DALI | ONE - DEVOURING THOUGHTS

THERE MUST BE something wrong with me.

Inis kong ibinaba ang kubyertos sa mesa at napasandal sa inuupuan. Nginunguya ko na ngayon ang tortilyas na ulam sa bibig habang nakatitig sa kawalan. Okay, just to make things clear between me and my conscience, walang kinalaman si Dad sa irita na nararamdaman ko ngayon.

Mmy, sorry. I just can't help it.

In my mind were lots of unnecessary arguments of why am I acting this way and why I should NOT, for Pete's sake, make a fuss because of these senseless thoughts.

Napabuga ako ng hangin. Wala namang bago. I only talk when I am not allowed to. I rationalize things even when I don't have to. Minsan nakakapagod makipagtalo sa sariling isipan. Minsan nasasanay ka na lang din. Mas mabuti pa kasing pakinggan ang ingay na nasa utak mo kesa sa ingay ng mga taong wala namang ibang ginawa kundi ang manira ng iba.

I really shouldn't think and feel this way. But I just can't help it, lalo na at hindi mawala-wala sa isipan ko si Mommy simula noong nalaman ko na may girlfriend si Dad na dini-date limang buwan matapos niyang mawala.

While still too engrossed with my own thoughts, I heard a door closed from a distance. Maybe it was the door in the master's bedroom. Sa kwarto nila noon ni Mommy.

Saan na naman ba pupunta si Dad ngayong gabi? Another night out? Or maybe a dinner date?

"Dali?" rinig ko ang pagtawag ni Dad at ang palakas na mga yabag palapit sa dining.

Hindi ako sumagot. I remained a straight face as I continued munching my food.

Nawala ang dating katahimikan sa bahay, pero hindi ko alam bakit nakakairita sa tenga ang mabilis at biglaang mga yabag ni Dad palapit. Nagmamadali talaga.

"Anak. . ." he said when he finally saw me, wondering why I didn't respond.

"I'm eating dinner, Dad."

It's not that I am trying to show it to his face that I don't want him to replace my mother. Hindi naman sa lantaran kong pinapakita na hindi na dapat siya maghanap ng ibang asawa.

Hindi ko alam. I just feel like I don't want the thought of seeing my father with someone else after spending almost half of his life with Mom.

I often hear this infamous quote, 'Pagmatalino, bobo 'yan pagdating sa pag-ibig.' Matalino ba ako? If we'll apply that principle, hindi gaano para maging sobrang bobo sa pag-ibig. But is that even true? As if I would let myself be damned with that mere idea. But honestly, it makes me wonder now.

Kasi ako, naniniwala ako na kapag nagmahal ka na, kapag nagcommit ka na, kapag pinakasalan mo na, siya at siya na. Hindi ka na maghahanap pa. Even if one of you died in an early age. . . hintayan ang kahahatungan no'n. Kagaya na lang noong ligawan stage pa. Matira matibay. Kung sino ang nauna, matiyagang maghihintay. Kung sino ang nahuli, magpapatuloy pero hindi makakalimot. Kabobohan ba 'yon? I think that was deep. Psh.

Pero sinong niloloko ko? Sino ang kinakalaban ko ngayon? Sarili ko lang naman.

"Dali, lalabas kami ng Tita Maris mo," paalam ni Dad habang nasa bungad pa rin ng dining at ako, kumakain pa rin ng hapunan.

I guess it's been almost twenty minutes since I started spacing out while staring at the wall in front of me---where a carved painting of The Last Supper hung.

Right, Dad. I already sensed it. Kanina pa pag-uwi ko sa bahay.

Maiiwan na naman akong mag-isa. Will this be my last supper alone at this dining table? No. For sure.

Bahagya akong gumalaw para matingnan siya nang maayos. Itinukod ko ang isang siko sa mesa. Napansin kong suot niya ang polo na sabay naming binili ni Mommy noon.

Something tugged inside my heart.

Bumalik ako sa pag-upo, ibinaba ko ang librong dapat ay binabasa---dahil ayokong maburyo habang kumakain mag-isa---sabay kinuha ang baso ng tubig sa harapan at nagsalin ng tubig galing sa pitsel.

Pagkatapos uminom, ibinaba ko ang baso sa mesa at hinawi ang reading glasses na suot. "Kaya pala maaga kayong nagluto," I said. "Ako lang pala mag-isa ang kakain."

Napabuga siya ng hangin. "Anak. . ."

"It's fine. Have fun, Dad." I gave him a small smile. And like a well-practiced liar, I succeeded in hiding the bitterness in my voice.

He looked so convinced. "Just call me if you need anything."

"I won't be needing anything."

Saglit na lumungkot ang mga mata niya.

Nagtaas ako ng isang kilay. "There's nothing wrong, Dad."

"You want me to buy you something?"

Ngumiti ako. "Nope," I said.

For the second time, I look at him. Seeing him look at me with those sad and worried eyes, I couldn't help but let out a sigh.

"Busog na po ako. Wala na po akong ipapabili."

"Bagong libro? Iyong bagong released na libro ng paborito mong si Lang Leav?"

Tumikhim ako. "Eh, dadaan po ba kayo sa bookstore?"

"Dadaanan namin para sa 'yo, anak."

Nangiti na ako, maliit pa noong una. "Grabe. . . ganito ba ako kadaling suhulan?"

Nangiti na rin si Dad. "Alam mong hindi ito suhol."

"Right. Ikaw ang bahala, Dad. But really, wala akong gusto ipabili. But if you really insist. . ."

"I do insist."

"Iyong hardbound sana ng Love Looks Pretty On You."

Mahinang natawa si Dad. "Iyan ba ang walang gusto ipabili?"

"Eh, sabi mo-" Pinigilan kong mahawa sa tawa niya.

"Lock the doors and the windows."

Tumango ako. "Yes, Dad."

"No school works beyond 12. Weekend naman bukas."

"I'll try."

He remained that serious tone. "Matulog nang maaga kung ayaw magmukhang zombie."

Hindi nawala ang ngiti ko. "Opo."

Madalas akong puyat, oo, pero sigurado akong hindi pa klaro ang eye bags ko.

"Sasabihin ko sa Tita Maris mo na nangangamusta ka."

"Okay, Dad."

"Bye, sweetie."

Ngumiwi ako. "Ang sagwa, Dad."

"Nag-eighteen ka lang, masagwa na ang tawag namin sa 'yo? Simula bata iyan na iyon. Alam mo anak, your Mom will be delighted if she could still-"

"Okay, Dad." I cut him off. "Bye po."

Tumikhim siya. "Bye," his voice was now gentle and quite hoarse. Sigurado akong pareho naming naalala si Mama.

Matapos ang ilan pang mga minuto, natapos akong kumain at saglit na nagbukas ng fb at nag-scroll.

Fake news at trolls na naman.

Ibinaba ko ang cellphone, sumandal sa sandalan ng upuan at tumitig ulit sa kung saan.

Some people say silence could be comforting in some ways. But why do I feel like I am being haunted by the deafening silence with only my thoughts trying to fill the hollow I feel inside?

Yeah, this is how weekends supposed to feel for someone like me who thirst for diversions. I like to get busy almost all the time. Sino ba naman kasi ang makaka-hindi kapag may ginagawa kang mga bagay at doon mo lang napapatahimik ang utak mo na kung anu-ano na lang ang tumatakbo. Sasaktan ka lang din naman.

Naisip ko tuloy, gustong-gusto ko ang routine kapag may pasok. Lessons, quizzes, reportings, groupings na may mga classmates na pabuhat, at kadalasang pagcommute tuwing umaga at pauwi.

Hindi naman lahat masaya. Pero your mind tends to get occupied almost all the time. When you accomplish tangible things you feel fulfilled. You feel this sense of gratification being someone of value and use. May ambag ka, hindi ka makakalimutan agad.

Gusto ko ang pakiramdam no'n. But I know that it gets overwhelming at times, 'cause there are days when I crave for those diversions. Until when am I going to try and run away from my own thoughts even when I could have confronted them beforehand?

Hindi nga maiiwasan ang mga araw na ganito. Mag-isa lang. Naiisip ko ang mga bagay na hindi ko na dapat iniisip pa. Kasi maaalala ko lang ang sakit.

Naiisip ko si Mommy... at ang kapatid ko.

I don't want to dwell much on my emotions. Dahil minsan, kung hindi nakakadrain, nakakabobo naman.

When my phone beeped showing the phone number of our teacher in charge for this semester flashed on the screen, nangunot ang noo ko. It's almost late but she really called me. This must be some good news right? Or like something urgent that couldn't wait for tomorrow to be addressed.

Nawala ang maliit na ngiti sa labi ko nang magsalita siya sa kabilang linya.

"Ipinasa ko po kay Gracie ang documents," marahan kong sagot kahit bakas ang inis sa boses ni Ms. Marie.

"Hindi niya ibinigay sa akin."

Napapikit ako.

Hindi ko na po ata kasalanan? I almost wanted to say in response. But I am still in my right sense of mind at the moment. Kaharap ko na ngayon ang folders na lagayan ko ng lahat ng paper works at projects pero wala talaga rito ang sinasabi ni Ms. Marie na document na gagamitin na raw bukas.

I tightly clutched the ballpen I am currently holding as I think of the right words that would not worsen the problem.

"I'll call Gracie, ma'am, and check. We're so sorry for the delay."

"You should have done that beforehand."

"I'm sorry po."

"Be quick. Ayusin mo 'to agad."

"Yes, po."

Naghintay ako sa sunod niyang sasabihin.

"At dahil late na din naman, you can submit it on Monday. Final na dapat."

"Thank you, ma'am."

Unti-unting akong kumalma sa narinig. We could still submit it. Monday. Kumukulo ang dugo ko kanina dahil sa nalaman. Kaya nagmadali na akong humanap ng paraan para macontact itong classmate ko na parang nasa ibang planeta ang utak dahil nakalimot na pasahan ng project ngayong araw.

At habang tuloy-tuloy ang paghugot ko ng hangin para kumalma at mag-isip ng unang dapat gawin, agad kong naalala si Theron. An acquaintance. Hindi dahil magkababata kami o magkapitbahay, o kung ano man. Kung hindi dahil siya ang nag-iisang anak ni Tita Maris (ang kasalukuyang girlfriend ni Dad) at ngayon ay naging kaklase ko pa.

It just so happen, Theron is this approachable one---quite loud at times but shows enough compassion to consider me as one of his friends. . . dahil kinakausap niya ako kahit paminsan-minsan ayaw kong magsalita o basta na lang akong sumusulpot kung may kailangan.

Sa klase namin, siya lang ata ang nakakapansin kung kailan ako nagtitimpi at kung kailan malapit nang sumabog. I tend to find it hard to tell other people that they are already being too much. But Theron can do that ever so smoothly without even any second thoughts.

If someone annoys him then there's no point in faking it and still hang out with them. It's then goodbye. Simple. I wish I could learn that skill too.

"Uy, Theron!" I greeted, the moment he answered the call. Because right now, I know he's the only one that could make me solve this problem fast.

"O, ano na naman?"

Yeah, he could be so kind but could also be rude most times.

It makes me wonder, ilang beses ko ba siya natawagan ngayong araw? Bakit kung makabulyaw siya wagas?

Bumusangot ang mukha ko sa narinig.

Napatikhim naman siya sa kabilang linya. "Dali?" marahan niyang tawag sa 'kin, nagtaka siguro dahil hindi ako sumagot.

"Greeting 'yong sa 'kin, pero bulyaw ang pambungad mo sa kabilang linya."

Natawa siya. "Ano kasi ang kailangan? Gabing-gabi nambubulabog."

He could also be an ass.

"Busy ka?"

Hindi agad siya sumagot.

I cleared my throat. "Class president ka 'di ba?" sabi ko, may diin. "at Vice President lang ako."

Tumikhim na siya ngayon. Gumalaw ata siya sa puwesto dahil nakarinig ako ng kaluskos. "May kachat lang."

Bahagya akong humilig sa study table ko. "Si Gracie ba 'yan?"

For the second time, natahimik muna siya. "Kasali si Gracie."

Kasali. So, ilan ba ang kachat niya ngayon?

"Gago ka. Sinu-sino?"

Natawa siya, mabilis naman siyang nangatwiran. "Nirereply-an ko lang naman silang lahat. Judgemental nito."

"Pasabi kay Gracie urgent. Kailangan ko ang cellphone number niya."

"Ikaw na lang kaya ang magchat? I-chat mo sa fb, online 'to ngayon."

"Ni seen wala akong natanggap galing sa kanya."

"So, you already tried?"

"Ano pa nga ba? Sabihin mo pwede ko siyang i-demote kapag nagpabaya siya bilang class secretary."

"Tindi. Kaya mo ba?"

Hindi ko siya sinagot. Naglapat ang mga labi ko. When Theron said something, his voice was that of someone who teases another person to give in to a fight. Well, I've got enough patience.

"Really, Dali?"

"Kakayanin." I said, almost out of breath. Honestly, I don't know if I can do that. Then there are these thoughts -

. . . Masyado ka kasing mabait.

. . . Nako, baka nagbabait-baitan lang.

Not now. Please.

I silenced the thoughts inside my head, closed my eyes then focused on Theron's response in the other line.

Narinig kong natawa si Theron sa kabilang linya. "Akala ka ba hindi seryoso ang responsibilities kapag classroom officers lang? Hindi naman tayo members ng malalaking org sa school."

I cleared my throat. "Eh, ikaw nagpresenta sa faculty na magplano tungkol sa senior's camp activity ng batch natin. Gago ka ba?"

Natawa ulit siya. "Iyan siguro ang rason ba't walang reply o seen man lang galing kay Gracie. Harsh."

"Harsh? Ako? Talaga?" Naipikit ko ang mga mata at napatampal sa noo. Ako pa ang harsh ngayon?

"Please, Theron. Urgent 'to."

Gumalaw ulit siya. Ngayon ay rinig ko na ang pagtipa niya sa cellphone. "Oo na, hintay muna."

"Okay. . ." I remained still as I waited for him. At sa maliit na break na iyon, naglayag na naman ang isipan ko.

"Lumabas si Dad at si Tita 'di ba?" hindi na namalayan ang tanong ko na 'yon.

But Theron responded quickly on the other line. "Hindi ko alam. Hindi na ako nagtanong."

"Kausapin mo naman ang Mama mo." I said, hesitating at first but decided to continue.

"Bossy ka talaga, Dali no?"

Napatitig ako sa mga daliri. "Suggestion lang naman 'yon."

Natahimik kaming dalawa.

"Hindi ako naghingi ng suggestion sa naalala ko," he said.

Mahina akong tumikhim. Tumitig ako sa ballpen na pinapaikot ko sa mga daliri. "Sinubukan ko lang. Baka kasi makalimutan mong may Nanay ka pa. Maraming pagkakataon ang napapalampas dahil sa sama ng loob."

Katahimikan.

Hinintay ko ang sasabihin niya.

"Andito na ang number ni Gracie," he said after a minute.

"Okay," agad kong sagot. Nagpop-out na ang message niya sa screen ng cellphone ko.

"Puwedeng ako na lang ang magsabi sa kanya," he suggested.

"Pwede. Salamat," sabi ko.

"Saglit lang, 'wag mo muna ibaba ang tawag."

Tumango ako. Ilang kaluskos ulit at nakaisip na naman ako ng itatanong.

"Bukas pala, Theron."

"O?"

Pinaghandaan ko ang sasabihin. "Kung aalis ka at madadaanan ang bahay namin, pwedeng magpahatid?"

Gumalaw ulit siya. "Saan?" Ang likot ng lalaking 'to.

"Sa Cielo Coastal Route."

"Ano'ng gagawin mo do'n?"

Sisigaw, iiyak.

"Gagala."

"Nandadamay ka pa ng iba."

Natawa ako. "Magpapahatid lang naman ako. Kung ayaw mo, pwede ka namang humindi."

"Ba't ayaw mong magpahatid kay Tito?"

Hindi ako nakasagot.

"O 'di ba, may kinikimkim ka ring sama ng loob."

Nawala ang ngiti ko. "Hindi naman ako nagmamalinis."

"You just sounded like you do earlier."

"Walang kailangan magmalinis. Pareho nating alam na hindi tayo mga santo."

"You sounded too serious."

"I'm really close to getting pissed."

"Sure, sure."

Ang galing talaga.

"Si Gracie?" balik tanong ko sa mismong topic namin.

"It's been taken care of," he said as if he really managed to solve the entire problem. "Submission 'to 'di ba?"

"Yes."

"Idadaan ko sa inyo? Bukas? Tapos ihahatid kita?"

"Kung pwede," mahina kong sabi.

"Pwedeng-pwede basta ba--"

"I will pay for the fare."

"Thanks, alam mo naman ang laki ng maintenance sa luma kong motor."

"Oo na."

"Yep." He just sounds so carefree.

"Hindi mo ba naisip bumili ng bago?" tanong ko, hindi alam kung bakit kung anu-ano na lang ang sumusulpot sa isipan.

"It needs a huge amount of money. Isa pa, ayokong i-junk to. Sayang."

Regalo din kasi sa Papa mo, I whispered inside my head. I smiled a little. He's quite sentimental.

"Ano'ng oras ba bukas?" tanong niya.

"5 o'clock?"

"Hey..." parang gusto niyang umalma.

"Alam kong sobrang aga." I just hope he'll understand, at sana. . . pumayag din. Dahil alam kong hindi ako papayagan ni Dad na umalis ng bahay nang maaga kung mag-isa lang.

"You'll watch the sunrise?" that was the cue, papayag siya.

Yes, I whispered.

Sa hina ng boses ko, halos hindi na iyon lumabas sa bibig.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top