Chapter 3
Damsel In Distress
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Parang binibiyak ang ulo ko kaya napahawak ako rito. Pinipipilit kong wag gumawa ng ingay kahit hindi ko na kayang tiisin ang kirot na aking nararamdaman.
Hours had passed until the pain slowly subsided. However, a lot of things clouding my thoughts. I tried to compose my mind. I'm alive...
Nahimasmasan ako nang may humarang sa sikat ng araw na tumatama sa akin. I cannot clearly identify the person because my vision was blurry. I squinted my eyes trying to see the person in front of me. Gumapang agad ang galit sa buong katawan ko nang mapagtanto kung sino ang taong aking kaharap.
"Ho-how could you?" There was a hint of confusion in my voice. Hindi ko pa rin matanggap ang panlilinlang niya sa akin. ,
Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko. Nakatingin lang siya sa akin na nakatali sa isang poste ng kahoy sa loob ng maliit na kubong ito. Walang emosyon ang kaniyang mga mata, kahit man lang bakas ng pagkakasala.
"Nandito ka lang pala, Avah. Kanina ka pa hinahap ni Icarus may mahalaga raw siyang sasabihin." Bungad ng isang lalaking bandido.
"Mauna ka na, susunod ako." Nagulat ako dahil halos hindi ko makilala ang boses ni Avah dahil ibang-iba ito sa boses ng Avah na nakilala ko.
Simula bata pa ako siya ang naging karamay ko sa lahat ng bagay. Kapag dinadapo ako ng sakit, siya ang palaging nasa tabi ko. Kapag napapagalitan ako, siya ang palaging takbuhan ko. Sa tuwing nalulungkot ako sa mansyon, nandiyan siya upang ipaalala sa akin na hindi ako nag-iisa. Kaya hindi ko matanggap ang pagtataksil niyang ito.
So, it was all an act?
Kanina nga naisip ko na baka dahil rin sa akin kung kaya nagawa niya sa akin 'to. Naging pabigat na ako sa kaniya at naging sakit sa ulo. Sinusuway ko siya palagi kaya siya ang napapagalitan dahil sa pagiging sutil ko.
"Wag mong sabihing lumambot ang puso mo sa batang 'yan." Akala ko wala na 'yung bandidong lalaki.
"Isinakripisyo ko na ang lahat, aatras pa ba ako?" Walang emosyong sagot niya habang nakatitig lang sa akin.
I tried to give her a pleading look, hoping that she would change her mind and set me free. Subalit tinalikuran niya lang ako. Iniwang nag-iisa sa masikip na kubo. Tuluyang bumuhos ang kanina pang nababadyang luha sa aking mga mata. The person that I trusted the most turned her back on me.
Hindi ko namalayan na nakatulog ulit ako. Paggising ko madilim na ang paligid, tanging maliit na gasera ang nagbibigaw liwanag sa mumunting kubo na aking kinapapalooban. Tumunog bigla ang tiyan ko. Nakaramdam na ako ng gutom at uhaw. Hindi ko alam kung ilang oras o araw na akong naririto.
Napapitlag ako nang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang bandido. May daldal ito mangkok at baso. Tiningnan ko siya nang masama kaya napangisi siya sa akin. Kinilatis ko ang kaniyang mukha, tinandaan ang bawat detalye nito. Baka sakaling makatakas ako rito, alam ko ang pagmumukha ng mga taong dumukot sa akin.
Inilapag niya ang mangkok at baso sa aking harapan saka tumalikod."Paano ko kakainin 'to?"
"Titigan mo baka sakaling mabusog ka." Pilosopong sagot niya't lumingon sa akin. Gumuhit ulit ang nangyayamot niyang ngisi.
Kung magagamit ko lang ang apoy ko, susunugin ko talaga ang hudas na ito. Subalit ayaw akong pakisamahan ng kakayahan ko. May kung anong pumipigil sa pagdaloy ng solis kaya hindi ko magamit ang apoy ko. Kanina ko pa sinusubukan ngunit wala talaga. Lalo pa't ang higpit nang pagkakatali ng mga kamay ko sa poste ng kahoy,
Lumapit ulit sa akin. Kinuha ang mangkot at itinuon sa bibig ko."Nganga!"
Marahas niyang pinahigop sa akin ang laman ng mangkok. Halos mabulunan ako, idagdag mo pa ang nakakasukang lasa at amoy. Ngunit mas pinili ko na lang wag mag reklamo baka kung ano pa ang gawin niya sa akin. Mahina pa ang katawan ko kaya hindi ako makakadepensa.
Sinunod niya naman ang baso ng tubig. Nang maubos ko ay itinapon niya ang baso sa balikat ko kaya napadaing ako sa sakit."Bagay lang 'yan sa'yo. Mabuti nga hindi pa kita kinitilan ng buhay." Madiing hinawakan niya ang panga ko."Dahil sa inyo namatay ang kapatid ko. Hinding-hindi ko kayo mapapatawad."
"Wala akong alam sa sinasabi mo."Nililingi ko ang ulo ko upang mabitawan niya ako ngunit masyado siyang malakas.
"Syempre dahil wala naman kayong pake sa mga hampaslupang tulad namin." Sasampalin niya na sana ako nang biglang pumasok si Avah.
"Tama na 'yan! Lumabas ka na."Utos ni Avah sa kaniya kaya sinunod niya naman kaagad.
Iniwas ko ang tingin ko kay Avah dahil hindi ko na kayang tingnan pa ang pagmumukha niya. Simula ngayon wala kinalimutan ko na lahat ng alalang nakasama ko siya. Ayaw kong mabahiran ang alaala ko ng taksil na tulad niya.
Piniringan niya ang mga mata ko saka tinanggal ang pagkakatali sa poste. Hinila niya ako patayo kaya muntik na akong matumba. Mabuti na lang dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Saan niyo ako dadalhin?" Kinakabahan kong tanong.
"Malalaman mo rin,"tanging naging sagot nito.
Nakaupo ako ngayon sa isang karwahe habang may piring sa mata at nakatali ang mga kamay. Katabi ko si Avah. Habang sa harap namin ay ang bandidong tinatawag nilang si Icarus. Hindi pa siya nakikita dahil nga sa takip sa aking mga mata ngunit narinig ko na siyang nagsalita. Malalim ang kaniyang boses kaya medyo kinilabutan ako.
"Kamusta na ang kalagayan ng iyong anak, Minerva?"tanong ni Icarus kay Avah.
Ngayon ko lang nalaman na Minerva pala ang tunay niyang pangalan. Akala ko nga may iba pa silang kasamang babae 'yun pala siya ang tinutukoy nila. I almost felt bad for her because I only knew a little information about her life but I realized that it was also her fault for not telling me. Ilang beses ko nang sinubukang tanungin siya tungkol sa kaniyang pamilya pero iniiba niya palagi ang usapan.
"Unti-unti nang bumubuti ang kaniyang kalagayan dahil sa ibinigay niyang gamot."Mahinang sagot nito.
"Hindi ka nagkamali nang nilapitan. Walang kwenta ang mga dugong bughaw na 'yan. Tanging ang kanilang karangyaan ang mahalaga sa kanila." May halong galit na saad ni Icarus.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang usapan. Kahit na hindi ko naman maintindihan ang ibang sinasabi nila pero itinatatak ko sa isip ko bawat salitang lumabas sa kanilang mga bibig. Mahalagang may makuha akong impormasyon mula sa kanila.
"Narinig mo na ba ang nangyari sa prinsesa?"tanong ni Icarus.
"Bakit ano ang nangyari sa kaniya?!" Napatayo na ako sa pwesto ko ngunit mabilis ako hinila ni Avah paupo. "Anong ginawa niyo sa pinsan ko?"
Hindi niya ako sinagot bagkus ay tumawa lang siya nang malakas. Nagwala ako dahil kumulo bigla ang dugo ko, gustong-gusto ko nang gawing abo lahat ng mga hudas na ito. Siguraduhin lang nilang hindi ako makakawala rito, dahil susunugin ko pati mga kaluluwa nila.
Pagkalipas ng ilang oras napag-isipan nilang magpahinga muna. Itinali nila ako sa isang puno kaya medyo nahihirapan akong huminga. May nakabantay na bandido malapit sa akin, sinisiguro nilang hindi talaga ako makakatakas.
Samantalang ang ibang mga bandido ay nagsisiyahan sa harap ng siga. Nakahuli sila ng usa kaya masaya nila itong nilantakan. Patungo sa direksyon ko ang ihip ng hangin kaya napupunta sa akin ang amoy ng kanilang niluluto. Naramdaman ko kaagad ang gutom na kanina ko pa nilalabanan.
Labing tatlong bandido ang kasama ko ngayon. Nakita ko pa ang dambuhalang bandido. Muntik niya akong sunggaban kanina pero pinigilan siya ni Icarus.
Nakatanggal na ang takip sa aking mga mata ngunit hindi ko pa rin nakita ang mukha ni Icarus dahil may takip ang kalahiti nito. Ang kulay abong buhok niya at ang peklat sa kaniyang kaliwang kilay ang aking tinandaan.
Nagpatuloy ang kanilang kasiyahan hanggang sa nauwi ito sa pagtutunggali ng dalawang bandido. Hindi sila inawat ng kanilang mga kasama bagkus ay mas naghiyawan pa ang mga ito habang pinapalibutan ang nagsusuntukang bandido.
Ang kaninang nakabantay sa akin ay tumungo rin sa nagkukumpulang mga bandido.
Sinubukan kong hilain ang bakal mula sa lupa ngunit masyadong malalim ang pagkakalibing nito. Sinasamantala ko sana ang pagkakataon na abala ang mga bandido ngunit wala na akong maisip na paraan. Sinubukan ko ring gamitin ang aking kapangyarihan, but to my surprise, it's not working anymore.
Napabuntong-hininga ako dahil sa kasalukuyan kong kalagayan. Hindi ko naman inaasahan na mangyayari sa akin 'to. Marami nang natanggap na pagbabanta ang pamilya ko pero kahit kailan walang sumubok na kalabanin kami. Dahil ba iilan na lang kaming mga Vermillion ang natitira kaya nagkaroon na sila ng lakas ng loob?
Sumusuko na ang talukap ng mga mata ko dahil sa antok nang maramdaman ko. Tuluyan na sanang pipikit ang mga mata ko nang biglang gumaan ang aking paghinga dahil natanggal ang makapal na taling nakapulupot sa katawan ko.
Nagulat ako nang mapansin ang presinsya ng isang tao sa tabi ko. Napalingon ako. Bumungad sa akin ang isang lalaking may mahabang buhok. Hindi ko makita ang mukha niya dahil may takip ito. Tanging ang kulay berde niyang mga mata ang aking nakikita. Ang kasuotan niya ay katulad din ng mga bandidong bumihag sa akin.
"Umalis na tayo rito bago pa nila mapansin na nakawala ka." Mahinang sabi ng lalaki.
Tinulungan niya akong tuluyang tanggalin ang mga tali sa katawan ko. Inilahad niya ang kaniyang kamay na kaagad ko namang inabot. Hindi na ako nagdalawang-isip dahil ang mahalaga sa akin ay ang makatakas.
Bago kami tuluyang umalis ay napatingin ako sa gawi ng mga bandido. Mabuti na lang walang may nakapansin sa amin kaya kaagad kaming tumakbo paalis.
Medyo mabagal ang pagtakbo ko dahil kakaunti na lang ang lakas na natitira sa katawan ko. Mabuti na lang dahil sinasabayan ng lalaki ang pagtakbo ko pero nang makarinig ako ng sigawan ay automatikong bumilis ang takbo naming dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top