PROLOGUE

PROLOGUE

"COME to my office. Now." Bayolenteng napalunok ako nang marinig ko ang malamig na boses ni Vladimier sa kabilang linya.

Mariin ang bawat salitang lumalabas mula sa bibig niya at ramdam ko ang lamig nito. Isinuksok ko sa pocket ng coat ko ang cell phone ko at pinagpagan ko rin ang nanlalamig kong mga kamay at sa nangangatog kong mga binti ay dahan-dahan na akong naglakad patungo sa opisina niya.

Nagdadalawang isip pa ako na buksan ang pinto ngunit kalaunan ay pinihit ko rin ang seradora nito. Mula sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko siyang nakatayo at ang dalawang kamay niya ay nakatukod sa mesa. Bahagyang nakayuko ang kaniyang ulo.

Pagkapasok ko pa lamang sa loob ay hinagis na niya ang mga papel sa ibabaw ng kaniyang mesa. Mariin akong napapikit at napayuko na lamang ako.

Ano kaya ang nagawa kong kasalanan na kung bakit galit na galit na agad siya?

Pero kinakabahan din ako at sobrang bilis ng heartbeat ko. Tumatayo ang balahibo ko sa kaba.

"Chendra Veronna A. Chavez, anak ng isang kriminal ay nasa kompanya ko?" malamig na tanong niya at sa narinig kong sinambit niya ang buong pangalan ko ay hudyat na may nalalaman na siya tungkol sa pagkatao ko at kung saang pamilya ako nagmula.

Ang marinig ko rin ang sinabi niya na anak ako ng kriminal ay nakaramdam lang ako nang pagkirot sa aking dibdib at nag-iinit na rin ang sulok ng mga mata ko.

I never thought that he would call me that. To be called na anak ng kriminal is like failing my father again. I failed him again in my promise to clear his name at kahit nasa kabilang buhay na ang aking ama, he will still be called a hero. My father is a hero for me and not a criminal

Marami siyang isinakripisyo para sa pamilya namin at hindi deserve ng daddy ko na kilalanin siya na isa lang kriminal. Gayong ang dami niyang sakripisyo at bukod sa amin ay naging mabuti rin siya sa kapwa. Marami siyang ginawang kabutihan pero dahil lang sa isang trahedya ay kinalimutan siya ng lahat.

"Alam mo ba kung ano ang pinakaayaw ko, Miss Chavez? Ang ginagawa akong tanga at kinukuha ang tiwala ko para lang mapalapit siya sa akin!" sigaw niya at tila yumanig ang apat na sulok ng opisina niya dahil sa lakas ng boses niya.

Ramdam na ramdam ko ang galit at pagkapoot niya sa 'kin. Kasi nalaman na niya ang motibo ko. Ang dahilan ko kung bakit nasa kompanya niya ako.

"I have no bad motives, Sir Elvis. My only wish is to clear my father's name-"

"He's a criminal! Why would you clear your criminal father's name?! Is there any change there?! May pinatay siya!"

"No! Hindi kriminal ang daddy ko! Inosente siya at wala siyang pinatay! Kilala ko ang aking ama at ang trabaho niya lang ay bigyan ng proteksyon ang pamilya mo! Na-frame up lang siya dahil sa mga taong galit sa kaniya! Nahatulan siya ng panghabang-buhay na pagkakakulong pero sa kulungan mismo ay pinatay nila ang daddy ko! Pinatay nila ng walang kalaban-laban si daddy at ire-report nila na nagpakamatay ang ama ko?! Hindi siya ganoong klaseng tao! Hindi siya guilty!" umiiyak na sigaw ko na halos maputol na ang ugat sa leeg ko. Nagtaas-baba pa ang dibdib ko. Sobrang bilis nang tibok ng puso ko at ngayon lang lumabas ang emosyon ko na matagal ko nang itinatago.

Kasi isa iyon sa kahinaan ko. Hindi ko magagawa nang maayos ang trabaho ko kapag pinangunahan ako ng emosyon ko.

"Bakit kita paniniwalaan?" Napaiyak na lamang ako sa sinabi niya at bumagsak ang tuhod ko sa sahig.

"Handa kong pagbayaran ang kasalanan ko sa 'yo, Vladimier. Linisin mo lang ang pangalan ng daddy ko, pakiusap. . . Wala siyang kasalanan, kahit paimbestigahan mo pa ang pangyayaring iyon. Ibibigay ko ang mga nakalap kong impormasyon tungkol sa frame up na ginawa nila sa daddy ko," desperadang sambit ko.

Hindi siya agad nakapagsalita at narinig ko lang ang pagbuntong-hininga niya. Kumuyom ang kamao ko.

"I wish you never existed in this world. Meeting you is a mistake and I'm also stupid for loving you. Now, you're fired from your job and this should be the last time we see each other because I don't want our paths to cross again. You are not worth it to be loved. You are no different from cheaters. I trusted you but you still failed me."

Tila pati ang pagkatao ko ay nawasak din sa narinig kong sinabi niya. Nagsisisi na siya. Nagsisisi na siya dahil nakilala niya ako at minahal niya rin ako.

"Kung may ginawa man ako na maganda at sincere. Iyon ay ang pagmamahal ko sa 'yo, Vladimier. Kaya huwag na huwag mong kukuwistiyunan 'yan. Aalis ako, hindi na ako magpapakita pa sa 'yo kahit na kailan, basta palayain mo ang daddy ko mula sa pangalan niyang winasak ng mga taong pinagkatiwalaan niya at isa na roon ang pamilya mo," walang emosyon na sabi ko at dahan-dahan na akong tumayo.

Yumuko pa ako bilang paggalang sa kaniya at saka ko siya tinalikuran. Bago ko sinara ang pinto ay narinig ko pa ang pagwawala niya at lumikha nang ingay ang tinapon niyang mga gamit niya.

Pinunasan ko ang mga luha ko sa aking pisngi at mariin na napapikit.

I love you, Vladimier and I'm so sorry, honey. Hindi ko intensyon na saktan ka. Gusto ko lang naman na matupad ang pangako ko sa daddy ko.

Dumiretso ako sa banyo at nagkulong sa cubicle. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi kumawala ang paghikbi ko pero hindi ko pa rin talaga maiwasan.

Hanggang sa maramdaman ko na lamang na tila umiikot ang sikmura ko at naduduwal na ako. Ilang araw na akong ganito pero alam ko naman kung bakit palagi na lang akong nasusuka.

Nang matapos ako ay inayos ko rin ang sarili ko at sa isang idlap lang ay nagbago ang ekspresyon ng mukha ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top