Chapter 4

Burned is Burned

Kasalukuyan kaming tumatakbo palayo sa mga bandidong dumukot sa akin. Hindi ko alam kung saan kami patungo basta patuloy lang ako sa pagtakbo kahit sukong-suko na ang katawan. Sinusunod ko lang bawat pagliko ng lalaking nasa unahan ko.

Naisip ko nang umiba ng landas kasi baka katulad din siya ng mga taong humahabol sa akin. Mahirap nang magtiwala kapag naranasan mo kung gaano kasakit ang pagtaksilan. 

However, it would be dangerous for me to roam inside the wild forest while being chased by vicious people. I will go with him for now. After I escape far from the bandits, I will continue going alone.  

Abala ako sa pagtingin sa taong nasa harap ko at sa kakaisip ng kung ano-ano kaya hindi ko napansin ang isang malaking ugat ng puno. Tumama ang kanang paa ko na naging sanhi nang pagtilapon ko. Napahiyaw ako sa sakit dahil parang may nabaling mga buto. 

Not only my feet but my whole body started to ache like hell when I thrown to the solid ground. I fell on my knees first so I was able to protect my head. 

Mabuti na lang dahil napalingon sa gawin ko ang lalaki kaya agaran siyang bumalik sa kinaroroonan ko. Sinubukan kong tumayo ngunit sobrang sakit talaga. Napatingin ako sa paa ko at napansing namamaga na ito. Hindi ko alam kong makakalakad pa ako pagkatapos nito.

Nakita ko ang nag-aalalang mga mata ng lalaki. Lumuhod siya sa harapan ko. Kinilatis niya ang namamagang paa ko. Susubukan niya sanang hawakan ito pero pinigilan ko siya.

"Umalis ka na. Magiging pabigat lang ako sa'yo. I appreciate your help but this is my fate." Naluluhang sabi ko sa kaniya. Nagtama ang mga mata namin.

Nagulat na lang ako nang buhatin niya ako bigla/ Walang pag-aalinlangan siyang tumakbo habang buhat-buhat ako. Kahit nararamdaman ko ang sakit sa bawat alog ay mas pinili kong tiisin ito.

I didn't know what happened next because I yielded to the exhaustion and pain that consumed me.

Pagmulat ng mga mata ko, ang una kong napansin ay ang liwanag na pumapasok mula sa maliit na butas ng bubong. Sinubukan kong gumalaw ngunit naramdaman ko kaagad ang kirot sa aking paa, kaya napadaing ako. 

Nanatili lang akong nakahiga hanggang sa lumipas ang ilang oras at nagkaroon na ako ng lakas upang bumangon. Huminga ako nang malalim. Dahan-dahan kong iniangat ang itaas na bahagi ng aking katawan.

Nang tuluyan ko nang maibangon ang kalahati ng katawan ko ay bigla namang bumukas ang pinto na nakatuon sa aking harapan. Iniluwa nito ang isang lalaking matipuno. Nagtama ang aming mga at napansin ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha.

Nang magtama ang aming mga mata ay nagsibalik sa aking isipan ang mga nangyari bago ako mapunta sa ganitong sitwasyon. Naalala ko ang kaniyang berdeng mga mata kaya sigurado akong siya ang lalaking nagligtas sa akin mula sa aking kamatayan.

Without the cover on his face I can clearly see the lineaments of his face that were in perfect proportion to each other. He was tall and slim, his skin a russet, reddish-brown.

Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa kaniya, samatanglang siya ay abala sa kung ano man ang ginagawa niya. Hindi na ako nag-abalang alamin pa dahil mabilis kong ibinaling sa may bintana ang atensyon ko.

From here, I could hear the clamor of people outside. The place exudes a familiar atmosphere but I could not determine it. It felt like I've been here, albeit, I could not remember.

Due to my boredom, I tried to chatter with the guy who saved me from captivation. I've been talking for quite a minute but he's not responding. Inisip ko na wala siya sa mood makipag-usap dahil abala siya sa pagpapakintab ng kutsilyo niya.

Kapag nagtatanong ako ay tumitingin naman siya sa akin. Parang gusto niyang sumagot pero mas pinipili na lang niyang manahimik. Kahit pangalan lang sana niya pero kahit isang salita walang lumabas sa bibig niya.

Kaya pinili ko na lang rin ang manahimik. Nakatulog akong nakasandal sa headboard ng medyo may katigasang kama. Namangha nga ako sa sarili ko dahil kahit hindi masyadong komportable ang higaan ay nagawa ko pa ring makatulog.

Pagising ko ay napatingin agad ako sa paa ko. Napansin kong may kung anong dahon ito na tinalian ng puting tela. Sinubukan kong igalaw. Namangha ako dahil hindi na ito masyadong sumasakit katulad kanina.

May nakita akong damit na nakapatong sa lamesa. Dahan-dahan akong nagbihis at saka lumabas sa silid. Medyo paika-ika akong lumakad kaya muntikan pa akong matumba. Mabuti na lang dahil nabalanse ko ang sarili ko. Naninibago lang siguro ang paa ko kaya hindi ko mailakad nang maayos.

"Magandang gabi, ija. Mabuti't nailalakad mo na ang iyong mga paa. Epektibo talaga ang kamasla sa mga sugat at pamamaga." Napatingin siya sa paa ko. "O siya, maupo ka na rito at kumain na. Siguradong kumukulo na 'yang tiyan mo sa gutom."

Tama nga siya dahil biglang tumunog nga ang tiyan ko. Nahiya tuloy kaagad ako.

Pagka-upo ko sa hapag ay nilapagan kaagad ako ng pagkain ng matandang babae. Kahit na sanay na akong pinagsisilbihan pero nahihiya pa rin talaga ako lalong-lalo na kapag nasa ibang pamamahay ako.

"Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan ija." Napansin kong kanina pa siya nakatingin sa akin habang kumakain ako.

Sasabihin ko na sana ang tunay kong pangalan ngunit naalala kong hindi ako dapat magtiwala muna lalo pa't nasa panganib pa rin ang aking buhay. Napatingin ako sa paligid nang mapansin ko ang pinaglutuan ng matanda.

I formulated a name in my head. "Ash.. ashera po."

"Napakagandang pangalan. Bagay na bagay sa magandang dilag na tulad mo," saad nito kaya sinuklian ko siya ng isang matamis na ngiti.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain habang nakikipag-usap sa matandang babae. Medyo naging komportable na ako sa kaniya at mukhang mabait naman siya. Puro papuri lang ang natatanggap ko sa kaniya. Nalaman ko rin na Salaya pala ang bayan na ito. Nakapunta na ako rito pero matagal na 'yun. Mabuti na nga lang dahil hindi niya ako nakikilala.

"Pwede ko po bang malaman kong nasaan na 'yung lalaking nagdala sa akin dito?" Mausisang tanong ko kasi pagising ko ay wala na siya.

"Si Ragnar ba?" Tumango ako kahit hindi ako sigurado kong siya 'yun pero mukhang siya nga dahil wala namang ibang lalaki na nagdala sa akin dito."Hindi ko nga rin alam dahil pasulpot-sulpot lang dito ang batang 'yun."

"Mahiyain po ba 'yun? Kasi kanina sinusubukan ko siyang kausapin pero hindi niya ako sinasagot." Nagulat ako nang napangisi si Aling Tamara. May mali ba sa sinabi ko?

"Masalimuot ang naging karanasan ng batang 'yun. Hindi nakakapagsalita dahil pinutulan ng dila bilang kabayaran sa kasalang hindi niya naman ginawa." Mas lalo lang akong nagulat dahil sa mga sinabi niya.

Now I know why he didn't answer my queries earlier. I wondered what transgression was made that he received such atrocious punishment. And, who the hell would do that to someone? 

Marami pa talaga akong hindi nalalaman sa kahariang ito kahit na bahagi ako ng pamilyang namumuno. 

Nalaman ko rin na wala na ang kaniyang mga magulang at ang matandang babae na ang nag-alaga sa kaniya simula nang makita niya itong palaboy-laboy sa bayan. 

Pagkatapos kong kumain ay iniligpit na ni Aling Tamara ang aking pinakainan. Nagpumilit pa akong ako na ang magliligpit dahil ako naman ang kumain pero sabi niya bawal daw. Hindi raw maaaring maghugas ng pinagkainan ang bisita dahil uusbong ang negatibong enerhiya  na magdudulot sa ikasisira ng may bahay.

Hindi ako mapamahiing tao pero hinayaan ko na lang siya na magligpit. 

Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang pinto. Pumasok si Ragnar at kaagad na napatingin sa gawi ko. Wala akong making bakas ng emosyon sa mukha niya. 

May mga dala siyang gulay at prutas na kaagad naman niyang inilapag sa lamesang kaharap ko. Marami ito at mukha pang mga bagong ani at pitas.

I tried not to look at him because I felt bad and guilty of what had been through. I couldn't imagine myself suffering from that immoral punishment, especially that he was only a child when it happened.

Kinabukasan ay tuluyan nang gumaling ang paa ko. Nakakalakad na ako nang maayos. Nakakatulong na rin ako kay Aling Tamara sa mga gawain dito sa bahay niya. Matiyaga niya akong tinuruan.

Hindi ko na naisip na lumabas ng bahay dahil baka may makakita pa sa akin. Kakagaling ko lang kaya kailang kong mag doble ingat.

Tama nga si Aling Tamara, pasulpot-sulpot lang si Ragnar dito sa bahay niya. Mas mabuti na nga 'yun dahil hindi pa rin nawawala ang nararamadaman kong awa sa tuwing nakikita ko siya. Sa tingin ko nga nagtataka na siya dahil parang iniiwasan ko siya.

"Ako na po ang magbabalat niyan."Suhestisyon ko nang mapansing pabalik-balik si Aling Tamara sa kaniyang niluluto. Malapit na rin kasing lumubog ang araw kaya sinimula niya nang lutuin ang aming magiging hapunan.

"Marunong ka ba?" Tumango ako. Inilahad niya sa akin ang kutsilyo."Mag-ingat ka baka ika'y masugatan. Matulis pa naman ang kutsilyong 'yan."

Sa totoo lang ay mahilig akong magluto. Isa ito sa pinagkakawilihan ko sa mansyon. Palagi nga akong nakatambay sa kusina't tumulong sa mga kusinero ng mansyon.

Mabilis ko lang na nabalatan ang mga gulay kaya namangha ang matanda. "Talagang maaasahan ka sa mga gawaing bahay, ija."

"Naranasan ko na pong magsilbi sa mga maharlika." Pagsisinungaling ko. Kahit labag man sa kalooban ko, kailangan kong itago ang tunay kong pagkatao.

Pagkalipas nang ilang minuto ay nagulat kami nang marahas na bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang hingal na hingal na si Ragnar.

Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa palapulsuhan. Nabitawan ko ang hawak-hawak ko at napatingin sa kaniya. Napagtanto ko kaagad ang sitwasyon.

Napatingin naman ako kay Aling Tamara."Kailangan niyo nang umalis. Ako na ang bahala rito."

Hindi na ako nakasalita pa nang hatakan na ako ni Ragnar patayo. Dumaan kami sa likurang pinto at mabilis na tumakbo kahit na maraming nagkukumpulang mga tao. 

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top