DALI | TWENTY-NINE - NOT FRIENDS
THE NEXT MORNING, hindi pa man sumisikat ang araw but Theron already appeared on our doorsteps.
His eyes are still droopy but I'm sure he's already awake. His hair are still neatly combed to the back of his head and only a few strands escaped to settle on the corners of his face. Puno ng pag-aalala ang mukha niya. Kita rin 'yon sa mga mata. Pinapasok agad siya ni Dad sa bahay at agad silang nag-usap tungkol sa akin.
Hindi man lang nakatulog si Dad. Alam ko dahil nakatingin ako sa kanya buong gabi. Hindi siya umakyat sa kwarto niya o kumain man lang ng hapunan. Wala. Nagtimpla lang siya ng kape pagkatapos ay nagpatuloy sa pagtawag sa kung sinu-sino para lang mahanap ako. Pero ngayong nag-umaga na, wala pa ring nangyayari.
May benda na nakapalibot sa balikat ni Theron pero hindi siya nagpapigil sa pagpunta rito. Was he already discharged from the hospital? It has only been a day and—
Ano ang sinabi ni Tita Maris tungkol dito?
Iniwas ko ang paningin mula sa kanya matapos maalala ang mga narinig ko sa usapan nila ni Lenard. I know I had only heard a portion of the truth. And I am determined to find out its entirety.
Pero kahit pa ano'ng subok kong 'wag siyang tingnan, ginagawa ko pa rin.
Naupo si Dad at si Theron sa living room.
Ilang saglit ang lumipas, matapos ang ilang tawag na sinagot ni Dad, biglaan na lang siyang tumayo. Walang ibang sinabi at nagpuna sa kusina.
Sinundan ko siya ng tingin at nadurog ang puso ko nang makita siyang nagtungo sa sink, ipinahinga niya dalawang kamay at doon natulala. Hindi siya kumikilos at nakayuko lang doon ng mahigit ilang minuto.
Parang dinidikdik ang puso ko habang nakatitig kay Dad na tahimik na umiiyak. Tinatago ang totoong nararamdaman. I won't even believe it at first glance dahil buong pagkakataon hindi ko pa siya nakikitang umiyak sa harapan ko.
Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Pero ang katulad nito... hindi ko napigilan na maluha na rin.
May hinugot siya sa bulsa na nakita kong wallet niya iyon. He scanned it for a second. Then slowly... may kinuha siyang picture na nakaipit do'n.
"Dali, anak..." Never in my entire existence did I hear my Dad's voice... broken like this.
Hindi ko nakayanan marinig ang mahinang hagulgol ni Dad kaya natakpan ko ang tenga ko habang tumutulo na rin ang mga luha. Humagulgol na rin ako pero mas lalo lang bumigat ang dibdib ko. I glance at Dad and he's know pouring whiskey on a glass and drank it in a single gulp.
When pain was already too overwhelming, numbing your senses to the point of inability to feel seems to be a good choice.
Dahan-dahan akong tumayo kahit pa nanginginig ang balikat ko. Pinahiran ko ang mga luha at sinubukan na lakasan ang loob. Pero kahit ano'ng pilit ko, hindi ako mapakali sa kinatatayuan. I started pacing back and forth then I would glance at the window, to the drive way and to the road from a distance.
Being betrayed several times by people who I trusted felt worse than unmindfully swallowing a bitter coffee when you got used to savoring all the creamy goodness it has been offering you for quite a while.
It wasn't that big turn of events. Kung iisipin, dapat sana sumagi na iyon sa isipan ko. But I guess, we get blinded by the truths we see when things have already been distorted—without us knowing that they had already been portrayed differently by people we trust.
Marcia said she would only be with her family... sinabi niyang—actually ako ang nagsabi na magkikita na lang kami sa bahay. Oh, shit I remember she didn't even directly respond when I told her I would let her be with her family for the day. Ang tanging sinabi lang niya ay, 'Hindi ko na alam kong magagawa ko pa bang bumawi sa 'yo'
What did she mean by that?
Ipinikit ko ang mga mata at napasabunot sa buhok. Ilang beses ko nang hindi sinigurado ang mga bagay!
Sumalampak ako sa sahig at doon nag-isip. Kung ako si Marcia... at makikipagkita ako sa pamilya ko, then it would mean I would... probably go home to meet them. Right. Right. At iyong sinabi ni Lenard tungkol sa pagkakadischarged ng kapatid ni Marcia...
Agad akong napatayo mula sa sahig. Marcia might be at their home right now! Kung hindi sila umalis ng pamilya niya, nandoon lang siya buong pagkakataon.
Pero hindi ko alam kung saan ang bahay nila...
How would I... Maybe I could search for her name on Facebook? Shiz, I can't. Nasa kanya ang cellphone ko.
Lumakas ang mga yabag palapit sa living room at nakita ko si Dad na naglakad pabalik sa kinauupuan niya kanina.
May dala na siyang alak ngayon pero kalmado na, parang walang nangyari. Na parang hindi siya umiyak. Ganoon lang ba niya kabilis pinagbibigyan ang sariling makaramdam? If I had been too hard on myself... he must also have been hard on himself all these times.
"Nakauwi ka pala agad galing sa ospital..." sabi niya kay Theron.
Umayos ng upo si Theron at tumango. "Nagawan po ng paraan ni Mama. Ayos na din naman po ang pakiramdam ko," magalang niyang sagot.
Tumango lang si Dad at natahimik ulit silang dalawa.
Nang ibinaling ko kay Theron ang paningin, panay na ang pagbaling niya kay Dad at sa baso na may lamang alak.
"Tito..." bakas ang kaba sa boses ngayon ni Theron. Halos hindi na rin mapirmi ang kanyang mga kamay. "May sasabihin po sana ako tungkol kay Mama."
Halatang hati pa ang atensyon ni Dad pero tumango siya sa sinabi ni Theron. "Sige, ano iyon."
"Tito... kung hindi man po 'to nagsasabi ni Mama, pero nagkikita at nagkabali—"
Hindi natuloy ni Theron sasabihin nang may tumunog na cellphone sa sala. It was his.
Bahagyang gumalaw si Theron para hugutin iyon sa bulsa. He first glanced on the screen bago tiningnan si Dad. "Kaibigan ko po," aniya bago tumayo. "Sagutin ko lang po muna."
"Tell me if they have some news about Dali."
"Opo, Tito."
Naglakad si Theron palayo bago sinagot ang tawag. It was quick, bagsak ang balikat siyang napabalik sa pag-upo. "Hindi po tungkol kay Dali..."
Napapikit na si Dad at napatampal sa noo para siguro hindi tumulo ang nagbabadyang luha sa mata.
Walang mangyayari kung tutunganga na lang ako rito.
Did Marcia mention something about their house?
I gues... yes, she actually did. Noong nagpunta kami ng chapel para dumalo sa libig niya, she said her parents chose that chapel because it's the nearest to their house.
If I would go there, kahit pa buong araw akong magtitingin sa paligid gagawin ko! Basta ba ay magkaroon ako ng chance na mahanap siya para matapos na ang pag-aalala nila Dad.
Without any second thoughts, naglakad na ako palabas ng bahay. Pero hindi pa pa man ako nakakalayo mula sa gate namin, lumingon ako sa likuran at nakitang nagpapaalam si Theron kay Dad at nagmamadaling umalis.
Kunot ang noo na tinitigan ko siyang palapit sa akin.
"Why would you be at Marcia's house, Dali..." he mumbled under his breath. Nanlaki ang mata ko sa narinig.
Does he already know where Marcia is?
Nagmamadali siyang maglakad kahit na may benda pa rin sa balikat. Papasikat pa lang ang araw at payapa pa lang ang paligid. Sinundan ko siya, hindi man lang inalis ang pagtitig sa kanya.
More steps to take and I was already walking with Theron in the same speed. Magkatabi na kami sa paglalakad, pero siya walang kaalam-alam na nasa tabi niya ako. Habang ako hindi na mapigilan ang paghuramentado ng dibdib at hindi matigil sa pagtitig sa kanyang mukha.
It's been a month since I became like this—my presence unseen. I couldn't even be sure if some people feel my presence sometimes. They say ghosts make you feel eerie and all that horrifying stuff, but I guess since I'm not really a ghost... that doesn't include me.
Sinubukan kong hawakan ang balikat ni Theron pero hindi man lang siya kumilos o nagpakita ng sign na may naramdaman siyang kahit ano. I also tried whispering. Mas lumapit ako sa kanya kagaya noong puwesto namin kapag magkasama kaming naglalakad sa gilid ng kalsada.
May kung ano'ng lumubog mula sa dibdib ko papunta sa tiyan. How things have changed in just a span of a month. Hindi ko inakalang magiging ganito ang mga bagay. I was only someone who wanted to just go through my Senior year. Oo, nagreklamo ako na medyo boring and mga bagay. Parang ang hirap nang magpatuloy, but I was trying. Hanggang sa umabot sa ganito sinusubukan ko pa rin.
Halos tumakbo na ngayon si Theron nang mas binilisan ang kanina ay mabilis niyang paglalakad. I had to keep up while still looking at him... his face, his eyes, and his concern written all over his expression.
I guess he's heading somewhere. Far. Nakafocus siya sa harapan, ni hindi man lang nililingon ang iilang mga taong naglalakad din sa kabilang kalsada.
Umabot na ng limang minuto pero hindi pa rin siya tumitigil. Papasikat na ang araw at unti-unti nang lumiliwanag ang langit. Beads of sweat started building up in the corners of his forehead. Pinahiran niya 'yon gamit ang kamay na walang benda. I think this walk would still take another couple of minutes.
Pamilyar ang daan na nilalakaran namin ngayon. Tatlong lamp posts, isang traffic light, isang straight na daan, at isang intersection ang makikita tatlong metro sa unahan namin. I remember this route. This street. Dito banda ang chapel na pinuntahan namin noon ni Marcia. Dito kami nagpunta bago siya inilibing.
'Kung hindi natin maabutan ang pamilya ko sa chapel, pwede bang pumunta tayo sa bahay? Malapit lang naman 'yon doon. Kahit pa lakarin lang natin.'
Bumaling na ulit ako kay Theron nang biglaan tumunog ang cellphone niya at agad niyang sinagot ang kung sino'ng tumatawag.
"Are you alone?" iyon ang narinig ko mula sa speakers ng cellphone ni Theron. A voice from a girl... so similar to Gracie's.
"Yes, I'm heading to the place. And yes, I'm alone."
"You better be quick. Dali's making a... scene." Bukod sa halatang iritado at naguguluhang boses ni Gracie, I could also hear some melodies from a piano in the background.
Nakakunot ang noo ko pero hindi ako tumigil sa paglalakad. Si Gracie ang tumatawag... and she mentioned my name... could it be that Gracie was the one who has found Marcia? Nasaan sila ngayon?
Tumakbo na nang tuluyan si Theron. Ginugulo ng hangin ang buhok niya at lumalakas ang tunog ng mga paa sa pagtakbo sa kalsada. Nadaanan na namin ang chapel pero hindi pa rin siya tumitigil; hindi rin niya inisip ang hingal.
Naghalo-halo ang kaba at takot na nararamdaman ko. Kung saan man kami papunta ngayon. Kung sa bahay man nina Marcia o hindi.
Alam na ba nila ang totoo?
Theron seemed used to this route. Ni hindi man lang siya tumigil para tingnan ang paligid kung tama pa ang bawat liko na ginawa namin.
And there, after several turns... sa isang street na maraming mga tao sa labas kahit ganito pa kaaga, sa hindi kalayuan ay naaninag namin ang bahay na may maliit na kulay itim na gate. May mga halaman sa loob at isang puno ng bayabas. May nakatayong tatlong babae sa ngayong nakabukas na gate pero hindi pa pumapasok. Gracie and two of her other female friends which are our classmates.
They're all frowning and seemed troubled with what they see inside the house. Hindi nila naibaba ang mga pagkain na dala nila at nakatitig lang sa nakabukas na bintana ng bahay...
Lumabas mula sa pinto ang Nanay ni Marcia na may malaking ngiti. "Mga hija, bakit hindi pa kayo pumapasok? Halina kayo."
It seemed that Gracie felt the weight of someone's stares then turned her back. Nawala ang ngiti na kanina ay ibinigay niya sa Nanay ni Marcia na nag-imbita sa kanila na pumasok.
"Mauna na kayo sa loob," sabi niya sa dalawang kasama at nag-excuse sa matanda. "Saglit lang po, Tita. Susunod po agad ako."
Tango ang ginawa ng Nanay ni Marcia.
"Theron!" Gracie called him then marched towards him. "Could you explain what the fuck Dali's doing here?"
Sa puwesto ni Gracie at Theron ngayon ay kitang-kita ang nakabukas na bintana. I saw Marcia's usual expression from the inside. Sumilip siya sa bintana pagkatapos ay tinawag si Gracie at Theron. Malaki ang ngiti niya. Nakapangko ang buhok
"Hi! Pasok kayo sa loob!"
I saw how Gracie froze in her spot. While Theron was looking at Marcia—who's still in my body—he's staring at her with disbelief and confusion.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top