ginawa dahil magiging sagabal lang ako sa kaniya. Kaya kong lumaban pero nakita ko ang mga sandatang hawak ng mga bandido kaya pinili ko na lang sundin si Ragnar.

Bakit ba kasi hindi ko na magamit ang apoy ko? It felt weird but there's nothing I can do about it. Maybe it will return someday, I hope so. My fire was the only thing that I'm confident of. Without it, I would become a shame to my family and to our people.

"Mag-ingat ka," sabi ko kay Ragnar bago siya tuluyang sugurin ng mga bandido.

Magkasabay siyang pinatamaan ng mga sandata nito na mabilis naman niyang nailigan. Kinakabahan ako pero hindi mawala ang pagkamangha ko sa bilis ng mga kilos ni Ragnar. Kahit isa ay hindi siya nadadaplisan. Ang mga kalaban niya ay puno na ng galos sa katawan at mukha.

Napansin kong hindi man lang hiningal si Ragnar nang tuluyan niyang mapatumba ang tatlong bandido. Halos maawa na ako dahil punong-puno ang mga ito ng saksak sa katawan at bali-bali pa ang ibang parte nito. Nakaramdam tuloy ako ng takot sa lalaking kasama ko.

I engraved in my mind that I would never be on his bad side. I'm not ready to die yet.

Ngayon ay si Ragnar naman ang humihila sa akin. Kahit hindi ko man nakikita, alam kong may nakasunod sa amin. Ang iba ay nasa bubong ng mga bahay na nadadaanan namin. Parang ang dali-dali lang sa kanilang tumalon-talon sa mga bubong.

Napadaan ulit kami sa mga nagkukupulang mga tao. Ilang beses akong nakarinig ng mga masasamang salita sa mga taong nababangga namin.

Tumigil si Ragnar nang marating namin ang malawak na linang. Lumingon kami kaagad sa aming likuran at hindi nga ako nagkakamali, maraming mga bandido ang nakasunod. Hindi ko nakita si Icarus or si Avah. Ngunit sa tingin ko nandiyan lang sila nakatago habang nakamasid sa bawat kilos namin.

Napatingin ako kay Ragnar nang may iniabot siyang kutsilyo sa akin. Napatango siya at nakuha ko naman ang nais niyang ipabatid.

Walang pag-aalinlangang tinanggap ko ang kutsilyo at inihanda ang sarili ko. Ngayon ay hindi lang si Ragnar ang mapapasabak sa labanan. Kahit na kinakabahan pa rin ako, tinatagan ko lang ang sarili ko dahil hindi ako nag-iisa sa labang ito.

Nagkatinginan ulit kami ni Ragnar bago sumugod sa mga bandido. Even though I don't have my flames anymore but the anger burning inside me was smoldering.

Based on my count, there are almost twenty of them here. I'm not sure because some might still be hiding behind the shadows. Some were familiar to me. I don't easily forget faces, especially those who did something dreadful things to me.

Ang unang sumugod na bandido sa akin ay kaagad kung pinatikim ng malakas sa sipa. Hindi man ako masyadong magaling sa pisikal na labanan pero kaya ko namang dependahan ang sarili ko.

Dalawang bandido naman ang sumunod. Naunang tumira ng palakol ang nasa kanan ko kaya mabilis akong umilag. Hinablot ko kaagad ang kamay niya gamit ang kaliwang kamay ko. Kaagad kong inagaw ang palakol sa kamay niya. Nagulat na lang siya nang bigla ko siyang hilahin at sinipa sa tiyan.

Bago pa makasugod ang isa pang kasama niya ay pinalo ko na ito ng hawakan ng palakol. Gustohin ko man na 'yung matulis na parte ang ipatama pero hindi ako ganoong klase ng tao.

Inipit ko na muna ang kutsilyo sa tagiliran ko dahil parang hindi ko pa naman magagamit dahil mas magandang gamitin ang palakol na nakuha ko.

Hindi ko namalayan na nakatayo na pala ang una kong nakalaban na bandido. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay kong may hawak na palakol. Pilit niya itong inaagaw pero napapantayan ko ang lakas niya dahil hindi naman siya ganoon kalakas.

Naghihilahan kaming dalawa. Dahil sa inis ay marahas ko itong binitawan na naging sanhi ng pagkatilapon niya. Tumama 'yung palakol sa ulo niya na ikinalaki ng mga mata ko. Sapol ang kaniyang noo at nagsimulang dumaloy ang pulang likido mula rito.

Napatakip ako sa aking bibig nang bigla itong natumba. Lumapit ako rito at hinawakan ang kaniyang pulso. Halos gumuho ang buo kong pagkatao ng wala akong maramdamang pagtibok.

I killed someone...

Lumipas ang isang minuto bago ako mahimas-masan. 

Inisip ko na lang na hindi ko sinasadya 'yun. Siya naman ang pasimuno kung bakit humantong siya sa ganoon. May buhay akong dapat protektahan kaya gagawin ko ang lahat maligtas ko lang ang sarili ko.

I closed my eyes. This is your reality. Let's face this.

Pagmulat ko, ang una kong nakita ay ang mataba at mahabang kahoy sa tabi ng walang buhay na bandido. Kaagad ko itong kinuha para gamiting sandata.

Saktong paglingon ko ay may bandidong patatamaan ako ng makapal na kahoy na hawak niya. Napahinga ng maluwag nang biglang may tumamang kutsilyo sa kamay nito kaya nabitawan ang kahoy.

Ibinaling ko ang atensyon ko sa pinagmulan ng kutsilyo. Nakita ko si Ragnar na nakatingin sa gawi ko. Napansin ko kaagad ang mga walang malay na bandido sa paligid niya.

Bitbit ang kahoy, mabilis akong tumungo kay Ragnar. Napansin ko kaagad ang iilang galos sa braso niya. Marami ang nakalaban niya kaya hindi niya na talaga maiiwasan ang makatamo ng galos.

"Ayos ka lang?" tanong ko kaagad sa kaniya. Tumango naman siya bilang tugon.

Akala ko tapos na ngunit bigla ko na lang naramdaman na may pumulupot na baging sa aking mga paa. Nang tingnan ko, mayroon nga. Para itong ahas na unti-unting gumagapang paikot sa mga paa ko.

Napatingin ako kay Ragnar at ganoon rin sa kaniya. Puputulin na sana niya ang mga ito gamit ang kutsilyong hawak niya nang may pumulupot kaagad na baging sa kamay niya upang pigilan siya sa binabalak niya.

Umabot na hanggang sa binti ko ang baging kaya hindi ko na maigalaw ang pang-ibabang bahagi ng katawan ko. Humihigpit din ito kaya nakakaramdan na ako ng sakit.

"Fuck this life!" I shouted in dismay and pain.

Upang tulungan si Ragnar. Ginamit ko ang kutsilyong nasa tagiliran ko para putulin ang baging na nakagapos sa kamay niya. Mabilis naman itong naputol kaya sinimulan niyang putulin ang mga nakapulupot sa kaniya.

Para malaman kung saan nagmumula ang mga baging ay sinunod ko ng tingin ang mga ito hanggang sa mapansin ko ang pigura ng isang tao. Malayo siya pero napansin ko kaagad ang buhok nito na kasing tingkad ng buwan. 

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top