CHAPTER 10
Chapter 10: Friends
“LET’S talk, Elvis! Alam kong may inililihim ka sa akin!” Napayuko na lamang ako sa pagsigaw ng babae at wala talaga siyang balak na pansinin ito.
Dahil umupo lang siya couch at inilabas ang pinabili niyang agahan sa kaniyang sekretarya. Ramdam ko ang masamang tingin nito sa akin. Pero hindi naman ako kumilos pa.
“And what was that? Kilala mo ako, Agatha. Bakit naman kita pagtataguan ng lihim, ha? You’re just my fiancé at wala akong pakialam sa ’yo.” Harap-harapan niyang sinasabi ito kay Agatha. Mas lalo niya lang pinapahiya ang babae at baka nga magalit pa ito lalo sa ’kin
“Elvis!”
“Just leave, huwag kang mag-eskandalo rito,” mariin na babala ni Vladimier. Huminga ito nang malalim at tanging narinig ko na lamang ay ang mararahas nitong paglalakad, umaalingawngaw kasi ang tunog ng takong nito. Na nagpapairita sa aking tainga.
“What a brat hard-headed woman,” he whispered, bago niya ako tinapunan nang tingin. “Come here. Let’s eat.” Tama ba ito?
Tama ba ang pakitaan niya ako ng kabaitan, e ang fiancé niya mismo ay pinagsusupladuhan niya? Hindi ba ganoon din ang ginawa niya noong una? Pero bakit nagbabago yata ang ugali niya? Bakit nagiging mabait na siya?
Nag-angat ako nang tingin dahil sa narinig kong marahan na pagtapik ng mesa. Isa na yata ito sa mannerism niya, kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip pa at lumapit na ako sa kinaroroonan namin.
Nagsimula na kaming kumain nang tahimik at naging komportable naman ako. Mas mainam nga ang ganoon na lamang. Nakababahala kasi ang magtanong pa ako, kung bakit masyado siyang mabait para sa akin at hindi iyon normal.
Pagkatapos niyon ay hinayaan na niya ako na magligpit nang pinagkainan namin at siya naman ay bumalik sa kaniyang trabaho.
Noong lunch time naman ay dumating ang mga kaibigan niya, kaya pasimple akong lumabas. Sa kabilang street ay ang restaurant kaya kumain ako roon at namalayan ko na lamang na kasama ko na pala si Klein.
Inilapag niya sa mesa ang pinaglalagyan ng earpiece na hinihingi ng taong binabantayan ko. Naka-black hoodie siya at hindi siya nag-abala na tanggalin ang sumbrero niya. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao, pero balewala iyon kay Klein. Ganito naman ang ugali niya, dedma lang talaga siya at akala mo ay may sariling mundo.
“Thanks for that, Klein,” nakangiting sambit ko. Nangalumbaba pa siya at tinitigan niya ang mukha ko.
“Kumusta naman?”
“Pakiramdam ko ay ang boring ng trabaho ko ngayon,” sabi ko at natawa siya.
“Kasi wala pang exciting moment, ganoon? Ayos na rin ang ganito, C. Dahil wala kang masyadong gagawin, right?”
“Yeah, yeah,” naiiling na sabi ko at napatingin ako sa entrance ng resto. Bahagyang nanlaki ang aking mata, dahil sa pagpasok ni Vladimier. “Shít. Ano naman kaya ang ginagawa niya rito?”
“Sino?” nagtatakang tanong niya at sinundan ng mga mata niya ang tinitingnan ko kanina. “Oh, your boss. Baka ikaw na naman ang hanap niya. I remember na hindi ka nagpaalam sa kaniya noong lumabas ka, right? After dumating ang mga kaibigan niya?” Tumango lamang ako.
Kunot ang noong gumala ang paningin nito sa kasuluk-sulukan ng restaurant, hanggang sa huminto iyon sa direksyon ko. Higit na nagsalubong ang kaniyang kilay na parang magiging isang linya na rin.
Nang magsimula siyang humakbang palapit sa direksyon namin ni Klein ay napako na naman sa kaniya ang atensyon ng mga customer.
Guwapo siya at malakas ang sèx appeal, kaya talagang kapansin-pansin siya. Pero hindi tama ang ginagawa niya ngayon. Hindi siya maaaring lumabas na hindi ako kasama. May katigasan din pala ang ulo niya.
“Hi,” bati nito at tumayo si Klein para magpakilala.
“Sir Vladimier, I’m Klein,” sambit niya at napatango si Vladimier.
“I thought, sabay tayong kakain ngayon ng lunch?” pagkuha niya ng atensyon ko, na muntik ko nang hindi malumok ang kinakain ko. Napatikhim ako at inabot ko ang baso upang makainom ng tubig.
Kung makapagsalita siya nang ganito ay parang magkaibigan lang kami at close na close sa isa’t isa, ah.
“Have a sit, Sir. Paalis na rin naman ako. Dinala ko lang kay C ang earpiece na hinihingi niyo. So, uhm. C? Aalis na ako, ha? I’ll see you later,” paalam nito at kinindatan niya lang ako saka siya umalis.
Nang kami na lamang ang naiwan sa mesa ay bumalik ang mabilis na pagtibok ng puso ko, lalo na noong umupo na rin siya sa tapat ko.
“You know what, Miss? Puwede mo naman akong maging kaibigan,” he said. Kumunot ang noo ko, kasi hindi ko inaasahan na maririnig ko ang mga katagang iyon mula sa kaniya.
“I’m just your ladyguard, Sir,” sabi ko at napatango siya.
“Nasa rule ba ninyo ang bawal makipagkaibigan sa mga taong binabantayan niyo?” nakataas ang kilay na tanong niya.
Marahan akong umiling at hindi ko na kayang tapusin pa ang kinakain ko. Bakit ba kasi ganito siya? Kinakabahan talaga ako sa presensiya niya, alam kong naka-i-intimidate talaga siya.
“But why, sir? Bakit niyo ako gustong maging kaibigan? Hindi po ba ay may mga kaibigan naman kayo?” I asked him. Noong una ay mariin na nakatikom lang ang kaniyang bibig. In case na nakalimutan niya kung sino ako sa buhay niya. Kahit hindi naman masyadong importante.
“Because I want you to be my friend?” hindi siguradong sagot niya, kasi nga ay patanong niyang sinabi iyon. But my question is why?
“Hindi ka naman po ganoon nang una mo akong na-meet, sir.”
“Because you are too beautiful to be part of the team, to be my ladyguard.”
ILANG beses akong napailing dahil sa huling sinabi sa akin ni Vladimier. Literal na natigilan ako at hindi na ako nakapagsalita pa. Parang ang hirap din namang paniwalaan iyon. Ngunit nang titigan ko ang ekspresyon ng kaniyang mukha ay walang halong pagbibiro ang sinabi niya. Seryoso siya masyado at diretso lang din siyang nakatingin.
Napahawak ako sa aking pisngi, ramdam ko ang biglaan nitong pang-iinit.
“Chendra? Where are you?” Muntik na akong malaglag mula sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses ni Vladimier.
Nasa condo na niya kasi kami at nasa rooftop ako, para sana magmuni-muning mag-isa. Tinatawag niya ako gamit ang earpiece na dinala kaninang lunch time ni Klein. And as the moment din ay gamit ko rin iyon o baka nga nakalimutan ko lang tanggalin?
“Sir?” sagot ko naman sa kabilang linya. Hindi ko alam kung gising pa si Klein at nakikinig sa usapan namin ng boss ko.
“Nasa loob ka ba ng kuwarto mo? Kanina pa kasi ako kumakatok. I already talk with your team Klein.”
God, masyado akong occupied kanina at hindi ko na rin narinig ang pinag-uusapan nila kanina.
“Bakit niyo ako hinahanap, Sir?” pormal na tanong ko.
“Hindi ka pa ba gutom? Nag-order ako ng pagkain kanina.”
“Mauna na po kayo. Bababa rin ako kapag nagutom ako,” sabi ko lang. Nakaaabala ang ginagawa ko.
“Bababa? Nasa rooftop ka ba ngayon? Sorry, binuksan ko na ang pinto ng kuwarto mo at wala ka rito.”
Napanguso ako. Wala na akong privacy niyan kapag ganoon na palagi ang kaniyang gagawin.
“Yes po,” I answered.
“I see. Aakyat na ako riyan, ayokong kumain nang mag-isa. Sabay na lang tayo, Chendra. ” Sukat doon ay napatayo agad ako.
“Uhm, sige po. Kakain na,” sabi ko at nagmamadali na akong bumababa mula sa rooftop. Sa hagdanan ko na siya nasalubong at nang makita na niya ako ay sumilay ang matamis niyang ngiti.
Kasabay niyon ay ang pagbilis ng heartbeat ko. Oh, my God. What happened to you, self?
NANINIBAGO pa ako sa ugali ngayon ng boss ko. Parang imposible na magbabago agad-agad siya sa pakikitungo sa ’kin.
Ngayon nga ay nakaupo na lang ako at pinapanood ko lang siya sa ginagawa niyang paghahanda. Tama ba itong ginagawa namin? Naalala ko naman ang sinabi niya kanina lang.
“You know what, Miss? Puwede mo naman akong maging kaibigan.”
Kailan pa siya nakakita ng dalawang taong magkaibigan, gayong bodyguard lang ang isa at amo naman siya nito? Ang weird na talaga niya.
“I’m just your ladyguard, sir.”
“Nasa rule ba ninyo ang bawal makipagkaibigan sa mga taong binabantayan niyo?”
Pero nasa rule namin ang hindi dapat malapit ang loob sa boss, maiwasan ang namumuong relasyon, kung mangyayari man iyon ay tapos na ang trabaho ko. Tapos na rin maging ang misyon at purpose ko kung bakit naging bodyguard niya ako ngayon. Ayoko lang masayang ang chance na iyon. Matagal ko rin naman itong hinintay.
O sadyang ako lang ang nag-iisip nang ganito? Na may relasyon ang magaganap?
“But why, sir? Bakit ninyo ako gustong maging kaibigan? Hindi po ba ay may mga kaibigan naman kayo?”
“Because I want you to be my friend?”
“Hindi ka naman po ganoon nang una mo akong na-meet, sir.”
“Because you are too beautiful to be part of the team, to be my ladyguard.”
Nakababaliw lang kung isipin ko pa ito. Mas mainam na maging professional na lang ako at kaswal ko na lang siyang pakikitunguhan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top