Chapter 38
Hindi nakalimot? Anong ibig sabihin niya?
Napalunok ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang hindi niya nakalimutan, ang mga pangarap ba namin noon o ang ginawa kong pag-iwan sa kanya?
Malamang ang pangalawa, Sari.
Sino ba namang makakakalimot no'n? Baka nga galit pa rin sa akin si Ithuriel. Hindi man niya masabi pero pakiramdam ko ay gano'n na nga.
Sandali akong natulala sa sinabi niya. Ilang minuto bago nakabawi, ilang paghinga bago tuluyang nabalik sa ulirat para makahanap ng tamang salita ngunit sa huli ay sa paghingi lang ulit ng dispensa bumagsak.
"S-sorry.." Nanatili ang mata ko sa kanya kahit nagmamaneho siya.
Mahina lang ang boses ko ngunit alam kong narinig niya 'yun. Hindi niya ako sinulyapan ngunit bumaba saglit ang mata niya. Marahil pagod nang marinig ang katagang 'yun galing sa akin.
Nanlamig ang kamay ko ng wala nang sumunod na salita sa pagitan naming dalawa.
Hindi kami ganito noon. Dati hindi kami nauubusan ng pag-uusapan. Ngayong ilang taon na ang lumipas, wala na kaming masabi. Para kaming estranghero sa isa't isa.
Iyon siguro talaga ang kapalit ng ginawa ko sa kanya noon.
Bumaling ako sa may bintana at inabala na lang ang sarili sa panunuod ng mga nadadaanang gusali.
Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako dapat manghinayang dahil may pinatunguhan naman ang lahat.
Maganda ang kinalabasan. Nagbunga lahat ng pinaghirapan. Pero ito ako, mukhang pinaglalaruan ng tadhana kasama ang lalaking isinuko ko noon para sa kung anong mayroon siya at ako ngayon.
Ang hirap pala talagang harapin. Akala ko wala ng tyansa pang magkita kami ulit.
Muling nagbalik sa isipan ko kung gaano kahirap ang mga pinagdaanan niya nitong mga nakaraang taon.
Gustong gusto ko siyang kumustahin. Gusto kong alamin kung anong nilalaman ng isip niya pero hindi ko kaya.
Wala na akong karapatan. Ang huli naming pag-uusap ang patunay. Pumunta ako sa bahay niya para humingi ng tawad pero binigo ko lang ulit siya.
Tinanong niya ako kung iyon lamang ba talaga ang pinunta ko at nagsinungaling ako. Hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa sarili ko.
Ayoko ng guluhin pa ang puso ni Ithuriel. Kung nakapag isip-isip na siya sa dalawang araw na hindi namin pagkikita ay hahayaan ko ng ganoon.
Hindi ko rin siya masisisi kung pipiliin niyang alisin na ako sa buhay niya. Matagal na rin naman akong wala sa litrato. Walong taon na.
Siguro ay naliwanagan na siya noong nakapag-usap na kami at ayos na siya gayong nakahingi na rin naman ako ng tawad at nakapagpatawad na rin siya.
Huminto ang kotse sa tapat ng address na binigay ko kay Ithuriel kagabi. Lumingon ako sa gilid-gilid at tumambad sa akin ang matayog at malawak na puting pasilidad.
Napapalibutan ito ng mga puno sa likod at may malaking gate na itim bago makapasok sa loob.
Lumingon ako kay Ithuriel dahil hindi dito ang parking kaya baka ma-tow ang kotse niya kung iiwan niya rito.
Nakatuon sa harap ang mata niya, ang kaliwang kamay ay nakadantay sa noo na para bang namomroblema habang ang kanang kamay naman ay nasa manibela.
Lumunok siya ng isang beses at kitang kita roon ang paggalaw ng adam's apple niya.
"Uh, sa loob pa yata dapat mag p—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita.
"Minahal mo ba ako, Sari?"
Dumagundong ang puso ko dahil sa biglaan niyang tanong. Ang lalim ng boses niya ang nagpakaba sa akin ng husto.
Hindi ako nakagalaw. Napako lang ang tingin ko sakanya hanggang sa ibaling niya na rin sa akin ang tingin niya.
"Gusto kong malaman kung minahal mo ba ako kasi hindi ko narinig sa'yo 'yun dati.." Lumamlam ang mata ni Ithuriel kasabay ng pagkabasag ng boses niya.
Naramdaman ko ang sakit sa dibdib ko dahil sa inakto niya. Hindi nga niya narinig sa akin 'yun pero sigurado akong naramdaman niya 'yun.
Napakagat ako sa labi ko, wala naman sigurong masama kung aminin ko, hindi ba? 'Yung dati naman ang tinatanong niya. Hindi niya malalaman na hanggang ngayon, siya pa rin.
"Minahal kita, Ithuriel.." Bulong ko habang pinaglalaruan ang sariling daliri.
Halos manginig ang labi ko sa sinabi ko. Paulit ulit siyang tumango nang iniwas niya ang kanyang mata.
Kagat-kagat niya ang labi niya na para bang pinipigilan ang sarili sa pagsasalita ngunit hindi siya nagtagumpay.
"Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ka umalis kung minahal mo pala ako." Mapait siyang tumawa ngunit sa pagbalik ng mata niya sa akin ay nakita ko ang sakit.
"Bakit gano'n, Sari? Ang daya mo.." Aniya.
Napakurap ako sa narinig. Tama siya. Naging madaya naman talaga ako.
"I-Ithuriel.. Maganda naman kasi ang nangyari diba? Tignan m—"
"Para sa'yo! Sa akin hindi, Sari! Walong taon.. Hindi mo alam kung gaano kahirap sa akin na wala ka sa tabi ko!"
Namuo na ang luha sa mga mata ko. Ang sarap pakinggan pero masakit. Puro sakit lang talaga ang dinulot ko sa kanya.
"Masaya ka ba? Kung oo, paano mo nagawa? Gusto kong malaman kasi ako kahit ilang taon na ang lumipas, ikaw pa rin!" Pinalo niya ang manibela at mariing napapikit.
My breath hitched. I felt his pain. His frustration. Parang akong binuhusan ng malamig na tubig. Gulat na makita siyang ganito.
Pagdilat niya ay bakas ang pamumula sa mata niya. Nanikip ang kotse at mas lalong hindi ako nakahinga ng ayos.
"Binabaliw mo ako, Sari.. Patawarin mo ko kung kakaiba ang trato ko sa'yo nung nakaraan, hindi ko kasi matanggap na masaya ka na habang ako naiwan lang sa ere."
Suminghot ako ng tumulo na ang luha sa mata ko.
Hindi naman ako masaya eh. Parang may kulang nga. Kung pwede lang maging makasarili, ako pa mismo ang magmamakaawang balikan mo ako.
"Hindi ko pala kaya." Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kamay.
"Wala na ba talaga, Sari? Naabot na natin mga pangarap natin.. Sabihin mo sa akin kung saan ako nagkulang, aayusin ko na ngayon. Pangako. Sabihin mo lang." Dagdag niya.
Nalukot ang kaloob looban ko dahil sa narinig. Wala naman naging pagkukulang si Ithuriel. Sa halip, sobra sobra pa nga.
"Please, Sari. Balikan mo lang ako.. Gagawin ko lahat." Basag na ang kanyang boses.
Napayuko ako at tuluyan ng sumabog sa pag-iyak.
"I-Ithuriel.." Inangat niya ang mukha ko para punasan ang luha ko.
Tinigtigan niya lang ang mukha ko. Ang mga mata ko na hindi na kayang salubungin ang kanya.
"May iba na ba, Sari?" Pansin ko ang takot sa boses niya.
Hindi agad ako nakasagot. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa dalawang mata ko at bigong lumayo.
Sandali kaming natahimik. Nakakabingi. Halos ang pagsinghot ko na lamang ang rinig pati na rin ang puso kong kumakawala't sumisigaw ng hustisya.
"Sorry.." Para siyang natauhan at pagod na bumaling sa bintana niya.
Kinabahan ako dahil baka pagtapos nito ay talagang mawalan na kami ng posibilidad. Naramdaman ko ang takot sa sistema ko. Hindi ko na kayang panindigan ang desisyon ko.
Hindi ngayong nagmakaawa pa siyang pabalikin ako sa buhay niya.
Basag na ang puso ko pero alam kong siya lang ang makakapag-ayos nito. Kung pagiging masaya lang ang pag-uusapan, walang duda at alam kong sakanya ko mararamdaman 'yun.
Gusto ko nang alisin lahat ng pangamba sa isip ko. Ayoko nang may i-konsidera, ayoko nang magsinungaling pa.
Tama na siguro 'yung sakit na dinanas naming dalawa nang magkahiwalay. Wala na rin akong pakialam kung masaktan pa kami ulit basta magkasama.
"Kung wala na talaga.. Pipilitin kong hindi manggulo. Kung saan ka masaya, Sari. Doon ako.." Mahina niyang sambit.
For once, I will allow my heart to decide for my fate before it's all too late.
Hindi ko na kinaya at hinawakan ko na ang mukha niya para harapin ako. Bakas man ang gulat at sakit sa mata ni Ithuriel ay agad napalitan 'yun ng pagkasabik at pamumungay.
"Sa'yo lang ako masaya, Ithuriel.." Ngumiti ako ng tipid habang naiiyak.
Parang may kung anong bigat na nawala sa dibdib ko pagkasabi ko noon.
Hindi siya makapaniwala, may tanong sa mga mata ngunit sinagot ko na lamang iyon sa pamamagitan ng halik.
Pinikit ko ang mata ko nang maramdaman ang malambot na labi ng lalaking pinakamamahal ko.
Tumulo ang luha ko hindi sa sakit kundi sa saya. Ramdam ko ang init sa mababaw naming halik na siyang pumunan sa ilang taon naming hindi pagkikita.
The time has stopped. The world stopped spinning. It kept stilled, inhibiting everything from moving because of our kiss.
It felt like we are definitely sharing something unparalleled for our age and time. Something that is raw, motivated by our lost years and longing for each other.
His pressed lips against mine brought warmth in my system. Pamilyar saakin ang init na dala. Si Ithuriel lang ang nakakapagparamdam sa akin nito. Siya lang.
Sobrang bilis ng karera sa aking puso nang gumalaw na ang labi niya. A lone tear escaped from my eye because of what he's making me feel. The kiss is electrifying but not sensual. It's so slow and gentle, full of passion and attention.
Para bang lahat ng pag-aalinlangan sa isip ko ay napawi sa halik na ginagawad niya sa akin. Ramdam ko ang pagmamahal.
And when our soft and sensitive lips touched, I couldn't help but feel our souls meeting— connecting.
We were separated for years with no means of communication. Our lives went through without each other's existence that I almost thought that maybe the love story I have dreamt of back when I was young, back from way before wasn't really for me. Na ang istorya na katulad ng kay Tatay at kay Nanay ay para lang sakanilang dalawa.
Tama nga ako dahil binangga ako ng katotohanan.
Magkaiba ang kanila Tatay at ang sa amin ni Ithuriel.
This is our kind of love story and I prefer this version of us rather than my parents'.
Kami ang bida rito at gusto ko itong matapos ng wala akong pagsisisihan sa huli. Gusto ko nang ituloy ang istorya kasama ang lalaking umaangkin sa labi ko ngayon. Kasama ang lalaking mahal ko.
Si Ithuriel.
He deepened the kiss and I slightly opened my mouth, letting him in. Letting him invade his property.
Kanya naman ako noon at hindi ko ipagkakaila na kanya pa rin naman hanggang ngayon.
My left hand crawled up to his nape while the other one is running through his hair. I felt his hot tongue flickered in every corner of my mouth and I responded with same amount of intensity.
His calloused hands cupped my face at kahit nalalasing ako sa mga halik niya ay sinikap kong dumilat para lamang salubungin ang mata niyang nagsusumamo.
He pulled away from the kiss. Hindi gaanong kalayo. Sapat lang upang matitigan siya ng malapitan.
Sa maiksing segundo ay nakitaan ko ang mga mata niya ng saya kahit na namumula pa rin iyon dahil sa luha kanina.
He's happy and I am, too.
I genuinely smiled, hindi mapaliwanag ang nararamdaman.
Pinunasan niya ang luhang natuyo na sa pisngi ko. Hinawi ang buhok na umalpas sa likod ng aking tainga at marahang hinalikan ang tungki ng ilong at noo ko.
"Minahal at mahal pa rin kita hanggang ngayon, Ithuriel.." I whispered.
Tumitig ako sa mata niya na bahagyang kumukurap. Marahil, hindi makapaniwala sa narinig.
Umiwas siya ng tingin nang may napagtanto at dinilaan ang ibabang labi niya. Muling tumingin sa akin.
"Sabihin mo ulit, Sari." He gulped.
Sinusubukan kung mali lang ba siya ng rinig.
"Mahal pa rin kita, Ithuriel.." Tumango tango ako upang maniwala siya.
Natahimik kami lalo na noong yumuko siya at bahagyang pumunas sa mata niya.
"S-sandali, umiiy—"
Sa halip na sumagot ay hinila niya ako palapit sakanya. Kinulong sa bisig at mukhang wala ng balak na pakawalan pa.
Bumaon ako sa kanyang dibdib at nasinghot ang pamilyar niyang amoy.
Rinig na rinig ko ang kabog sa puso niya. Sobrang bilis tulad ng sa akin.
Tumikhim siya at mas lalong humigpit ang yakap bago hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
"Ipangako mo sa akin, hindi mo na ako ulit iiwan, Sari." Basag ang boses niya, puno ng takot.
Tumango ako. Hindi mo kailangang mangamba ulit, Ithuriel.
"Hindi na, Ithuriel. Dito na ako sa tabi mo palagi. Pangako.." I bit my lower lip.
Fate brought us together, I walked away, left him, and decided alone for our own good that drove us apart for a long time.
But all of the pain and cruel past I've experienced became so much worth it the minute I found myself back in his arms again.
I realized that this is something that cannot be paid by any favor or future reward.
He is the prize and I will do everything in my power to win him.
I will do beyond what I can to make him feel important the way he deserves to be loved.
Ilang sandali pa kaming nanatili sa kotse bago magpasyang ipasok ni Ithuriel iyon sa parking ng institution.
Pinagbuksan niya ako ng pinto bago pa ako makakilos.
"Salamat." I smiled shyly.
Ngumuso si Ithuriel na mukhang nagpipigil pa yata ng ngiti at sinusubukang magseryoso.
"Hindi ka na pwedeng magpahatid kahit kanino." Umiwas siya ng tingin.
Napatakip ako sa bibig ko nang may tumakas na tawa. Sinara ko ang labi ko nang tumingin siya sa banda ko.
Sobrang gaan ng pakiramdam ko. Kahit matagal kaming hindi nagkasama, ngayong nagkalinawan kami ay parang bumalik na ulit sa dati.
"Seryoso ako, Sari." Kumunot ang noo niya.
"May gusto ka bang itanong? Itanong mo na." Ngumuso ako.
Alam kong si Kollin ang tinutukoy niya. Siya lang naman ang naghahatid sa akin bukod kay Kuya Robert.
Tumikhim siya at naglakad na kami papasok sa pasilidad. Sabay kaming tumango at ngumiti sa gwardiya bilang pagbati.
"Wala akong tanong."
Sus, hindi ako naniniwala.
Lumingon ako sakanya at pinanliitan siya ng mata. Umiwas siya at bumuntong hininga.
"S-sino yung lalaking kasama mo no'n?" Humina ang boses ni Ithuriel.
Tila tinablan ng hiya sa katawan. Bahagya akong napangiti.
Siya pa rin talaga ang Ithuriel na kilala ko noon.
"Si Kollin 'yun. Kaibigan at kaklase ko no'ng college." Tumango siya habang pinanunuod ang mukha ko.
Natahimik siya kaya akala ko wala na siyang idudugtong, mayroon pa pala.
"Kaibigan lang?" Hindi siya tumitingin. Diretso lang ang mata niya kung saan man kami papunta ngayon.
"Uh.. Nanligaw." Mabilis pa sa alas kwatro ang paglingon niya sa akin na para bang kasalanan ang sinabi ko.
Nag-abang ako sa reaksyon niya pero sa huli ay tumango lang siya.
"Hindi mo sinagot?" Tumaas ang isang kilay niya.
"H-hindi." Pinindot ko niya ang buton sa elevator.
"Bakit?" Puno ng kuryosidad niyang tanong.
"Uhh.. A-ano," bumukas ang elevator at pumasok na kaming dalawa doon. Wala namang ibang nakasakay.
Pinindot niya ang pangatlong floor ng hindi inaalis ang tingin sa akin.
Hindi ko masabi ang sagot. Hindi ko masabi na mahal ko pa rin siya kaya hindi ko masagot si Kollin.
Mayamaya ay nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya. He licked his bottom lip.
"Tingin ko alam ko na ang sagot." Namula ang pisngi ko at bahagya siyang natawa.
Hinila niya ako palapit sakanya at muling binalot ng yakap.
"Eight years, Sari.. Kung hindi man tayo nagkita, hahanapin pa rin kita hanggang sa akin ka mapunta." Bulong niya.
I heard the thumping of his heart, I knew it was sincere. Hindi ko mapigilan ang pagngiti dahil sa sobrang saya.
Tumunog ang elevator at tila ba naging propesyunal agad ako sa pagdala ng sarili.
We're going to meet Dr. Torres at kahit na bata pa lang ito gaya ko ay alam ko professional 'yun.
Dapat ako rin lalo na't sumisigaw ng propesyunalismo itong kasama ko.
O mali ako.
Naramdaman ko kasi bigla ang kamay ni Ithuriel sa baywang ko, agad akong nanigas ngunit hinayaan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa opisina ni Dr. Torres.
Bago pumasok ay huminto ako.
Tumingin si Ithuriel sa akin, looking confused kaya binaba ko ang tingin ko sa kamay niyang nasa baywang ko.
"Bakit?" Tanong niya.
"Papasok tayo. Nandoon si Dr. Torres." Ngumuso ako.
"Ayaw mo?" Napaawang ang labi ko.
"H-hindi.. Hindi naman. Basta." He chuckled, namula nanaman ang pisngi ko.
"Professionalism, Atty. Manjares." Sabi ko upang mabawi ang pagkapahiya.
He bit his lower lip, pinipigilan ang pagtawa. Hindi ko na lang 'yun pinansin at kumatok na sa pinto.
Ilang sandali lang ay bumukas din agad iyon. Bumalandra sa aming harapan ang dalagang si Dr. Torres.
Hindi kami ganoong close pero dahil sakanila namin palaging rine-refer ang mga kliente naming diagnosed from mental illnesses ay nakakausap ko siya ng madalas. She's a psychiatrist.
Wearing a pink bodycon dress matched with a laboratory white coat, she welcomed us with a warm smile.
Hubog ang kanyang katawan at mapusyaw ang pisngi. Unat na unat din ang brown na buhok.
"Hello, Dr. Torres." Ngiti ko.
"Good day, Ms. Alonte!" Bumeso siya saakin at bumaling din sa katabi ko.
"Nice to see you, Atty. Manjares." Halos lumuwa ang mata ko nang pati kay Ithuriel ay bumeso siya.
Nakita ko ang pagpula ng pisngi ni Dr. Torres at ang 'di mapigilang pagngiti.
I glared at him but he looked surprised, too. Mukhang hindi inaasahan ang pagbeso ng dalaga sakanya.
"Magkakilala kayo?" I asked.
"No, not really, Sariah. We just talked last night about Mr. Cruz. Actually, he arrived earlier than you two. Mga 30 minutes na yata. Nasa 4th floor siya if you want to visit." Ngumiti si Dr. Torres at tila hindi mawaglit ang malagkit na tingin kay Ithuriel.
"Talaga?" Sabi ko.
Nag-usap na pala sila kagabi, ano pang ginagawa namin dito?
Kumunot ang noo ni Dr. Torres at tumikhim naman si Ithuriel.
"Do I still need to sign some admission papers for my client?" Tanong ni Ithuriel.
"No. It's okay na. Everything's well taken care of. I will only discuss all of his medications para sa paggaling niya."
Pinaupo niya kami sa colored cream na sofa at siya naman ay sa pang-isahang upuan sa aming harap.
Mahaba ang sofa ngunit pinili kong tumabi sa gilid ni Ithuriel.
Nakita ko ang multo ng ngiti sa gilid ng labi niya kaya umusog ako ng kaunti palayo pero hindi niya ako hinayaan.
Hinatak niya ako ng marahan sa baywang para magkadikit kaming dalawa. Nanlaki ang mata ko at narinig ko ang pagtikhim ni Dr. Torres.
Walang kumibo sa aming dalawa pero hindi inalis ni Ithuriel ang kamay niya sa akin. Nagsimula na sa diskusyon si Dr. Torres kahit halatang ilang hanggang matapos siya.
"T-that's it. We will send you daily reports about his condition, pwede rin naman bisitahin dipende sa schedule niya."
Tumango si Ithuriel, seryosong nakikinig habang hindi naman ako makagalaw. Nahihiya sa harapan ng dalaga.
"Thank you, Dr. Torres. May iba pa bang kailangan?" Mabilis itong umiling.
Bumaling naman saakin si Ithuriel.
"Are you starving? Let's eat somewhere else." He said.
Tumingala ako dahil matangkad siya sa akin kahit nakaupo.
"Let's go." Iginiya niya na rin ako patayo hanggang sa maihatid kami ni Dr. Torres sa pinto.
"Mukhang close na close kayo ni Ms. Alonte, Attorney ha." Hilaw na ngiti ng dalaga.
"Ah, oo. Girlfriend ko kasi siya." Tumango na si Ithuriel bilang paalam at naiwan namang gulat si Dr. Torres.
Umakyat ang dugo ko sa mukha. Hiyang hiya sa pinagsasasabi ng katabi ko.
Paglabas ay tinaasan ko ng kilay si Ithuriel.
"Bakit? Hindi ako pumayag makipaghiwalay sa'yo, Sari. Kaya tayo pa rin." Ngiti niya.
Hindi na ako nakaalma, gusto ko rin naman.
Matapos magbilin ni Ithuriel sa staff at court guards na naghatid kay Mang Agripino ay dumiretso na kami sa kotse. Hindi makapagdesisyon kung saan ba kakain.
Sa huli ay pinili naming sa bahay na lang niya para makapag catch up naman kami sa buhay ng isa't isa.
"Anong gusto mong kainin?" Pinanuod ko ang likod ni Ithuriel habang papasok kami sa bahay niya.
"Kahit ano.." Agad kaming sinalubong ni Iska. Ang aso niya.
Hindi tuloy mawala sa isipan ko kung kumusta na kaya iyong baka ni Ithuriel sa probinsya?
"Magluluto na lang ako." Tumango ako at ngumiti sakanya.
Pinantayan ko ng upo si Iska at kinausap na para bang naiintindihan niya ako.
Naramdaman ko ang pagngiti ni Ithuriel sa gilid ko at pag-iling.
"Bakit ba lahat ng alaga ko, malapit agad sa'yo?" Mabilis nag-init ang pisngi ko sa narinig.
Napatingin ako sakanya. Kasalanan ni Jai 'to. Dito sa Maynila kung anu-ano nang nalaman ko dahil sa babaeng 'yun.
His eyes widened. Mukhang may na-realize sa sinabi niya.
"Magluluto na ako." Napalunok siya at hinubad na ang coat niya, leaving his button down longsleeves na tinupi naman hanggang siko niya.
Bahagya akong napatawa. Ganitong ganito siya noon. Masaya ako kasi kahit papaano, hindi pa rin siya nagbabago.
Umupo na ako sa dining at pinanuod siyang maghanda para sa lulutuin niya.
Nakatalikod siya mula sa lamesa at nakaharap sa may lababo. Hindi mapigilang gumala ng mata ko sa malapad niyang likod.
Kung paano gumalaw ang kanyang balikat, braso, at kamay. Sa laki ng galaw niya ay parang mabilis lang niyang matatapos ang lulutuin niya.
Ilang sandali pa nga ay nilatag niya na ang ulam sa mesa. Mabilis naman akong tumayo para maghain at kumuha ng tubig.
Pagbalik sa mesa ay agad akong pinaglagyan ng pagkain ni Ithuriel sa plato.
I can't help but smile by his gesture. Sobrang na-miss ko 'to.
"Kumain ka ng marami." Aniya.
Pagtapos ay pinadaanan ng tingin ang katawan ko. Mukhang alam ko na agad ang sinasabi niya.
"Hindi naman na ako ganon kapayat!" Depensa ko.
Tumawa siya at tumango. "Hindi na nga."
Tumawa na lang ako at muling napatitig sa bahay. Hindi ko talaga maiwasang 'di mamangha sa disenyo nito lalo na no'ng unang punta ko. May naalala tuloy ako.
"Ithuriel.." Umangat ang tingin niya sa akin.
"Sino 'yung babaeng galing dito noong pumunta ako dito?" Kumunot ang noo niya at unti-unting nangiti.
"Si Cher?" I shrugged.
Malay ko ba kung sino 'yun?
"Family friend, Sari. 'Yun lang." Tumango ako at nagsimula ng kumain habang nagpipigil naman siya ng ngiti.
Bakit ko ba naisipan itanong 'yun? Hindi naman ako ganito noon. Baka kasi hindi ako sanay, alam ko kasing mailap si Ithuriel sa mga babae pero ng makita ko ang babaeng 'yun eh mukhang super closed na sila.
Sandali kaming natahimik at nagsisi agad ako kung bakit ko ba tinanong 'yun. Nakaabang lang sa reaksyon ko si Ithuriel, nakabantay sa bawat galaw ko.
Tumikhim ako. I watched him eat his food. Tulad ng dati ay mabilis pa rin siyang kumain.
'Pag lumilihis sa akin ang mata niya agad akong nagbababa ng tingin. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagiging teenager!
Pagtapos namin kumain ay nagprisinta akong maghugas. Pumayag naman siya at pinanuod lang ako mula sa likuran.
Sobrang tipid tuloy ng kilos ko dahil alam kong nakamasid siya. Muntik na akong manigas ng naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay niya sa baywang ko.
He's hugging me from behind.
"Naalala mo ba nung unang beses mo akong pinagluto? Hanggang nood lang ako sa'yo no'n pero ngayon.. I miss you, Sari." Bulong niya.
Napangiti ako ng bumalik sa isipan ko. 'Yun yung nag-away sila ni Matias at nagprisinta akong lutuan siya ng pagkain kaysa gumalaw pa siya.
"Kumusta ka? Sa walong taon na 'yun? Gusto kong malaman.. Lahat." Sobrang lambot ng boses ni Ithuriel.
Naramdaman ko nanaman ang init na humipo sa puso ko.
"Si Jai at Kollin lang ang naging kaibigan ko paglipat ko sa Maynila." Tumingala ako para makita ang mukha ni Ithuriel.
Narito na kami ngayon sa sofa at nakadantay ako sa dibdib niya habang nag kukwentuhan. Bukas ang telebisyon pero sobrang hina lamang ng volume.
Umangat ang isang kilay niya.
"Kollin? 'Yung nanligaw sa'yo?" Tumango ako at pinanuod ng mabuti ang magiging reaksyon niya.
"Mabait ba 'yun?" Dahan-dahan akong tumango.
"Sorry, I wasn't there." Mapait siyang ngumiti at saka dumiretso ng tingin sa kisame.
Hinawakan ko ang kamay niya at pinakinggan ang tibok ng puso niya.
"Not your fault." Paninigurado ko sakanya.
Bumaba ang tingin niya sa akin at tinitigan ang mga mata ko.
"I think I should be thanking him. For being there when I was gone." I was shocked for a minute.
Hindi ko expected na maiisip niyang gawin 'to pero hindi rin malayo. Iba si Ithuriel sa mga tipikal na lalaki.
"Ikaw? Kumusta?" Dumapa ako at pinatong ang baba ko sa dibdib niya.
"Ngayon? Masaya. Sobrang saya. Nandito ka na ulit kasi." Nilaro niya ang dulo ng buhok ko gaya ng dati.
"Ako rin, Ithuriel.. Pero gusto ko rin malaman kung kumusta ka noong wala ako sa tabi mo." Ngumuso ako.
Tipid siyang ngumiti. "Mahirap.. Muntik nang sumuko, Sari. Pero tuwing naiisip kita parang may humihila sa akin pataas."
Sandali kaming binalot ng katahimikan.
"I'm so proud of you." Pinanuod ko ang mukha ni Ithuriel at hinawi ang buhok niyang nakaharang sa kanyang noo.
Hindi ko mapigilan ang mamangha sa kakayahan niya. He deserved all of his victory after everything he's gone through.
He smiled. "I'm proud of you, too."
Muli kong idinantay ang ulo ko sa dibdib niya. Nanatili lamang kami sa ganoong pwesto habang patuloy na nag-uusap.
Kinuwento niya lahat ng pinagdaanan niya simula ng pag-alis namin sa probinsya, pagpasok niya sa law school hanggang sa mahanap niya ang tunay niyang magulang.
I was watching him the whole time, mesmerized on how strong and vulnerable he is around me just as I am to him.
Ngayon ko napagtanto na hindi ako kailan man mapapagod pakinggan ang boses ni Ithuriel.
Years may have passed but he still soothes me. He makes me feel at peace.
Gaya ng pakiramdam ko sa piling ni Tatay noon.
Ithuriel is my safe haven.
Ngayong nasa mga bisig niya na ako ulit, halos makalimutan ko na lahat ng mga pinagdaanan ko.
I may be unfair and cruel for letting him go before but if I were given a chance to change the past, I won't.
Kung hindi nangyari 'yun, baka hindi kami ganito ngayon.
What I can only do right now is to promise myself that I won't do it again. To never leave him again. To stick with him through thick and thin.
"Hindi na ako ulit aalis, Ithuriel.." I assured him as he envelops me into a tight embrace.
Itataga ko sa bato, hinding hindi na.
I'm decided. I am now at the point where I want myself to be finally happy and that would only be possible if I am here with him, back in his arms again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top