DALI | FOURTEEN - MISCHIEF

"I'M SORRY," was all I could muster after bursting out in front of Theron. Nagbaba ako ng paningin sa mga kamay at napapikit. "I've said too much, Theron. I'm sorry I just burst out crying. Sorry. Hindi ko naman gusto magmukhang nagpapaawa. I'm just..."

"Dali..."

"I think this idea was wrong." Napabaling ako sa madilim na paligid. Nakitang walang katao-tao sa puwesto namin. Kung may makakita sa amin rito na kakilala, what would they think about us? Dalawang mga estudyante na magkasama sa waiting shed kahit gabi na?

Nagsimula akong kabahan. "I think, this... is wrong."

Hinawakan ako sa balikat ni Theron. "Dali, please makinig ka muna." Pero hindi na mapirmi ang kaba ko kaya hindi ko na rin mapigilan ang sarili.

"Ang babaw ko right? Hindi ko na dapat 'yon sinabi! Nagpaliwanag pa ako nang pagkandahaba-haba!"

"Hey..." he attempts to hush my sobs. Pero hindi ko matigil ang pag-iling.

"Theron," humihikbi kong sabi. "Alam kong hindi lahat makakaintindi. Hindi kita pipilitin katulad nila. Katulad ni Dad," mas napahikbi ako. I know he still cares for me... but he can't listen to the things that I have to say about the death of my mother and brother.

"Dali, listen to me." Sinubukan ni Theron na salubungin ang paningin ko pero hindi na ako nagtaas pa ng mukha.

"No, please. Alam ko naman. Hindi ako mamimilit. Sinabi ko 'yon sa 'yo... maybe because I thought I'm already brave enough. I guess, I'm still a good damn coward who's too afraid to talk about my past and even face it. I won't beg for your sympathy. I never wanted to in the first place. Ayokong magsinungaling ka para lang aluin ako. Uuwi na ako."

Umiling-iling si Theron. Naramdaman ko ang pagbuntung-hininga niya pagkatapos ay seryosong nagsalita. "Iyong nangyari sa Mama at kapatid mo."

My voice came out with a sob. "I could have done something back then, Theron. But I remained passive and hopeful. I became too optimistic. I grasped on my mother's promise to me. Sinabi niya magiging maayos ang lahat. I clung to it desperately." Nanlumo ako habang nagpapatuloy sa pagsasalita.

"Back then... when things were could still be handled, h-hindi pa nagsasalita si Dad tungkol sa pagpapatransplant. I know he has been thinking of ways para ipagamot si Kaden. But... my mother was too eager to risk her life for my brother's safety. Nagmadali siya sa pag-ayos ng mga kailangan. At noong kasagsagan ng operasyon, I kept my silence even when I've known about my mother's plan since the start. Inilihim ko kay Dad na itinuloy ni Mommy ang plano niya. And it ended like this. May kasalanan ako."

Humangin nang malakas sa likuran ko kaya napalingon ako. Pero ang walang katao-taong daan lang ang nakita ko.

Hindi na nakapagsalita pa si Theron.

He eyed me careful. Kahit hindi gaanong maliwanag sa kinauupuan namin, ramdam ko na narinig niya lahat ng sinabi ko. His gentle grasp on my shoulders almost melted something inside my heart... where I've kept my beliefs and reasons absolute and solid as a rock.

None of us was aware that we had been staring at each other's eyes for minutes. Humakbang siya palapit sa akin, nakahawak pa rin sa balikat ko. And before I even knew it, I felt his lips pressed on mine. It was too gentle like a caress of the wind. Natulala ako at tanging pagtambol na lang ng dibdib ang narinig sa gitna nang payapang gabi.

Inilayo ko ang sarili at yumuko. Walang nakapagsalita sa amin pagkatapos nang nangyari.

Tumayo na ako at lumapit sa nakaparadang motor.

Naramdaman ko ang pagsunod ni Theron sa akin. Wala siyang ibang nagawa kung hindi ang buhayin ang makina ng motor niya habang nakatayo ako sa gilid. Parang pinipilipit ang didbib ko at hindi mapirmi ang mga kamay.

Napahawak ako sa noo. Magpapahid ng luha pagkatapos ay mapapatingala sa madilim na langit.

I'm sorry, Theron. I'm really sorry...

Malamig na ang hangin na tumatama sa mukha ko nang pauwi na kami. Hindi man lang nag-uusap. Hindi man lang kumikibo. Theron focused on the road while I started noticing the tears eager enough to escape my eyes for the nth time.

Naramdaman ko ulit ang malamig na hangin.

Then drizzles of rain started to fall from the sky. Napatitig ako sa madilim na langit. Natakpan ng ulap ang buwan ngayong gabi. Wala akong makitang kahit isang butuin sa langit ngayon.

Naalerto ako nang basta na lang na umilaw sa harapan namin galing sa headlights ng isang sasakyan sa likuran na nakasunod ata sa amin. I saw Theron glance at the side mirrors. Napahawak ako sa balikat niya nang bumilis nang konti ang pagpapatakbo niya.

I inhaled a sharp breath.

No one anticipated what happened next.

Lumakas ang pagharurot ng sasakyan sa likuran namin. Just as Theron was about to grip the accelarator to speed up, dumaan na gilid namin ang pick-up truck na nakasunod sa likod. At dahil sa bilis nang pagtakbo nito at sa balak na mang-agaw ng puwesto sa kalsada, hindi agad iyon napansin ni Theron.

Magkasabay ang kaba at pagkabigla na lumukob sa dibdib ko. Bago pa sumalpok ang motor na sinasakyan namin sa pick-up truck may naaninag pa akong babae na nakasakay doon.

"Damn it--" sa bilis ng nangyayari, hindi ko na narinig pa nang maayos ang mura ni Theron. Malakas ang tunog nang pagsalpok ng gulong ng motor sa likuran ng pick up truck.

Napasigaw ako. "Oh, God!" Bumangga ang katawan namin ni Theron sa isa't-isa bago kami tumilapon.

Napagulong ako sa magaspang na kalsada. Hindi na ako nakagalaw o nakapagsalita. My head went blank and all I could think of is the pain... on my knees, elbows, and thighs.

Nakatihaya akong napahiga sa kalsada. Nanlalabo ang mga mata na napatitig sa madilim na langit. Pero bago ko naipikit ang mga mata, may naaninag akong babae na nag-abot ng kamay.

Mas lumakas ang pagbuhos ng ulan at unti-unti akong nababasa. Hindi ko maigalaw ang mukha para sana hanapin si Theron. All I could ever do was lay still and whimper because of pain.

Ang alam ko nakapirmi na ang katawan ko sa kalsada. Hindi makakilos. Hindi makapagsalita. Pero alam ko rin na nag-abot ako ng kamay sa babae.

Marcia?

Pagkatapos ay dumilim na ang lahat.

***

I FEEL LIKE MY BODY IS FLOATING. Like some sort of magnetic levitation which makes me feel weird... only that I could still feel my feet stepping on the tiled floor. Pero parang ang gaan ng pakiramdaman ko nang magawa ka nang makakilos.

Agad na kumunot ang noo ko nang mapansin na nakaamba pala ako sa isang mesa at nakatungo ang mukha. Kumurap-kurap ako at luminaw sa paningin ko ang ilaw sa kwarto-no, not my room.

Umayos ako ng upo. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari o kung nasaan ako. Pero agad akong napaatras nang makita ang sarili ko na nakahiga sa hospital bed sa gilid ng mesa kung saan ako nakaamba kanina.

W-What is this...

I'm in a hospital room. Dumapo ang mga mata ko sa i-ilang hospital equipments na nasa isang gilid. I'm not making up things. Nasa ospital nga ako. It makes sense because after that... Oh God. Where's Theron?

Napalingon ako sa bumukas na pinto sa likuran ko. At saktong pagbukas nito, pumasok si Dad.

Naguluhan ako sa nangyari. Hindi nawala ang pag-awang ng labi ko .

Napahawak ako sa mga balikat ko at hita. Pagkatapos ay sa likod ng ulo. Kung kanina ay halos mabingi at mapipi ako dahil sa sakit nang pagtama ng katawan ko kalsada, ngayon iba ang pakiramdam ko. Parang kakagising ko lang galing sa mahimbing na pagtulog.

I haven't really felt this kind of lightness before. Parang something heavy that's been weighing on my soul for a while now has been lifted.

I gaze at Dad as he rushed to the side of the hospital bed. Abd then, there I was... right there, balot ng sterile gauge at bandage ang mga hita at may benda sa bandang ulo. Nakapikit ang mga mata. Hindi sigurado kung humihinga pa ba...

SHIT.

Have I undergone Astral Projecting? Did I leave my body? Paanong nakikita ko ang sarili sa hospital bed-what... the hell happened.

All my life, I've never ever thought about my own death nor meditated about it. Nor consider it. As much as I wanted to reationalize things, I'm afraid of losing people close to me. I'm afraid to die.

Death never crossed my mind. But... right at this moment, could I be dead?

Nagsimulang gumapang ang kaba sa dibdib ko kaya agad akong napahawak doon. I could feel the very rush of worry clouding my mind and soon enough it materialized as tears... pinigilan ko ang sariling maluha. Lalo na nang makita ko ang sarili ko-iyong nakahiga sa kama-na gumagalaw nang bahagya at dahan-dahang nagbuka ng mga mata.

What the heck?

"Dali..." mahina ang boses ni Dad nang tawagin ako.

The version of me that's lying on the hospital bed didn't respond nor even blink. Gamit ang isang kamay ay napakapa-kapa siya sa bakanteng parte ng kama na hinihigaan.

Pagkatapos ay umikot ang paningin niya sa buong hospital room.

Minuto lang ang lumipas nang marinig ko ang mahina niyang paghikbi.

Umurong ang luha sa mga mata ko at basta akong lumapit sa tabi ng kama. I don't know what's happening but I could see myself in front of me... sobbing and attempting to move out from the bed.

It was my body... but the way she moves differs from mine. Hindi katulad ko na tipid ang bawat kilos, iyong sarili ko na nakahiga sa kama ay halos magpanic na para lang makatayo.

"Hindi ka pa puwedeng tumayo. You'll strain yourself."

Then the image of what happened after the accident and before my vision blur into nothing... I remember Marcia. I don't know if I'm hallucinating again of if my mind is being irrational but I saw her. I knew I saw her.

Nag-abot siya ng kamay. Naramdaman ko pa noon ang laming ng kamay niya bago dumilim ang lahat.

Oh, shit.

Could it be that... we switched? And she managed to take over my body?

"Ayos lang po ako." The words which escaped from my-her lips have a glint of excitement in it. And right from where I stood, she glanced at me very quickly. Her eyes were serious and her mouth closed. But her stance speaks volumes. She does want whatever supernatural, impossible, impeccable, and the unordinary thing that just occurred after that incident.

Hindi ako nakakakita ng multo. Pero naniniwala akong naririto sila. But this?

Napapikit ako habang nakahawak pa rin sa didbib. Hindi alam kung ano'ng dapat na gagawin. O kung may magagawa pa ba ako. Nagmadali akong lumapit sa gilid ng hospital bed at agad na niyugyog sa balikat si Marcia na ngayon ay nasa kawatan ko.

Shit.

I may not be a hundred percent sure of that, but what else could have happened? Iyon lang naman ang puwedeng mangyari matapos ang kahinahinalang nangyari noong maaksidente kami.

Napalitan ng takot ang kaba na kanina ay naramdaman ko. Hindi ko mahawakan ang balikat ni Marcia. Ni braso ay hindi ko magawang yugyugin. "Marcia," may diin na tawag ko habang nakatayo sa gilid ng kama. Napabaling ako kay Dad na nakatitig kay Marcia... walang kaalam-alam sa nangyayari.

"Dad... andito po ako," halos mapaos ang boses ko nang magsalita.

Umayos ng upo si Marcia sa hospital bed... hindi ko alam ang dapat na maramdaman na makita ang sarili mo sa harapan mismo. Pero hindi na ikaw iyon.

Ano'ng dapat kong gawin?!

"Marcia..." I called again but she ignored my plea. Hindi ko alam kung naririnig ba niya ako pero sigurado akong nakita niya ako kanina.

Shit. I didn't know things like these could happen. Like what the fuck.

Tumunog ang cellphone ni Dad kaya tumayo siya at agad sinagot ang tawag. Lumingon muna siya sa akin-kay Marcia. "I'll be back, immediately."

Marcia, which is still possessing my body, just nodded silently as if nothing really strange happened.

"Marcia!" I shouted. "I don't know who you are personally. I don't why what the fuck is happening! But I know that you shouldn't be in this position..."

Sa halip na sagutin ako namamangha si Marcia na napatitig sa mga kamay at nakabenda na mga paa. Ginalaw-galaw niya ang mga daliri. Nanubig ang mga mata niya at napangiti. Sunod ay napahawak siya sa buhok ko na hanggang balikat. Tumulo ang luha sa mga mata niya.

"I'm finally back," she whispered.

"No..." I protested.

"If you're wondering if I know what happened. Hindi kita masasagot." Pagkatapos magsalita ay tumitig siya sa akin. "Dali, hindi ba?"

Napatitig ako sa kanya-sa sarili ko. Walang nagbago sa itsura ko. Ganoon pa rin, maikli ang buhok, maputi ang balat, walang makikitang pagbabago. Pero ang paraan nang pagtitig niya... iba'ng-iba sa kung paano ako tumitig sa ibang tao.

She stares with confidence and eagerness. While I act timidly in front of the people who I'm not really close to.

"I assume you believe in ghosts right?"

"You..." nanginig ang mga labi ko. "You're a ghost inside my body..."

Nakahiga pa rin siya sa hospital bed. Kalmado. Namangha. May ngiti sa mga labi. "Correction, I'm a soul. Hindi ako multo. Kaluluwa."

"How could you talk to me so casually? I don't even know-"

"Your body's still too weak to attend to some questioning. Matutulog muna ako tapos usap tayo mamaya."

"What the fuck?"

"Upo ka muna, Dali."

"The hell!"

"I was just a soul... roaming around not until the accident," she said bago ipinikit ang mga mata.

"I-ikaw iyong nag-abot ng kamay sa akin."

Tumango siya. "I witnessed what happened... I just wanted to help. Hindi ko naman inakala na ito ang magiging kapalit ng kabutihan ko. I guess, my days of being dead have finally come to an end."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top