CHAPTER 12

Chapter 12: Argument

“NEVER mind what I said. I was just drunk, that’s why I was talking nonsense,” he uttered at mahina pa siyang natawa. Mataman ko lang siyang tinitigan.

I don’t think he was just drunk when he said that. There’s something weird going on between him and his fiancé.

“We should really investigate his fiancé, C. There’s something fishy about her,” narinig kong sabi ni Klein sa kabilang linya.

“Go ahead, Keith,” I answered at napatingin sa akin si Sir Vladimier.

“Weird. Kausap mo ba si Mr. Klein? Bakit parang hindi ko naririnig ang boses niya?” nagtatakang tanong niya. Inilingan ko lang siya at huminga nang malalim.

“Ihahatid na lang po kita sa cabin ninyo, sir,” representa ko. Tumango lang siya at naunang naglakad.

“But I’m still curious, nasira na ba ang earpiece ko?” he asked at tinanggal ang earpiece sa kaniyang tainga para lang suriin iyon.

“Hindi ko po siya kausap. Saka sa mga oras na iyon ay baka tulog na si Klein, sir,” paliwanag ko, nang hindi na siya maghinala pa.

Ayokong malaman niya na may kontrol ang earpiece na gamit namin ng kasama ko at may mga pagkakataon ay hindi niya maririnig ang boses namin na nag-uusap. Sa amin lang dapat iyon ni Klein.

“All right,” he said. Huminto kami sa isang pinto ng cabin at sa tabi nito ay may itinuro siya. “Magpahinga ka sa kabilang cabin, Chendra. Ayos na ako rito.”

“I need to check your cabin, sir. Can I go inside?”

“Sure,” mabilis na sagot niya at binuksan ang pinto. Hinintay pa niya na mauna akong pumasok, kaya iyon na ang ginawa ko. “Dito ako madalas sa cabin na ito kapag nagagawi ako sa yate ng kaibigan ko.”

Naglakad ako palapit sa center table, malaki ang cabin. Iilan lang ang mga gamit sa loob. Maganda siyang tingnan.

Umupo siya sa kama at magkahiwalay ang mga hita niya. Nang mapansin ko na sa akin siya nakatingin ay may kung ano na naman akong naramdaman.

Huminto ako sa kan’yang tapat at bahagyang yumuko. “Magpahinga na po kayo, sir. Lalabas na ako,” paalam ko.

“Okay, good night.” Hindi na ako sumagot pa at nagtungo na ako sa pinto. Napatingin pa ako sa kabilang cabin at napabuntong-hininga na naman.

Pareho lang ang laki at ganda nito, ayoko lang maging komportable sa pagtulog kung nasa oras ako ng trabaho. Dahan-dahan akong humiga sa kama.

Hindi ko na namalayan pa na nakatulog na ako. Pero kinabukasan ay maaga pa rin naman akong nagising. Inayos ko agad ang sarili ko, saka ako lumabas.

’Saktong bumukas din ang pinto sa kanila at lumabas din ang aking boss. Marahan nitong hinihilot ang sentido niya. Sa tingin ko ay dahil iyon sa hangover. Marami yata siyang nainom kagabi.

“Good morning, Chendra. As usual ay maaga kang nagigising,” he said. Iyong naman ang dapat, maaga akong nagigising dahil na rin sanay na ako.

“Good morning po,” I greeted him back. Muli na naman niyang ipinakita sa ’kin ang ngiti niya.

“Tara mag-breakfast tayo,” he invited me at ang tanging nasagot ko ay pagtango lang. “Chendra, hindi mo kailangang mahiya sa akin. Ang trabaho mo ay pansamantala lang. Kailangan ko lang hulihin ang mga kalaban ko.”

Umawang ang labi ko sa gulat, natauhan lang ako nang mahina na naman siyang napahalakhak. He started to walk and I followed him.

“Hey, good morning! Akala ko ay mamaya pa kayo magigising?” Si Kennedy ang nagsalita. Kasama na niya ang mag-asawa.

Pero wala namang imik ang babae, napapansin ko lang ang pasulyap-sulyap ni Thanatos. Ewan ko kung bakit hindi pa nila inaayos ang relasyon nila kung puwede naman silang magsama.

Sumenyas na naman ang boss ko na umupo sa kaniyang tabi. Lagi na lang akong napapasunod sa kaniya. Sabagay siya ang boss ko, natural na susunod ako sa mga inuutos niya.

Ang daming breakfast ang hinanda nila at sa tingin pa lang ay puro masasarap na.

“Coffee for us, K,” sabi ni Sir Vladimier sa kaibigan niya nang may nag-serve ng kape. Kinuha nito ang dalawang mug at ibinigay sa akin ang isa. Sa ginawa niyang iyon ay napansin tuloy ng dalawa niyang kaibigan.

“Close na kayo?” tanong ni Kennedy na pangisi-ngisi pa. Sumimsim na lang ako ng kape at hinayaan si Sir Vladimier na kausapin ang kaniyang kaibigan.

“Just eat your breakfast, K. Wala ka nang pakialam doon,” pagsusupladong saad niya sa kaibigan.

Akala ko ay after ng breakfast namin ay uuwi na kami. Inaasahan ko pa naman na magiging busy siya sa work niya, pero ilang oras pa kaming nag-stay roon saka siya nag-ayang umuwi.

***

Hapon na nga kami bumalik sa condo at nauna na siyang pumasok sa kaniyang silid. Wala pang limang minuto ay mayroon na agad nag-doorbell. Tiningnan ko na muna ito sa door-monitor bago ko pinagbuksan ang fiancé ni Sir Vladimier.

“So, pati sa condo ay kasama mo siya? Twenty-four seven ka ba magbabantay sa fiancé ko?” Iyon agad ang ibinungad niya sa akin.

Yumuko ako at binati ko na lamang siya. Ayokong sagutin siya, gayong wala naman akong masasabi pa bukod sa trabaho lang ang ginagawa ko.

“Please, come in—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla na lamang niya akong lampasan at binangga pa niya ang balikat ko.

“Nasaan ang boss mo? Nasa kuwarto niya?” malamig na tanong niya at mabilis ko siyang sinundan.

“Yes po, ma’am,” sagot ko at tuloy-tuloy na siya paglalakad niya. Ako naman ay napailing na lang.

“What are you doing here, Agatha?” Boses iyon ni Sir Vladimier.

“Hon, may mga bodyguard ako na puwede mo namang makasama rito sa condo mo. Bakit mo pinatuloy ang babae?” Ang boses niya ay parang nagtatampo.

“Hindi ko kailangan ng bodyguard mo, Agatha. Mas kailangan mo iyon at huwag mo na akong pakialamanan pa kung pinatuloy ko rito ang bodyguard ko. Trabaho niya ang bantayan ako,” kaswal na sabi lang ng lalaki.

“But hon, hindi okay iyon sa ’kin! Sa tingin mo ay hahayaan ko na lang na gawin mo ito sa akin?!”

“Why are you so mad? As if may ginawa kami na ikamamatay mo? Seriously, Agatha? Hindi pa tayo kinakasal ay ganyan ka na magselos? Parang tinatali mo na agad ako sa leeg?”

I took a deep breath at dumiretso na muna ako sa kusina. Kapag tumuloy ako sa aking kuwarto ay makikita nila ako. Gusto ko na huwag na munang ma-involve sa ayawan nila. Kahit ang totoo ay kasama na talaga ako. Uminom ako ng tubig at nag-stay na muna ako nang matagal doon.

MATULIN na lumipas ang araw, masasabi ko na kahit papaano ay maayos naman ang trabaho ko at nagagawa ko nang kausapin nang hindi ako nahihiya sa aking boss.

Unti-unti kong nakikilala ang pagkatao niya at hindi naman siya suplado. Sa mga taong hindi niya lang kilala. Sa akin daw ay komportable na siya.

Kahit na ang totoo ay may purpose ako kung bakit naging bodyguard niya ako. Pero wala naman akong masamang motibo sa kan’ya.

Nais ko lang makahanap ng impormasyon tungkol sa nangyari sa pamilya niya na involve ang aking ama.

Pero hindi pa namin iyon magagawa ni Klein, dahil hindi nga ako makapupunta sa mansyon ng pamilya nito.

Matagal bago ko maumpisahan ang sunod kong plano.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top