CHAPTER 3

Chapter 3: Hired

HABANG naglalakad ako ay nagtitipa ako sa cell phone ko and I typed bad news sa group chat namin nina Mommy at Chendro. Yes, may ganito kami para palagi kaming updated at hindi na kailangan pa ng paisa-isa ko silang i-chat sa Messenger. This is my mom’s request.

Hinintay ko na sasagot silang dalawa at ilang segundo pa lamang ang nakalipas ay lumitaw na nga pangalan nila at profiles, lalo na may tatlong tuldok. A sign na nagtitipa pa lamang sila ng mensahe nila.

“Better luck next time, anak,” a message from Chanaha Aldelto. That’s my mother. Iyon ang pangalan niya sa social media account niya.

“That’s normal, ate. Not everything we want comes instantly. But don’t give up, there is still hope.” Napangiti na lamang ako nang mabasa ko na ang message nila. Nag-thank you lang ako sa kanila. Panatag agad ang kalooban ko.

Dito naman sa headquarters namin ay mayroon kaming sariling opisina kasama pa ang iba naming kasamahan.

Kumatok ako sa pinto bago ko ito binuksan at nadatnan ko sa loob na iyon ang dalawang taong naging kaibigan ko rito.

Sina Klein at Jamie. Si Klein ay isang hacker namin at gamay niya ang computer, kahit na ano’ng technology ay talagang malawak ang kaalaman niya. Mas matanda siya ng limang taon kaysa sa akin, dahil na rin mas nauna siya mapabilang sa organization at si Jamie naman, his girlfriend. Tatlong taong lang din ang age gap namin. Marami na siyang experience bilang isang ladyguard.

Mayroon naman akong karanasan, dahil madalas niya akong kasama sa pagbabantay ng mga politician.

“Ano’ng ganap, C?” tanong ni Jamie nang makita niya ako. Nakaupo siya sa table ni Klein at nakakrus ang magkabilang braso niya.

Puting longsleeve lang ang kasuotan niya at itim na slacks. Maganda si Jamie at mabait pero maldita kung minsan. Si Klein naman ay mabait din pero madalas ay tahimik. Matangkad siya at model type.

“Bad news,” sabi ko lang at lumapit sa puwesto ko.

“Hindi ka napili?” usisa ni Klein. Tumango ako.

“Ayaw ng lalaking iyon sa babae,” kunot ang noong sagot ko at umalingawngaw ang malakas na boses ni Jamie.

“Jamie, seriously?”

“Woman’s hater ba siya? Ayaw niya sa babae? Imposible iyan. Lalaki ay ayaw sa babae?” nakataas ang kilay na tanong niya at natatawa pa rin siya. Wala namang nakatatawa roon, ah.

“Hindi naman lahat ng lalaki ay kailangan ng babae, Jamie. Don’t laugh like that. Parang nagiging witch ka na,” komento ni Klein sabay pisil sa pisngi nito at hinampas ang kamay niya.

“Surprising, Klein,” sambit lang ni Jamie. “Anyway, huwag mo nang masyadong dibdibin iyon, C. Hintayin natin ang pagbabalik niya rito.”

Nilingon ko siya at nagtaka ako sa kaniyang sinabi. “Sino ang babalik?”

“Sino pa? Eh, ’di ang taong nang-reject sa ’yo.”

“Paanong babalik pa siya kung nakapili naman na siya?” tanong ko, punong-puno ng kuryusidad ang aking boses.

“Kilala ko ang Amadeus family. May pasabog sila sa hina-hired nilang bodyguards at dadaan pa sa mga test nila. Goodluck na lang din sa kanila. Last time kasi ay may na-injured na kasama natin. Kung sino ang makasu-survive ay hired na agad siya,” mahabang paliwanag niya at napatingin naman ako kay Klein. He just nodded. Alam niya rin ang tungkol doon. Sabi ko nga na mas marami silang alam.

“Amadeus’ things,” he just said.

Kung may nakakikilala man sa ’kin, maliban kay Ma’am Leyla ay ang dalawang ito. Isa sila sa pinagkakatiwalaan ko at si Klein naman ang tumutulong na maghanap ng information about the tragedy. I’m lucky to have them as my close friends. Maaasahan din kasi sila, hindi lang sa trabaho.

ILANG minuto ang nakalipas ay pumasok sa opisina namin si Ma’am Leyla. Napatayo pa ako at sumenyas siya na umupo na lang ulit ako. Agad naman akong sumunod.

“Huwag sanang sumama ang loob mo, Chendra. Alam ko na nakitaan ka niya ng potensyal kaya ganoon ang sinabi niya. He doesn’t want to have a female bodyguard. Dahil kailangan mong tumira sa bahay niya kapag ikaw ang pinili niya. His mother hated that, lalo pa na engaged na ang anak niya,” mahabang paliwanag niya. Iyon nga ba ang dahilan?

“Ang OA lang nila, Ma’am Leyla. The only thing that matters is that Chendra can protect him from danger. She’s well-trained and has experience that even though she’s the youngest you chose to be on the Amadeus team. Or maybe he’s bothered by Chendra’s beauty, ma’am?” Napahilot ako sa sentido ko dahil sa narinig. Si Jamie ay kung ano-ano na ang sinasabi niya.

“That’s not how it is, Jamie. Anyways, I can give you something else to do, Chendra.” I nodded for respond.

Akala ko ay maaga akong makauuwi pero hindi nangyari kasi dumating ang isang VIP ng headmaster namin at lahat kami ay pinapunta roon.

Pagpasok ko lamang sa opisina ay naramdaman ko agad ang dalawang pares ng mga mata ng lalaking iyon. Pamilyar na kasi sa akin. Kinakabahan man ako pero nanatiling blangko ang ekspresyon ng mukha ko.

“I want you to choose again, Elvis. Three,” seryosong sabi ng isang matanda. Hindi naman siya ganoon katandaan and I think, siya ang daddy ng lalaking ito.

“I only need one, dad,” sagot nito at tama nga ang hula ko.

“Tatlo ang gusto ko, Elvis. You know there are a lot of people after you and your money. Kailangan mo sila,” sabi pa nito at ang seryoso ng boses. Pinipilit ang anak sa kagustuhan nito.

“Just one is enough, dad,” pamimilit pa rin ng isa.

“Mr. Baltimore, I’ll hire them all to be my son’s bodyguard.” Automatically the man glanced at my direction. I don’t know why.

“Seriously, dad? They are ten at hindi na tatlo katulad nang sinabi mo kanina,” inis na reklamo nito.

“You don’t like three, so we’ll just take ten of them. End of conversation, Elvis,” may pinalidad na saad ng ama niya. Kung ako ang nasa posisyon niya ay hindi na ako magrereklamo pa. Sa boses pa lang kasi ay parang wala ka ng choice, kundi ang sumunod.

“But dad. Will you include the ladyguard?” Sabay turo pa nito sa akin. Nahuhulaan ko na ayaw niya sa mga katulad ko. At nakakatwang bagay na napapansin pa niya ako.

“Oh, there’s only one girl here. Can I see her personal information?” I was nervous. Isa ang taong ito na kailangan kong imbestigahan, lahat ng involved sa aking ama. Mayamaya ay binanggit niya ang pangalan ko. “Chendra Aldelto? You looks familiar, young lady.” For a moment Mr. Amadeus calmed down and just stared at my face. “Don’t you just want one, son?” he asked his son.

“Yes, dad,” he answered.

“Well, I changed my mind. A woman will watch over you. She’s gonna be your personal bodyguard.”

“You just made everything complicated, dad.” Nagulat man ako pero hindi ko na iyon pinahalata pa. Napili na nga ako at wala na itong atrasan pa.

“Paano naman ito naging komplikado, Elvis? Don’t tell me bother ka sa ganda ng ladyguard?” Nag-init ang pisngi ko sa narinig.

“What the hell, dad?”

Gusto ko na tuloy lamunin na lang ng lupa sa kahihiyan. Ramdam ko ang mga mata nilang nakatitig sa ’kin. Higit na noong malakas na natawa ang matanda.

***

“I think kampi pa rin sa iyo ang tadhana, C,” sambit ni Jamie nang makabalik na kami sa opisina namin at nandoon naman siya noong pumipili ang mag-amang iyon.

“Kahit na ipinagkait niya ang mahabang buhay para sana sa daddy ko,” sabi ko at marahan niyang tinapik ang balikat ko.

“That’s life. Lahat naman tayo ay ganoon ang mangyayari. Ang mundong ito ay hindi para sa atin. Pansamantalang tahanan lamang ito. Pero bakit naman kaya ganoon maka-react ang isang iyon? Parang gusto ka talagang iwasan.” I shrugged my shoulders. Even me ay no idea ako at wala rin naman akong pakialam doon.

“Kahit naman ako ay magre-react. Babae? Isang babae lang ang magbabantay sa ’kin? Seriously?” pagsingit na saad naman ni Klein. Napapailing pa siya.

“Well may punto ka, babe,” pagsang-ayon naman ni Jamie.

“Ihahanda ko na rin ang kailangan mong dalhin, Chendra. Since mag-isa ka lang naman sa team mo. You need walkie-talkies, penlight, earpiece, radio and? A pepper spray.”

“Babe, she doesn’t need that thing. Para saan naman niya iyon gagamitin?” natatawang tanong ni Jamie sa boyfriend niya. Hinampas-hampas pa niya ang likod nito.

“Sa babantayan niya na parang ayaw sa kaniya. In case na may gawin sa kaniya ang lalaki at hindi niya ito kailangang pabagsakin. So, a pepper spray will do.” Napailing na lamang ako.

“I need that thing too, Jamie. Kaysa naman ang magdala pa ako ng security baston, and I don’t think na kaya niyang manakit ng pisikal sa mga babae,” aniko. Hindi naman dahil kinakampihan ko ang lalaking iyon. Sa tingin ko naman ay hindi siya ganoong klaseng tao.

“Yeah, yeah. Goodluck na lang, C.”

“Ibigay mo ang phone mo, Chendra. Don’t forget na i-connect mo rin ito sa cell phone ni Mr. Amadeus.” Tumango ako. Kinuha ko ang cell phone ko at ibinigay iyon sa kaniya. “Isa ako sa na-assigned na i-monitor ka rin for safety purposes din iyon, pero alam ko naman na kaya mong lutasin ang isang problema na wala ang tulong ko,” he stated. Ilang minuto lang ay ibinalik na niya ang phone ko. “Goodluck, C. Magsisimula ka na bukas.”

“Yeah, goodluck to me,” sabi ko na lamang.

“Kayang-kaya mo iyan, C,” ani Jamie.

I can do this. Matagal ko na itong pinapangarap. Ito pa lang kasi ang simula ng plano ko. Saka pinaghandaan ko na noon pa man.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top