THERON / TWENTY-ONE / SINCERITY
To be frank, I got no words to say to Dali. Matapos ang aksidente at ilang subok na magpaliwanag, wala na atang natira sa utak ko para sabihin.
Habang nakatitig ako ngayon sa kanya na mataman na nakikinig sa klase, tanging ang pagbuga ng hangin nang paulit-ulit ang ginagawa ko. I flinched a bit when my seatmate glared at me and motioned to my hand—anxiousness took over me as I drum the tip of my pen on my desk.
Tango ang ginawa ko at itinigil ang kanina'y ginagawa pero hindi nawala ang atensyon ko kay Dali. Bumuntung hinga ulit ako pero hindi na dahil sa kaba na baka wala akong masabi mamaya kapag nilapitan ko na siya, kung hindi dahil sa bahagya niyang paggalaw mula sa kinauupuan.
Her shoulder-length hair which is tied into half swayed to the small of her back and I caught a glance of her cheeks, her jaw, then her lips—damn—naitukod ko ang braso sa arm chair. Kumurap-kurap ako at tumitig nang maayos sa kanya. It isn't a drill. She's smiling. Damn it.
Lumingon siya sa likuran kaya mas nakita ko nang maayos ang mukha niya. Nagbaba ako nang paningin nang mapansing tumingin siya sa banda ko.
"Ano'ng page na nga tayo sa discussion?" basta kong tanong kay Neo na nasa kanan ko.
Tinapik-tapik niya ako sa balikat. "Makinig ka kasi, Qazvin. Panay titig ba naman kay Maranda."
"Tss." Tiningnan ko ang librong hawak-hawak niya at binuklat na rin ang librong hawak ko.
By the afternoon, an hour before dismissal, I had the chance to approach her. Sa lobby papuntang cr kung saan naglilinis na ang mga estudyante sa kabilang section.
"Catch up with you later?" tanong ko.
Hindi naman sa sigurado akong papayag agad siya na mag-usap kami. Dalawang bagay lang naman ang puwede niyang isagot sa tanong ko: una, magtatanong siya kung ano'ng pag-uusapan namin at bakit. ikalawa, papayag siya agad dahil hindi niya na kailangan pang magtanong... dahil alam niya ang sagot sa mga iyon.
In that case, she would probably want to talk to me too as much as I had been looking forward for Monday to come just to talk to her.
I hope she didn't see me that time.
Hindi agad ako umalis sa harapan niya at naghintay pa sa sagot. Pero tumitig lang siya sa akin, hindi man lang bumuka ang bibig, bago nagbaba ng paningin at nilampasan ako nang hindi nagsasalita.
Napahawak ako sa batok at sinundan siya ng tingin papasok ng classroom.
I rushed to the door and stopped when I finally caught a glance at her fixing her things. Leaving already?
Kinuha ko na rin ang bag ko sa upuan at sinabayan siya sa paglalakad palabas ng classroom. Isinukbit ko sa balikat ang isang strap ng backpack at tinanguan si Neo na nakaupo sa paghuling upuan para sabihing mauuna na ako.
Tumango naman siya at tinapik ako sa balikat nang dumaan ako sa gilid niya. "Bakuran mo na agad."
Umiling-iling ako sa narinig. Pero dahil sa sinabi ni Neo mas umingay lang ang paligid.
"Are they two together?"
"Woah, I think rumors are true."
"I heard they got into an accident while having a date together."
Nagbuga ako nang malalim na buntung hininga. Dali will not like hearing these things from these people.
Pero sa halip na harapin sila at pagsabihan, pinalampas ko muna iyon. Kailangan kong sundan si Dali paalis.
I called her several times yet she kept acting like she didn't hear anything. I called her again, much louder this time so that the other students near us could notice what's happening. I know she won't feel comfortable but I had to think of ways to catch her attention and let her hear me out even for a second.
Tinakbo ko ang distansya naming dalawa. Siya ay mabilis pa rin ang paglalakad at halos isang metro na lang ang layo mula sa gate. "I'm sorry for that," iyon ang unang sinabi ko. Ngumiti ako pero hindi mapigilan ang pagkunot ng noo nang mapansing ayaw niya na pa rin maabutan ko siya sa paglalakad.
"Dali..." tawag ko sa kanya at hindi rin nagpaawat katulad niya. Mas binilisan ko ang paglalakad. "Kung nakukulitan ka sa akin sabihin mo lang."
"I still have things to do," mahina ang boses niyang sabi, hindi man lang lumilingon. I could feel the heel of my feet burning from the urge to just keep on walking even when it's obvious that I wouldn't keep up with Dali. She seemed used to walking briskly, very capable of doing so—an attribute I only noticed today.
Napahawak ulit ako sa batok bago nagdesisyon na hawakan na siya sa kamay para matigil sa mabilis na paglalakad.
"Saglit lang," mahina kong sabi. Sana hindi niya masamain ang ginagawa ko ngayon.
I could feel the discomfort in her movements. Parang may sumuntok sa tiyan ko at bastang may nag-aalab na asidong unti-unting umaakyat hanggang sa dibdib ko at doon na naglagi. Nabitiwan ko ang kamay niya.
Dali's actions showing slight discomfort hit me like a sledgehammer. Hammering its way to the corner of my chest which pointed to the exact spot of that delicate organ. I had to inhale air which stung my lung with the abrupt and desperate movement.
"Theron ano ba," aniya nakatungo pa rin at hindi pa rin ako tinitingnan kahit magkaharap na kami sa mismong gilid ng gate ng eskwelahan.
Hindi naman siguro siya galit 'di ba? Ano ba ang ginawa ko para magalit sa akin?
Seconds passed and I was still in search of answers. Shit. That accident. Maybe? But I thought we already talked about it days ago. Sa ospital.
Humugot ako ng lakas ng loob. Gusto ko sana talagang malaman kong ano'ng problema pero ayaw ko nang painitin pa ang ulo niya. As she said, she still has things to do.
"Mabilis lang 'to."
Hindi siya sumagot.
"Tungkol sa Dad mo at kay Mama."
Doon lang ata siya nagkainteres sa sasabihin ko dahil natigilan siya at dahan-dahang nangunot ang noo. But she still didn't hide her distant aura and limited movements in front of me.
'Wag kang mag-alala. I feel fine since yesterday. I'm glad you only had few bruises too.' That's what she said when I apologized for the accident. I'm sure she meant those words. Pero bakit ngayon...
"Ano'ng tungkol sa... Dad ko?"
Tumikhim ako bago nagpatuloy. "Hindi niya pa ba nasasabi sa 'yo?"
"Ang alin?"
"Pagpaplanuhan na nila ang kasal nilang dalawa ni Mama."
Wala akong narinig galing sa kanya ni isang salita. Hindi ko sigurado kung ayaw niya lang ba talagang magsalita at pinipigilan niya lang ang sarili o wala talaga siyang masabi.
"I still want to talk to you about the matter, kung puwede... ayos lang ba na ihatid kita sa inyo?"
Kumurap-kurap siya at napayuko bago dahan-dahang tumango.
This would be the first time I'd walked Dali to their house. I didn't expect it to be like this. Ang buong akala ko, matapos ang mga nangyayari, magagawa niya nang maging komportable kasama ako. Mali pala.
She's passive about my confession. And that... kiss. It might not have resonated and affected her as much as how it did to me. I wasn't in my right mind when I did that. I should say sorry.
Tumikhim ako at hinawakan siya sa balikat. I switched our positions so she would be the one walking on the other side of the road while I walk beside the moving cars on my right side.
I caught a glance of her looking at me but she was quick enough to divert her gaze in front of us.
"So," saad ko para makapag-usap na ulit kami. "What are your thoughts about the matter?"
"T-Tungkol sa pagpapakasal ng... Tatay ko sa M-Mama mo?"
Bahagyang nangunot ang noo ko. Bakit parang hindi pa rin siya komportable kahit tungkol na sa Dad niya ang usapan namin? It's somehow strange hearing her address her father that way. Ikiniling ko ang ulo para matitigan siya nang maayos. Parehas pa rin kaming naglalakad. Magkatabi sa gilid ng kalsada habang ang paligid ay unti-unti nang dumidilim.
"Yes, Dali," I said.
"Hindi ko alam," mahina niyang sabi.
Hindi nawala ang kunot sa noo ko. "Papayag ka ba magpakasal sila?"
Nagkibit siya ng balikat bago umiling-iling. "Hindi ko alam." Ilang segundo siyang natahimik. Mahina na ang boses niya nang dagdagan ang sinabi. "But whatever their decision is, I won't have a say on that."
I guess she doesn't want to talk about it yet. Siguro hihintayin ko na lang na masabi sa kanya ni Tito ang lahat.
But there's this sickening thought inside my head that I wanted to share with her. I have to share this with her.
Hindi ko siya kakausapin nang ganito at basta na lang tatanggapin na hahayaan niya lang mangyari ang kasal nang hindi niya naman sinasabi kung ayos lang ba iyon talaga sa kanya. Gusto kong malaman... ano'ng nararamdan niya?
I don't want her silence about this matter. I want her unfiltered words and reactions to the reality of my mother marrying her Dad. Most of all, I wanted to convince her to stand against the marriage. Ayokong madamay ang pamilya nila sa gulo na dapat ay nasa loob lang ng pamilya namin.
Both of our parents shouldn't pursue the marriage... it would be too unfair to Dali and his Dad.
"Hindi pa ako uuwi," sabi ni Dali at bumagal ang paglalakad. Sa unahan ay makikita ang sakayan ng tricycle papunta sa village nila pero hindi siya lumapit doon.
So? Saan na siya pupunta ngayon?
Bumuga ako ng hangin at tumango. Hindi na ako nagtanong pa. Wala na rin sigurong patutunguhan pa kahit na subukan ko siyang kumbinsihin nang paulit-ulit na importanteng pag-usapan namin ang tungkol sa sinabi ko kanina.
Kaya hinayaan ko siyang maglakad paalis. She crossed the street and headed to the opposite direction from where I'll be heading. Pinagmasdan ko siyang papalayo hanggang sa natabunan na ang pigura niya ng mga walang tigil sa pagtakbong mga sasakyan.
Nakauwi na si Mama sa bahay nang makarating ako. Nakaupo siya sa sofa at nakabukas ang sariling laptop sa center table. Sa tabi ay nakita ko ang isang tasa ng kape na nangalahati na ang laman. Nakatingala siya sa kisame, ang isang pisngi ay nakapahinga sa sandalan ng sofa habang ang cellphone ay nasa tenga.
"I'll tell you as soon as I get to know what happens next." She quickly said when she noticed my arrival. "Hahanap ako ng paraan."
Tumigil ako saglit bago umakyat sa hagdanan at nagtanong nang hindi tumitingin sa kanya. "Nag-uusap pa rin kayo ni Papa? Kahit sa telepono kahit pa..."
"No," sagot niya, halos masamid sa sariling kasinungalingan.
"Ma, you know Tito Xandro would—"
"Alam ko, anak. Alam ko."
I scoffed. Hindi na nakinig sa balak niyang pagpapaliwanag. Mabibigat ang hakbang ko paakyat sa kwarto.
Ang picture ni Dali na hindi ko pa nasasauli ang bumungad sa akin nang maupo ako sa upuan sa tabi ng kama. Ibinagsak ko ang bag sa sahig at ipinahinga ang ulo sa side table, ipinikit ang mga mata at bumulong sa hangin na sana maayos pa ang mga bagay. Sana maging totoo na si Mama sa sarili niya at hindi niya susubukan pang palalain ang lahat.
Lumipas ang ilang oras at hindi pa sana ako gagalaw sa puwesto kung hindi tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Nakapikit ang isang talukap nang sinagot ko ang tawag nang hindi tumitingin sa caller's ID.
There was heavy breathing on the other line. Nagpipigil ng hikbi pero hirap na hirap.
Umayos ako ng upo at nakakunot noong inilayo ang cellphone at tinitigan ang pangalan ng tumawag.
Fuck.
Halos mahulog ako sa upuan buti't naitukod ko ang braso sa kama. Dahan-dahan akong bumaba mula sa upuan at pasimpleng tumikhim. "Dali?"
"Pwede pa ba tayong mag-usap?" she said, her voice shaking a bit.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng minuto at nagmadaling naghubad ng uniform at kumuha ng damit sa drawer. I kept her call on hold as I rushed to fix my clothes and my hair. Nang muli ko nang kinuha ang cellphone at nagsalita, she's already asking things like... "Where can we meet?"
We agreed to meet at a park near their house. Kung hindi mararamdaman ang pag-ihip ng malamig na hangin at ang paggulo niyon sa buhok ng mga taong naglalakad sa kalsada, walang mag-aalala kung gaanong papalalim na ang gabi.
The night was so bright you would not even consider yawning; not even trading the peace and beauty of the surroundings for just a good night's sleep. At least not tonight, because I get to stare at Dali sitting on an empty park bench. Behind her were lamps lit up beside tall trees.
Kahit na nasa malayo pa lang ako, tanaw ko na siya. Maya't-maya siyang napapatingin sa mga langit at sa mga kamay. Mapapapikit at mapapabuga ng hangin.
When I arrived right in front of her she was still closing her eyes. So, I just sat beside her silently. That silence ceased when she whispered, "the night is more lovely than the day isn't it?"
"The night is proof that even darkness could still give us peace," marahan kong sagot. Nakatitig na ako sa harapan kung saan makikita ang dinadayong shrine sa syudad ng circa cielo.
"Dali, you already know what I feel about you right?" hindi ko na pinag-isipan ang sinabing iyon.
Naramdaman ko ang pagbaling niya sa akin. Humugot ako ng hangin para manatili ang lakas ng loob. "I haven't talked to you about it in person."
"I..." nauutal niyang sagot.
"Don't worry. Hindi ako nagmamadali. Hindi kita pipilitin. I just—I knew I needed to tell you about it."
"You like me?" tanong niya na parang iyon pa lang ang unang beses na nalaman niya iyon. Pero parang naninigurado rin.
Kumurap-kurap ako bago siya hinarap. "Yes, I like you."
Nanatili kaming nakatitig sa isa't-isa. Hindi ko na alam ang sasabihin pero siya ay ayaw man lang magsalita.
"And admire you."
Ang titigan na iyon ay umabot pa ng ilang segundo bago ako napatitig sa mga labi niya. I contained the sudden urge to lean in and plant a soft kiss on her lips. That's... that's really inappropriate. I almost wanted to curse at myself the first time I kissed her. I was too afraid she would loath me after what I did. I was lucky she hadn't used the act against me that time. I really wanted to say sorry.
We didn't realize that our faces started to get close to each other, her gaze isn't breaking mine, and my gaze momentarily shifting from looking at her eyes and then to her lips.
I don't have to do this just to figure out if she feels something for me too. Like I told her, I'll give her time until she'll be able to tell me how she actually feels.
Dahan-dahan kong inilayo ang sarili.
"What did you feel when your Dad told you she's dating someone?" tanong ko para tapalan ang katahimikan sa gitna namin.
Hindi siya nakapagsalita agad. Napatikhim siya.
"I just told you about their upcoming marriage..."
Tahimik siyang tumango.
"Would you still allow it if you'll know that my mother still has communications with my father, and they had been on good terms and are planning things for quite a while now?"
Hindi siya nakapagsalita. Nanatili ang titig niya sa mga damo ng ilang segundo bago dahan-dahan na sinalubong ang titig ko.
"Hindi mo 'to gawa-gawa lang?"
Kunot ang noo nang umiling-iling ako sa tanong niya. "No, obviously. Why'd you think that I'm only making things up?"
"Gusto kong tanungin ka ulit. Kaya inaya kita ngayon na makipag-usap," mahina niyang sabi. "You have a habit of making someone believe about something then leaving them hanging and alone," she said not breaking our gaze.
Her cold words caused a stung on the corners of my chest that I had to find reasons why it does somehow feels breaking at this point.
Mas lalo akong nanlamig dahil sa mga mata niyang nanunubig pero hindi magawang ilabas ang luha.
Then an image of a person flashed before my eyes whom I somehow heard the same meaning of the words Dali had just said. "D-Dali?"
Natawa siya. "What? Did you remember someone else?"
Wala akong nasabi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top