DALI | THIRTY-NINE - LOOSE ENDS

THE NEXT DAYS passed by until graduation finally arrived. Nothing extravagant really happened. I guess the plot twist in our years as Senior High School students had long been done. O siguro hindi ko lang napansin o naabutan?

I smiled at myself knowing that I shouldn't be searching for a more horrifying twist I had been through after that near-death experience... sumagi agad sa isipan ko si Yannie at Marcia.

Ngayon ay nakaupo na ako sa kwarto at nakasilip sa bintana, kaninang umaga lang natapos ang graduation ng batch namin. Ngayon ay payapa na ang gabi, halatang malamig na sa labas. Sa kama ay nakatupi na ang toga na suot-suot ko kanina. Nandoon rin nakalagay ang graduation picture ko na naka-frame, pati na ang iilang polaroid pictures na freebies mula sa graduation ball na natapos na noong nakaraan araw. We already had our final march in our alma mater. Ilang araw na nga ang lumipas at heto ako ngayon. But I didn't even forget even a single moment of what happened the night at our graduation ball...

Napailing-iling ako nang luminaw sa isipan ang mukha ni Theron na nakatitig sa akin.

Ang isang kamay niya ay magaang nakahawak sa bewang ko habang ang isang kamay naman ay magkasalikop sa isang kamay ko. My other hand was on his chest as we both swayed to the gentle rhythm of the music playing on the background for the cottilion dance. Sa hindi inaasahan, parehong pangalan naming dalawa ang nabunot namin noong pinagpair na ang lahat ng mga sasali sa cotillion dance ng graduation ball ng batch namin.

"You weren't expecting me as your partner..."

"I'm sure you didn't too."

Natawa siya nang bahagya at napatango.

But...

Iniangat ko ang mukha at tumitig sa mga mata kanya. "I like... I mean-this is better-ayos na rin na ikaw ang kapartner ko para walang ilangan na mangyayari."

Ngumiti si Theron, nanatiling nakabaling ang buong atensyon sa akin na mas lalong nagpatindi sa kaba na hindi ko naman dapat nararamdaman.

"You look gorgeous, Dali," he mumbled seconds later at the same time we were starting to keep up with the music as we execute the steps we practiced days before the ball.

Ang kanina'y malamyos at mabagal na kanta ay unti-unti bumilis. The chosen track for this graduation ball is the song 'Rewrite the stars'.

The intro of the song illuminated the entire hall, a round of applause came from the crowd.

Napalingon ako sa classmates namin na katabi namin. Nakatingin din sila sa isa't-isa habang bumubulong kung gaano kaganda ang design ng buong venue. It's like a cross-over of Oscars-fairytale-themed graduation ball.

When I gaze back at Theron... my eyes flickered with awe.

"I might only say this once but you look... you look great-even more than that, Theron. It's like the mere act of staring at you would incriminate me." My heart. And there'll be no turning back once I decided to jump and now... I've falling for you.

Kung gaano katindi ang pagkatalbog ng dibdib ko ay gano'n din ang unti-unti kong nararamdaman ngayon... kahit pa nasa alaala ko na lang ang mga nangyari.

Napatakip ako ng mukha dahil sa naalala. Napasigaw ako at bastang gumulong sa kama ko. Pero ilang segundo ay napabangon ako ulit at napatitig sa kawalan.

Pagkatapos ng graduation ball, hindi na kami nakapag-usap pa ni Theron. Kanina pagkatapos ng graduation, hindi pa agad kami umalis ni Dad. He was still talking to some of my teachers and I was trying my best to find Theron from the crowd. But I failed.

Sa gitna ng program... nang tinawag na ang pangalan ni Marcia para sa isang pag-alala, nandoon ang mga magulang niya. Hindi man umiiyak pero bakas ang lungkot sa mga mata. Theron couldn't maintain eye contact since then. At ngayon, hindi na nga siya nagpakita pa.

Umuwi kami sa bahay na malaki ang ngiti ni Dad pero halos hindi na ako mapalagay. Pero, sinubukan ko pa rin... alam ko namang masaya ako dahil finally, high school is over.

Nahiga ulit ako sa kama at pipikit na sana nang maisipan ko munang magscroll sa fb at magtitingin sa mga posts ng mga batchmates ko. I reacted to some of their posts. Some posted a farewell speech, others shared their high school journeys and how they finally got to win the battle.

I am celebrating with them. I may not know them all personally yet I am proud of them. We all have been through a lot, today calls for a celebration for all the sleepless nights and last-minute cram kapag pasahan na ng projects.

I hadn't noticed that two hours have passed already. Napahikab na ako at napapapikit na ang isang mata. But just as I was going to close my apps and shut down my phone when suddenly, an email popped up from the screen.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang subject ng email.

Letter for confirmation to enroll: Ms/Mr. Layla Dali Maranda.

Nanlaki ang mga mata ko at natakpan ang bibig. Basta akong bumangon sa pagkakahiga at nagtatakbo para bumaba ng hagdanan at puntahan si Dad sa kwarto niya.

"Dad, are you asleep?" tanong ko at kumatok ng dalawang beses sa pintuan.

Binuksan ko ang email at agad na binasa ang laman. Paulit-ulit kong binasa

You are qualified to enroll in the program...

Bumukas ang pinto at nakita ko si Dad na nakakunot ang noo. Agad ko siyang niyakap habang malaki ang ngiti. "I passed the entrance exam, Dad! I got in!"

Naramdaman ko ang pagyakap ni Dad sa akin pabalik.

Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko nang binalingan ko na siya. "Can you believe it? Dad?" bakas ang saya sa boses ko.

Napangiti si Dad sabay gulo sa buhok ko at tumango. "Ano pa ang hinihintay mo, magreply ka na sa kanila, anak."

"Yes, I should!"

"Congrats, anak... your mother and Kaden should be really proud.

Nanghina ang boses ko pero nakangiti pa rin. "Thank you, Dad."

"I'll be right here, helping you along the way. Go on, Dali."

"Thank you po." Humalik ako sa pisngi niya. "I'll respond to them now."

Nagmadali akong umakyat ang kwarto at agad na humarap sa sariling laptop. Pero bago pa man ako nakapagtipa ng reply.... naalala si Theron. He also took the same exam. Alam niya ba na nagpadala na ng result?

I called Theron and it took several rings before he finally answered his phone. Wala ni isang ingay sa kabilang linya kaya nangunot ang noo ko pero hindi pa naman ibinababa ang tawag kaya sinubukan kong magsalita. "Theron? Nand'yan ka ba?"

Katahimikan.

"It's late, Dali."

May bumara sa lalamunan ko sa narinig.

"Ah, may ginagawa ka pa?"

Right, baka may mga bisita sila ngayon dahil kakagraduate lang namin kaninang umaga.

"I'm sorry if I just called..." sabi ko, napatikhim. "Do you have a minute?"

Katahimikan ulit.

Bumibigat na ang pakiramdam ko pero pinanatili ko pa ring masigla ang boses. "I just received an email from the university... may results na yata."

May kaunting kaluskus na sa kabilang linya.

"I got in, Theron," bakas ang saya sa boses at bumalik ang ngiti sa mga labi ko. "You should check your emails too. I bet you also got in!"

Pero hindi siya nagsalita. Ngayon ay naririnig ko na ang paghinga niya sa kabilang linya. "I won't take my slot, Dali. Hindi ako tutuloy."

Natigilan ako sa narinig at humigpit ang pagkakahawak sa cellphone. "A-Ano?"

"I just told you I won't confirm my enrollment."

"Pero bakit, Theron? Pumasa ka naman hindi ba?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko. "Congrats sa 'yo," aniya.

"Theron..."

"I have to end the call, may ginagawa pa ko."

Bumagsak ang balikat ko at napasandal sa upuan na wala ng lakas.

Pagkatapos ay dahan-dahan akong tumango at tumikhim. "Ah, okay..." malungkot kong sabi. "Talk to you next time then?"

"Sure. Maybe. Pasensya na."

Huminga ako nang malalim. "It's fine, no big deal. Really."

At pinatay ko na ang tawag.

I stared at the computer screen as I turned off my phone. Umayos ako ng upo at inilapat na ang mga kamay sa keyboard at nagsimula nang magtipa. I confirmed my enrollment and responded to the email. By the time I laid back in my bed, I had a smile on my lips once again.

***

Lumipas ang mga araw hanggang sa naging dalawang buwan. Hindi na kami nakapag-usap pa ulit ni Theron. Lumipas ang dalawang buwan nang sobrang bilis. Hindi ko namalayan ang mga pagbabago na nangyari sa paligid ko. I have been preparing for the start of the academic year... my first year in college. Sa susunod na linggo ay aalis na ako at magpupunta sa apartment na uupahan ko habang pumapasok sa university.

Napatitig ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili. I just received a text message from Theron saying he wanted to see me and if I am not busy enough, we could at least talk...

We agreed to meet each other at the Cielo coastal route, 4 PM.

Hindi ko na inasahan ang mga sumunod na nangyari.

***

Nang nakarating ako ay nakita ko agad siya na nakatitig sa payapang dagat. Siguro hindi naman magtatagal ang usapan namin dahil nakatayo lang siya sa malayo at agad akong tumakbo palapit sa kanya.

"Theron..." tawag ko.

"Dali..."

"Hi," I greeted. "How are you?"

Sinubukan niyang ngumiti pero bakas ang lungkot sa mga mata niya.

"How have you been?" tanong niya sa akin sa halip na sumagot. Ngumiti na lang din ako at sumagot sa mga tanong niya. We remained that way until he asked me about college and what are my plans.

"College will start in the next two months," saad ko.

Tumango siya. "Kailan ka aalis?"

"Hindi mo ba talaga tatanggapin ang offer?"

"I feel like I should be here, Dali."

"Yup, away from where I should go."

"I have to deal with things."

"Marcia's gone yet you have a life to live."

"You might have done a messed-up decision. You can call yourself bullshit if that's what you wanna call it. You can curse yourself all you want but you can't always be like this. You know that, Theron."

Mahina siyang natawa matapos kong sumabog at humikbi.

"I am not doing this for Marcia. Or for myself. To tell you the truth... I don't want to be away from Circa Cielo."

Lumamlam ang mga mata ko. "Pero bakit?"

"Natanto kong hindi ko makukuha ang mga bagay na hindi ko abot, Dali."

Nangunot ang noo ko.

"Kagaya mo," sabi niya, nakatitig na ngayon sa 'kin. "Hindi ko puwedeng iwanan si Mama. Aapila pa siya sa kaso ni Papa. Ipapanalo pa namin 'yon."

Huminga ako nang malalim. "Alam mo, sa tingin ko hindi sa... hindi mo ako maabot, Theron. Ayaw mo lang ituloy. Minsan mo nang sinubukan, pero sumuko ka agad."

Napatitig ako sa kanya pabalik. "Kasi kahit pa piliin kong habulin ka tatalon ka lang sa bangin."

Napailing-iling siya, may lungkot na ngiti sa mga labi. "You'll meet new faces. There'll be more people who would be better than me. You will be reaching heights while I have to wrestle with my lows."

"We still have enough time to welcome what life has to offer to us," aniya, nag-iwas ng paningin.

"So, ganito na lang?" tanong ko.

Lumingon siya sa akin. "Ganito na, Dali."

Tumango ako at tinanguan siya. "Una na ako."

Kahit ganito ang kinahunatungan ng mga bagay, ayos na rin siguro. Because I get to feel how magical it was to be told that your existence matters to someone else. I had experienced how falling for someone felt. But some people aren't how they seemed.

Love in our youth would make you feel you can accept them as they are---all the highs and lows, mistakes and wrong decisions... Distorted truths, and professed lies wouldn't matter. We would think we're invincible because of the love we feel for a person. But I guess, those reasons won't suffice when the other party won't even acknowledge how much you're trying to understand them.

I knew I fell in love. But maybe we're both messed up to settle with each other amid everything.

Habang naglalakad palayo ay nilingon ko saglit si Theron. Nakatitig siya sa kawalan. Huminga ako nang malalim at pinilit na lagyan ng ngiti ang mga labi. Anything could drive us to thrive in this world. To continue our lives. It could be because of our love for a person, or our hatred towards them, and even regrets and faults that we wanted to make amends---thinking it ain't late as long as we still wake up the next day.

I knew nothing good could stem out from vengeance. And regretting something every day without admitting the fact that decisions that were already made can't be undone anymore... only breeds misery.

Everything that happened made me realized that it's within our capacity to decide which ideas and perceptions govern our lives. Nasa atin pa rin kung ano'ng desisyon ang pipiliin natin. Kung ano'ng sunod na gagawin matapos masaktan.

He's the only one capable of making a choice for himself.

Tinitigan ko si Theron sa panghuling beses. Kahit pa sabay kaming nagpunta rito, ngayon ang unang beses na hindi kami nagsabay na umuwi.

Hindi na ulit magsasabay pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top