Chapter 2

Moment of Epiphany

"Lady Elaine!" Tawag sa akin ni Avah nang makitang hinila ako ng dambuhalang bandido. 

Lalapit na sana siya sa akin nang may humila sa kaniya mula sa bintana ng karwahe. Pinaikutan siya nito ng tali sa leeg saka hinila para masakal. Napanganga si Avah sa sakit habang nagpupumiglas.

Namamanhid na ang kanang braso ko dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng bandido. 

"Bitawan mo ako!" Sinipa ko siya sa binti ngunit hindi man lang siya nasaktan.

Hinihila niya ako palayo sa karwahe kaya hinihila ko rin siya pabalik pero mas nanaig ang kaniyang lakas. Lumingon ako kay Avah na ngayon ay naluluha na at parang tuluyan nang mawawalan ng hininga.

I mustered my flames on my left fist and smacked it on the bandits' face. The impact caused him to tilt his face and bend sideways. Naramdaman ko kaagad na lumuwag ang pagkakahawak niya kaya mabilis akong kumalag. Tumakbo ako kaagad papasok sa karwahe. 

Gumawa ako ng malit na bola ng apoy. Inihagis ko ito sa mukha ng lalaking sumasakal kay Avah. Napaatras ito kaya nabitawan niya ang naghihingalong babae. Mabilis akong lumapit sa kaniya at hinimas-himas ang kaniyang likod.

"Tu . . . tumakbo ka . . . ka na." 

"No! I won't leave you. Magkasama tayong aalis dito." Tinulungan ko siyang tumayo saka kami lumabas sa karwahe ngunit hinarangan kami ng dambuhalang bandido. 

Napatingin ako sa kaliwang bahagi para humingi sana ng tulong pero abala rin ang mga royal guards sa pakikipaglaban sa ibang mga bandido. I can't use my fire while I'm holding Avah, I might hurt her.

Binitawan ko ang pagkakahawak kay Avah saka hinarangan siya."Stay right here, ako ang bahala sa bakulaw na 'to." 

Nakatayo lang ang bandido sa harap naman. Hindi man lang sumubok na patamaan kami ng kaniyang lakas na sigurang isang suntok niya lang wasak talaga ang mga buto namin. Parang hinihintay niya lang na ako ang sumugod sa kaniya.

Dahil hindi siya kumikilos, ako na lang ang dudurog sa buong pagkatao niya. I gathered my flames in my hands forming into fireballs. Mabilis ko ito itinapon patungo sa bandido na siya namang mabilis umilag. Akala ko tatayo na lang siya sa pwesto niya buong magdamag.

Patuloy lang ako sa paggawa ng mga fireballs at hinahagis sa bandido na panay iwas. Hindi man lang siya lumalapit sa akin para sugurin ako. There were instances that my flames hit him and gave him small burns. 

Napansin ko sa mga mata niya ang pagtitiis. Nagtataka ako kung bakit hindi man lang niya kami sinusugod na kapag ginawa niya ay magtatagumpay siya. I thought bandits were known for their viscous assaults and murders. That's what they want from nobles. To hurt us and steal our wealth.

I covered both of my fist with flames and ran towards the huge bandit. Hindi ko na matiis ang pag-ilag niya sa mga tira ko. Ipapatikim ko na lang sa kaniya ang nagaapoy kong mga kamao.

Mabilis akong tumakbo patungo sa kaniya habang hinahanda ang kanang kamao kong ipatama sa mukha niya. Nang malapit na ang kamao ko sa kaniya ay mabilis niya rin itong sinangga. I looked at his face and grinned at him.

Gamit ang lahat ng lakas na inipon ko sa kaliwang kamay ko, sinuntok ko siya sa sikmura. Napaluhod siya sa sakit. Inatras ko naman ang kanang paa ko. Nilagay ko lahat ng bigat ko rito at saka sinipa sa ulo ang nakaluhod na bandido. Natumba ito patakilid sa lupa.

"That's what you get when you dare to challenge a Vermillion," madiing saad ko sa kaniya.

Kaagad namang lumapit sa akin si Avah. "Umalis na tayo rito."

Hinila niya ako papasok sa masukal na gubat. Madilim ang loob ng gubat dahil sa makakapal na dahon ng mga puno. May mga kaunting liwanag naman na pumapasok na siyang sinusundan namin ni Avah bilang gabay. 

While running away, I felt that someone was following us. Napalingi agad ako sa aming likuran. Nakita ko ang tatlong bandidong humahabol sa amin. Ang isa ay nasa itaas pa ng puno, tumatalon-talon sa mga sanga.

"They're following us," I informed Avah. 

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa palapulsuhan ko. Naging doble rin ang bilis ng aming pagtakbo. Mabuti na lang dahil nagagawa ko pang makipagsabayan sa kaniya kahit hingal na hingal na ako. 

"Let's stop, please. Hindi ko na kaya," wika ko dahil hindi ko na matiis ang pagod.

"Kailangan nating makalayo sa kanila," she insisted while fear was glinting from her eyes. 

Tumingin ako sa mga bandidong malapit na sa kinatatayuan namin. "We can't escape from them if we keep on running. We need to do something."

"Here, take this." Ibinigay ko sa kaniya ang kutsilyo na nakatago sa tagiliran ko. Kinuha ko ito kanina sa dambuhalang bandido.

Inihanda ko ang sarili ko. Nasa loob kami ng gubat kaya siguradong malaki ang mapipinsala ng apoy ko. Nakahanda na ang mga bolang apoy sa mga kamay ko. Hinihintay ko na lang na sugurin kami ng mga bandido.

Naunang dumating ang bandidong nasa itaas ng mga puno. Nang matantiya kong malapit na siya sa amin ay mabilis kong pinakawala ang bola ng apoy patungo sa kaniya. Tumalon naman kaagad siya sa kabilang puno upang iwasan ang apoy na tumama naman sa sanga. Mabilis kaagad na kumalat ang apoy.

"Stay behind me. I'll take care of them," sabi ko kay Avah na nakaabang din sa likuran ko.

Kagaya ng dambuhalang bandido ay dumidistansya sila sa amin. Panay lang ang iwas nila sa mga atakeng ginagawa ko. Ang napupuruhan ay ang mga puno na siguradong makakalbo talaga pagkatapos nito. 

Nang halos lahat ng puno sa paligid namin ay umaapoy na, bumaba ang bandido. Sakto namang dumating and dalawa pa niyang mga kasama. Ginawa niya pala 'yun para sayangin ang oras namin habang hinihintay niyang makarating ang mga kasama niya.

"Sumama ka na lang sa amin para walang masaktan," saad ng bandidong nasa gitna. 

Sinenyasan niya ang mga makasama. Pinalilibutan na nila kami ngayon. 

"Come and get me, then." Matapang na sabi ko kahit na ang totoo niyan ay kinakabahan ako. Tatlo sila habang dalawa lang kami at mukhang malalakas pa sila.

I stamped my right feet on the ground and fire started to surround us, protecting us from possible sudden attacks. 

Nagtataka ako dahil lumipas ang isang minuto ay hindi man lang sila sumubok na umatake. Nakatayo lang sila sa palibot namin. Naisip ko na natatakot silang sumugod dahil siguradong tatapukin sila ng apoy kapag sinubukan nilang lumapit.

Magsasalita na sana ako nang may maramdaman akong hapdi sa aking leeg. May kung anong manipis na karayom ang tumusok dito. 

Bigla na lang hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. Nararamdaman kong nanlalamig ang katawan ko na parang lalagnatin ako. 

Unti-unting humina ang apoy na nakapalibot sa amin hanggang sa tuluyan itong mawala. 

My lower body wobbled. I'm about to fall when someone caught my body. Dahan-dahan niya akong pinahiga sa kaniyang kandungan. Hindi ko akalain na hanggang dito na lang ang itatagal ng buhay ko. Marami pa akong gustong gawin pero hindi patas ang tadhana.

The last thing I saw was Avah's impassive face. There was a moment of epiphany before I totally lost my consciousness. 




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top