CHAPTER 2
Chapter 2: First meeting & rejected
BAGO nga kami umuwi ay dumaan na kami sa bahay-ampunan. Natuwa naman ang mga bata sa dala naming pagkain. Isa ito sa magandang tanawin, ang makita silang nakangiti, nagtatawanan at masayang-masaya.
“Bumalik tayo sa susunod,” sabi ni mommy. Pareho kaming nag-agree ng kapatid ko.
Pag-uwi naman namin sa bahay ay
nagluto nga nang maraming pancit canton si mommy at marami kaming nakain ng kapatid ko. Marami rin kasi siyang inilagay na chili. Kahit papaano ay nakalimutan ko ang mangyayari bukas kapag nag-report na kami sa headquarters namin.
***
And today, naghahanda na rin ako. I wore my black suit for women at wala akong inilagay na kahit na ano’ng kolerete sa mukha ko. Hindi naman ito required kaya ayos lang. Isa pa, I never used make-up.
I have a very short hair, na hanggang batok ko lang naman ang haba but still, tinalian ko pa rin ang buhok ko kaya may strands pa ito na nalalaglag sa aking noo at pisngi.
Sinukbit ko na ang backpack ko, I even checked my phone and wallet. Pinasadahan ko pa ang room ko. Hindi ito katulad ng kuwarto ng isang dalaga na makikita mo ang magandang design sa loob.
Maliit lang ang kama ko at may bedside table na nakapatong ang lamp. Digital clock and family picture namin kasama pa si daddy. Kahit kaming tatlo na lang ay never kaming nagpa-picture. Bawal daw iyon sabi ni mommy. Kaya tig-dalawang litrato kami ni Chendro kay mommy.
Sa kanang bahagi ng aking kuwarto ay nandoon ang study table ko at bookcase. Laptop, computer and other things na kailangan ko. After that ay lumabas na rin ako mula sa aking silid.
Sa isang village kami nakatira at ang bahay namin ay hindi ito katulad sa naunang mansyon namin na sobrang laki. Second floor lang ang mayroon at dalawang guestroom. Isang kuwarto sa akin, sa kapatid ko at kay mommy.
Mayroon naman siyang hardin, na kapag weekend ay iyon ang pinagkaabalahan niya. Hindi rin kalakihan ang swimming pool namin. Pero kasya naman ang limang tao kung parehong maliligo.
Hindi na ako sasabay sa breakfast, kailangan kong pumunta sa headquarters at si Chendro naman. Dahil nga first college pa lamang siya sa academy ay kailangan niyang manatili sa dormitory at sa Sunday lang siya puwedeng lumabas.
“Anak, aalis ka na ba agad?” Si mommy na nadatnan ko sa salas na mukhang ako ang hinihintay niya.
“I don’t want to be late, mom. Baka po ma-traffic ako sa daan,” I reasoned out and approached her to kissed her cheek. Nagmano rin ako sa kaniya. Madalas naman namin itong gawin, kahit noong nabubuhay pa ang aming ama.
“Oh, siya. Chendro, anak. Nasaan na ang lunch box and tumbler ng ate mo? Aalis na raw siya.” Mula sa pinto ng kusina namin ay lumabas naman si Chendro na dala ang echobag at itinaas pa niya ito para makita namin.
“Nahulaan na ni mommy na hindi ka na kakain pa ng breakfast dito, ate. Dapat maaga kang nagising para sabay-sabay na tayong nag-agahan,” sabi niya at napanguso ako.
“Marami pa naman tayong oras para doon, ano? Ingat ka sa pagpunta mo sa academy, ha?” Nilapitan ko pa siya para pisilin ang pisngi niya. Noong bata pa siya ay ganito ang madalas kong ginagawa.
“Yes po, ma’am,” sagot niya at nag-salute pa nga siya.
Binalingan ko naman ang aming ina, na nakangiting pinagmamasdan Kami ng kapatid ko. “Kailan naman po ang balik ni Ate Andraia, mom?” Ang tinutukoy ko ay ang katuwang ni mommy sa Jewelry shop niya. Dito kasi siya sa bahay namin pinatira ni mommy.
Dalawang taon lang ang agwat ng aming edad at nasa malayong probinsya ang pamilya niyang sinusuportahan niya. She’s a breadwinner.
“Bukas ang balik niya, Chendra. Sige na, pumasok ka na.” Sabay halik ng aking ina sa pisngi ko.
Niyakap ko pa siya at kinuha ko naman ang echobag na dala ni Chendro. I even hugged my little brother and kissed his cheek.
Kapag sa labas ay hindi kami ganito. Kasi isa iyon sa pinaalala sa amin ni dad. Huwag magpakita nang emosyon sa ibang tao para hindi malaman ng mga ito kung ano ang kahinaan namin.
“Ingat ka, ate,” Chendro uttered.
“Get in touch, Chendra ha?” paalala naman ng mommy ko at nag-thumps up lang ako sa kaniya.
Puting sedan ang sasakyan ko at mabilis pa akong sumakay saka ko ito pinaharurot.
May security camera ang bahay namin at kapag alam kong naiiwan si mommy roon ay tsini-check ko pa iyon. Naghahanda rin ako ng pepper spray and guns for safety purposes. When someone secretly entered in our house, tutunog agad ang alarm. Pinaka-safe na room doon ay ang kay mommy mismo.
Hindi ako nababahala sa kapatid ko dahil kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya and so far, hindi naman kami naka-encounter ng masasamang loob. Kasi mahigpit din ang security sa village namin.
When I arrived at the headquarters I showed my ID. Like an ordinary organization that’s our passes to get inside. Unless it’s our superiority and it’s not necessary, you can enter now.
Malaki ang headquarters namin dahil na rin dito kami kumukuha ng mga gamit na kakailanganin namin sa trabaho.
I’ll go straight to my superior’s office pero walang tao sa loob. Naramdaman ko na naman ang vibration ng cell phone ko and when I checked it ay pinapapunta na ako sa opisina ng headmaster namin. Nasa fourth floor pa ito at naghintay ako na bumukas ang elevator.
The elevator was about to close but a big hand blocking it and in just a nap it would open again. I looked at the guy who walked in and didn’t even get to look at me. I still don’t care about it.
Naramdaman ko na gumalaw na ito at senyales na paakyat na rin. Parang isang salamin ang pader ng elevator, kaya nakikita ko siya ngayon nang malinaw. He was standing so straight like a statue. Hindi man lang gumagalaw at ang magkabilang kamay nila ay nakasuksok sa bulsa ng kaniyang itim na slacks.
When our eyes met, suddenly my heart skipped a beat. I turn my eyes in a different direction.
Guwapo siya, his piercing gaze gives me goosebumps. His presence is intimidating.
Naunang lumabas ang lalaki nang makarating na kami sa fourth floor. Huminga ako nang malalim at pinakalma ko ang heartbeat ko.
Nagtataka pa ako, diretso lang ang paglalakad ng lalaki at dahil exclusive lang ito para sa headmaster namin ay wala ng ibang opisina ito.
“Sino kaya siya?” I asked myself at binagalan ko lang ang paglalakad ko para hindi nito iisipin na sinusundan ko siya. Anyways, bakit nga ba ganoon ang iniisip ko?
“There’s only one thing that I need. I don’t want more people watching me. A bodyguard that you think he can do his job. Trustworthy and not blinded by money,” that’s what I heard from the baritone voice.
Sa sinabi niya lang ay parang nagkaroon na siya nang masamang karanasan dahil sa nabulag sa pera ang isang tao.
“You can count on us to provide you with a bodyguard that you can trust and can protect you, sir. We will provide personal information of our choices. They are all ten and their family background is also included there, in case you wanna know kung saan sila nagmula,” sabi ng superior ko at nang makita niya ako ay sinenyasan pa niya ako.
Tumabi ako sa kasamahan kong kanina pang nakapila. Nakatago ang magkabilang kamay nila sa likod.
Nakayuko lang din sila. Saka lang kasi kami mag-aangat nang tingin kapag tatawagin na ang mga pangalan namin.
“Chendra Aldelto?” Nabigla naman ako nang marinig ko ang pangalan na sinambit ng lalaki at nag-angat na rin ako ng ulo.
Muli na namang nagtagpo ang mga mata namin ng lalaki. Ngayon na naka-face to face ko na siya ay malinaw pa sa tubig kanal na nakikita ko ang physical appearance niya.
Tama nga ako na guwapo siya. Makapal ang kilay niya, matangos ang ilong at natural na mapula ang mga labi niya.
“Chendra Aldelto, 23 years old,” I uttered my name.
“23 years old, ha?” Hindi ako nagpakita nang kahit na ano’ng emosyon sa lalaki. Bakit yata parang ang sarcastic niya? “I have no right to doubt the ability and skills of your bodyguards because I know what they go through to get where they are now and I don’t need a woman. Get her out now,” malamig at mariin na saad niya.
“Sir Amadeus,” sambit ng headmaster namin.
“Lalaki ang kailangan ko na maging bodyguard. Not just a girl,” sambit pa nito.
“Why don’t you try my skills first, sir? Just like the men I’m with now, I’m strong and I can keep up with them,” I uttered.
“I’m not talking to you, miss. You better leave the room,” walang emosyon na sabi niya lang. I feel like nanliliit ako sa sarili ko. I’ve been rejected and it seems like naapakan din ang pagkatao ko. Because I know he doubts my abilities.
“Pardon, sir,” may sinseridad na sambit ko, saka ako lumabas ng kuwartong iyon. Nang maisara ko na ang pinto ay napabuntong-hininga ako.
Hanggang dito ka na lang ba, Chendra? Tapos na agad ang misyon mo? Susuko ka na ba, dahil sa rejection?
Wala sa vocabulary ko ang sumuko agad-agad, pero kapag pinilit ko na rin ang gusto ko ay magmumukha lang akong desperada. Sa ngayon ay hayaan ko muna ito.
“Ang yabang niya,” nasabi ko na lamang at tuluyan na akong umalis doon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top