DALI | THIRTY-FOUR | GOODBYE

IDINILAT KO ang mga mata nang dahan-dahan. May nakaharang sa bandang ilong ko at rinig ang malakas na tunog ng mga hospital equipments sa tabi. I blinked once more, the radiance from the flourescent lights illuminating the familiar hospital room hurt my eyes that I immediately shut them.

Nakahiga ata ako ngayon sa hospital bed. I could somehow feel the soft cotton at my back... ano'ng nangyari?

Napabaling-baling ako sa paligid at nakitang nakatungo si Dad sa maliit na sofa malapit sa kinahihigaan ko pero hindi niya ako napansing kumikilos nang dahan-dahan. Was it over? Am I back with my body again? Napakapa ako sa mga kamay ko... there was a hose on my wrist—then a transparent tube was attached to a bag of fluid just right above my head.

Gumalaw ako nang bahagya at naramdaman ang paggalaw ng karayom na nakabaon sa kamay ko... Napangiti ako nang makaramdaman ng sakit. Bumaling ulit ako kay Dad at napansing nakatungo pala siya habang natutulog.

Si Marcia... asan si Marcia?

Ipinikit ko ang mg mata at inalala ang mga nangyari... we were fighting and shouting at each other. Then before I knew it, she reached for a fork and stabbed it in the chest so deep almost the entire length was lunged inside her flesh. Kumapa ang mga kamay ko sa gilid ng dibdib, the pain was throbbing a bit... patched with a gauge.

Hindi ko alam kong papaanong nagkapalit ulit kami matapos iyong ginawa ni Marcia. Ang alam ko lang agad akong lumapit sa kanya at sinubukang pigilan siya sa balak gawin pero huli na. But I managed to grasp her hand kahit pa puno na iyon ng dugo.

I was so afraid my body would die... umabot sa mukha ko ang takot na naramdaman ko na agad akong nanlamig...

But the force that I felt when Marcia held my hand the night when I was lying on that road fighting to survive while I lay on the rough concrete—akala ko mamatay na ako. Because I know it was a near-death experience! Yet that same magnetic-like force overtook my entire system the moment Marcia stabbed my body and I had to grasp her hand. The bracelet dangled in her wrist. At parang may humila sa akin pero agad akong nawalan ng malay...

Ganito rin ang nangyari... dala ko ang bracelet niya pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko. Kanina ay suot niya ang bracelet niya at mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. At halos maghingalo na siya dahil sa hapdi na naramdaman dahil sa nakabaong tinidor sa dibdib .

The bracelet... a near-death experience, and hands holding onto one another... those were the reasons why we were able to switch our souls!

Ngayon ko lang nalaman... ngayon lang.

Did Marcia know about this too? O gusto niya na talagang mamatay na ako ng tuluyan nang hindi na ako makabalik sa katawan ko?

'Like I told you... you're gonna die with me,' those were her last words. Pero nasaan na siya ngayon?

Muli akong napatitig sa kisame pero natakpan ko lang ang mga mata. Even when I had been awake for several minutes, my sight hasn't still adapted to the light.

Nanliit ang mga mata ko nang parang may naaninag na naglalakad sa malayong banda ng hospital room. Nakatalikod siya pero nakadunghay ang mahabang buhok...

Si Marcia...

Sinubukan kong bumangon sa hospital bed at nagawang makaupo, at doon ko nakita ang Tatay ni Marcia na hapong-hapo na nakaupo sa sahig. Si Marcia ay suot na ulit ang maruming damit na noon ay kulay puti ata pero may iilang butas at dumi na sa bandang paanan. Her movements were sublte and gentle, naupo siya sa tabi ng Tatay niya at sumandal rito sandali. Then I heard her sing a classic song near his ear.

Nang tumayo na ay lumingon si Marcia sa akin... hindi nagsasalita pero hinayaan naming magsalubong ang mga mata namin.

"Siguro hindi ka pa rin sobrang malas, Dali," saad niya, nakatayo na sa bandang pintuan. "Alam ko na ang dapat gawin bago mo pa napagtanto. Naiintindihan ko na kung bakit may mga katulad nina Ministress Parisa," mahina niyang sabi. "The mortal world is full of temptations. Souls could get trapped and dwell on evil acts. I was almost at that point... I'm sorry."

Natulala ako sa narinig at hindi agad nakakilos.

"The order must be upheld. We have to depart onto a safer place before our time comes."

Hearing her say these things lifted a weigh inside my chest that I had heaved a sigh. Pero hindi ko pa rin magawang ngumiti. Andito pa rin ang kaba ko. Ang takot. After everything got worse bacause of her actions... after all the chances I missed because she took them away from me... hindi ko magawang maging ayos na lang ang lahat.

"Nakipagkita sa akin si Ministress Parisa at si Yannie noong gabi na hindi ko sinunod ang sinabi mo," she admitted. "She wanted to bid her goodbye before she crosses the bridge. That was the moment I realized how I only had less time left. Kaya humihingi ako ng tawad na ganoon ang ginawa ko. I'm sorry sa lahat."

Umangat ang labi ko para sana magsalita pero walang lumabas agad na salita sa bibig ko.

"Maniwala ka... gusto ko lang maliwanagan sa mga bagay," napayuko siya pagkatapos ay pumikit. "Matapos marinig ang mga sinabi ni Theron, matapos balikan at alalahanin nang mabuti kung ano talaga ang nangyari sa akin, naiintindihan ko na. My death was no one else's fault. It's just what it is. Wala nang mawawala sa akin hindi ba? Wala na rin akong kailangang patunayan pa."

"I thought you wanted to live again, Marcia," naibulalas ko, hindi napigilan na hindi manginig ang mga labi.

"I just wanted to hear the truth from Theron. I wanna ask him why. Gusto ko rin makahingi ng tawad sa pamilya ko dahil mas inuna kong isipin ang ibang tao kaysa sa kanila."

It's hard to listen to her. Pagkatapos ng lahat nang nangyari, matapos kong makita ang tunay na ugali niya, hindi ako lubusang naniniwala sa sinasabi niya sa 'kin ngayon.

Nanubig ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.

"Mahirap paniwalaan ang mga sinasabi ko ngayon hindi ba? It's up to you, Dali. But I couldn't blame you though. Hindi ko naging boyfriend si Theron kung gusto mong itanong. We were only some kind of people who crossed paths some time, which wasn't meant to last. I hurt Lenard. He loved me with all that he has. Kaya nagsisisi rin ako dahil hindi ko man lang ibinuhos sa kanya ang buong pagmahahal ko. I will forever treasure our memories but I wanted him to let me go too. He deserves to be loved more than I had loved him."

Nakatayo lang si Marcia sa malayo at nakatingin sa akin ngayon, malamlam ang mga mata pero may maliit na ngiti.

"People fear death not because it's horrifying to face an adversity alone. Some people just fear that they won't have enough time to do the things they opted not to do when they were still alive. Because they have been postponing things. Ayaw pa nilang mamatay kasi may mga gusto pa silang gawin. But death arrives when it has to. This is my goodbye, Dali."

"Marcia, hindi mo naman binabalak na lituhin at papaniwalain ulit ako hindi ba?"

Natawa siya, dahan-dahan na umiling. "I was not a good person... sa kabila ng mga nangyari, sa tingin ko alam mo na 'yan. But still, I'm glad I got to know you... Layla Dali."

Namumuo ang luha sa mga mata ko pero hindi ako nakapagsalita.

"Nagpapanggap ka lang ba?"

"May magagawa pa ba ako? Kailangan ko pa bang gawin 'yon?"

Tiningnan ko lang siya, walang imik.

"Noong sinabi sa akin ni Theron na nahulog siya iba, noong narinig kong sinabi niya ang pangalan mo, hindi ko alam kong ano'ng dapat maramdaman tungkol sa sitwasyon o tungkol sa 'yo. Ngayon hindi ko na kailangan pang isipin na hindi ka mabuting tao, na hindi ka dapat para sa kanya. You are one of the kindest persons I once knew. I'm glad."

"Marcia, I knew that despite all the wrongs you have done, you are also a good person. You kind of just view some people as means to an end."

"I'm flawed just like everybody."

"I understood you because I am also not perfect myself."

"If you could accept Theron the way he is... and if you would dig deep with his actions and reasons and still accept him then maybe you two could make things work."

Hindi ako nagsalita dahil wala akong masabi.

"But I doubt it..." she added.

Ayaw ko munang isipin 'yon.

"Now, I decided to choose the path that's meant for me all along. Hinihintay na ako ni Ministress Parisa at ni Yannie." Tumango siya sa panghuling beses, hindi man lang ngumiti bago tumalikod at unti-unting naglaho.

"Goodbye, Marcia. May you finally rest in peace." I whispered with my eyes closed.

Ilang minuto ay marahas na gumalaw ang siradura ng pinto at nagising ang Tatay ni Marcia at agad iyong binuksan.

"Si Marcia! Asan siya!" Si Lenard na basag ang boses ang agad na pumasok sa loob.

Dumapo agad ang paningin niya sa akin. "Marcia?" he mumbled with so much emotions... halos mapaos na rin ang boses niya at nagmamadaling lumapit sa akin.

Dahil sa ingay ay nagising si Dad.

Numuo ang luha sa mga mata ko at namilipit ang dibdib nang dahan-dahan akong umuling. "She's already gone... Lenard."

Tumigil siya sa kalagitnaan nang paglapit pagkatapos ay nanghihinang napaluhod sa sahig. Pagkatapos ay ibinaon ang mukha sa mga palad.

"Wala na ang anak ko?" hindi makapaniwalang tanong ng Tatay ni Marcia. Nagsipasok na rin ang iba pa at agad na nilapitan ni Gracie si Lenard.

Tumingin siya sa 'kin. "Dali?" aniya, hindi mapalagay matapos magtanong.

Tumango-tango ako.

Agad niyang pinahiran ang luhang tumulo sa pisngi. "Yes, you couldn't be my best friend." Paulit-ulit na sabi ni Gracie pero nagsimula nang umiyak. "But Marcia has been here. She was here, right?"

"Sinabi ko sa kanila ang nalaman natin, pero huli na pala," sabi ni Nanay ni Marcia at lumapit sa asawa nito, umiiyak rin at nagtaas-baba ang balikat. Hawak-hawak niya sa isang kamay ang kamay ni Mercy. Sunod ay nagyakapan silang pamilya.

I would be lying if I'd say I didn't expect for Theron to appear on that door. I did. I searched for him. But he didn't show up.

Naramdaman ako ang pagpipigil ng iyak ni Dad sa tabi ko. "Dali? Anak? Ikaw ba 'yan?"

"Dad," sabi ko at tuluyang bumigay ang pinipigilang mga luha. Sunod-sunod ang mga paghikbi ko at agad akong nilapitan ni Dad at niyakap. "Sorry kung ngayon ko lang masasabi sa 'yo ang mga nangyari."

Hinaplos ni Dad ang buhok ko at pinakatitigan. "Makikinig ako, anak. Makikinig ako."

Moments passed and I saw everyone started to gather themselves hanggang sa kaming dalawa na lang ni Dad ang naiwan sa loob ng hospital room.

Nakaupo si Dad sa gilid ko habang nakasandal naman ako sa higaan. I gazed at the ceiling only to bit my lips for me to prevent my tears from streaming down my cheeks once again.

"After Theron and I got into an accident, Dad... hindi na po ako ang nasa katawan ko noon."

Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mga mata ni Dad habang nagsasalita ako. Hirap man ako sa paghinga nang maayos sinubukan ko pa rin. "Noong una hindi ko alam kung bakit 'yon nangyari, Dad. Things were so far from being true. Maski ako hindi ako maniniwala kung sasabihin lang 'yon sa akin. Kaya naiintindihan ko kung ang hirap paniwalaan ng sinasabi ko, Dad. But I am telling you the truth. It was not something that I would want to happen to me but it did..."

Napahikbi na ako at agad na tumayo si Dad para patahanin ako sa pag-iyak. Pinahiran niya ang mga pisngi ko. "Pasenya na kung wala akong kaalam-alam sa nangyari sa 'yo nitong nakaraan buwan. I was too caught up with trying to divert my attention from the death of you brother and your Mom... Alam kong bukod doon, marami ka pang iniinda. Ngunit gusto kong malaman mong hindi kita sinisisi sa nangyari sa kanila. At sa nangyari sa 'yo ngayon. I can't be mad at you because you were already the one who suffered. Gusto ko na lang bumawi sa 'yo bilang magulang na nagkulang sa maraming mga bagay."

"Dad..." saad ko at ibinaon ang mukha na puno ng luha sa dibdib niya.

He embraced me with so much longing. "We will get through this, Dali. Everything will soon become better, katulad nang palaging sinasabi ng Mommy mo."

Tears flooded my eyes and I allowed myself to embrace the pain once more. Inalala ko ang mga panahong kumpleto pa kami. Inalala ko ang mga sinasabi ni Mommy sa tuwing nahihirapan ang pamilya namin. Inalala ko ang minsang paglalambing ni Kaden at ang pagdadahilan niya sa tuwing nahuhuli ko siyang kausap sa skype ang crush niyang si Mica.

Things were good then. We were happy. It was like we would overcome every adversity that we'll face as long as we're together.

I remember my mother's gentle voice telling me to deal with things one day at a time. That time I was so pressured with all the things that I am bound to do both in school and in my personal life. Mahirap pasanin lahat ng sakit at problem nang isang bagsakan lang. Tomorrow is another day to deal with things... and maybe one day in the future when I had dealt with all the things I have to deal with, things will get easier and lighter.

Someday things will be better.

"I hope so, Dad," I said believing in my words.

Inalala ko ang mga araw na sobrang bigat pa ng sitwasyon pero nakaabot na ako rito. And for that, I know things will soon get better.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top