DALI | THREE - INVOLVED IN TROUBLE

I DIDN'T HAVE ENOUGH sleep last night. Kaya siguro halos hindi ko matuon ang atensyon sa isang bagay kasi maya't-maya akong humihikab at kumukurap-kurap.

Ikiniling ko ang ulo at huminga nang malalim. I fixed my eyes in front, straight to our teacher who's writing something on the whiteboard as she elaborates the theory of relativity to the class.

Sumandal ako sa upuan at sinubukan ulit na makinig, but to no avail. Antok na antok pa rin ako. Lumipas ang ilan pang mga minuto nang halos wala akong ibang ginawa kung hindi ang gawin ang lahat para hindi makatulog sa klase. Hanggang sa magdismiss na ang teacher namin at lumabas na ng classroom. Kung hanggang saan umabot ang teacher namin sa dicussion, hindi ko na namalayan.

Nagsitayo na ang mga kaklase ko para sa sa recess. "Break na?" tanong ko pa rin kahit na halata naman. Baka kasi nananaginip na lang ako at himbing na himbing na pala ako sa pagtulog.

Tango naman ang nakuha ko galing sa kanila.

Nakapahinga na ang mukha ko sa dalawang kamay at nakaamba na sa armrest ng armchair. Kung ganito lang pala ang gagawin ko sa eskwelahan baka mas mabuting nag-absent na lang ako at bumawi ng tulog.

But I know that isn't an option. Lalo pa at hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako kahapon o talagang nakita ko iyong babae sa labas ng bahay namin.

I was still in my right mind right?

Napabuga ako ng hangin at tumitig ulit sa harapan. I don't know what to do. . . hindi naman dapat ako nagkakaganito. But since that incident between my family happened, everytime I witness an accident and even death of a person in front of me---kahit pa hindi ko kaano-ano---ganitong-ganito ang nararamdaman ko.

Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. When Dad asked me if I'm fine the next morning, I just shrug my shoulders and then murmur my answers. Hindi ako makausap nang maayos. Hindi ako makapagfocus sa discussions sa harapan. This is torture.

Nagsimulang manubig ang mga mata ko kaya agad akong pumikit.

Napapitlag ako nang maramdamang may humawak sa balikat ko.

Agad akong umayos ng upo. Malakas ang tunog nang paggalaw ng upuan ko dahil kumiskis sa sahig.

Napalingon-lingon ako sa paligid. Nothing seemed to be bothered with my sudden movements. Tumikhim ako at bumaling sa likuran.

"Ano'ng pinagkaabalahan mo kagabi?" Right in front of me is Theron holding a cup of hot choco and offering it to me.

Nagtama ang mga mata namin at nakita kong gumalaw nang bahagya ang kilay niya para mapansin ko ang cup ng hot choco na dala-dala niya. And bilis niya atang nakapunta sa canteen?

"Para sa 'kin?"

"Yep."

Tumikhim ako, mahinang natawa. Tinanggap ko ang hot choco at ipinalibot ang dalawang kamay sa cup. Mabilis kung naramdaman ang init doon. "Napansin mo rin na antok na antok na ako kanina?"

I heard a faint chuckle from him. "Imposibleng hindi kita mahalata, Dali. Kahit hindi mo inaalis ang tingin sa harapan. Kahit pa nakadilat ang mga mata mo, halatang hindi mo na naiintindihan ang sinasabi ni Ms. Annie."

"Talaga?" Nawala ang ngiti ko. "Hindi ako nakatulog nang maayos."

Hindi nagsalita si Theron. Kahit pa matapos kong dagdagan ang sinasabi. Walang imik galing sa kanya.

Uminom muna ako sa cup bago nagtaas ng tingin sa kanya. Halos nakahilig na siya sa isa sa mga armchairs habang nakatingin sa akin. "Bakit hindi ka makatulog?"

Bumuntung-hininga ako. "Alam mo na, ang daming dapat isipin."

His gaze remained on me kahit pa nang magsimulang pumasok sa loob ng classroom ang ibang classmates namin at may iilan na dumaan sa harapan naming dalawa.

"May dumi ba sa mukha ko?" I asked.

Ngumiti siya nang kaunti. "I don't know what were you up to last night. But I hope you're not torturing yourself by overthinking things."

Hindi ko na naibaba ang titig mula sa kanya.

"That hot choco won't be enough to keep you awake. Let's grab something later. Lunch."

Tumango na lang ako nang makitang nakatitig na sa akin ang mga classmates namin. Tumayo na si Theron at ako naman ay umayos ng upo.

"Gusto niyo sumama?" tanong ko. They seem really interested in our conversation.

Umiling lang sila, may ibang umismid.

Did I offend them with my question?

Umayos ako ng upo at itinuloy ang pag-inom sa cup. Though what happened a while ago was normal for both me and Theron. . . sa kanila, parang hindi. Sino naman kasi ang mag-aakala na magiging ganito ang pakikitungo namin sa isa't-isa matapos magkaalitan ng ilang beses noong simula pa lang ng school year.

Theron was really not the type who will just talk to anyone and acknowledge his or her opinion. He was the president of the class and he has set the rules high. He's responsible and studious at dahil ako ang na-elect bilang vice president ng klase, minsan hindi ko mapigilang dagdagan o irevise ang mga plano niya para sa buong section.

Iyon ang unang beses na napansin niya ako at nakausap. Throughout the months, kapag may interschool na contests at dalawa ang contestants per school, hindi ko alam kung bakit pero kaming dalawa ang kinukuhang representatives for SHS curriculum.

Ni hindi ko man lang siya napansin noong grade 11 dahil nasa ibang strand ako at lumipat lang noong second sem, at ngayon magkaibigan na kami.

Kaya hindi ko madeny sa sarili na may magandang naidulot rin ang relasyon ni Dad at Tita Maris. Kahit pa... hindi ko mapigilang masaktan para kay Mama.

I wonder why Theron shows hate on his mother though. Sinabi niya sa akin na hindi siya tutol kay Dad. . . Kung bakit parang may hindi pagkakaintindihan sila ng Mama niya, iyon ang hindi niya man lang sinubukang sabihin sa 'kin.

"Suwerte mo naman, Dali," bulong sa akin ni Jayn, pinapaikot niya ang ballpen sa dulo ng nakaponytail na buhok.

Binalingan ko siya. "Bakit naman?"

Ngumuso lang siya pero hindi sumagot.

###

"Ano'ng oras umuwi ang Dad mo kagabi?"

"11 pm."

"Sigurado ka?"

"Yes," agad kong sagot. "Why?"

"Hindi na ulit siya umalis ng bahay niyo?"

"Hindi na."

"Wala siyang ibang sinabi?"

"Nothing."

Nakatingin lang ako kay Theron at hindi alam kung ano'ng iniisip niya ngayon at kung bakit bigla-bigla niya na lang siyang nagtatanong nang ganito.

"Bakit? Ano'ng oras ba umuwi ang Mama mo?"

Nagtaas siya ng paningin sa akin. "A-Ano ulit 'yon?"

Tumikhim na lang ako. Maybe he's really bothered by something. Kung magtatanong pa ako nang kung ano-ano baka mas makadagdag pa.

"Nevermind."

Nagbaba siya ng paningin bago mahinang tumikhim.

Pareho na kaming naglalakad palabas ng gate. Siya, papunta sa motor niya habang ako papunta kay Dad na ngayon ay nakaabang na sa labas.

"You're still bothered with that scene on Cielo coastal route?"

Hinakawan ko ang sling ng dala-dala kong bag, nilingon siya pagkatapos ay napalunok. "A bit."

"'Wag mo na isipin masyado."

Tumango ako. Pero ang totoo ay bumalik sa isipan ko ang itsura ng babae na nakita ko sa labas ng bahay namin. She was still wearing the same clothes, there was a cut on her forehead, her hair disheveled. She looked straight to me, eyes tired and lips twitching as if she wanted to say something.

Imposibleng totoo nga iyong nakita ko.

Kinilabutan ako sa naalala. I ran my hands on both my shoulders as I try to shrug off that strange feeling I felt on the back of my neck.

Nanatili akong nakaharap sa harapan habang tuloy-tuloy ang lakad. Napapitlag ako nang maramdaman ang pagkahawak ni Theron sa balikat ko. "Saan ka pupunta? And'yan na si Tito."

Kumurap-kurap ako at agad na tumango-tango. Hindi pa agad umalis si Theron sa harapan ko. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat, tinitigan ng maayos sa mukha. "Ano'ng iniisip mo?"

"W-Wala."

"You're acting strange, kanina pang umaga. Kahit po noong nagsabay tayong maglunch."

"Puyat."

Hindi pa rin niya inalis ang pagtitig sa akin. "Kung tungkol 'yan sa katawan na natagpuan natin, Dali, wala kang kasalanan."

Alam ko. But I couldn't stop myself from thinking about the girl. . .

Hindi ko rin alam kung bakit!

"S-Sige, una na ako," iyon na lang ang nasabi ko kay Theron.

"Ang Dad mo at si Mama aalis ba sila mamayang gabi?"

"Hindi ako sigurado. Pero baka."

Tumango siya. Tumingin siya kay Dad na nasa loob ng sasakyan at nakatingin na pala sa aming dalawa. "Ingat kayo sa byahe."

"Ikaw din."

Binati ko si Dad at hindi na nagsalita pa. Buong byahe pauwi nakatitig lang ako sa mga sasakyan na nakakasabay namin sa kalsada.

I was alone again in our dining. Maagang umalis si Dad. Kung saan na naman sila magpupunta ni Tita? Hindi ko na inalam.

Nakikipagtitigan na naman ako ngayon sa pitsel ng tubig habang nginunguya ang ulam na ako mismo ang nagluto. Things drastically changed when I lost my brother and my mother. . . I realized that I have to be responsible. Kailangan kong matutuhan mag-isa ang mga bagay na makakatulong sa sarili ko mismo.

Mahina akong natawa sa sariling naisip. I always feel anxious whenever I'm alone. . . my thoughts drifting away and then these longing and pain take over. Kasalanan ko rin siguro? Kasi hindi ko mapigilan ang sarili.

And when people start to notice these things, I often just shrug my shoulders then immediately tells them that everything's fine.

Like the usual, matapos kumain at ayusin ang kalat sa kusina, umakyat ako sa kwarto at doon na nagkulong ng ilang oras. Kaharap ko ang i-ilang assignments and written reports.

By the time it was 9 in the evening, nakahiga na ako sa kama at hawak-hawak na ang librong sinimulang basahin noong nakaraang araw. I gazed at the windows. Inayos ko na ang kurtina para hindi na ako mapatitig sa labas.

Naka-off na ang fluorescent lights sa kwarto at iniwan kong nakabukas ang ilaw sa tabi ko.

Then I started reading. . .

Hindi ko namalayan ang oras hanggang sa nakitang mag-a-alas dose na ng madaling araw.

Hindi ko narinig na dumating si Dad.

Kumurap-kurap ako at humikab. I inserted the bookmark on the 199th page of the book where I stopped reading. Nag-unat ako at tsaka iyon inilagay sa tabi. Binalot ko ang sarili sa comforter, tiningnan muna ang cellphone bago pumikit.

Pero hindi ko naituloy ang pagpikit ng mga mata. Kumunot ang noo ko nang may mapansin sa bandang pintuan ng kwarto. Madilim doon kaya hindi ko masyadong nakikita. . . pero parang may nakatayo.

Shit.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga.

Pinanliit ko ang mga tama ko. I tried to focus my gaze on that part of my room.

Meron nga.

Dahan-dahan akong lumunok. Hindi na ako makakilos. Hindi ko alam pero hindi ko maalis ang pagtitig sa dilim at sa parang taong nakatayo.

May nakapasok ba sa bahay?

Hindi naman bumukas ang pinto! Inilock ko nang maayos ang pinto ng kwarto ko kanina.

Nagmamadali kong kinuha ang cellphone sa tabi ng kama.

Nagtipa ako ng numero. . . at dahil ang number ni Theron ang unang-una sa recent calls siya ang agad kong natawagan.

Segundo lang ang lumipas nang unti-unting luminaw ang bulto ng taong nakatayo sa bandang pinto.

Hindi magnanakaw.

Natigilan ako sa nakikita, halos hindi na makahinga.

I gripped the phone, rinig ko ang dial tone sa kabilang linya.

Sagutin mo, Theron. . . please.

God. I saw her again.

I-It was that girl.

"Theron. . ." I mumbled his name. Thank God he answered it swiftly. I could feel my hands shaking. Nagtaas baba ang dibdib ko at hindi na napigilan ang panginginig ng balikat. I gripped my cellphone with so much strength, hoping that I could keep a hold of my confusion, panic, and fright.

"Dali." There was urgency in his voice as he called my name on the other line. "Ano'ng nangyayari?"

I moved a bit.

"S-She's here, Theron." Napaatras ako sa headboard ng kama, kumapit sa comforter habang nanginginig ang mga kamay na nakahawak sa cellphone.

Tumulo ang luha sa mga mata ko.

I could see the girl taking small steps towards me. One at a time. Slow yet heavy.

When I couldn't take the sight anymore, I shut my eyes. Nagfocus ako sa malalim na paghinga, sa isipan na hindi na makapag-isip nang maayos.

Ngayon, rinig ko ang kaluslos sa kabilang linya. Hindi nagsasalita si Theron pero alam kong nakikinig siya.

Madilim sa kwarto at tanging ang lamp light lang sa tabi ng kama ang nagbibigay ilaw. I must be tricking my own brain right?

Hindi 'to totoo.

Wala siya rito.

Patay na siya, she can't be here.

And why would she be here?

I tried making sense of the current situation. Sinubukan kong bigyan ng rason kung bakit hindi dapat 'to nangyayari.

Okay, okay. I was only too frightened with that scene on the rocks kaya hindi iyon mawala agad sa isip ko at kung anu-ano na lang ang naiisip ko ngayon.

Please. . . stop. I whispered to myself. To my mind.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata. And then, there was the solemnity inside my room. Wala ang babae sa harapan ko.

Lumapat ang libreng kamay ko sa mukha, tinakpan ang bibig na hindi na napigilang humikbi.

"Dali. . ." muling tawag sa 'kin ni Theron.

Napakurap-kurap ako. I'm too helpless to share what just happened. I was still trembling in fear.

"I couldn't sleep," I whispered instead.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top