˚☐˚•| KWATRO-(Earthquake Drill)
4| EARTHQUAKE DRILL
Zea's POV
Habang nasa labas ako may nakita akong isang pigura ng lalaking papalapit dito sa building namin. Isiningkit ko ang mata ko para matanaw kung sino ’yun.
Si Kuya! Shutang—!
Agad akong naghanap ng pagtataguan at unang nakita ng mata ko ‘yung maalikabok na hagdanan kaya naisip kong umakyat sa third floor ng building para magtago kay kuya. For sure hahanapin niya ako doon sa classroom.
Malas naman ng araw na ‘to! Kung kailan gusto mong iwasan saka lalapit!
Habang nagtatago ako kay kuya rito sa third floor napatingin tingin din ako sa tatalong classroom na nadito, isa lang ‘yung bukas. Nakakapagtaka nga e para maayos pa naman kaso medyo maalikabok. Pumasok ako sa silid na ‘yun dahil sa curiosity ko.
"Anong ginagawa mo rito?!"
"AY MULTONG KABAYO!" halos atakihin na ako sa puso nang may magsalita mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko dahil sa takot na multo iyong nagsalita...‘Yung mahabang bangs na kaklase lang pala namin. "Ikaw lang pala."
"Anong ginagawa mo rito?" muli niyang tanong ng walang kagana-gana.
"Ah...Ano kasi...naglilibot ako tapos nakita ko ‘to kaya pumasok na ako...hehe," pagpapalusot ko sa kaniya. ‘Di ko malaman galit ba siya o ano.
Pagkasagot ko ng tanong niya naglakad na lang siya at nilagpasan lang ako na parang hangin. Babalik na sana ako sa classroom kaso naalala kong baka andoon pa si kuya kaya muli akong lumingon doon sa babaeng mahaba ang bangs.
"Ah...andoon pa ba ‘yung lalakeng-"
"Wala na umalis na," mabilis niyang sagot kahit "di ko pa tapos ang sinasabi ko.
Paano niya nalaman tinutukoy ko?
‘Di bali na.
Bumaba na ako sa classroom at nagpagpag ng damit ko.
Yayks! Puro alikabok!
"Oh! Zea andiyan ka pala, may naghahanap sa ‘yo kanina," bungad sa akin ni Aliene na nagsusuklay pa ng buhok.
Paktay! Si kuya!
"Ah...ganun ba?" sagot ko na kunwari ay walang alam.
Sinagot naman ako ni Aliene ng ngiti, mukhang ’di naman siya nakahalata.
Na-upo na ako't inisip ba't kaya nagpunta si kuya rito? Imposibleng dahil sa akin ‘no, ni tuldok nga ayaw niyang marinig sa ‘kin. Sumagi rin sa isip ko ‘yung mahabang bangs kanina na babae, anong ginagawa niya roon sa taas?
Hays! Pati ba naman ‘yan problema ko pa!
Nang dumating si ma'am agad naman nagsi upuan ang mga kaklase ko at nag-umpisa na rin magtawag si ma'am para sa attendance namin. “Wala pa rin si Ericka?” aniya matapos mag tawag.
“Wala pa po, ilang araw na ngang ‘di ‘yun nagpapakita e,” sagot naman ni Shin.
Sino naman si Ericka?!
“O siya! Kopyahin niyo na itong susulatin ko,” muling wika ng teacher namin at nagsulat sa blackboard.
Habang nagsusulat ako napalingon ako sa gawing bintana kung saan nakaupo sina si Jea at Alien kaya naman patago akong lumipat saglit doon at kunwari’y magsusulat pero yung totoo makikichika lang ako.
“Pst!” Bulong ko sa kanilang dalawa.
“Hmm?”
“Sino yung babaeng ‘yun?” usisa ko sa kanila sabay turo sa babaeng mahaba yung bangs.
“Ahh, ‘yun ba? Si Dark ‘yan, ‘di siya masyidong marunong makipag socialize kaya tahimik,” sagot ni Aliene sa tanong ko.
“Ahhh...kaya pala.”
“Ms. Garcia, Flores, Alvarez, anong problema?!” sita sa amin ni ma'am nang mapansin niyang nagdadaldalan kami.
“Ah...Wala po,” sagot naman ni Jea kay ma'am.
Nagtinginan na lang kaming tatlo at saka mahinang natawa. Ang tulis naman kasi ng pandinig ni ma'am.
Wait! Tinawag na naman ba akong ‘Miss’?! Yuckkkkkk!
‘Di pa man nakakabalik si ma'am sa pagsusulat sa board may dumating na isang estudyante sa bungad ng classroom namin kaya napatingin si ma'am dito na tila tinatanong anong ginagawa niya dito sa classroom namin. Sinabi naman ng estudyante na may earthquake drill daw at kailangan ang partisipasyon ng lahat.
Ipinahinto ni ma'am ang ginagawa namin at ipinaligpit ang mga gamit namin saka kami pinagtago sa mesa. Habang nasa ilalalim kami ng mesa tanaw ko yung ibang girls ng klase namin na nagli-liptint...What the?! Pag ka ring ng bell saka kami pinapila at pinalabas ng room.
Habang nakaupo kami sa ground malapit sa school, napansin ko lang ‘yung panahon ang init agad kanina makulimlim tapos ito pang pwesto namin ngayon maputik, buti pa ‘yung ibang section maalikabok lang pwedeng lagyan ng papel para maupuan.
“Manahimik lang kayo riyan at may titignan lang ako sa loob,” paalam ni ma'am sa amin sabay duro ng pamaypay niya sa amin bago bumalik sa loob.
Nasa bandang harapan nga pala ako ng pila kasi ‘di naman tayo medyo katangkaran, ngayon ko lang din napansin na katabi ko ‘tong walang hiyang butiking ‘to. Tsk!
“Init,” reklamo ko habang pinapaypay na ‘yung I.D na suot ko.
“Oo nga e,” pag sang-ayon naman ni Jea sa daing ko sabay papaypay ng kamay niya sa sarili.
“Ang tagal naman kasi tayong papasukin.” Napatingin naman kami ni Jea kay Aliene na may dala pang mini fan. Yayamanin!
“Share naman tayo riyan!” Ani ni Jea kay Aliene sabay tutok ng mini fan na hawak ni Alien sa sarili.
“Ano ka ba?! Ang li—”
“HOY! TUMINGIN KA BA SA DINADAANAN MO?!”
Sabay-sabay kaming napatingin sa pila ng boys at tinitignan kung sino ‘yung sumigaw.
“E ba’t andiyan din kasi ’yang paa mo?!” Matapang pang sagot ng Isang lalaking nakasalamin at nakatingin siya doon sa pinya headed na si End.
“Malamang! Nakaupo kami rito! Ikaw?! Ba’t andito ka ‘di ba Sampaguita ka? Nasa harapan ka dapat ah," kampante namang sagot ni End sa nakasalaming lalaki na kasagutan niya.
“E ano naman? Problema mo?” mayabang pang saad nung nakasalamin.
Aba! Loko ‘tong taong ‘to ah!
“Ikaw!” Tumayo na si End at saka mabangis na nakipagtitigan doon sa lalaking naka salamin.
Hindi kaya sila magkatuluyan niyan? Joke! Hehe.
“Paanong naging ako?!”
“Isipin mo! Matalino ka ‘di ba?”
Nagpalitan lang sila ng sagutan kaya nagpalitan lang din ang tingin ko sa kanilang dalawa naghihintay kung sino mananalo sa argument nila pero ‘di ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari.
Bigla na lang sinapak ni End ‘yung lalaking salamin dahilan para makuha nito ang atensyon ng mga estudyanteng nasa harapan. Lumapit naman ang ibang taga Sampaguita rito sa pwesto namin at tinulungan ‘yung lalaking nakasalamin na napasalampak sa sahig.
“HOY! ANO BANG PROBLEMA MO?!” Ani ng isa sa kanila.
Napatayo naman ang ibang boys ng section namin dahil may nararamdaman silang gulo ganun din kami kaya napatayo na rin kami. Mas lalo pang uminit ang tension ng magsilapit na din ang ibang taga Sampaguita, babae man o lalaki.
Nalingat lang saglit ‘yung paningin ko bigla na lang nagsabong ang dalawang section na ‘to kaya nagpa-panic na akong umawat sa kanila ganun din ang sina Jea at Aliene,si Dark naman ayun as usual wala siyang paki alam at nakaupo pa rin siya na parang ‘Unbothered queen’ samantalang si Shin nakikisali na rin sa sabong.
Habang umaawat ako sa dalawang section na ‘to na nagsasabong, nalingat ako saglit nang makita ko si Kuya! Gagstig! Nakatingin siya sa akin malamang nakita na niya ako!
“Aray!” Daing ko nang may bigla na lang humatak ng buhok.
Bakwanang! Sino naman ‘tong babaeng ‘to?! At sinasabunutan pa ako!
“Hoy! Ano ba! Wala naman akong ginagawa sa ‘yo!” ani ko sa kaniya at pilit tinataggal ‘yung kamay niyang humahatak sa buhok ko. “Bitawan mo nga ako! Ano baaaaa?!”
Buang na to?!
“Hoy! Bitawan mo si Zea!” Pagsigaw ng mga pamilyar na boses.
Si Jea at Si Aliene!
Inaway nilang dalawa yung babaeng nababaliw na pero ayaw niya pa rin akong bitawan.
Sino ba ‘tong babaeng ‘to?!
Bigla na lang niya akong hinila papalayo at saka binagsak sa sahig saka siya pumatong sa akin at saka siya nagbigay ng malakas na suntok.
Ramadam ko ‘yung pagtama ng ulo ko sa semento ng bitawan niya yung suntok na ‘yun. Ramdam ko rin na magkikita na kami ni San Pedro.
Ang sakit!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top