DALI | TWENTY-FIVE - COULD IT BE
I WAS CONVINCED that Marcia was telling the truth; from the way she smiled as we headed out of the house to the hospital where her sister has been admitted. If our timing is right, maabutan pa namin ang kapatid niya pero kung hindi pupunta na lang daw kami sa bahay nila.
Saktong sabado at walang pasok kaya pwede naming gawin ang napagkasunduang gawin kahapon. My Dad was kind enough to not ask further questions when Marcia ask for permission—in my pretense obviously.
Hindi pa masakit ang sikat ng araw sa labas kaya masasabing maaga pa. I stopped looking at the time since I failed to get back to my body. Only the rising of the sun and its setting provide me with the knowledge that another day has passed and another one begins.
Kanina bago sumakay papuntang ospital, dumaan muna kami sa isang jewelry shop at ibinenta niya ang bracelet na nakita ko sa batuhan. Marcia said that the price won't be that huge pero sapat na para maibili niya ng pagkain ang kapatid niya na nasa ospital...
Tumigil ang taxi na sinasakyan namin sa gilid ng kalsada, dalawang metro bago ang main gate ng ospital. When I saw the familiar signage on the hospital's parking lot, a sharp pain stung my chest.
I heaved a deep breath as I close my eyes. It has been half a year since I went here... Mommy and Kaden had the surgery together in this hospital. This was where they both died before my eyes. Leaving me frantic... I just cried and cried because I don't know what to do.
The doctors declared both of their deaths and I melted right in the spot. Napahawak ako noon sa sandalan ng upuan na pinakamalapit sa akin, nakatitig kay Mommy na nakapikit na. Hindi na didilat pa ulit. She was shaking a while ago and she could barely talk to me. Si Kaden ay sinasabi sa akin kung paanong mas tumindi ang pagsakit ng bandang gilid ng tiyan niya at halos umiyak na habang paulit-ulit na tumatawag ng Ate. Hindi ko inakalang mas malala pa pala ro'n ang mangyayari. Little did I know that scene will forever stay inside my head and I will bear the guilt and regret as long as I could... because I couldn't seem to stop blaming myself.
I remember the exact words I mumbled when I called dad but his phone redirected to voicemail: Dad... I hadn't told you, but Mommy continued the transplant. I-I'm at the hospital. All three of us. I know you still have two days for your business trip. But I hope I could hear from you soon. Mommy and Kaden are... gone. D-Dad, I'm sorry. I-I don't know what to do.
I couldn't remember if I felt relieved when only 5 hours later, Dad arrived and slammed the door of the hospital room where we were.
There were no words spoken. Dad stood at the door shocked. Unable to move as he stared at Mommy and Kaden. Nakabalot na ang mga katawan nila ng puting tela mula ulo hanggang paa. I was crying frantically. My eyes red and puffed, lips shaking, my shoulders felt heavy and I was sobbing non-stop. Dad didn't talk to me no matter how I tried to explain why things went far that way.
"Dali..." Kumurap-kurap ako nang marinig ang pagtawag ni Marcia. She's now beside me. "Ayos ka lang?"
Hindi ako nakasagot.
Noong kasagsagan ng lamay ni Mommy at Kaden... wala man lang nagtanong sa akin kung ayos lang ba ako. Dahil ang sabi ng mga kamag-anak namin, inilihim ko raw ang balak ni Mommy. They said I was well-aware of the risks and the danger. Pero wala akong ginawa. The pain and the loss have been foreshadowed. I don't have the right to feel extreme pain like I had only known of their death the first time.
"I'm... yeah, let's head inside," sabi ko na lang at nauna na kay Marcia na maglakad.
Halos hindi ako makatingin sa receiving area ng ospital pero sinubukan ko pa rin. Nanunubig man ang mata ko pero ngumiti pa rin ako kay Marcia nang naitanong niya na ang room number ng kapatid niya. Yumuko siya at bumulong para hindi magtaka ang mga taong nasa paligid kung bakit parang may kausap siya kahit wala naman silang nakikita. "Mercy will be discharged later... buti nakaabot pa tayo."
Ilang beses na huminga nang malalim si Marcia sa harapan ng hospital room sa second floor ng ospital. Six months ago, my family occupied the first room on the third floor, nagpasalamat ako dahil hindi na namin madadaanan 'yon.
Napaatras si Marcia nang bumukas ang pinto pagkatapos niyang kumatok.
"O, hija..." halatang hindi inasahan ng Tatay niya ang pagpunta niya rito dahil natigilan pa ito bago nakahanap ng sasabihin. "Pasensya na, ano nga ulit iyong pangalan mo?"
Yumuko si Marcia at ngumiti. "Hello po, Mr. Cabrera. Naisipan ko pong dumaan. Sana ay ayos lang po. Layla Dali po."
"O, Layla Dali."
"Dali will be fine," sabi ko na agad na ginaya ni Marcia. I could sense her nervousness and a bit of caution. But her smile and that glint of happiness in her eyes couldn't be hidden as she talks to her father.
"Maayos na po ba ang..."
"Ang bunso namin?"
Agad siyang tumango.
"May dala po pala akong mga prutas." She handed it to him. "Pwede ko po ba siyang makita?"
"Talaga? Kung ganoon ay salamat." I was surprised when her father didn't say much. Hindi na rin ito nagtanong pa kung bakit gusto niyang makita ang bunso nila na si... Mercy.
Nakangiti lang ito. "Alam mo, hija. Naalala ko ang anak kong si Marcia sa 'yo. Ganyan siya magtanong at magsalita."
Alam kong nagpipigil na ng luha si Marcia ngayon. Hinawakan ko siya sa balikat. "You can talk to your family privately. Dito na lang ako maghihintay. Take your time, Marcia."
Humugot siya nang malalim na hininga bago pasimpleng tumango.
"Thank you so much, Dali," she whispered. Then she walked towards the open door and went inside.
Hindi ko alam kung ano'ng pinag-uusapan nila ngayon. Pero kagaya nang sinabi ko, pagbibigyan ko muna siya.
Before we've decided to finally see her family without any disruptions, nangako siya sa akin. She said she'd focus on helping me and finding a solution to this predicament. After this. Because after all the exhaustion she's experienced... she too, wanted to rest.
I could see her honestly. Pagkatapos makita ang pagtitig niya sa kawalan. Ang pag-iyak habang iniisip na hindi niya na naman buhay ang nararanasan ngayon... sabi niya, hindi iyon ang ginusto at pinangarap niyang mangyari.
Nakakapagod umiyak. Nakakapagod mag-alala sa mga bagay na hindi mo naman kontrolado. Nakakaputang-inang pilitin ang mga bagay na hindi naman na mangyayari. She said she'll accept her fate and peacefully go. After all of this.
Halos isang oras akong naghintay sa labas ng hospital room. Nakaupo sa isa sa mga bakanteng upuan. Sa bawat gilid, halos sunod-sunod na mga strollers ang nakikita ko na tulak-tulak ng mga nurses habang may nakahiga doong naghihingalong mga pasyente.
Yumuko ako at tinakpan ang tenga nang may marinig akong umiiyak na mga kamag-anak ng lalaking duguan na huli na nang maisugod sa ospital. The sound of these people weeping for a loss drags me into my knees. Mas bumigat ang pakiramdam ko at parang pinipilipit na ang dibdib.
For the next couple of hours, I sat there taking in all the torment and pain of loss repeatedly—which awakened the emotions the very moment my mother and Kaden passed away.
Mga bandang tanghali nang maaninag ko ang Mama ni Marcia na dumating. She went inside the hospital room. Minuto lang ang lumipas nang nagmamadaling lumabas si Marcia na umiiyak at hindi mapakali.
"Marcia..." Lumapit agad ako sa kanya.
"Dali," tawag niya, hindi makatingin sa akin at nanginginig ang mga labi. "Sinabi ko sa kanila ang totoo."
Natigilan ako sabay nangunot ang noo at napaawang ang bibig. "You told them the truth? That you're possessing my body?"
"Hindi naniwala si Papa. Hindi daw posible. Pero nang dumating si Mama... nalaman niyang nagsasabi ako ng totoo."
Bumukas ang pinto at nakita naming dalawa ang umiiyak na mga magulang ni Marcia.
"Anak... ikaw ba talaga 'yan?"
Walang pag-aalinlangang tumango si Marcia. Mabilis na lumapit ang mga magulang niya at niyakap siya nang pagkahigpit-higpit.
Natulala ako. I don't know what to feel.
Would this help in the situation? O baka mas lalong lumala lang ang lahat?
They hugged each other and Marcia whispered words to them. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. O kung may magagawa pa ba ako. Nakatitig lang ako sa kanila.
Bakas ang saya sa mga mga mata nila na puno ng luha. Hindi man kapanipaniwalang ibang tao na ang kaharap nila ngayon pero ang kilos at paraan nang pananalita nito ay halos katulad ng sa anak nila.
Marcia.
Ngayon ko lang magawang pansinin ang damit na suot ni Marcia. She asked me if she could wear jeans and one of my tops with puffed shoulders and a pink sling bag across her upper body. She's also tied her hair with a turban and she looks at the eyes of people she sees on the roads. She's possessing my body and living the life I could never have even when I didn't die yet.
"Ma, si Dali po ang dahilan kung bakit ako nakabalik." Parang may humaplos sa puso ko nang sabihin niya ang pangalan ko at sinabi sa mga magulang niya. This just means that I won't be ignored even after they had known the truth already.
"Hindi ko maintindihan, anak," anang Tatay niya na ngayon.
"Siya po ang nakakita sa katawan ko. Siya po ang unang nakapansin na nandito ako. Siya ang unang nakakita sa akin kahit patay na. She found my bracelet on the rocks. I was following her for days because I hoped for a chance that she could help me say my message to you. Isang gabi... naaksidente siya. Sinubukan kong tumulong pero nang hawakan ko na ang kamay niya parang may humila sa akin papunta sa katawan niya pagkatapos ay nawalan ako ng malay. Paggising ko, nasa ospital na ako at nasa loob na ng katawan niya. At siya nasa tabi ko... isang kaluluwa."
Natakpan ng Mama ni Marcia ang bibig dahil sa gulat. "Totoo po ang sinasabi ko."
"A-asan siya ngayon? Andito ba siya?" tanong nito.
Bumaling si Marcia sa kinatatayuan ko. "Nasa tabi ko po."
Parang nanlamig siguro ang mga magulang niya sa narinig. Napayuko. Pero ang Tatay na Marcia ay bumaling sa akin sa kung saan nakatingin ngayon si Marcia.
"May mabuti kang loob, hija," hindi ko napigilan ang maapektuhan sa pagpapasalamat ng Tatay ni Marcia. Dahan-dahan akong napangiti. Kahit hindi man nila ako makita. Marcia gaze at me too with gratefulness in her eyes, her smile spread across her lips.
"Kung puwede lang po sana, h'wag niyo na po itong sabihin kay Mercy." Humina ang boses ni Marcia at napatingala. "Wala na po sanang ibang taong makakaalam."
Mabilis na tumango ang Tatay ni Marcia.
Napayuko naman si Marcia at nagsimulang magsalita. "I'm sorry, Ma. Sorry, Pa."
Tinawag ko si Marcia. Huminga ako nang malalim at mabilis na nagpaalam. "I'll wait at the parking? Or maybe go home? I don't know."
Binalingan niya ako. Hindi muna nagsalita.
"Just... cherish this moment with your family. You know this is already the last one," sabi ko.
Tumango siya at nagpahid ng pisngi.
When I turned my back to them, the hollow space I feel inside my heart because of loss was somehow filled. Like a cold cup of coffee has been heated. Like that feeling of waiting for another season to change; seeing the leaves fall off the trees but you know the spring will be coming soon.
And you remained grateful and hopeful despite the pain. Helping Marcia made me felt alive and human capable of giving.
Mabagal ang bawat paghakbang ko palabas ng ospital. Siguro, tatambay muna ako sa labas. Maganda ang sikat ng araw kaya maaliwalas ang paligid. Nang maaninag ko na ang pintuan palabas ng ospital, napapikit ako. Sumagi ulit sa isipan ko sila Kaden. Ganito na lang palagi? Tatakasan ko na lang ba palagi ang huling alaala na meron ako kasama sila?
Parang may sariling buhay ang mga paa ko dahil namalayan ko na lang na naglalakad na ako paakyat ng thirdfloor. And when I saw that specific room where we had our last moments as a family, hindi na ako nakapaglakad at napasandal na lang sa pader. Nakaawang ang pinto kaya nakikita ko ang isang pasyente na nasa loob at ang pamilya niya. Umiiyak ang ibang naroon, ilang minuto ang lumipas at tinabunan na ng puting tela ang pasyente. Mas lalong lumakas ang paghagulgol ng mga ito. That's when I realized, we will all experience loss in our lives.
Hindi lang ako ang namatayan ng magulang at kapatid. May mga nawalan din ng Tatay, Lolo, Lola, pinsan. Araw-araw may namamatay. Death is the only certain thing in our lives. Kung hindi ko pahahalagahan ang buhay ko ngayon, kailangan pa?
Nagsimula akong maglakad hanggang sa nakalabas ng ospital. Natuyo na ang luha na noon ay panay ang pagtulo sa mga pisngi ko. Pero natuod ako sa puwesto nang maaninag ang dalawang pamilyar na lalaki na magkaharap sa isa't-isa hindi kalayuan sa entrance mg ospital.
"Bakit hindi mo agad sinabi?" may diin na sabi ni Lenard sa kaharap na si Theron. "Bakit pumunta ka pa rito?"
"Hindi pa maayos ang mga bagay. I waited for things to settle and turn back to normal before I decided you tell her parents about—"
"Duwag!" saad ni Lenard at itinulak si Theron.
Nabigla ako sa nakikita kaya akma sana akong lalapit pero alam kong wala naman akong magagawa.
Ilang minuto ang lumipas at nagtatalo pa rin sila. Kumunot na ang noo ko at hindi napigilang mag-alala.
Hahakbang na sana ako nang maramdaman ang paglapat ng isang kamay sa balikat ko. "Dali—" tawag sana ni Marcia pero napatitig siya sa harapan.
Hindi pa rin natigil ang seryosong usapan ni Theron at Lenard.
"I have to give this to her family," huling sabi ni Theron. May itinaas na bagay na hawak-hawak. It was the same mini mp3 player that he's holding when I saw him on Marcia's burial. Wala pa rin akong maintindihan sa nangyayari. Pero nanlaki ang mga mata ko at natakpan ang bibig nang makitang mabilis na naglakad si Marcia palapit sa dalawa. Hinarap niya si Theron pagkatapos ay malakas na sinampal.
I stood there stunned.
What the heck did she just do?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top