CHAPTER 7

Chapter 7: Caught by his fiancée

HIS condo is beautiful. It's lavishly furnished, evident in the luxurious items inside. The modern design is aesthetically pleasing, with a color scheme and structure, maganda ito sa mga mata at hindi masyado masakit titigan.

The living room features a sleek TV set, plush white sofa, and elegant glass coffee table. A door behind the sofa presumably leads to his bedroom, while another door on the left side opens to his kitchen. Mayroon kaya siyang extra bedroom?

“Follow me,” walang emosyon na utos niya. Kinompas pa niya ang kamay niya. Napahinga ako nang malalim at saka ako sumunod sa kaniya, patungo iyon sa isang pinto.

Binuksan niya ito at sa mga sandaling ito ay bitbit pa rin niya ang maleta ko. Sa pagpasok namin ay akala ko iyon na ang silid niya. Pero ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko na another sala na naman ito?

Gusto kong mapanganga sa gulat, pero kontrolado ko pa rin ang emosyon ko. Kung mas maganda na ang living room na nasa labas ng kuwartong ito ay walang-wala ang isang ito.

Malaki ang wine rack niya, iba’t iba ang mga alak na naka-display roon. Tapos may bar counter pa siya. Tatlo lang din ang highchair niya.

He also has a sofa bed and a billiards table inside. It seems like they often bond and hang out with friends here. His TV is quite large, capable of accommodating around ten people. He also has a CD collection.

He open the door to a cozy room, nestled beside another. With a gentle nod, he invited me in. “This is where my friends usually stay pero sa labas lang kapag nandito sila sa condo ko,” he shared, revealing a warm hospitality. Gentleman pala talaga siya.

“Thank you, Sir,” I uttered. Saka niya lang ibinaba ang maleta ko. Pinasadahan ko pa nang tingin ang silid na ito.

Kasing laki ito ng kuwarto ko sa bahay namin. Halos walang mga gamit sa loob. May bed naman, drawer and closet na rin. Pero komportable na ako rito.

“Ayos ka na rito?” tanong niya. Nang lingunin ko siya ay nasa pinto pa siya. Nakasuksok ang magkabilang kamay niya sa bulsa ng kaniyang itim na slacks.

I nodded. “Yes po.”

“Okay,” tipid na sambit niya lang at walang imik na rin siyang lumabas ng magiging kuwarto ko.

Kumalma na ang mabilis na pintig ng puso ko. Napansin ko kasi na kanina pa itong nagwawala, kasi kasama ko siya. Ewan ko ba sa sarili ko.

Umupo ako sa gilid ng kama. Inilabas ko ang cell phone ko para makipag-video call ako kay mommy. Alam kong sa mga oras na ito ay busy na si Chendro.

Kahit hindi ko alam na active sa social media niya ang aking ina ay sinubukan ko pa rin. Ilang ring lang ay nakita kong sinagot na niya ang video call. Nasa shop pa siya. Base na rin sa nakikita kong backgrounds niya.

“Hi, anak! Nasaan ka na?” bungad na tanong niya.

Ngumiti muna ako bago sumagot, “Nasa condo na po ako ng taong babantayan ko, Mom.” Nanlaki ang mga mata niya sa narinig.

Binahay ka?” naaaliw na tanong niya. Dahilan naman na nag-init ang magkabilang pisngi ko.

“Mom, ano’ng binahay?” nakasimangot kong tanong sa kaniya. Napahalakhak siya at nangalumbaba sa mesa niya.

Mayroon siyang office sa shop niya. Doon siya madalas nag-d-designs ng jewelry. Nag-o-order din si mommy ng diamonds sa ibang bansa. Siya rin ang personal na pumupunta roon o kaya naman ako ang minsan niyang nauutusan.

“Kidding aside, anak. Hindi ako nag-aalala sa iyo na baka may mangyaring hindi maganda. Because I trust you, pero huwag mong kalimutan ang mga habilin ko,” seryosong sabi niya. Ngumiti ulit ako sa kaniya.

“Opo, Mom. Kakain ako sa tamang oras, iinom ng maraming tubig at hindi magpupuyat. Sa tingin ko po, Mommy. Mabait naman po itong si Vladimier Amadeus,” pahayag ko para naman malaman niya ang tungkol doon.

“Well, may tiwala rin ako sa first impression mo sa mga tao, Chendra. But you’re a woman, don’t trust too easily. Be cautious and prioritize your safety,” paalala na naman niya na ikinatango ko lamang.

“I will, Mom. Nandiyan na po ba si Ate Andraia?” tanong ko naman. Nailipat niya sa kabila ang cam ng phone niya at nakita ko na roon ang taong hinahanap ko.

“Hello, Chendra!” bati ng babae sa akin. Kinawayan pa niya ako.

“Hi. Huwag mong pababayaan ang mommy ko, Ate Andraia. Mahal na mahal ko po iyan,” sabi ko. Ilang beses naman siyang napatango.

“Sure! Huwag kang mag-alala. Ako pa yata ang aalagaan ng mommy mo,” natatawang sabi pa niya.

Ganoon na nga yata ang mangyayari. Maalalahanin at maasikaso talaga ang mommy ko. Ilang minuto lang kaming nag-usap ni mommy ay nagpaalam na siya.

Napatingin ako sa bagahe ko. Inilapag ko lang sa kama ang cell phone ko at nilapitan ko ang gamit ko para ilipat iyon sa closet. Hinubad ko pa ang coat ko, kaya naiwan ang puting longsleeve ko.

Maayos na itong nakatupi lahat at nang buksan ko ang closet ay mga extra hanger naman ito. Isa-isa ko nang inayos ang mga damit ko. Inilagay ko sa drawer ang underwear ko and sanitary napkin.

Hindi ko pa nabubuksan ’yong air-condition. Tapos nakasara pa ang mga bintana at ang puting kurtina nito. Kaya naman ay pinagpawisan ako.

Napatingin naman ako sa pinto nang may kumatok. Natapos na rin naman ako sa pag-aayos ko. Pinunasan ko pa ang pawis ko sa noo gamit ang likod ng kamay ko.

Binuksan ko iyon at si Vladimier ang nasa labas. Napatingin pa ako sa dala niyang medicine kit. Naka-plain white v-neck shirt na lamang siya at naka-board shorts. Ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng ganitong causal na outfit.

Kumunot naman ang noo niya nang mapatingin siya sa bandang dibdib ko. Umigting ang panga niya at naging mailap ang mga mata niya. Nagtataka man ako ay wala naman akong sinabi. Tiningnan ko lang ang dibdib ko, nabasa na iyon ng pawis. Tapos bumabakat na pala ang itim na brassiere ko.

Parang nabuhusan naman ako nang malamig na tubig. Umalis ako sa pinto nang nagpumilit siyang pumasok sa loob ng silid.

Nagtungo siya sa air-condition at siya mismo ang nagbukas niyon. Itinabi ko naman ang maleta ko na natira na lang ang toiletries ko.

Umupo siya sa kama at hayan na naman ang pagsenyas niya. “Lumapit ka. Gagamutin ko ang sugat mo.”

“Wala naman akong sugat, Sir,” sambit ko. Hindi niya ako pinakinggan at tinapik niya ang espasyo sa tabi niya, ang kama.

Humugot na muna ako nang malalim na hininga bago ko siya nilapitan at umupo na nga ako sa tabi niya.

Walang sali-salita ay itinaas niya ang manggas ng damit ko sa kaliwa. Nagsalubong lang ang kilay niya at bumababa naman ang tingin ko roon. Namumula lang iyon.

“Kailangan pa rin itong lagyan ng ointment, mamamaga siya,” malamig na sabi niya.

Seryoso lang siya habang ginagamot ako at kahit naiilang ako sa presensiya niya, isama mo pa na masyado ring malapit ang mukha niya sa akin. Ang lakas-lakas nang kabog sa dibdib ko.

Marahan at pinong-pino ang bawat galaw ng mga kamay niya. Wala namang masakit sa braso ko pero kung makahawak siya ay parang may bali ako.

Pagkatapos niyon ay ibinaba niya rin ang sleeves ko. Ibinalik na niya ang mga gamit sa medicine kit saka siya tumayo. Ganoon din naman ang ginawa ko.

“Thank you,” pormal na sabi ko. Bahagya lang siyang tumango.

“Magpapa-deliver lang ako ng pagkain sa labas. Mauna ka nang kumain,” he stated at diretso na siyang naglakad sa pinto, tuluyan na rin siyang lumabas. Napanguso na lamang ako nang tumingin ako sa braso ko.

Hindi naman niya ako kailangan pang gamutin. Ayaw niya lang sigurong makonsensiya siya kasi siya raw ang may kasalanan.

Dinampot ko na rin ang toiletries ko at pumunta sa banyo. ’Sakto lang ang laki nito. Inilagay ko na sa rack ang sabon ko, shampoo, conditioner, facial wash, toner, toothbrush at toothpaste. Nandito na rin pati ang skincare ko.

Dalawang tuwalya ko ang isinampay ko sa towel holder. Mamaya ko nang tingnan kung saan ako dapat maglalaba ng mga gamit ko.

Dahil ginamot niya ako kanina ay nagpalit lang ako ng damit. Three-fourths ang puting t-shirt ko. Baby blue naman ang pajama ko. Ang buhok ko as usual ay nakatali lang ito.

Sa drawer naman ay isa-isa ko ring inilabas ang cologne, powder, lotion at suklay. Wala akong lipstick o make-up dahil hindi naman ako gumagamit no’n. Naglagay rin ako ng baril sa drawer at ang isa ay inilagay ko sa ilalim na unan ko. May pocket knife pa ako na basta ko na lang inilapag sa bedside table.

Pagkatapos no’n ay bumaba na rin ako at narinig ko pa ang pag-doorbell kanina. Ang inaasahan ko ay ang order niyang food pero paglabas ko nga ay ang fiancé niya ang nakita ko.

Si Agatha Salvatore.

“What the hèll, Elvis! Sino ang babaeng ito?!” sigaw niya at galit agad siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top