DALI | THIRTY-SEVEN - I SHOULDN'T

PANAY ANG PAGBALING ko kay Dad habang nagmamaneho siya sa tabi ko. Hindi man lang siya nagsalita simula nang pinatakbo niya ang sasakyan.

But I couldn't even bring myself to ask him questions. Halata sa itsura niya ngayon na hindi naging maayos ang naging pag-uusap nila ni Tita Maris.

Imbes na mangulit at magtanong, huminga ako nang malalim at tumitig sa harapan. We're heading home. I'm sure. Dahil unti-unti nang nagiging pamilyar sa akin ang bawat street na nadadaanan namin. Mabilis ang pagpapatakbo ni Dad. If I'd feel the wind and extend my palms outside the car windows I would surely feel the pressure and speed.

Kung hindi lang maayos ang traffic sa daan ay ipinagdasal ko na ang kaligtasan namin ni Dad. I'm not really afraid of riding a car at full speed, noon pa nga napapangiti pa ako. But I think a little mindfulness would help ease the worries that were starting to resurface my mind. I hope I am not meant to die today.

Sa hindi kalayuan ay nakikita ko na malapit na kami sa village. Finally, this frightening stunt's gonna end. Hinanda ko na ang sarili pero tuloy-tuloy lang ang pagpapatakbo ni Dad sa sasakyan.

Kumunot ang noo ko. "Dad? Saan tayo papunta?"

Nilingon niya lang ako at ngumiti nang bahagya. Pain and longing flickered in his eyes.

"Bibisitahin natin sila, Dali," mahinang sabi ni Dad, pinipigilang mabasag ang boses.

Napapahid ako ng luha sa pisngi. Walang na akong ibang nasabi at bastang tumango. Nagsimulang manubig pa lalo ang mga mata ko. I clasped my chest when a sudden pain lingered in my heart. Mama. Kaden...

"I can't wait," saad ko, ngumiti sa kabila nang tumutulong luha.

When we arrived at the cemetery we stood in front of Mommy and Kaden's graves in silence. Nakayuko si Dad at panay ang pagbuga ng hangin habang ako naman ay nakahawak sa braso niya. He was looking at my mother's name engraved on the tombstone. And I was looking at Kaden's initials just beside my Mom's.

"Ang bilis ng panahon. Nakakamiss kayong kasama, Kaden, Mommy," bakas na sa boses ko na kakagaling ko lang sa pag-iyak.

Tinitigan ko si Dad sa mukha, nakikita doon ang lungkot sa mga mata. He gave me a small smile and I nodded my head. "You can talk to mommy now, Dad."

"It wasn't supposed to last..." naibulalas ni Dad, nilingon niya ako. "What I had and Maris, we weren't in the same page. We're calling off the upcoming wedding. We already broke up."

Tumango ako, nawala na ang maski maliit na ngiti sa mga labi. I nodded my head then tap his shoulders. Hindi na ako nakapagsalita at nagsimulang maglakad palayo nang bahagya sa kanya. He'll be talking to my Mom. I could listen to him but that would just make me cry. It would hurt. Him talking about hlw he managed to love another person months after my mother died.

Ngayon, alam ko na kung bakit hindi dapat hinuhusgahan ang mga taong nagmamahal. They shouldn't be subjects for judgments and stereotypes. Maybe, I had been too inclusive with my own views about love. I was rejecting what I see in society because I had been too caught up with my own ideals. Hindi mo naman kasi nadidikthan ang puso. Kung mahal mo ang isang tao, mahal mo.

I think we humans are just susceptible to making mistakes. Aren't we brave enough to risk for the love that would ease our brokenness inside? We are. We love because we don't want to be lonely. We love because we don't want to be in pain anymore. Sometimes, we love because it means so much to care for someone other than ourselves.

Is it too early for me to develop a sense of belief about love? As young as I am...

Ako? Have I ever been in love?

I guess I did. And I still do.

Si Dad ay nakaupo na sa tabi ng puntod nina Mommy at Kaden. Panay ang paghaplos niya sa pangalan ng dalawa.

And I smiled and gazed at the sky, and allow my thoughts to wander...

I wanted to make sense of this life to not fear death anymore. I wanted to start now and do what I have to be doing. I shouldn't wait more time to start living than just merely existing. Because death will certainly come in our doors, and I hope when we open it, we are ready to embrace our fate without regrets for the time that we didn't use wisely.

Dad had puffed eyes when he came back. Both of us then went inside the car. "You must not see me like this, Dali."

"Bakit naman, Dad?"

"You don't have to directly witness how a love—extremely short-lived—could impact a person's life. I'm your Dad... I should be the one showing you how—"

"I'm proud of you, Dad. You're strong. Seeing you like this didn't even decrease the respect I have for you. I'm sorry, I do have misconceptions in the beginning but I understood it now, Dad. What you had with Tita Maris didn't erase the fact that you had been a good father and a great husband when Mommy was still alive. Naiintindihan ko. In this lifetime... we might fall in love multiple times."

"I truly love your mother."

"So as Tita Maris," sabi ko, umiintindi. "There's no need for any justification, Dad. We love because we do. Love could be fueled by many reasons embedded in our beliefs and many other aspects. Hindi na natin kailangan maghanap ng objective na sagot. We just love."

Hanaplos ni Dad ang buhok ko at napangiti. "Kung umabot ka na sa ganitong punto ng buhay, anak, sana maging matapang ka na ipakitang nasasaktan tayo nang paulit-ulit. Nagmamahal din tayo nang paulit-ulit. Hindi iyon katangahan. Kung alam mong dapat mong ipaglaban ang isang bagay... hindi mo man sigurado na magtatagal iyon, sinubukan mo pa rin."

I nodded. Love makes even the most excruciating pain bearable.

Sa buong drive pauwi, dalawang beses na sumagi sa isipan ko si Theron.

Nagpabalik-balik sa isipan ko ang mga bagay na sinabi niya sa akin. Ang panghihina habang yakap-yakap ako. At ang sakit at pagsisisi sa mga mata habang nakatitig sa mga mata ko.

He might have been having a hard time since Marcia died. He's blaming himself. Siguro noong una, pinilit niyang hindi idawit ang sarili, he was too afraid. Now, he's trying to be strong and face the consequences of his decisions.

But Marcia... before she left, she was... she had finally accepted things.

"I just wanted to hear the truth from Theron. I wanna ask him why. Gusto ko rin makahingi ng tawad sa pamilya ko dahil mas inuna kong isipin ang ibang tao kaysa sa kanila."

Isinandal ko ang ulo sa gilid ng bintana at tinitigan ang mga bahay at mga tao na nadadaanan namin. A lot could happen in this lifetime. Maybe we have to know when to close some chapters in our past to focus on the present.

I won't ask Theron to forget about what happened.

But I hope... and pray, that he'll have the courage to step out from the void and sail through the present once more... like how he had tried.

Kung tatakbuhan mo lang ang nangyari noon, baka habulin ka pa rin. Pero kung haharapin mo at unti-unting tanggapin ang mga nangyari na, at aaminin na wala nang iba pang magagawa, baka sakaling hayaan ka na nitong mapagtuloy nang hindi na ginugulo nang paulit-ulit.

By the time I laid in my bed, processing everything that happened in the day, I was still thinking about Theron. Malambot ang kama na hinihigaan ko at sobrang sarap nang ipikit ang mga mata para matulog, pero kinuha ko pa rin ang cellphone sa drawer at tinawagan ang number ni Theron.

Memories of those days and nights when I would call him flashed before my eyes. He would always pick up the phone after the second ring. Pero ngayon, umabot na sa tatlong rings hindi niya pa rin sinasagot ang tawag ko.

Sumalampak ulit ako sa kama at napapikit. Pero ayaw ko pa rin siyang sukuan. Kaya sinubukan ko ulit. Nang wala pa rin, nagtipa na lang ako ng text.

Simula na bukas ng CETs. 9:00 AM ang schedule ko. I think you're going tomorrow right? Same ata tayo ng testing room at scheduled time. 'Wag mong kalimutan dalhin ang mga reqs. See you, Theron.

I pressed the send button then stared at the ceiling. Ipinikit ko ang mga mata. I hope things get better tomorrow.

***

Limang students ang nasa pagitan namin ni Theron nang naupo na lahat ng mga test-takers para sa examination ng isang kilalang state university. We were lucky enough that our school was chosen as one of its testing centers. Hindi na namin kailangan pang magpunta sa ibang schools or sa mismong school just to take the entrance exam.

Dumating si Theron five minutes bago nagsimula kaya hindi ko na siya nakausap pa. Iniiwasan niya rin ako sa tuwing sinusubukan ko siyang tawagan o kahit tingnan man lang.

We were given two hours to answer the test. Binasa ko na ang mga tanong at nagfocus sa pagsagot. I didn't get the chance to review and study but I am trying to answer the questions... the best that I can. It was my mother's dream for us to have a good education. This is how I pay tribute to her and to our family.

Wala akong nasabi matapos ang dalawang oras. The exam was quite hard. Lumabas na lang ako ng classroom at uminom ng tubig. I stretched my back and tilted my head. Nang makitang palabas na rin si Theron.

Sinalubong ko siya at ikiniling ang ulo para matitigan ang mukha niya dahil nakayuko na naman siya ngayon. "Uuwi ka na?"

Tinitigan niya ako pero ngumiti lang ako. "Pwede ba tayong mag-usap?"

Hindi ko inasahan na tatango siya sa sinabi ko.

Lumapad ang ngiti ko sa mga labi.

Magkasabay kaming naglalakad palabas ng gate. Panay ang baling ko sa kanya at pabalik ulit sa paligid. Hindi pa ako nagsasalita at nag-isip kung saan kami makapag-usap nang maayos. "What if mag simba muna tayo?"

Napatingin siya sa relo sa kamay. "Uuwi na lang siguro ako, Dali."

Nang akmang aalis na siya ay mabilis ko siyang pinigilan. Hinila ko siya habang nakahawak sa palapulsuhan niya. We went inside the campus, papunta sa isa sa mga hagdanan ng building namin na halos wala nang tao dahil nagsiuwian na.

This time, I finally had the courage to ask him questions about why he didn't help Marcia and why does he only feel guilty about it now. Palit niyang iniiwasan ang problema. Hindi niya sinasabi kung ano'ng dapat niyang sabihin. Hindi ko na alam kong ano'ng dapat kong gawin. O kung dapat pa ba akong lumugar sa buhay niya. Gusto niya pa ba ako? May balak ba siyang kausapin ang sarili tungkol sa ginawa?

"I know I don't have any position in your life that would make it valid for me to confront you on this," panimula ko. "Theron, ano na bang meron sa'tin?" basta kong nasabi. Hindi ko inakalang makakayanan kong sabihin iyon nang hindi nagpaghahandaan.

I inhaled a very deep breath. "Ngayon... ano ba tayo sa isa't-isa?"

Tinitigan niya ako.

"Naalala mo pa ba ang sinabi mo sa akin? Kahit sa text lang 'yon? Naalaala mo pa ba?"

Hindi siya kumibo.

Nanubig ang mga mata ko pero hindi ko iniwas ang pagkakatitig sa kanya. "Don't you remember? Theron?"

Yumuko siya pero tumango.

I felt how my heart slowly crumbled into shreds.

"You told me these words..." And I proceeded on saying them in front of him: "More than words could mean and actions imply," I quoted his words. I memorized them inside my head. Hindi iyon nawala sa isipan ko. Kaya kung sasabihin man niya na nakalimutan niya ang sinabi niya, madudurog ako. "I wanna know your heart. I wanna know what you think of me. I wanna know if you'd give me a chance. I like you, Layla Dali Maranda."

Napapikit ako nang mapahikbi na. Naghintay sa sasabihin niya.

"I don't know, Dali. I'm not sure if I could deal about that now."

Bumagsak ang balikat ko, may lumubog sa bandang t'yan, at natakpan ko ang bibig dahil sa paghikbi. Nadudurog ako sa bawat paglipas ng minuto.

"Nagkakaganito ka dahil kay Marcia..." saad ko, kung nadudurog na rin naman ang puso ko simula pa kanina, lubos-lubusin na natin ngayon.

Natahimik kaming dalawa.

Nang lumipas ang ilan pang minuto, naglakas loob na akong magsalita.

"Theron... iyong nangyari, bakit nga hindi mo sinabi sa mga pulis? Bakit hindi ka humingi ng tulong?"

Nabigla siya sa itinanong ko.

Pero hindi ako nagpatinag at naghintay ng sagot.

Kung ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa nararamdaman namin para sa isa't-isa... edi tatanungin ko siya tungkol sa isang bagay na hindi niya na dapat kailangan pang takbuhan.

"Nakulong ang tatay ko, una ay dahil sa hinala pagkatapos ay idiniin siya. Paano kung mangyari rin sa 'kin 'yon?"

"But you're aware of the due process, may warrant of arrest ba?"

Tumango siya.

"Then your father... might have done it."

"My father was put to jail even when they had no further evidence. Sinabi lang ng kaibigan niya na tumulong siya para hindi agad sila mahuli. They immediately raided our house. Si Papa agad nilang pinusasan."

"It might be needed for further investigation."

"Nakita ko kung paano tinawanan si Papa ng isa sa mga pulis. They planted some evidences which were used by the court to convict him."

Nanatili akong naghihintay sa sunod niyang sasabihin.

"Iyong nangyari kay Marcia... naiwan ko ang cellphone ko sa bahay no'ng magkita kami. Puwede akong magpunta sa pulis station... o puwede kong tawagan ang pulis station kapag nakauwi na ako sa bahay. I wanted to call the police, so I tried. But my mother doesn't want me to get involved."

"But you could have... still. Makakanahap ka pa ng paraan."

Umiling-iling siya.

"May hindi ka pa ba sinasabi?" tanong ko ulit, umaasa na magkakaintindihan na kami ngayon.

"Ano pa ba ang kailangan mong marinig, Dali?" blanko ang mga mata niyang tanong.

"Bakit hindi mo tinulungan si Marcia?" muli kong tanong. "Bakit, Theron?"

Paulit-ulit kong tanong.

Hindi siya nagsalita.

"You have to admit it! You have to be true to yourself! Hindi ka makakawala—"

At doon sumabog na siya. "Tangina! Siguro dahil mas magiging maayos ang mga bagay kong hindi niya na ako magugulo ulit! Hindi ko alam, Dali! Hindi ko na alam! Gulong-gulong na rin ako!"

He burst into tears. "Marcia... she lied to me. She lied to me about her and Lenard! Akala ko wala na sila nang maging kami. Nang nalaman ko na tinatago niya pala kaming dalawa kay Lenard... I wanted to be out. Gusto ko na tumigil na kami sa kung ano'ng namagitan sa amin! I don't want her to die. But if it's meant to end that way then I have to deal with it!"

Nanigas ako sa narinig. There. He had said it. Maybe that's finally the truth.

"R-Right." My voice was shaking after a certain realization. "Because you should have called the ambulance instead of making up reasons why you can't call the police!"

Kita ko ang takot na lumandas sa mga mata niya.

"Sa lahat ng pwede mo sanabg gawin, pinili mong hindi manghingi ng tulong," saad ko. "Ngayon, iniisip mo lang na sinubukan mo ang lahat pero wala kang nagawa. You made a decision, Theron, right after that incident. The easiet one. You wanted to be out right? Umuwi ka sa bahay n'yo dahil wala ka talagang balak tulungan si Marcia. Iyon kasi ang pinakamadaling gawin. You're the worst."

Tumutulo ang luha na tumalikod ako sa kanya.

"I guess I am," he said. He took several steps backward. Hindi na siya nakatingin sa akin.

Sinabi niya na. Wala na akong dapat ipilit pa kung hindi naman 'yon ang gusto niyang sabihin.

Pero bakit pakiramdam ko, gulong-gulo at hirap na hirap lang siya ngayon?

"Maybe you're not really the one to blame for Marcia's death. But what happened revealed who you really are as a person, Theron—vile and cruel."

Alam kong nagkamali siya.

Right now, he's so conflicted. But if he doesn't want me to get involved, then maybe... I shouldn't.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top