CHAPTER 8
Chapter 8: Dine with him
“WHAT the hèll, Elvis! Sino ang babaeng ito?!” sigaw ng babae. Namumula agad ang mukha niya dahil sa inis at galit nang makita na may babae sa condo ng fiancé niya.
Puwede naman siyang magtanong nang hindi ganyan ang reaksyon niya. Ang overacting naman niya.
Nakapasok na siya sa entertainment room ni Vladimier, tapos nanlilisik pa ang mga mata niya. Kung makatingin siya sa akin ay parang may ginawa kami nang masama ng fiancé niya.
Kung susugod man siya sa akin ay nakahanda naman akong protektahan ang sarili ko. Hindi ako magpapakalmot sa kaniya, ’no. Ang suwerte naman niya kung ganoon. Naglakad na nga siya palapit sa akin. Ni hindi ako nakaramdam nang takot.
Subalit bago pa man siya makalapit sa kinatatayuan ko ay humarang na si Vladimier. Ang malapad na likod niya ang bumungad sa aking paningin. Dahil sa lapit niya ay nanuot sa ilong ko ang matapang na pabangong gamit niya, pati na rin ang aftershave niya.
“What the hèll are you doing, Agatha?” malamig na tanong ng lalaki sa kaniya. Nang lalagpasan niya ito ay hinawakan na ang magkabilang braso niya saka siya hinila palayo. Lumalabas tuloy na pinoprotektahan ako ng isa.
“Who’s that girl, Elvis? What’s she doing in your condo? Are you cheating on me?” Gusto ko sanang ngumiwi dahil sa sunod-sunod na tanong niya.
Nakakita lang siya ng babae ay niloloko na agad siya? But anyway, I can’t blame her. Ganito rin siguro ako kapag nakita kong may babae ang fiancé ko. I’m glad na wala akong ganoon. But better ang magtanong muna, huwag humusga agad-agad.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito kasabay na tumunog ang doorbell. Tiningnan ako ni Vladimier. “Open it,” marahan na utos niya. Tumango ako, nang madaanan ko sila ay muntik pa akong abutin ng babae. Ang haba pa naman ng kuko nito. “The hèll, Agatha! Kung hindi ka titigil ay palalabasin kita!”
Binilisan ko na lamang ang paglalakad ko para makalayo na rin ako roon. Ayoko talagang nai-involve sa awayan ng relasyon ng dalawang tao. Kahit wala naman akong ginagawa sa kanila.
I checked the door camera first, nakita ko naman na delivery man lang. Base na rin sa kasuotan nito, kaya naman binuksan ko na ang pinto. Para makuha ko na ang food order. May pinirmahan pa ako bago nagpasalamat at nagpaalam ang lalaki.
Food panda ito, may kabigatan din. Malamang ay marami siyang in-order. Tumingin ako sa isang pinto. Kahit hindi ko alam kung ano iyon ay roon na rin ako nagtungo. Wala siyang dining area, kitchen na agad iyon pero malawak pa rin ang espasyo nito. Lalo na iyong island counter niya.
Inilapag ko sa counter ang paperbag. Dahil nauuhaw ako ay kumuha ako ng cup sa cupboard. Mahabang baso ito, kahit simple lang ay sumisigaw ang kamahalan nito. Mabigat kasi.
Napatingin ako sa water dispenser. Ngunit ang refrigerator ang nilapitan ko. Nang buksan ko iyon ay puro beer, energy drink. May tray ng itlog. Bottled water. Tapos wala ng puwedeng kainin dito, maski prutas ay wala siya.
Sa pitcher na lang ako kumuha ng tubig at nagsalin. Isinara ko na rin ito. Naglakad-lakad pa ako sa loob ng kusina. Hanggang sa naisipan ko na lang na buksan ang food cabinet.
Wala siyang stocks, na maski noodles ay wala. Isa lang ang ibig sabihin niyon, hindi siya rito madalas kung umuwi. Baka nga ay pumupunta lang siya sa unit niya kapag nag-bo-bonding na silang magkakaibigan.
Sana mag-grocery siya. Mas mainam kung luto mo ang kinakain mo kaysa ang mag-order ka sa restaurant. Mas healthy pa, hindi ko naman sinasabi na hindi healthy ang pagkain na in-order sa labas.
Umupo na ako sa highchair. Anim ang bilang nito. Ibinaba ko ang baso ko sa counter, na nangalahati ang tubig. Sobrang yaman ng lalaking iyon. Ang expensive ng condo niya, pati na ang mga gamit sa loob.
Ilang minuto lang akong nakaupo ay naisipan ko na lang na maghain na. Siguro dito na rin niya pakakainin ng dinner ang fiancé niya. Dalawang platito ang hinanda ko.
Dalawang putahe ng baka ang in-order niya. Roasted and angus beef. Mayroong shrimp, grilled salmon, stir-fried vegetables. Mayroon namang kanin, tapos dessert. Sobrang dami rin.
Nang matapos ako ay balak ko na sanang lumabas upang tawagin ang mag-fiance pero hindi na pala kailangan. Dahil pumasok na siya, hindi niya nga lang kasama si Agatha.
Bahagyang napataas ang isa niyang kilay nang makitang nakahanda na ang pagkain. Plain white v-neck shirt na lang ang suot niya. Magulo ang basang buhok niya, subalit ay hindi iyon nabawas sa kaguwapuhan niya.
“Let’s eat,” he uttered, and I looked at the door. Umaasa ako na papasok doon si Agatha but nothing happens. Nasaan na kaya ang babaeng iyon? Bakit hindi agad siya sumunod?
“Nasaan po ang fiancé niyo, Sir?” I asked him.
As he sat down, his expression darkened. He gave me a cold stare. If I weren’t used to that kind of gaze, I might have looked away, but I didn’t.
“Why are you looking for my fiancé? Pinauwi ko na siya. Let’s eat before the food gets cold,” malamig na utos niya.
That’s a sign that he wants me to join him for dinner, and I can’t say no. I have to obey him, and I’m starving too. No way I’m saying no. Mukha pa lang ng ulam ay masarap na.
It wasn’t awkward at all, even though we were eating in silence. It felt like we hadn’t eaten in a week, we were so hungry. We finished all the food he ordered, and he even got us fresh milk for dessert.
Nang matapos na nga kami ay sabay pa kaming nagligpit ng pinagkainan namin. Doon lang kami nagkatinginan. Pormal naman kung i-treat niya ako. Walang kaso.
“Ganito na lang. Ako na ang bahala sa pinagkainan ko, ikaw naman ay sa iyo. Para walang argument ang magaganap sa pagitan natin at mas madali iyon,” sabi niya at nag-agree ako. Mas okay na iyon. “Pero ako ang mauuna. Walang ladies first sa condo na ito,” he added. Napataas ang isa kong kilay. Talaga naman.
Hindi naman ako makikipag-unahan sa kaniya. Pinatapos ko na nga muna siya. Ang tagal niya nga lang, pero okay lang naman iyon. Marunong siyang maghugas ng plato. Akala ko ay hindi.
Sumunod naman ako. Ramdam ko ang presensiya niya. Hindi pa siya umaalis. Naiilang ako kasi tahimik lang siyang nagmamasid.
“Do you know how to cook? Tomorrow, before we head back to our condo, let’s stop by the grocery store. We’ll buy some groceries and wine,” he uttered. Pormal na pormal ang boses.
“Hindi ba marami ka ng wine? Magdadagdag ka pa ba?” I was taken aback by my sudden reaction. Napatutop na lamang ako sa bibig ko. Tapos ano raw ang sinabi niya kanina? Our condo? Uminit yata bigla ang magkabilang pisngi ko.
“You think so? Huwag na pala,” tumatangong saad niya. Mas lalo akong nagulat dahil sumang-ayon siya sa sinabi ko.
Seryoso ba siya?
Nang masigurado niyang tapos na ako ay saka siya lumabas pero naabutan ko pa rin siya sa living room.
“By the way. Three times a week ako nagpapa-laundry sa baba. Puwede mong isabay ang mga damit mo,” sabi niya. Inaasahan ko na ito, sa laki ng unit niya. Kompleto ang mga gamit ay kahit maliit na washing machine ay wala siya?
“Ako na lang po ang bababa sa laundry shop, Sir,” magalang na sabi ko. He nodded before he went to his room.
Pumanhik na rin ako sa kuwarto ko. Nakalimutan kong i-off ang aircon niya. Humiga na ako sa kama, na hawak-hawak ko na ang cell phone ko. Iyong litrato lang ng mommy ko at mi Chendro ang pinagkaabalahan kong tingnan habang hindi pa ako inaantok.
10 p.m na ay gising na gising pa ako. Kaya naman, bumaba na ako sa kama. Marahan at may pag-iingat ang bawat paghakbang ko para hindi siya magising.
Nakahinga ako nang maluwag nang hindi naman niya isinasara ang pinto ng kuwarto niya. Madilim nga lang sa loob. Nanuot sa ilong ko ang pamilyar niyang pabango. Siguro ay asul ang kulay ng istraktura ng kuwartong niya, kaya maganda itong tingnan.
I checked his room, maging sa bintana. Ramdam ko naman ang pantay niyang paghinga. Mahimbing ang tulog niya. Ginamitan ng bulletproof ang silid niya. Ilang beses ko pa kasing pinitik iyon.
Tiningnan ko ang alarm clock niya sa bedside table. Naglakad ako palapit doon. Naka-set na nga ang alarm niya. Bukas ay mag-j-jogging siya. Kaya naka-set na agad ito.
Nang hawakan ko iyon ay bigla namang tumunog kasabay nang paghila sa braso ko. Nanlaki ang mga mata ko nang bumagsak ang katawan ko sa malambot na kama.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa naramdaman kong malamig na bagay na nakatutok sa sentido ko. Kahit madilim ay ramdam ko ang malamig na mga matang nakapako sa akin.
Ang bilis niyang kumilos, sanay na sanay. Ni hindi ako nakaiwas agad. Dahil sa lapit ng katawan niya at nasa ibabaw ko pa siya ay parang uminit ang paligid.
Nang mag-snap siya gamit ang daliri niya ay nagkalat na ang ilaw sa kuwarto niya. Nagtagpo ang mga mata namin nang bumukas na nga ang ilaw. O baka nga ay hindi iyon naputol, hindi lang malinaw.
“What are you doing?” he asked with his tender voice.
“I’m just checking you, Sir. This is my job. Before we sleep, we need to check if our superior also asleep and if everything is secure,” I answered.
“Psh.” Nagsusungit siya bago niya ako pinakawalan. Ang magkabilang kamay ko kasi ay pinihid niya sa gilid ng ulo ko kaya hindi ako nakagalaw man lang at saka nagulat din naman ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top