CHAPTER 9
Chapter 9: The jealous fiancé
MALAKAS siya, mabilis at pulido ang kilos. Sa tingin ko nga ay hindi na niya kailangan pa ng bodyguards. He can protect himself. Pero kailangan pa rin naman na may ibang magbabantay sa kaniya.
Hindi siya basta-bastang tao lang, mayaman siya at kilala ng karamihan. Kahit gaano pa man siya nakatulong sa ibang tao, kung may kabutihan man siya ay may mga taong magtatangka pa rin sa buhay niya.
Isang tao o higit pa ang maghahangad ng pera, karangyaan at kapangyarihan niya. Mga taong ganid. Dahil iyon ang nangyari sa pamilya niya dati. Muntik na ring siyang mapahamak kaya nag-iingat na rin sila.
Umayos na rin ako sa pagkakaupo ko sa kama. Na ngayon ay magkatabi kami, ngunit may sapat na espasyo sa pagitan naming dalawa. Amoy na amoy ko ang mabangong perfume niya. Nakakatwang bagay na nasa kuwarto pa rin niya ako.
Bumaba naman ang tingin ko sa hawak niya. “Can I see your gun, Sir?” I asked him politely. He looked at me before he handed me his gun. Walang pag-aalinlangan.
M-1934 ang baril niya, nang tingnan ko ito.
“So, gabi-gabi mo ba akong pupuntahan sa kuwarto ko para lang tingnan kung nakatulog na ba ako?” Binalingan ko siya nang magsalita siya. Bahagyang nakataas ang isa niyang makapal na kilay.
I don’t know why, bigla ay nag-init ang magkabilang pisngi ko. I can feel it na hindi siya nagalit sa ginawa ko. Bagkus ay nahimigan ko sa boses niya ang amusement. Napailing ako sa naisip kong iyon. Wala namang nakaaaliw sa ginawa ko kanina.
Kung sa iba ay baka magalit at kanina pa ako nasesante. Sino ang matutuwa kapag nahuli mo ang bodyguard mo na pumasok sa kuwarto mo nang hindi ka nagpapaalam sa may-ari? Siya lang yata ang hindi nagalit sa ginawa ko.
“To secure the place, Sir,” I added his words. Iba pa ang isipin niya kung hindi ko agad nilinaw sa kaniya. Mahirap na.
He stood up and went to the window. “My father bought this condo and fully secured na. Bulletproof, you don’t need to worry about me from any danger. As you can see ay may baril akong nakatago. Dala-dala ko iyan palagi, and my plan ay itago lang ’yan. Pero ngayon ay nakita mo na, no need to bring my gun with me.” Kumunot lang ang noo ko sa sinabi niya. Wala na rin naman akong masasabi pa.
Inilapag ko sa bedside table niya ang baril. “Malalim na po ang gabi. Go back to sleep, Sir,” I said. Natutulog nga ba siya kanina o sadyang mababaw rin ang tulog niya, kaya naramdaman niya rin na may tao kanina?
“Goodnight, Miss,” he said almost a whisper. I shook my head at tuluyan na rin akong lumabas. Pumanhik agad ako sa aking silid at nagpahinga na rin ako.
IN THE next day ay maaga akong nagising. Naghanda agad ako at lumabas pagkatapos. Sa labas din talaga akong naghintay para ma-check ko agad ang area. Tama nga naman siya, secure na secure ito dahil may mga security guards na ang umaaligid-ligid sa condominium.
Madilim pa ang kalangitan, kasi 5 a.m pa naman. Mayamaya pa sisikat ang araw at nang makita ko na ang paglabas niya ay gumala pa ang tingin niya, hanggang sa huminto iyon sa kinatatayuan ko.
Nang humakbang siya palapit sa akin ay nagririgudon na agad ang puso ko. Parang mawawasak sa lakas nang kabog ang dibdib ko.
Ang init, napakainit nang paraan nang pagtitig niya at napapaso ako. Black muscle shirt at gray sweatpants ang suot niya, white rubber shoes din.
“Tara na?” agad na sabi niya. Nagulat ako dahil parang may usapan kaming dalawa na mag-j-jogging kami. Parang ang natural naman nang pagkakasabi niya.
“What?” gulat na tanong ko naman. Napa-tsk siya. Ginulo niya ang buhok niya.
“Hindi ba kaya ka maagang lumabas ngayon ay para samahan akong mag-jogging?” nakataas ang kilay na tanong niya, dahilan na naitikom ko ang bibig ko.
Para samahan ko siya? Baka ang ibig niyang sabihin ay babantayan ko siya? Nakalimutan na yata niya ang trabaho ko, na isa akong bodyguard at hindi isang kaibigan na sasamahan siya sa kung saan man siya pupunta.
Suplado niya akong tiningnan at nagsimula na rin siyang mag-jogging. Bumuntong-hininga na muna ako, pinakawalan ko lang ang tila bumabara sa lalamunan ko.
Malayo-layo na siya nang sumunod na rin ako. Ang gusto ko ay nasa likuran niya lang ako, ngunit nang lumingon naman siya ay bumagal ang pagtakbo niya. Nang binagalan ko rin ay nagsalubong na ang kilay ko, kasi paatras na siya hanggang sa magpantay na ang pagtakbo namin. Nang sinusubukan kong paunahin siya ay hindi naman iyon nangyari. Sinasadya niya na sabayan niya rin ako. Kayang-kaya niya akong iwanan. Sa haba ng mga mga binti niya ay mahihirapan pa akong habulin siya.
PAGKATAPOS naman iyon ay bumili kami ng mineral water sa grocery store na sakop mismo ng lugar na pinagtayuan ng condominium. Papasa na isang hotel dahil sa malawak na ground nito. No wonder na ito ang pinili ng ama niya na matutuluyan niya.
Basang-basa ng pawis ang manipis kong puting shirt, jogging pants naman pababa at itim na sneakers. Pinunasan ko na ang pawis sa noo at leeg ko gamit ang towel ko nang binigyan naman niya ako ng tubig.
Nandito kami ngayon sa may parke at nakaupo ako sa bench. Hindi ako makatingin sa kaniya. Paano ba naman kasi? Wala na siyang suot na damit na pang-itaas. Sa kadahilanan na nabasa na rin iyon ng kaniyang pawis.
Sanay naman akong makita na half-naked na mga kalalakihan, subalit nang makita ko ang paghubad niya kanina ay kumalat ang init sa buong mukha ko. Halos umawang ang labi ko sa gulat.
Ewan ko kung bakit ganito na ang nararamdaman ko. Na parang ibang-iba ang tingin ko sa kaniya.
Parang naligo lang siya, basa na ang buhok niya. Nang umupo siya sa tabi ko ay idinantay niya ang kaliwang braso niya sa likod nang inuupuan namin. Halos abutin na ako nito kaya iba na naman ang pakiramdam ko.
Ang mahaba niyang binti ay nakabukaka iyon, normal na gesture ng mga lalaki ang ganito.
Bago pa ako matuyuan ng laway ay uminom na ako ng tubig. Walang salitang namutawi sa aming bibig. Basta nakaupo lamang kami at tinitingnan ang iba na kasalukuyan pang tumatakbo. Until nag-aya na rin siyang umalis at sa likod niya lang ako naglalakad.
Pagpasok ko nga sa kuwarto ko ay diretso na ako sa banyo. Nag-ayos agad. Sabay pa kaming lumabas.
“Sa office na lang tayong mag-agahan,” sabi niya. I didn’t say anything. Basta na lamang akong tumango at mabilis na sumunod.
Akala ko nga ay uutusan niya akong bumili ng breakfast niya pagdating namin sa kompanya niya. Ngunit hindi. Ang secretary niya mismo ang bumili at ako naman ay nanatiling nakatayo sa gilid ng pinto.
“C?” Boses ni Klein ang narinig ko sa earpiece ko.
“Hey,” mahinang tugon ko naman.
“Kumusta ang first night kasama si Mr. Amadeus?” tanong nito sa ’kin. Hindi na si Klein, sa halip ay si Jamie na. Ang girlfriend niya.
Gustuhin ko man na hilutin ang sentido ko ay hindi ko na ginawa pa. Nasa tapat ko lang ang lalaking binabantayan ko. Ang mga kamay ko ay nasa likod kong nakapirmi.
“What the hèll, Jamie?” Natawa siya sa sinabi ko at narinig ko rin sa background niya si Klein na parang sinusuway siya. “Klein, ano’ng balita sa nangyari kahapon? Na-settled mo ba nang maayos?” I asked him.
“Ah, yes. Naayos naman ang kaunting gusot na iyon, pero big deal para sa bagong boss mo. Kasi nasagasaan ka na. Mabuti na lamang ay kaya mong salubungin ang sasakyan nang hindi ka napupuruhan. Anyways, after a week ay magpa-check ka,” mahabang pahayag niya.
Every month ay nagpapa-check up kami sa doctor na nasa headquarters para na rin magkaroon kami ng medical certificate.
“Okay,” sabi ko lamang at nang tingnan ko ang lalaki na nasa tapat ko ay nakatingin na siya rito sa side ko. “Usap tayo mamaya, Klein,” paalam ko. Hindi na siya nagsalita pa.
Tumayo si Vladimier at nilapitan niya ako, nakasuksok ang mga kamay niya sa bulsa ng kaniyang pantalon. Matiim na tinitigan niya ako.
“Sino ang kausap mo?” malamig na tanong niya sabay na tiningnan niya ang earpiece ko. Alam niya ang bagay na ito.
“My partner, Sir,” nakayukong sagot ko. Hindi ko na naman kasi natatagalan ang titig niya.
“Can I have that one? Para naman alam ko kung ano ang pinag-uusapan niyo, and besides iyon naman ang dapat, right? Para ma-contact niyo ako in case,” he said.
“He was right and has a point.” Boses na naman ni Klein ang narinig ko sa kabilang linya. Nakikinig ang lalaking ito sa usapan namin ngayon.
“C, akala ko ba ayaw sa iyo ni Amadeus? Bakit iba ang nararamdaman ko sa kaniya? Parang bet ka niya.” Sisitahin ko na sana siya nang nauna na ang boyfriend niya. Malakas na kalampag ang siyang narinig ko.
“Idadaan ko na rin diyan ang request niyang earpiece na nakakonekta sa atin, C.” Napatango ako sa sinabi nito.
Salubong ang makapal na kilay ni Vladimier nang mag-angat ako nang tingin. Napadila pa siya.
“Ibibigay ko po sa inyo mamaya, Sir,” sabi ko at pareho kaming nabigla nang bumukas ang pinto sa gilid namin.
Nanlilisik ang mga mata ng fiancé niya nang tiningnan ako nito. Oh, good God. ’Saktong ganito pa ang posisyon namin nang umeksina na naman si Agatha Salvatore.
“Sinasabi ko na nga ba mayroon kayong affair ng ladyguard mo, Elvis!” akusasyon nito. Masakit sa tainga ang boses nitp Matinis.
Susugod na sana ito nang dumating naman ang secretary niya. “Sir, nandito na po ang breakfast niyo.”
“Thanks, pakilapag na lang diyan at ikaw, Agatha. Umalis ka na.” Ako naman ang nagulat. Wala talaga siyang pakialam kung magagalit ang babae sa nakita nito.
Kung sabagay, hindi mahalaga para sa kaniya ang engagement nila ni Agatha. He didn’t love his fiancé.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top