Epilogue
In the sphere of love, it is implausible if people would think that only happiness is all there is.
Whether we like it or not, there comes a point in one's existence when a difficult decision has to be made and love isn't part of the choice.
Love carries our feet even in painful places, but that shouldn't stop us from walking knowing that it's the very thing that will help us unravel the love's mystery. It is how we understand the real meaning of it.
Eight years ago, Sari decided to leave the love of her life; the one she didn't expect to be the greatest part of her story.
The one who has the ability to silence the clamour in her mind. The one who makes her feel the stillness and tranquility she had felt before her father died.
It was not an easy decision.
For her, it was hard to decide something that will surely tear them apart. But no matter what she choose, breaking will always be the end result yet she stood by it— bearing her pain more than ever.
Ithuriel, on the other hand, was left hanging with a lot of questions running on his mind.
For him, Sari is his redemption. The one who saved him from brokenness and pieced him back from the error of life. She is the glimmer of hope that brought him out of his misfortune.
They were apart but fate is on their side.
As if what they have is a natural order in the Universe which cannot be changed, no matter what comes their way; no matter how unfair life can be.
For the second time, love found its way for the two lovely souls to meet, pulling them to be present on each other's arms. Leading them to continue the pages of their unfinished story in this lifetime.
They said people who do get back together often go through a lot of issues because they never resolved the problems that they had in their past relationship.
But that's not the case for Ithuriel and Sari.
Now that they're together, every ache, doubt, and suffering was dismissed and replaced with a drive to move forward in order to improve their chances at love.
Love was meant for them and no hindrances or anything in the world that can take it away from the two lovely souls who have met again.
Maaraw ang hapon at maganda ang pagkakapinta sa kulay ng langit. Berdeng berde ang mga puno sa paligid at ang mga dahon nito ay tila nagsisayaw sanhi ng pagsaboy ng katamtamang ihip ng hangin.
"Sige, lakad lang. Hawak naman kita."
Kapansin pansin ang ngiti ni Ithuriel habang ginagabayan si Sari sa paglakad ng nakapiring.
Ang dalaga ay nakasuot ng double layer midi dress na kulay beige habang si Ithuriel naman ay ang usual dark-colored suit niya dahil kagagaling niya lamang sa trabaho.
"Tatlong hakbang sa kanan. Tama ba? Uyy? Malapit na ba tayo?"
Bakas sa boses ng dalaga ang tuwa at pagkasabik sa supresang ihinanda sakanya ng kasintahan kahit wala talaga siyang ideya kung nasaang lupalop sila ngayon.
"Malapit na. Konti na lang." Bulong ng binata sa kanyang tainga.
Malalim man ang boses ni Ithuriel ay bakas sa tinig niya ang saya.
Kahit na ganoon ay hindi pa rin maitatago ang kabang nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Hindi man halata ay sobrang bilis ng tibok ng puso niya sa 'di maipapaliwanag na dahilan.
Isang tapak pa ng paa ni Sari ay natunton na nila ang tamang lugar.
Lumuwag ang tali na nakatakip sa kanyang mata at unti-unting tumambad sa harapan ang pamilyar na istraktura ng pinaglibingan ng kanyang Tatay.
Ang museleo ni Emil Alonte.
Lumipat sa kanyang tabi si Ithuriel at sabay nilang tinitigan ang loob mula sa labas ng babasaging pinto.
Lumunok ang binata at gumapang ang kanyang kaliwang kamay upang pagsalikopin ang daliri nila ni Sari.
Iginiya niya ang dalaga sa loob matapos niyang mabuksan ang pinto gamit ang susi nito.
Unang beses niya pa lamang makapunta rito at ngayon lang rin siya nakahanap ng tyempo para matupad ang pangako niya noon.
Ang pangakong maipalam ang kamay ni Sari sa kanyang Tatay kahit na sa puntod lang nito.
"Sari. Naaalala mo ba ang sinabi ko noong graduation ko?" Sa malumanay na boses ni Ithuriel ay mahihinuha ang pagiging emosyunal.
Walang salita ang makapaglalarawan sa saya na nadarama ng dalaga, hindi niya pansin ngunit nagsimula nang manubig ang kanyang mga mata.
"Hindi man agad natupad pero hindi ko nakalimutan, Sari.." Mabilis silang lumapit sa itim na marmol at pumantay sa lapida ni Emil.
Nagsindi ng apoy sa puting kandila at taimtim na nanalangin.
Pumikit ang mata ni Sari ngunit si Ithuriel ay nanatiling bukas ang mga mata, patuloy ang paninitig sa kagandahan ng kasintahan. Pinagmamasdan ang bawat parte't sulok ng kanyang mukha.
Habang ang anak ni Emil ay patuloy na nagdadasal, si Ithuriel naman ay tahimik na nagpapasalamat kay Emil dahil kung hindi sa kanila ni Veron ay walang magiging Sariah na nagmamahal sakanya ngayon.
Ang Sariah na bumuo muli sakanyang pagkapira-piraso.
Napakagat sa labi ang binata nang maramdaman niya ang nagbabadyang luha na patulo na sa kanyang mata.
Hindi man ito ang pinaka magarbong lugar para isagawa ang plano niya ngunit masisiguro niyang ito ang perpektong lugar upang hingin panghabang-buhay ang kamay ng babaeng pinakamamahal niya.
Matapos ng dasal ay nag-angat na ng tingin si Sari kay Ithuriel. Tipid mang ngumiti ay sobrang nagustuhan niya ang pagkaalala ni Ithuriel sa pangako nito noon. Malaking bagay ito para sakanya.
Mula sa pagkakatupi ng tuhod galing pagkakaupo ay tumayo na siya at naglahad ng kamay kay Ithuriel upang ayain itong tumayo.
Hindi ito sumunod, hindi rin inabot ang kamay niya.
Kumunot ang noo ng dalaga, nagtataka habang ang binata naman ay nakayukong dumukot sa kanyang bulsa ng pantalon.
Abot-abot ang tahip sa puso ni Ithuriel ngunit hindi na siya makapaghintay pa.
Hindi niya kailanman inakalang aabot siya sa ganitong punto ng buhay.
Hindi niya inaasahan na posible ang makaramdam ng labis na kasiyahan sa mundong nakasanayan niyang galawaan noong hindi pa dumarating si Sari sa buhay niya.
At ngayong nararanasan niya na ang klase ng pagmamahal na si Sari lang ang nakapagpaparamdam, hindi niya na 'to pakakawalan pa.
Nagsimula ang panlalamig ng kamay ni Sari. Tila may nagliparang mga paru-paro sa loob ng kanyang tiyan nang makita ang maliit na box na kulay itim.
Kahit na parang may nagbara sa lalamunan ni Ithuriel ay inipon niya ang kanyang lakas upang makapagsalita habang nakaluhod ang isang tuhod.
Namumula man ang mata ay nag-angat siya ng tingin upang salubungin ang mata ng babaeng nagbigay ng liwanag sa madilim niyang buhay.
"Sari.. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan mo ngayon pero gusto kong malaman mo na sobrang nag-uumapaw ang nararamdaman ko ngayon para sa'yo." Huminga ng malalim si Ithuriel saka nagpatuloy.
"Hindi ko alam kung paano ipapakita, hindi ko alam kung paano ipaparamdam, hindi sapat ang mga salita at pagsambit lang kaya ito na agad ang sumagi sa isipan ko, Sari."
Napatakip sa bibig ang dalaga at kitang kita ang panginginig ng kamay pati na rin ng labi niya.
"Hindi ko alam kung maaga pa ba para sa'yo pero ramdam ko na ito ang eksaktong araw para dito. Kasi noon pa man alam ko nang ikaw talaga ang aayain kong makasama sa panghabang-buhay."
Tumulo na ang luha sa mata ni Ithuriel at hindi na niya naisipan pang punasan iyon. Hindi niya ikakahiya ang pag-iyak niya sa harapan ni Sari dahil ito ang tunay niyang nararamdaman.
Sa harapan ni Sari, hindi niya kailangang magkunwari o magtago.
"Naabot natin nang magkahiwalay ang pangarap na ginusto natin para sa mga sarili natin pero itong pangarap na 'to? Hindi ko hahayaang matupad nang hindi tayo ang magkasama, Sari. Sa'yo ko gustong matali at bumuo ng pamilya. Sa'yo ko gustong tumabi hanggang sa pagtanda, hanggang sa malagutan ako ng hininga."
Hindi na napigilan ni Sari ang pagluha dahil hindi man siya ayain ni Ithuriel ay alam niyang pareho sila ng nararamdaman.
Walang maaga o matagal na konseptong dumako sa isip niya.
Para kay Sari, ito ang tamang oras at ang eksaktong pagkakataon dahil hindi na rin matutumbasan ng anumang salita ang nadarama niya para kay Ithuriel.
Lumunok ang binata at binasa ang kanyang pang-ibabang labi bago tuluyang buksan ang box at itanong ang mga kataga.
"Sariah Vera, handa akong ibigay ang lahat sa'yo pati na ang apelyido ko.. Payag ka bang makasama ako sa araw-araw?"
Hindi na nagpatagal ang dalaga at mabilis siyang tumango habang patuloy na lumuluha sa tuwa dahil sa wakas, ang lalaking nagparamdam sakanya ng kapayapaan sa gitna ng kaguluhan at bagabag ay mapapasakanya na ng walang pag-aalinlangan.
"Oo, Ithuriel.. Payag ako." Saka inilahad ang kaliwang kamay sa binata.
Walang anumang bagay ang makapagpapaliwanag ng pakiramdam ni Ithuriel sa narinig na sagot mula kay Sari.
Habang kagat niya ang labi ay sinikap niyang isuot ang gintong singsing sa dalaga.
Manipis ito at korteng V ang gitna. Napaka simple ngunit eleganteng tignan gaya ng taong pinagsuotan niya nito.
Tumayo na siya mula sa pagkakaluhod at binaon sa mahigpit na yakap si Sari habang binubulong ang kanyang pasasalamat sa pagtanggap niya rito.
"Salamat, Sari.." Hindi niya lubos mahanap ang tamang salita.
Tahimik ang paligid at ang pusong sabay na tumitibok sa iisang ritmo ng dalawa na lamang ang ingay sa pagitan nila.
They didn't even get to say the three magic words.
Yes. It's probably the most important words a person can say out loud pero para sa kanila ay sapat na ang walang salita, sapat na ang katahimikan dahil ramdam na ramdam nila ito sa isa't isa.
Days turned into months in a short instance as they continue their lives in chorus.
Walang oras na sinayang upang makabuo ng panibagong alaala ng magkasama kahit pa may trabaho pareho.
Madalas ay sa bahay ng Lamarre dumidiretso si Ithuriel pagkagaling trabaho upang makasama ang pamilya ni Sari.
Hindi nagtagal ay nakuha niya rin ang loob nila Barry at Virginia dahil hindi mahirap pakisamahan ang binata.
Sa bait at galang nito ay talagang mapapalagay ang loob ng sino man dito.
Habang nakalatag sa hapag ng antigong lamesa ang mga gamit pang-bake ni Sari ay tila isang nagmamaktol na bata naman kung umasta ang kanyang kapatid na si Sadie.
"Grabe! Ang hirap naman nito!" Singhal nito habang naghahalo ng harina at itlog sa isang bowl.
"Gamitan mo kasi ng mixer, pwede naman 'yun, Sadie." Sabay tawa ni Sari.
"Mas maganda kung paghihirapan! Tama ba, kuya Ithuriel?" Sabay kindat sa binatang nakasalumbaba sa mesa habang pinanunuod gumawa ng cake si Sari.
"Tama." Ngumuso ito at bahagyang natawa.
Umikot ang mata ni Sari dahil nagkasundo nanaman ang kapatid at ang fiancé niya sa kalokohan.
"Dami niyong alam. Tulungan niyo na lang ako. Para kanila Yna 'to, sa kasal nila bukas ni Kyle." Sambit ng dalaga.
Lumawak ang ngiti ni Ithuriel at hindi na kumibo. Tumayo sa likuran ng mapapangasawa sabay pulupot ng braso sa baywang nito.
"Ano'ng pwede kong matulong?" Bulong niya sa tainga ni Sari.
"Oh my god! Ang landi ni kuya! 'Wag ganyan sa harapan ko, please!" Dumakot sa kamay ng harina si Sadie at hinipan iyon patungo sa dalawa.
Nanlaki ang mata ni Sari sa kapatid at tuluyan na ring lumaban kay Sadie dahilan ng pag-alingawngaw ng ingay sa hapag.
Nagkakape sa kabisera sina Barry at Virginia ngunit natawa na lang ang matatanda at animo'y bumalik rin sa pagkabata't nakisali.
Kahit si Veron na nakaupo ngayon sa wheel chair na kararating lang sa mesa ay nadamay. Nasabuyan rin ng harina na agad namang pinunasan ni Linda.
Napuno ng masasayang tawanan ang bahay, 'di alintana ang kalat na sumasabog sa kanilang harapan.
Naghabulan pa si Sadie, Sari, at Ithuriel paikot ng lamesa habang ang matatanda ay nagkakalat ng harina sa ere upang 'di sila makakita.
Kahit hindi makaaalala si Veron ay masaya niyang pinagmasdan ang mukha ng mga pamilyar na taong nasa harapan niya.
Hindi niya alam ngunit may luhang pumatak sa kanyang mata. Hindi man mapangalanan ang bawat isa, alam niya sa puso niya na ang mga taong ito ay malaking parte ng kanyang buhay.
Pumatak ang kinabukasan at sumalubong muli ang kapayapaan ng Baryo Dagatum sa harapan ni Ithuriel at Sari.
Ang pamilyar na tunog ng alon ng karagatan at ang simoy ng hangin na ibang iba kumpara sa Maynila ay tila isang panaginip lamang.
Para kay Sari, noong mag desisyon siyang iwan si Ithuriel ay akala niya huling beses niya nang makikita ang lugar na kinalakihan niya.
Hapon na noong umalis kahapon ang dalawa sa Maynila upang makapunta rito dala ang cake na nagawa para sa kasal ni Yna at Kyle.
Natulog ang magkasintahan nang magkahiwalay. 'Yun ang naging desisyon nila dahil nais rin ng oras mag-isa ni Sari nang mabalikan niya ang dati nilang bahay.
Sa bahay naman nila Ithuriel, puno man ng mapapait na alala ay nagawa niyang kalimutan lahat ng 'yun.
Kailangan niyang umusad upang hindi manirahan sa nakaraan.
Si Sari ang nagturo sa kanya noon kaya ang isang gabing pamamalagi sa dati niyang tinitirahan ay hindi gaanong kasama.
"Hindi pa rin nagbabago! Ang ganda pa rin!" Masayang puri ni Sari habang pinagmamasdan ang bukang-liwayliway.
Maaga pa kaya hindi pa nila nakikita sila Aling Celine, Tata Melencio, Mang Jeri at mga anak nito.
Nakatingin lamang si Ithuriel sa manghang itsura ni Sari at napaisip na magsisikap siya araw-araw para lamang makita ang ganitong klase ng pagngiti ng dalaga.
"Maganda nga." Bulong niya.
Taon na ang lumipas ngunit nandoon pa rin ang ang duyan malapit sa puno ng niyog at tulad ng dating nakagawian, naupo sila do'n ng payapa. Hinintay ang pagsibol ng araw habang nasa bisig ng isa't isa.
"OMG! Sari! Kumusta ang buhay natin diyan?!" Hindi magkamayaw ang pagtanong ni Yna sa kaibigan.
Nandito sila ngayon sa bahay nila Sari noon. Habang si Kyle naman ay tumuloy sa bahay nila Ithuriel.
"Bakit hindi ka pa naka-ayos? Anong oras na!" Natatarantang sagot ni Sari.
Abala na ang mga taong nag se-set-up para sa disensyo ng beach wedding sa labas.
Ang make-up artist naman ay nagsasalansan ng mga gagamiting pang kolorete sa bride.
May ingay na nanggaling mula labas.
"Sari! Naku! Sinasabi ko na nga at babalik ka. Kumusta ka na? Naiiyak ako." Tumambad si Aling Celine sa pintuan at dali-daling yinakap ang dalaga.
Pati si Jersey at Jergie ay sumunod sa likod.
"Sariah! I'm happy to see you again." Niyakap niya ang kababata at nagkwentuhan ng saglit.
Pagtapos ay humingi ng paumanhin si Sari kay Yna dahil kasal niya ito ngunit ang atensyon ay nakatuon sakanya.
"Ano ka ba! Walang kaso! Normal lang 'yan, malamang ay na-miss ka kasi nila." Ngumiti si Yna at mahihinuha doon na may iba itong pinapahiwatig.
Mabilis tumakbo ang oras at maghahapon na ngunit hindi iniwan ni Sari si Yna sa loob ng bahay.
Gusto niyang asikasuhin ang kaibigan upang makabawi man lang sa pag-alis niya noon nang hindi nagpapaalam.
"Kumalma ka nga. Maupo ka at papaayusan rin kita sa make-up artist! Hindi ako papayag na stress ka sa araw na importante para sa akin!" Singhal ng kaibigan.
Sumunod naman ito at pinaupo siya sa upuang may kaharap na malaking salamin.
Tapos nang ayusan si Yna ngunit 'di pa rin nagpapalit ng damit kaya ang kulay balat na dress pa rin ang suot niya.
Nagsimula nang dumampi ang brush sa mukha ni Sari.
Hindi siya agad nakapagsalita pagtapos. Ang ganda ng ayos niya. Mas maganda pa yata sa ayos ni Yna ngunit hindi na ito nag reklamo pa.
Simple lang naman ang make-up ngunit dahil sa mukha ni Sari inilagay ay naging agaw atensyon ito.
"Sariah! Wow! Ang ganda mo. Sandali, sobrang saya ko." Pinunasan ni Yna ang kumawalang luha sa mata niya at natawa naman si Sari.
"Parang baliw 'to. Huwag ka ngang umiyak. Ako nga dapat ang magdrama dahil ikaw ang ikakasal!" Natawa si Yna at may kinuhang kahon mula sa lamesa.
"Suotin mo 'to. Para sa'yo talaga 'yan." Ngiti ng kaibigan.
Binuksan niya iyon at tumambad sakanya ang white lace and tulle slit beach dress.
Sinuot niya ito at saktong sakto sakanya ang sukat. Litaw ang likod do'n ngunit takip naman ng natural na kulot ng buhok ni Sari.
Nagulat na lamang ang dalaga nang tumayo si Yna at hatakin siya sa labas.
"Yna! Hindi ka pa nakakapagpalit!" Sigaw niya at tuluyang napako ang tingin sa gilid ng karagatan.
Sa buhangin ay nakaayos ang mga upuang kahoy na eleganteng napapalibutan ng puting lace.
Mayroon ring arko ng mga bulaklak kung saan nakatayo ang isang Pastor na may hawak na Bibliya sa gitna.
Tila na-estatwa si Sari nang makita ang mga pamilyar na mukha. Mga taong importante sa kanyang buhay.
Hindi niya maintindihan ang nangyayari.
Ngunit mas nagulat pa ito nang maaninag niya na ang lalaking naghihintay sa harapan ay si Ithuriel.
Nakasuot ito ng simpleng white button down longsleeves na nakaangat hanggang siko, bukas ang dalawang unang butones na bumagay sa khaki pants nitong nakatupi ng ilang beses sa dulo.
Sa pag-ihip ng hangin ay tila sumayaw ang malambot na tela ng pang-itaas ng binata.
Nakangiti si Ithuriel at namumula ang mga mata habang nag-aabang sa paglapit ng dalaga.
"It's your day, Sari. Not mine." Bulong ni Yna.
Saka inabot ang palumpon ng puting rosas gaya ng sumisimbolo kay Sari ayon kay Ithuriel.
Tuluyan nang pumunta si Yna sa upuang kahoy tabi ni Kyle.
Hindi makagalaw si Sari sa kinatatayuan kaya linapitan ito ng kanyang lolo Barry.
"I owe this to Emil."
Ito na mismo ang kumuha sa kamay ng dalaga upang ipulupot sa kanyang braso.
The woman walks down the aisle and the slow steps of her feet towards the love of her life felt like forever.
Pakiramdam niya ay bumagal ang oras at hindi na siya makapaghintay pa sa pag-andar nito.
Sa buong paglakad ay hindi naputol ang tinginan ng dalawa na para bang ang kanilang mata ay nakalaan lang para sa isa't isa.
The scene is too magical, so ethereal that even describing it in words seems not possible.
Pagkalapit sa harapan ay binitawan na si Sari ng kanyang lolo. Ipinasa ang kanyang kamay kay Ithuriel pagtapos ay tinapik ang binata sa balikat.
Napalunok ang dalaga nang malapitang makita ang mga panauhin.
Sa harapan ay si Veron na naka-upo sa wheel chair, binabantayan ni Linda at Robert.
Sa tabi ay ang dalawang matandang mag-asawa na si Barry at Virginia.
Si Sadie ay katabi ngayon ni Macoy at Jergie.
Habang sila Aling Celine, Tata Melencio at Mang Jeri ay tila pinaghandaan ang araw na 'to dahil sa kanilang ayos.
Si Jersey ay katabi ni Ced habang nasa likod naman sina Marco, Aidan, at Lucian.
Pati si Jai at Kollin ay hindi rin nawala.
Lahat ay masayang nanunuod sakanila at nag-aabang sa mangyayari.
Namuo ang luha sa mata ng dalaga at impit na pinigilan ang hikbing pilit kumakawala.
"We are gathered together in the sight of God to witness and bless the union of these two in marriage." Pagsasalita sa mic ng Pastor.
Hindi pa rin makapaniwala si Sari na nangyayari na mismo ang araw ng pag-iisang dibdib nila ni Ithuriel.
Naguguluhan man siya ay hindi niya na inintindi 'yun. Ang importante ay maikasal siya sa lalaking nakatayo sa harapan niya ngayon.
"Sari, will you have Ithuriel to be your husband, to live together in holy marriage? Will you love him, comfort him, honor and keep him, in sickness and in heath, and forsaking all others, be faithful to him as long as you both shall live?"
When she was young, she dreamt of her father the night he died. Walang humpay ang pag-iyak niya no'n at huminto lamang siya nang magsalita si Emil.
Sari. Dadating ang panahon at makakahanap ka ng lalaking kagaya ko. Ang lalaking magmamahal sa'yo gaya o lampas pa sa pagmamahal ko at 'pag nangyari 'yun, hindi mo na siya dapat pakawalan pa.
Tumulo na ng tuluyan ang luha ni Sari dahil sa naalala.
Si Ithuriel ang lalaking tinutukoy mismo ng kanyang Tatay. He is the person who reminds her of her father.
No questions needed, she wants to be with him until her last breath.
"I will."
"Ithuriel, will you have Sari to be your wife, to live together in holy marriage? Will you love her, comfort her, honor and keep her, in sickness and in health, and forsaking all others, be faithful to her as long as you both shall live?"
This was his dream ever since. To have someone who will deeply love him despite of his brokenness.
Sariah had faith in him and he found in her the part he's been long searching for... A home.
"I will."
Lumapit si Sadie dala ang dalawang singsing habang nakangiti.
"These rings are to represent the unbreakable circle of life and love. Please place them on each other's ring fingers."
Sabay na tumango ang dalawa at kahit na kinakabahan ay tagumpay nilang naisagawa iyon.
Ang singsing ni Sari ay yari sa manipis na ginto, mayroon rin itong diamante sa gitna na hugis peras na siyang bumabagay sa kanyang engagement ring.
Habang ang kay Ithuriel naman ay yari sa isang makapal na ginto kung saan nakaukit ang unang letra ng kanilang pangalan sa loob.
I & S.
A mellow music started playing as they begin to exchange their vows.
Ramdam ang sinseridad at init sa bawat letra at pantig ng mga salitang binigkas ng mga labi nila.
Love was declared, but if there's any factor that they want to hold onto along their marriage, it's honor and respect.
Honor by allowing each other to have best interest at heart, right next to their own best interest. Honor by supporting their passion in life and by being there when they need someone.
Respect that should be present in all forms. Respect for one's opinion, wisdom, judgment and who they are as a person.
Sa lalim ng kanilang mga pangako sa isa't isa ay hindi maiiwasan ang pagiging emosyunal dahilan ng panunubig ng kanilang mata.
Their gaze is unbreakable as if they are diving into each other's souls— allowing themselves to be an open book in their most vulnerable state.
"By the power vested in me, I now, for the first time, pronounce you married. You may kiss the bride."
"Mahal kita, Sari.." He mouthed.
Happiness and contentment evidently showed as the light gleamed on their eyes.
He leaned inwards, not breaking the eye contact until their forehead touched. Her eyes closed while her heart is beating rapidly than before.
Their noses glanced off each other and briefly, his soft lips brushed against hers. It's like two entities are connecting and sharing themselves one with another.
The kiss was soulful, warm, and electrifying at the same time that she can't stop her tears from falling.
Ithuriel was lost by it. Unable to think. Unable to stop. Unable to turn away.
They had kissed before but never quite like this. The feeling is immeasurable. It wasn't something they could buy or have any time they felt like.
He didn't want to pull away soon, but they needed to. Their eyes met again after the shared moment as if telling one another that they belong only to each other.
Hindi mawala ang ngiti at luha galing sa ilang nanunuod dahil nasaksihan nila ang pagmamahalan ni Ithuriel at Sari noon pa man.
Lumubog na ang araw at kita na ang mga bituin sa langit. Bukas na rin ang mga nakakabit na string lights sa mga puno na ngayon ay nagsisilbing ilaw sa dilim.
"Mrs. Manjares." Bulong ni Ithuriel habang nakadantay sakanyang dibdib ang ulo ni Sari.
Sa harapan ng dagat ay payapa silang sumasayaw na para bang sila lang ang tao sa mundo.
"Paano mo natago sa akin 'to?" Singhal ni Sari kahit nakangiti naman.
Tumawa si Ithuriel at hinalikan ang tuktok ng ulo ng asawa.
"Noong sinabi ni Nanay Veron na pakasalan na kita, tinawagan ko agad si Yna para ka-kuntsabahin. Plano ko na rin naman 'yun."
"Paano kung hindi ako pumayag no'ng engagement?" Biro ni Sari.
"Hindi ko alam. Ang alam ko lang gusto na kita pakasalan." Humigpit ang yakap ni Ithuriel sakanya.
"Magpapakasal ulit tayo kung saan mo gusto, Sari. Pero itong lugar na 'to agad ang pumasok sa isip ko nang maramdaman mong kasama ang Tatay mo sa importanteng araw natin."
Hindi nakakibo si Sari dala ng sobrang pagkamangha sa asawa. Kilalang kilala siya nito dahil kung papipiliin lang siya ay itong lugar ring 'to ang isasagot niya.
Marriage may not be easy but they have come to realize that their personal dreams, hopes, and goals are more attainable with their two hearts united as one.
Tila isang panaginip ang nangyari gayong sa oras mismo na 'to, himalang nakaalala ulit si Veron.
Nahinto ang lahat sa pagsasaya nang magsalita ito sa mikropono. Kahit na nahihirapan ay sinikap niyang sabihin ang nais niya.
Ang biglang pagbalik ng alaala niya ay isang biyaya mula sa langit at hindi niya ito palalagpasin lalo na't araw ito ng kanyang panganay.
Kaagad na lumapit si Sari at Ithuriel kung nasaan si Veron, namumuo ang luha sa mata.
"Magandang gabi. Ako si Veron. Ang Nanay ni Sari at Sadie. Ilang taon na rin ang nakakalipas simula no'ng pinangarap kong magkaanak. Natakot pa ako nung una dahil hindi ko alam kung paano maging isang ina ngunit sa tulong ni Emil, nagawa ko. Nang dumating ang mga anak ko sa buhay ko, nawala lahat ng takot ko at nangakong gagawin ko ang lahat para sakanila. Paminsan man akong pumalya do'n ay masisigurado kong walang katumbas ang pagmamahal ko sa kanila. Ngayong kasal na ang panganay ko, wala akong ibang hiling kundi ang kasiyahan niya sa piling ng asawa. Ithuriel, alam kong mabuti ka noon pa man, anak na rin ang turing ko sa'yo at ipinagkakatiwala ko na sa'yo si Sari habang-buhay."
Mabilis na tumango si Ithuriel habang ang karamihan naman ay naging emosyunal sa sinabi ni Veron.
"Sa mga naririto, salamat dahil naging parte kayo sa pinaka mahalagang araw ng panganay ko at ni Ithuriel. Nawa'y ipaalala niyo sa mga anak ko kung gaano ko sila kamahal sa oras na makalimot ulit ako."
"Sari, alam kong magiging mabuti kang ina pagdating ng panahon, damihan mo ang pag-anak para masaya. Sadie, gusto ko rin sanang masaksihan ang kasal mo ngunit bata ka pa pala at walang kasintahan." Nagtawanan ang mga tao ngunit nabasag ang boses ni Veron.
"Ang dami ko pang gustong sabihin sa inyo pero hindi sapat ang isang araw ng pagkaalala para dito. Basta tandaan niyo, mahal na mahal kayo ng Nanay Veron.." Lumapit na rin si Sadie, yinakap nila ang ina at tuluyan nang lumuha.
For Sari, it's the most beautiful gift she had ever received on her wedding that she marked it as the best highlight of her life.
Everything felt surreal and heavenly that she started wishing for that day to not end.
Sari silently prayed for more time with their mother and it was granted.
But not for long.
Because eleven days after her wedding, Veronica died.
Bumalot ang bigat ng pakiramdam sa paligid. Mula sa pagkakahiga ay mababakas ang hirap sa lagay ni Veron.
Kapansin pansin ang biglang pagpayat nito kumpara noong kasal ni Ithuriel at Sari.
Tama nga ang desisyon ng mag-asawa na manatili muna sa bahay ng Lamarre at gamitin ang natitirang oras para makasama ito.
Her body rejected any food or drink she consumes, making her too weak and frail.
They hooked her up to a feeding tube as her source of nourishment but it wasn't enough.
Her body is giving up and they can't do anything.
Tahimik itong nakahiga sa puting kama, nakadantay ang ulo sa malambot na unan habang nakapalibot ang mga taong nagmamahal sakanya.
Hawak ni Sari at Sadie ang magkabilang kamay ng ina. Si Ithuriel naman ay nakaalalay sa likod ng asawa.
Si Barry at Virginia ay nakaupo malapit sa paanan ng kanilang anak.
Pati si Linda't Robert ay nasa gilid, nakamasid sa nanghihinang si Veron.
Lahat sila ay nagpapaalam na dahil bumibigat na ang paghinga nito at maaaring ilang sandali lang ay maputulan na ito ng hininga.
Naririnig sila ni Veron ngunit ang mga mata nito'y nakatuon sa harapan kung saan nakikita niya ang nakatayong si Emil.
Ang lalaking pinakamamahal niya.
Ang lalaking nagturo sakanyang maging higit sa bersyon ng pagkatao niya ay inaabot na ang kanyang kamay.
Napuno ng luha ang kwarto nang unti-unting pumikit si Veron.
Ito na ang panahon ng muling pagkikita nila ng asawa.
As her eyes close, memories flashed through her mind like a play over of her life history.
Those are the missing pieces she's trying to hold onto but kept slipping out of her because of her condition.
Those are the fragment of moments she wanted to remember before crossing the after life.
So when it all appeared before her very eyes, she knew she was ready.
Veron mentally reached for Emil's hand then immediately, her breathing stopped. Leaving the room filled with loud cries.
Her last days were treasured, it wasn't wasted. Her death is not something to regret for.
Because she lived.
"Ayos ka lang?" Naputol ang pagbabalik-tanaw ni Sari sa kamatayan ng kanyang Nanay nang tanungin siya ni Ithuriel.
Ilang taon na rin ang lumipas ngunit tuwing sumasagi sa isip niya ay natatahimik siya bigla.
"Oo naman. Ikaw? Kumusta ang araw mo?" Lumapit si Ithuriel at yinakap siya mula likod. Pinatong ang baba sa balikat ng asawa.
Ang hangin mula sa terasa ng bahay nila ni Ithuriel ay umihip sanhi ng pagsayaw ng buhok ni Sari.
Kitang kita rin ang pag-aagawan ng kulay kahel at rosas sa pagitan ng langit.
"Ayun, nakakapagod.." Naging malambot ang tono ni Ithuriel, nagpapalambing.
Hindi napigilan ang pagngiti ni Sari sa inasta ng asawa kaya naman ginawaran niya ito ng mga mababaw na halik.
"Ayan, pagod pa rin?" Lumawak ang ngisi ni Ithuriel.
"Pagod pa rin." Natawa si Sari ngunit agad ring nahinto ng palalimin ng asawa ang halik.
Tulad noon ay ramdaman pa rin ang kuryenteng dumadaloy sa katawan nila tuwing naglalapat ang mga labi nila.
"Hindi ako magsasawang ipagpasalamat ka araw-araw, Sari." Sambit nito habang tinititigan ang mata niya.
"Ako rin, Ithuriel.."
Ang marahang haplos ng lalaki ay gumapang sa tiyan ng kanyang asawa kung saan makakapa ang pinakamagandang regalong natanggap nila sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan.
Nagpalitan ng matamis na ngiti ang dalawa bago tuluyang tanawin ang kagandahan ng paglubog ng araw.
Living together makes them aware of the changes wrought by time.
It's true that their loved ones death left a big hole and still hold a place in their hearts that none can ever fill but that's okay.
It's a real proof that they were loved so profoundly.
Sabi nga nila, humans are bound to come across the unexpected that they experience things that will discourage and weaken them no matter how strong and ready they are to fight.
Things that will certainly pull them down no matter how hard they try to stand with their own feet.
At kapag naranasan na nila 'yun, akala nila 'yun na. Akala nila huli na. Akala nila tapos na.
Pero hindi.
Life doesn't stop in that phase.
It might appear to them like a vanishing point for everything but in reality, it isn't.
Tragedies that happened in Ithuriel and Sari's life took a lot of fragility, pain, contentment, understanding and courage for them to embrace its own singularity.
Mahirap man gawin ngunit isang bagay lang ang nasigurado nila. Dinala sila at ang mga paa nila no'n sa panibagong landas.
They saw the reason and purpose behind it and found themselves in a place that is more beautiful and meaningful.
Before, Sariah almost believed that the death of her father will forever scar her young heart.
But Ithuriel came and everything has changed.
The tough experiences they've been through made them realized a lot of things so they promised not waste any more minute.
They promised to always confide with each other, laugh at the most silly things, enjoy life to its fullest, and share split seconds of quiet and peace when the day is done.
They promised that no matter what the world throws at them, they will be ready to face and conquer it with no hesitation.
Because together, they become stronger.
Together, life would be a lot easier more than ever.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top