CHAPTER 5

Chapter 5: Living his condo

YES, ang ginawa kong pag-atake sa dalawang lalaki ay nakahihiya na iyon. Kasi mga kaibigan naman pala niya ang mga ito. Well, pagkakamali na rin nila iyon.

Kung bakit kasi ganoon ang paraan nila sa pagpasok. Alerto lang ako because this is my job. My job to protect Elvis Vladimier. Isa pa, hindi ko agad sila nakilala sa unang tingin pa lang. Biglaang eksena rin kasi ang ginawa nila.

“I think may nabaling buto sa likod ko, Vladimier,” narinig kong reklamo ng isang lalaki at nang bahagya ko lang itong sinulyapan ay agad ko rin siyang namukhaan.

Kennedy Alcazar, he was one of Elvis Vladimier’s best friends. 28 years old and his birthday is August 2. He is the owner of Alcazar Shipping Lines, he is also one of the so-called billionaires in the country and he owns two yachts. Except for their ships.

The second guy is Thanatos Ventura. He’s an hotelier and owner of Ventura Hotel, among the ten branches they were able to build abroad. He was born on December 27, 1995. Siya rin ang pinakamatanda sa dalawa, and I also know he’s already married but hindi nga lang maganda ang relasyon nila. Last time I checked, his wife asked for a divorced but there’s not much info about that either. Kennedy is engaged just like his friend, Vladimier.

“Kasalanan mo ’yan. Ano ba kasi ang trip niyong dalawa? Pumasok kayo sa opisina ko na may dalang baril para lang takutin ako, ha?” nanunuyang tanong ni Vladimier sa mga kaibigan niya at idinikdik niya ang laruan sa mesa.

Kinuha iyon ni Thanatos. “Laruan lang naman ito.” Naramdaman ko pa ang pagsulyap sa akin ng dalawa. Sinalubong ko iyon at yumuko pa ako bilang paggalang.

“Sabi kasi ni Tito Dix ay may personal bodyguard ka na at gusto lang namin na i-test kung gaano ka ba kabilis na protektahan niya,” paliwanag naman ni Kennedy. Ano’ng klaseng dahilan naman iyon?

Gusto niya rin yata ang masaktan talaga at natutukan ko pa sila ng baril.

“At ngayon? May napatunayan na ba kayo?” tanong ni Vladimier. Yeah, iyon na lang ang itatawag ko sa kaniya. Sa isip ko lang naman.

“Well, nakagugulat. Dahil babae ang personal bodyguard mo and, hindi ba siya pagseselosan ng fiancé mo, Vladimier? Mas maganda pa yata siya kaysa sa fiancé mo—”

“Shut up,” mariin na suway ni Vladimier kay Kennedy. Humalakhak lang ang huli. Ako naman ay nag-iwas lang ulit nang tingin.

“I will introduce myself to her,” he said and stepped towards me. Tumigil siya sa harapan ko at pinagmamasdan ko lamang siya. Hindi mapagkakaila na guwapo rin si Kennedy. May kahabaan ang buhok niya at ang dulo niyon ay nakatabon sa noo niya. Malamlam pero malamig ang mga mata niya. Kasing dilim ng langit iyon. Matangos din ang kaniyang ilong at manipis ang natural na mapula niyang mga labi. He was wearing his black suit at ang nasa ilalim niyon ay puting v-neck t-shirt. Puting sneakers ang suot niyang panyapak at kung hindi ako nagkakamali ay nasa 6 feet 1 inches ang heights niya. Alam ko rin pareho lang ang mga taas nila. “I’m Kennedy Alcazar, isa ako sa matalik na kaibigan ni Vladimier. What’s your name?”

I looked at Vladimier, na ngayon ay seryoso niya rin akong tinititigan. Hinihintay ko kung ano ba ang magiging desisyon— Wait, sinabi ko ba na desisyon?

Wala namang masama na magpakilala ako sa mga naibigay niya. Isa pa ayokong maging rude. Dahil baka magalit sa ’kin ang binabantayan ko.

Hahawakan ko pa lamang sana ang kamay niya nang makita niyang naka-hand glove ako. Tinanggal ko ’yon at nakipagkamay na ako sa kaniya. Masasabihan ako na maarte.

“Chendra Alderto,” I uttered my name. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. “As far as I know, you are already engaged to the daughter Villardez family, am I right Sir?” I asked him and his eyes widened.

“How did you know that?” he asked me back. Gulat na gulat pa.

“Before we were assigned to our job and provided protection to our client, we had our own research on them. Family backgrounds and even those people who close to them. Even their business rivals we meet to get to know,” mahabang paliwanag ko naman at napatango pa siya.

“Wow, it’s a amazing. I forgot that’s what you’re supposed to do,” he said.

“So, I don’t even need to introduce myself because you already know us, including me,” sabat naman ni Thanatos, na nanatiling nakaupo lamang sa tapat ni Vladimier.

“Mr. Ventura, you are married and until now you are not signing the divorce papers that your wife is asking for,” I uttered and Kennedy burts out laughing.

“Indeed! Because he doesn’t want to divorce his wife even though there is no love involved at all!” he shouted at hindi na lang nagsalita si Thanatos.

“All I can say, mabilis kang kumilos. Kaya mo ngang protektahan ang kaibigan namin. Just beware sa fiancé niya. Allergic iyon sa mga babae na didikit kay Vladimier,” habilin ni Thanatos at ako naman ay natigilan.

Kung ayaw ng fiancé nito sa mga babaeng lalapit sa kaniya ay dapat hindi ako pinili ng ama niya. Pipiliin niya sana ang kasamahan ko kaysa sa ’kin. But anyways, nandito naman na ako.

“Hindi mo ba kami aalukin ng kape, dude? Iyong bodyguard mo ay may atraso sa amin.” Itinuro pa ako ni Kennedy at tanging pagyuko lang ang nagagawa ko.

“I’m sorry, Sir,” sambit ko, sapat na upang marinig nila iyon.

“Forget it. Kasalanan naman namin iyon,” he said.

“I’m very busy, you know that?” Vladimier looked at his table.

“Yeah,” tipid na sagot lang ni Thanatos and he stood up. Isinuksok niya sa bulsa niya ang magkabilang kamay niya. “Well, aalis na rin kami. Let’s go, Dy.”

“Okay. Nice meeting you again, Miss Alderto. Ingatan mo ang kaibigan namin, ha? Maraming humahabol diyan sa kaniya.” Tumango lamang ako at sinundan ko sila nang tingin habang palabas na rin sila ng opisina.

“Forget about that,” Vladimier said at bumalik na siya sa puwesto niya kanina. Nagpatuloy siya sa pagtatrabaho niya at ako naman ay as usual nakatayo lang.

Ilang beses na pumasok sa opisina niya ang secretary niya para lang dalhin nito ang mga papales na dapat daw pirmahan niya agad-agad. Kitang-kita ko nga ang bigat ng trabaho niya masyado.

Nang pumatak na ang oras para sa lunch ay nakaupo lamang siya roon at hindi pa siya tapos sa ginagawa niya. Sanay naman akong malipasan nang gutom kaya ayos lang.

“Go, take your lunch outside,” he said out of nowhere at nang lingunin ko siya ay nakalahad ang kamay niya. Nakita ko ang black cards na hawak niya. “What are you waiting for? Kunin mo na ito dali,” malamig na utos pa niya at huminga na muna ako nang malalim. Bago ko inabot ang cards niya.

“What about you, Sir?” I asked him.

“Don’t mind me,” sabi niya lamang at nakatutok na sa laptop niya ang tingin niya.

Lumabas na nga ako roon at pinindot ko ang earpiece para sana kausapin si Jamie o si Klein. Ang narinig ko lang ay puro halinghing ng nasa kabilang linya. Mariin akong napapikit at naglakad na lamang ako palabas.

Sa tapat ng malaking building nila ay mayroon itong restaurant. Kaya nagtungo na ako roon. Nag-order ako ng pagkain ko. I asked the girl kung puwede akong mag-take out and she nodded.

After eating my meal ay dumiretso din naman ako sa building bitbit ang paperbag.

Muli kong inayos ang earpieces ko at nang bumukas ang lift ay may isang babae ang naghihintay roon. Pagkalabas ko ay siya ring pagpasok niya roon.

Bago pa sumara ang elevator ay napatingin ako sa mukha ng babae. Napakurap pa ako sa gulat. Siya ang fiancé ni Vladimier.

Si Agatha Salvatore, she owned the jewelry shop at kasing edad niya rin si Vladimier. Mayaman din ang family na pinagmulan niya pero sa mga nabasa ko na information tungkol sa babae ay isa siyang spoiled brat. Lahat ng mga bagay na gusto niya ay dapat niyang makuha. Isa rin siya sa dapat mong iwasan na makabanggaan dahil hindi siya basta-basta.

Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at wala pa rin ang secretary ni Vladimier kaya pumasok na lamang ako sa loob. ’Saktong nakatayo na rin siya at nang mapatingin ako sa center table kung saan makikita ang paperbag na katulad ng dala ko ay parang gusto kong itago. Pero wala na rin naman akong naging choice pa kasi nakita na niya iyon.

Tumaas pa ang isang kilay niya at kahit walang ekspresyon ang mukha niya ay tila bakit nababasa ko pa rin ang pagkaaliw niya? He licked his red lips. Pakiramdam ko ay namula ang magkabilang pisngi ko.

Naglakad patungo sa ’kin si Vladimier at hindi ko magawang humakbang o umatras man lang. Napapaso ako sa paraan nang pagtitig niya at hanggang sa nalanghap ko ang matapang na perfumes niya. Kasabay na kinuha niya ang paperbag sa kamay ko. I bit my lower lip.

“Where is Nikolas?” he asked me at sasagot pa lamang sana ako nang may kumatok na sa pintuan. “Come in.”

“Sir, hindi pa po ba kayo kakain?” Boses na iyon ng secretary niya. Akala ko ay kumain na rin siya? Kasi wala siya kanina sa table niya.

“Kakain pa lang, Nickolas. Here, kunin mo ang isang ito at kumain ka na rin.” Ang bilis na nang tibok ng puso ko nang ibinigay niya ang paperbag na alam kong dinala iyon ng fiancé niya at iyong akin talaga ang gusto niyang kainin.

“Thank you, Sir! How about you, Miss Alderto?” tanong ni Nickolas.

“I’m done,” tipid na sagot ko lamang at lumabas na rin naman siya agad.

“You want my schedule, right?” he asked and I nodded. Nagsisimula na rin siyang kumain. “Ibibigay ko sa ’yo mamaya. Maupo ka,” malamig na utos na naman niya. Sa puntong iyon ay sumunod na ako. Umupo lang ako sa tapat niya. Ibinaba ko ang card sa table at humalukipkip pa siya. “Itago mo ’yan.” Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko mula sa ribcage ko.

“I can’t do that, Sir,” sabi ko.

“Mauutusan pa rin naman kita. Itago mo. Dapat sa akin ka lang makinig kasi ako na ang boss mo. Except sa mga superior mo,” sabi niya. Nagugulat talaga ako sa mga ikinikilos niya, “And are you willing to stay in my condo too? Minsan lang akong umuwi sa bahay namin.” Mariin na nakatikom na lamang ang bibig ko.

Living in his condo? Well, expected na iyon na nga ang mangyayari. “That’s my job,” sabi ko lamang na tinanguan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top