DALI | NINE - PANIC

AGAD KONG PINULOT ang lata ng natapong pintura. Nanlamig ang mga kamay at hindi ako mapakaling napatitingin-tingin sa mga kasama namin.

"Ano ba naman 'yan!" Gracie yelped again which echoed in the entire place.

Napapikit ako at unti-unti nang nararamdaman ang panunubig ng bawat sulok ng mga mata. I touched my necklace then mumbled a bit hoping that the tingling in my limbs will subside for a bit.

But her shouts became louder and louder. The shaking of my hands intensified. Mas pumikit pa ako. Hindi ko namalayang nakatungo na lang ako habang desperadang sinusubukan na linisin ang pintura sa sahig. Pero sa bawat pagpahid ko ng tela para sana alisin ang pintura, mas kumalat lang iyon. Mas dumikit sa semento.

God... I whispered with no sound.

I need to fix this. I need to fix this.

"Dali!" she called.

Natakpan ko ang isang tenga gamit ang libreng kamay. Tumulo ang luha sa kabila kong pisngi kahit pa nakapikit na ako.

"What are you doing?"

Hindi ako sumagot. Magagalit sa amin ang faculty ng SHS department kapag nalaman nila 'to kinabukasan. This is all my fault. I should have been really careful.

"You're making it worse," hindi pa rin tumigil sa kakasalita si Gracie. "Tanga lang?"

"Please. . ." Can you stay silent for a bit? I wanted to say but couldn't bring myself to do so. Bumibigat ang balikat ko at parang nahihirapan na akong huminga. I could almost hear my own heartbeats. Wild. Restless. As if in a marathon.

Dahil nanginginig ang mga kamay ko, naririnig na rin ang sariling kaba sa mismong tenga at hindi mapakaling isipan. . . hindi ko na alam kung tama pa ba itong ginagawa ko ngayon. Mas diniinan ko ang pagpahid.

I repeatedly cursed at myself. Paulit-ulit kong pinunasan ang sahig. Paulit-ulit. Paulit-ulit hanggang sa nangawit na ang mga kamay ko pero hindi pa rin natanggal ang pintura.

"I need to fix this." I keep telling myself.

"Ang careless mo kasi." Nakatayo lang si Gracie sa gilid ko. Nakatitig at ni hindi man lang kumilos o sumubok na tumulong.

Nagpatuloy siya sa pagsisi sa akin. Sa pagngawa.

"I'm fixing it already, Gracie."

"Blah blah blah."

Seconds passed then I heard shuffles of shoes nearing our spot. Sinundan iyon ng mga ingay galing sa mga kasama namin na naka-assign sa paggawa ng banners. They hurried to our spot. Naramdaman kong may yumuko at tumabi sa sakin sabay hinawakan ang mga kamay ko na kanina pa hindi mapalagay.

"Dali. . ." It was Theron. Inalis ko ang kamay niya at bastang tumayo.

Nakatingin sa akin ang apat pang kasama namin. Kanina ay nakatingin sila sa semento kung saan kumalat ang pintura at ngayon ay sa mga kamay ko.

Tumikhim ako at dahan-dahan na itinago ang mga kamay sa likod.

"Kailangan ng paint thinner para matanggal ang pintura," someone said.

"O acetone," dagdag ng isa.

"May thinner ba tayong dala?" boses ulit ni Theron.

Napatikhim ako, napatitig sa semento bago tumingin sa kanila. "Ano... guys, I'm sorry," mahina kong sabi at sunod-sunod na huminga nang malalim. "Ako na ang bahala nito bukas. Promise, sasabihin ko ang totoo. Ako ang may kasalanan. Hindi kayo madadamay. Sorry. Hindi ko naman kasi alam. Nagliligpit na ako ng mga gamit pero-ano, biglaan lang-hindi ko napansin. I mean. Ako naman talaga ang nakatapon. Ako-" May humawak sa balikat ko kaya agad akong natauhan sa tuloy-tuloy na pagsasalita.

"Kumalma ka lang," ani ulit ni Theron. Yumuko siya at pinulot ang lata ng pintura na nasa sahig. Tinakpan niya iyon pagkatapos ay dinala sa isang sulok. Dinala na rin niya ang ilan pang mga gamit na handa ko na sanang iligpit pero hindi ko natapos. Nakatingin kami sa kanya habang ginagawa niya ang mga iyon. Tumulong na rin ang iba pa.

Habang ako ay natuod sa kinatatayuan. Si Gracie ay tahimik na nakamasid sa mga nangyayari. Hindi na ngayon nagsasalita.

Nang natapos na sa pagliligpit ay tinawag nila kami na lumapit sa bleachers. Nakatingin si Theron sa akin. Kaya imbes na manatili akong nakatayo sa kinatatayuan dahil hindi ako makakilos---dahil sa hiya at dahil sa inis sa sarili... pinilit kong ihakbang ang mga paa.

Dala niya na ang sariling bag at nakasukbit na sa balikat. I walked to their spot, grab my things then waited for the final discussions.

"Kita ulit tayo rito bukas," ani Theron. "Nasa dulong 'yon ang lahat ng mga gamit." Itinuro niya ang isang sulok sa kanan ng stage. Nandoon nga ang mga pintura, kahoy, tela at iba pang mga ginamit namin kanina at gagamitin pa ulit bukas.

"Same time?" tanong ni Gracie.

"Yup," sagot ni Theron. "Except for Dali. Kailangan niyang agahan para linisin iyong nasaboy na pintura kanina."

"Yes," napalakas ang boses kong sabi. "I mean. Yes. Aagahan ko rito bukas. Sorry talaga, guys."

Then unexpectedly, nagsalita si Gracie. "Ano ka ba ayos lang," aniya na ngayon ay nasa tabi ko na pala. "Pintura lang 'yan. Mabubura pa kagaya ng sabi ni Louie."

Naikuyom ko ang kamao. Kanina lang halos gusto niya na lang akong dumapa sa sahig para lang burahin ang mansta ng pintura sa semento. She was so disgusted and angry she couldn't even keep her voice low. She just kept nagging about the incident, which obviously, I didn't do purposely.

Mapakla siyang natawa pagkatapos ay nagpatuloy sa sinasabi. "I told her it's fine but she panicked."

Hiyang-hiya akong napatitig sa mga kasama namin. Hindi pa rin matigil sa panlalamig ang mga kamay ko. Nanginginig pa rin nang kaunti.

"Hindi 'yan. Si Dali pa," ani Louie.

Nasa pinakaibabang parte ako ng bleachers habang sila ay nasa ikalawa, ika'tlo at may nasa ikaapat pa. I gaze at them apologetically.

Bago pa may makapagsalita sa amin narinig namin ang malakas na yabang mula sa bungad ng Arts Center. It was the school's guard.

"Students, kailangan n'yo nang umuwi."

Nagsikilos na kaming lahat. "Hindi ba paulit-ulit ko nang sinasabi na kailangang may teacher na nakabantay sa inyo kapag magtatagal kayo rito?"

"Kuya Mark, alas syete pa naman," si Louie ang nagsalita at nauna nang bumaba mula sa mga bleachers. "At saka wala naman kaming gagawing kung ano'ng kababalaghan. Para 'to sa camp ng mga Seniors."

Sumunod na rin ang iba sa kanya.

Pinauna ko na ang iba pa naming kasama at dahan-dahan na rin na naglakad pasunod sa kanila. Kahit pa ilang beses na kaming napagsasabihan ng guards dahil madalas kami ang naabutan ng gabi sa eskwelahan, ayos lang naman. We're doing things which are necessary. Alam naman nila iyon. But rules are rules. Kaya't heto ay tahimik kaming naglalakad palabas ng Arts Center at hindi na sumasagot sa paulit-ulit lang na paalala ni Kuya Mark. Pinatay na ang ilaw sa loob ng center. Ikinandado ang gate at nagtungo na kami palabas.

Tapos ay nagkanya-kanya na ang bawat isang umalis. Si Gracie ay agad na tumakbo palapit sa nakaabang nilang sasakyan sa tapat ng school gate. Si Louie ay tumango sa amin at magkasabay na silang umalis ng iba pa.

Naiwan kaming dalawa ni Theron sa harapan ng gate. Siya ay nakasakay sa kanyang motor at ako na nakatayo sa bandang gilid niya.

Muling nagsalita si Kuya Mark na ngayon ay nakapuwesto na sa guard house. "Uwi na kayo. Gabi na."

Nagpasalamat ako.

Nilingon ko si Theron na ngayon ay inaayos ang bandang harapan ng motor niya.

"Bukas ulit," sabi ko. Nagsimula na akong maglakad papunta sa kabilang daan at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya.

It's way passed 7 in the evening already. Iyong sinabi ni Louie kanina ay para lang gumaan ang loob ni Kuya Mark at hindi na mag-alala pa na baka mapatawag kaming lahat sa principal's office bukas. Ngayon ay maglalakad pa ako papuntang sakayan. Hindi na kasi ako nagpasundo kay Dad. It would take atleast fifteen minutes before I'd arrive home kaya medyo binilisan ko ang paglalakad. Malapit nang mag-alas otso ng gabi. Madilim na nga ang paligid pero marami namang mga sasakyan na dumadaan. May ilaw pa rin naman sa nilalakaran ko kahit papano.

I was admiring the scenic view of the night when a loud screech of wheels echoed. Sa bandang likuran ko, biglaang may humarurot na motor.

"Gracious!" Halos mabitiwan ko ang sariling bag na dala-dala. Napatigil ako sa paglalakad. Nagsalubong mga kilay. Tumigil naman ang motor sa mismong puwesto ko sa gilid ng daan.

Laking gulang ko nang marinig ang mahinang tawa ni Theron. Kailan ba ang unang beses na nakikilala ko na agad ang tawa o kahit ang mga galaw niya?

"Ayaw mo sumabay?" he asked, nakasampa pa rin siya sa sariling motor at hindi na siya nagtanggal pa ng helmet. Nakilala ko na siya agad dahil alam kong siya lang naman ang may lakas ng loob na gulatin ako nang ganito.

Buti at may lamp post malapit sa kinatatayuan ko ngayon. Maliwanag pa rin. Makikita pa rin ako ng mga dumadaan kung ibang tao ang lumapit sa akin.

Hindi agad ako nagsalita at tiningnan lang siya. Nabigla pa rin ako sa nangyari at hindi pa matigil ang dibdib ko sa pagkalabog.

"You're aware that your eyes are quite intimidating right?" His voice was hoarse probably because of the helmet.

"No," sagot ko nang hindi pa rin kumikilos.

"Well, now you already know, Dali."

Tumikhim ako. Napatitig sa mga paa bago siya tiningnan. But all I could see is his face covered by a helmet.

Humalukipkip na ako sa harapan niya. Normally, hindi siya nagpapasakay sa motor niya ng walang bayad. At hindi naman talaga ako sumasabay sa kanya pauwi. Bakit ngayon...

"Gabi na, Dali. I can't just leave you here alone," he said as if he could read my mind. But the question was so obvious.

"Naglalakad naman ako kanina ah?"

"Nang mag-isa."

"Yes."

"Itigil mo na ang pagkunot ng noo mo. Ihahatid na kita."

Napabuntong hininga ako. "Are you worried of me?"

Parang nabilaukan siya sa biglaan kong tanong.

I can't see his reactions at the moment. But judging from his sudden silence I knew he was surprised.

"Was it because of what happened earlier? I acted ridiculously. Nakakahiya hindi ba?"

"Dali."

"You know I can manage to go home alone, Theron," I managed to say. Kahit pa unti-unti nang may bumabara sa lalamunan. Thoughts of what happened earlier clouded my mind.

There was a long pause between us.

Gumalaw siya nang bahagya mula sa pagkakaupo sa motor. Hindi ko inasahan na huhubarin niya ang suot na helmet.

"Bakit kapag tinatanong kita nang ganito nagagalit ka sa 'kin?" he asked, seryoso ang boses at hindi matinag ang mga mata na nakatitig sa akin.

Hindi nawala ang kunot sa mukha ko. Minsan hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya umasta.

Natawa ako kalaunan. "Grabe ka minsan, Theron. Ba't naman ako magagalit sa 'yo?"

Natawa na rin siya sa sinabi ko pero nanatiling seryoso ang mga mata. "Hindi ko rin alam. Baka trip mo lang magalit."

"That would be rude."

"But I understand. Kind of," he said.

Doon naging seryoso ang ekspresyon ko. Hindi na ako nakapagsalita pa. It was as if something dawned on me head but I don't wanna recognize it.

He cleared his throat. "Sigurado ka na ayos ka lang?" he asked again.

This time, I loosened a bit.

I nodded.

"Pwede kitang ihatid."

Mabilis akong umiling-iling. Walang halong biro. Walang halong pagtataka. "No, ayos lang. Salamat." It was gratefulness. A genuine one.

Tumango siya at tumango rin ako pabalik. Isinuot niya na ulit ang helmet. Sunod ay sinimulan niya ang makina ng motor. Tapos ay umalis na siya.

Napabuntang hininga ako. Napatitig sa mga paa pagkatapos ay sa langit na tanging buwan lang ang nagpapaliwanag. Ipinikit ko ang mga mata. And this thought crossed my mind. No matter how I try to make sense of Theron's actions towards me I couldn't bring myself to believe the possibility that he genuinely cares for me.

Tumalikod ako at nagpatuloy na sa paglalakad papuntang sakayan.

Nakarating ako sa bahay na bagsak ang balikat. Nakatungo ang mukha at halos minuto-minutong natutulala. Nang hawakan ko ang doorknob ng pinto ng bahay, parang doon lang nagsink-in sa akin ang lahat. Parang doon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na pakiramdaman ang sarili.

Naipikit ko ang mga mata, napabuga ng hangin. Kung kanina napigilan ko ang sariling maluha sa harapan ng mga kasama namin. . . ngayon bastang nag-unahan na lang sa pagtulo ang mga luha ko.

Natakpan ko ang bibig dahil sa papalakas na mga hikbi.

Napabuga ako ng hangin dahil sa irita sa sarili.

Tahimik ang bahay nang dumating ako. Wala pa si Dad. Agad akong umakyat sa kwarto. Hindi pa man ako nakakapagbihis basta na akong humiga sa kama. Tumitig ako sa kisame at pinakiramdaman ang pagtulo ng mga luha ko. Humiga ako roon at umiyak nang walang ingay—nang walang makakakita. It's better this way. I won't have to worry how to explain myself why I easily get affected about things.

I laid in my bed for hours. Naghintay sa mga susunod na mangyayari. Dahil hindi ko magawang pilitin ang sarili na tumayo at kumain ng hapunan.

Hanggang sa lumipas pa ang panibagong oras, Nararamdaman ko na ang malamig na hangin galing sa bintana ng kwarto ko na nakabukas pa rin hanggang ngayon. Still in my P.E. uniform, I slowly walked towards the window. Sumilip ako sa labas. Madilim na at wala nang mga taong naglalalabas sa neighborhood. Nang humangin nang malakas ay naramdaman ko ang mumunting patak ng ulan na tumama sa pisngi ko. I immediately closed the windows and then the blinds. Nang matulala ulit ako ng ilang segundo, may narinig na akong tumunog na mga kubyertos sa kusina.

Nakauwi na ba si Dad?

Nagmadali akong bumaba sa hagdanan pero natigilan din agad. Natulala ako, nangunot ang noo at nanghina ang mga tuhod lalo na nang makitang si Mommy at ang nakababata kong kapatid ang naroon sa kusina at naghahanda ng hapunan.

How come. . .

No.

Imposible.

They're both already dead.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top