Chapter 37

"During our session, sinabi sa akin ni Mr. Cruz na isang taon na ang lumipas noong huli niyang paggamit ng illegal drugs." Sagot ko.

"Ibig sabihin ba no'n ay huminto na dati, nagpatuloy at huminto ulit ng isang taon?"

"Yes."

"Does that mean he is a drug addict?" Nanuyo ang lalamunan ko ng marinig ang mahinang reaksyon mula sa harapan.

"No. He was. Hindi na ngayon." Tumango ang lalaking District Attorney.

"Paano namin malalaman kung isang taon na nga lumipas simula noong huli niyang paggamit? Do you have evidence to prove his claim?" He asked.

Tumango ako at linahad ang brown envelope na naglalaman ng medical record ni Mang Agripino.

"Yes. He underwent a drug test days ago and results were found negative. It was proven that he's clean now."

Kahit kinakabahan ay lumipat ang mata ko sa harapan kung nasaan si Mang Agripino na katabi Ithuriel.

May nakabantay na guard sa gilid ni Mang Agripino habang si Ithuriel naman ay prenteng nakaupo sa kaliwa niya, seryoso ang tingin sa akin habang suot ang kanyang itim na suit and tie.

Dalawang araw na rin ang lumipas simula ng huli naming pagkikita. Hindi man maganda ang nangyari, sinikap ko pa rin ang tungkol sa kaso ni Mang Agripino.

I stayed up all night studying his condition. After all, iyon naman talaga ang trabaho ko.

I am now on the witness stand to answer the D.A.'s questions regarding the psychological evaluation of Mr. Cruz.

"Can you state the specific illegal drugs he took from before?" Naglakad-lakad ito sa aking harapan.

"Heroin. Cocaine. LSD." Tumaas ang kilay ng D.A.

"Can you tell me what exactly happens when these specific drugs enter and exit a body?" I nodded and exhaled.

"There's two different processes. First is intoxication, that's when the drugs exert its effect on both behavioral and psychological aspect of someone when it goes into their body. Second, if the drugs exit for a long period of prolonged use, symptoms of withdrawal might occur and it can cause someone to feel sick and ill."

Suminghap ang mga tao sa loob at nakarinig ako ng mumunting bulungan.

"Based on your statement, maaari kayang iyon ang dahilan sa pagkamatay ng kanyang asawa—"

Kumabog and dibdib ko ng tumayo si Ithuriel at tumingin sa Judge.

"Objection, your Honor. He's leading the witness!"

"Sustained. Rephrase the question." Aniya.

Nakita ko ang paglunok ni Ithuriel at muli niyang pag-upo. Bumalik naman ang tingin ko sa D.A. nang magsalita ito.

"Ms. Alonte, does intoxication and withdrawal could make Mr. Cruz a violent person?" Nanuyo ang lalamunan ko.

"Uh.. Y-yes.. There's a possibility." Pagkasagot ko ay tumama ang mata ko kay Ithuriel.

Kaagad siyang umiwas ng tingin at muli ko nanamang naramdaman ang kirot sa aking puso.

Hindi ko na lang 'yun pinansin at bumaling na ng tingin sa harapan, muling inipon ang lakas para magsalita.

"However, taking substances like heroin, cocaine, and LSD may also fall in to a whole heap of other conditions." Dagdag ko.

"Can you explain it further, Ms. Alonte?"

"The conditions may result in substance induced disorders, disorders of mood, experiencing moods that are too high, like mania, or moods that are too low, like depression or disorders related to anxiety, sleep, and sexual function." Tumingin ako sa banda nila Mang Agripino.

"Noong kinakausap ko si Mr. Cruz, sinabi niya sa akin na nahihirapan siyang makatulog. May nakikita siyang mga anino na sa tingin niya'y sasaktan siya. With that, after diagnosed, I've learned that he is suffering from drug-induced psychosis which is the loss of contact with reality. Wherein a person can hear voices, see things or become very paranoid given that it is often characterized by delusions and hallucinations."

"Are you saying that Mr. Cruz is mentally ill?"

I gulped. Pakiramdam ko ay sumikip ang court room.

"Yes. He is." Binalik ko ang tingin sa D.A.

"Okay. No further question."

Pagbaba ko ay hindi na ako muling lumingon. Hindi ko na rin tinapos ang magiging hatol.

Para akong nanghihina. Marahil dahil ito na rin ang huling beses kong makikita si Ithuriel.

Pagkalabas ko ng pinto ay agad sumalubong sa akin si Kollin.

He's wearing a beige button down shirt and a khaki pants. Lumabas ulit ang dimple niya sa pisngi.

"Bakit hindi mo tinapos?" Tanong niya.

"M-may pasok pa tayo.." Umiwas ako ng tingin.

Sandali akong tinitigan ni Kollin at nagkunwari na lamang akong nag-aayos ng bag.

"Okay. Let's go." Tumango ako at sumunod na sakanya.

Tulad noon ay hinatid ako sa korte ni Kollin. Ngayon ay babalik kami sa opisina para magtrabaho.

Ngunit alam ko naman sa sarili ko na umiiwas lang ako. Ayokong malaman ang hatol.

Naniniwala ako kay Ithuriel bilang abogado pero hindi ko yata kaya kung ako ang magiging sanhi ng pagkakulong ni Mang Agripino.

Pagdating sa labas ay sumakay na ako sa passenger seat ng BMW ni Kollin.

Binuhay niya ang radyo sa sasakyan at tumugtog ang isang kantang mas lalong nagpalungkot sa akin.

Tahimik lang kasi kami sa buong byahe. Siguro napansin niyang hindi ako masyadong kumikibo.

Sensitive kasi itong si Kol at marunong makiramdam sa ibang tao.

Tinignan ko ang repleksyon ng sarili ko sa mula sa side mirror ng sasakyan.

Nakasuot ako ng white short sleeve button up top and high waisted gray trousers. Ang buhok kong kulot ay nakalugay sa harapan.

Mukha namang normal. Mukhang wala namang dinaramdam.

Habang umaandar ang sasakyan ay hindi mapigilan lumipad ng isip ko.

Ano na kayang nangyayari? Nakatulong ba ako sa kaso ni Mang Agripino? Nakatulong ba ako kay Ithuriel?

Pait akong napangiti. Naalala ko ang kanina. Noong tumayo si Ithuriel para magsalita. Wala talagang duda, bagay talaga sakanya ang pag a-abogado.

Sayang lang at hindi niya ako kasama noong natupad niya 'yun. Well, kasalanan ko naman.

Pinanuod ko ang mga tao sa labas, mariing pumikit at nagdasal na sana'y maging maganda ang hatol.

Kasi kung hindi, alam kong hindi magiging masaya si Ithuriel at 'yun ang ayokong mangyari dahil wala na ako sa sa tabi niya kapag nagkataon.

"Is that him?" Lumingon ako kay Kollin.

"Huh?" Hindi ko narinig ang tanong niya.

"'Yung attorney. Is that him?" Lumipat saglit ang mata ni Kollin sa akin habang nagmamaneho.

Umiwas ako ng tingin.

"Y-yeah. It's him."

Kilala ni Kollin si Ithuriel. Gaya ng sabi ko noon ay halos alam na niya ang lahat dahil matagal ko na siyang kaibigan.

"Sabi ko na eh." Tumawa ito ngunit alam kong pilit iyon.

Matamlay siyang ngumiti at ginulo ang buhok ko.

"I knew it. Noong pagkakita ko pa lang sakanya sa court clinic." Hindi ako sumagot.

Parang nanakit lalo ang puso ko. Am I being fair?

Kollin and I are friends for a very long time. Pero habang tumatanda, his feelings for me have changed. It evolved.

Alam kong nagustuhan niya ako at gano'n rin ako sakanya pero nang makita ko ulit dito sa Maynila si Ithuriel, napagtanto ko na magkaiba.

Hindi 'yun pareho sa paraan ng pagkagusto ko kay Ithuriel. Malayo. Sobrang layo.

Ngayon gusto ko siyang kausapin. Ayokong masaktan ko siya pero mabuti na rin 'yun kaysa umasa siya sa wala.

Pagdating namin sa Lamarre Corporations ay inaya ko siya sa rooftop.

Pumanik kami sa puting metal na hagdanan ng malaking tangke at naupo sa gilid no'n nang nakalaglag ang paa, nakalutang sa hangin.

Ako sa kaliwa at siya naman sa kanan.

Alas Kwatro na at ang kulay ng langit ay pinaghalong kahel at rosas. Kahit hindi gano'n kasariwa ang hangin ay masarap pa rin sa pakiramdam.

Malayo ang ingay mula sa abalang syudad. Tanaw at tila lumiit tignan ang mga gusali sa ibaba.

"Anong gagawin natin dito?" Tumaas ang isang kilay ni Kollin at tipid na ngumiti.

Ang kamay ay nakapasok sa magkabilang bulsa ng pantalon.

Alam kong nagbibiro lang siya para pagaanin ang loob ko. Wala pa nga ay parang naiiyak na ako.

Ayokong masaktan si Kollin pero alam kong mas masasaktan siya kung patatagalin ko lang 'to.

"H-huwag ka nga.." Tumingala ako para 'wag bumagsak ang namumuo kong luha.

"Huwag ka din." Ngumiti siya at hinila ako palapit saka yinakap.

Ang ulo ko ay dumantay sa dibdib niya habang sinusuklay naman niya ang buhok ko.

"Huwag kang umiyak, Sariah." Bulong niya.

Pagkarinig no'n ay mas lalong bumigat ang hininga ko at nagsimula na akong humikbi.

"K-kollin.."

"Sssh. Hindi mo kailangan magpaliwanag. Alam ko. Alam ko.." Sandali kaming natahimik sa ganoong posisyon.

Ang hangin ay humahampas sa aming balat, sanhi ng pagsayaw ng mga damit namin. Sumabog rin ang buhok ko.

Umayos ako ng upo at inayos 'yun. Malungkot akong tumingin kay Kollin pero nakangiti lang siya, nakatitig sa mga mata ko.

"Kollin.. Sorry." Tumulo ang luha ko at napatakip sa bibig.

Umiwas siya ng tingin at mayamaya'y binalik rin 'yun.

"Bakit sorry? Wala ka namang ginawa. Nagmahal ka lang." Ngumiti siya ngunit kada ngiti niya ay nasasaktan ako para sakanya.

"Huwag ka malungkot. It's not your fault na siya ang pinili niyan." Tinuro niya ang puso ko.

Mas lalong tumulo ang luha ko.

"Walang dapat ikalungkot. Alam mo swerte pa nga ako kasi pinayagan mo akong ligawan ka. Iyon lang naman ang gusto ko, ang mapalapit sa'yo at..." Lumunok siya at bahagyang tumawa.

"Mahalin ka." Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon.

Tinignan naman niya 'yun at hinigpitan ang pagkakahawak. Pagtapos ay muling bumaling sa akin.

"I'm not asking love in return, anyway. Alam ko na 'yun umpisa pa lang at okay na ako na hinayaan mo akong mahalin ka." Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi.

Si Kollin ang nakasama ko noong panahong lugmok na lugmok ako. Panahong takot na takot ako at puno ng pangamba sa mga lalaking makakasalamuha ko. Panahong nagpatawad at nakabangon ako.

He was there all along.

At nalulungkot ako dahil hindi ko masuklian ang mga bagay na 'yun.

"Pero hindi ako magsisinungaling, Sariah. I somehow imagined you being the woman who I'll be spending my entire life with." Mapait itong tumawa.

"Tumatanda na tayo eh. You know, adulthood." Tumingin siya malayo.

Sa harapan kung saan ang tanging tunog ng mahihinang busina na lamang ang ingay na naririnig namin sa aming pagitan.

"Thank you, Sariah. For telling me. I really appreciate your honesty." Lumunok siya at nagseryoso.

"Can you do me a favor?" Bumaba ang tingin niya sa aking kamay, pinaglaruan ang daliri ko.

Mabilis akong tumango.

"Anything, Kol." Lumingon siya sa akin at sumibol ang katamlayan sa mata niya.

"Please, be happy." Ngumiti siya ngunit bakas ang sakit do'n.

"Kasi ako masaya na ako knowing na pinayagan ako ni Sariah Vera na ligawan siya." Napailing ako habang umiiyak.

"All I wanted for you is to be happy. Tandaan mo rin na hindi ako mawawala sa tabi mo. I'm your friend. Know that I will always be." Yumuko siya at hindi ko na napigilang yakapin siya.

"Thank you, Kollin. Salamat. Sobra." Sinuklian niya ang yakap at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Thank you, Sariah. Dahil sa'yo, naging matino ako." Biro niya.

Pareho kaming natawa ngunit sa kabila no'n ay ang kaakibat na dala naming sakit.

Nanatili kami doon hanggang maubusan kami ng pagkukwentuhan. Hanggang sa mapagod ang mata namin kakatingin sa malayo. Hanggang sa makuntento na hanggang dito na lang. Nanatili kami hanggang sa lumubog na ang araw at napalitan ng dilim.

Pagtapos ay nagpasya na ring bumalik sa kanya-kanya naming opisina.

Balak kong mag-overtime dahil marami rin ang papel na aayusin ko, mga records at kung anu-ano pa.

I also wanted to keep myself busy to divert my attention. Ang haba ng araw na 'to. Pakiramdam ko mabilis akong makakatulog mamaya.

I opened my laptop at nagsimula na sa trabaho when I heard a knock on my door.

"Pasok."

Agad naman iniluwa no'n ang sekretarya ko. May hawak siyang cellphone.

"Yes po, Mr. Levine. Opo, nandito na po ako sa harapan niya. Bye po." Binaba niya ang tawag at humarap sa akin.

"Good evening, Ma'am. Tumawag po si Mr. Levine, asking if you're okay daw po ba kasi hindi niya daw po kayo nakita pagtapos sa korte."

"Oh, pakisabi nauna na kasi akong umuwi at hindi ko na tinapos pa. Thank you." Ngumiti ako.

"Sige po, pinasasabi rin po pala niya na nanalo daw ang kaso ni Mr. Cruz pero kailangan daw itong dalhin sa mental institution."

Nakahinga ako ng maluwag sa narinig! I knew it! I know he will win the case.

"He's asking for recommendation kung saan ang magandang institution pero much better daw po kung kumonekta ka na ng diretso kay Atty. Manjares." Dagdag niya.

Napapitlag ako ng banggitin ang apelyido ni Ithuriel. Muntik pang mahulog sa swivel chair.

"Ma'am? Okay ka lang?" Aniya.

"Uhh, oo. Thank you. Sige, uhh paki-connect kami ni Atty. Manjares."

"Alright, ma'am." Lumabas na ito ng pinto at mayamaya lang ay nagring na ang telepono sa opisina ko.

Naghuramentado ang puso ko. Ano ang sasabihin ko?

Kalma, Sari. Siya ang magtatanong, sasagot ka lang.

Napalunok ako. Pinatagal ko rin ng ilang sandali ang pag ring ng telepono bago ko sinagot.

"Hello, this is Sariah Vera." Ani ko.

Rinig ko ang katahimikan sa kabilang linya ng biglang may tumikhim mula ro'n.

"Hello. It's Atty. Manjares." He said in a baritone voice. Parang nanggaling sa ilalim ng baul.

Ngayon ko na lang ulit narinig sa telepono ang boses niya. Mas lalo yatang gumwapo.

"Congrats, Attorney. I heard that you've won the case." I tried my best to sound casual.

Hindi siya sumagot. Kaya naman dinugtungan ko na ang sinabi ko.

"Nasabi rin pala sa akin ni Mr. Levine na naghahanap ka ng institution para kay Mang Agripi—" Napahinto ako.

"I mean Mr. Cruz.. Mayroon akong alam, I can give you the details if you want." Napalunok ako dahil pakiramdam ko ay masyado na akong madaldal.

Tumikhim ulit siya sa kabilang linya.

"Yes, thank you. You'll send me the details?" Tumango ako kahit 'di niya makikita iyon.

"Of course. Through email?" Tanong ko.

"No. Through text. I'll give you my number." Nanlaki ang mata ko at hindi agad nakapagsalita.

"O-okay.." Pagkasagot ko no'n ay binanggit niya na ang numero niya.

Mabilis kong binuksan ang drawer para humanap ng pagsusulatan.

Nahagip ko ang isang sticky note at agad na sumulat doon.

"You can send it after your work or tomorrow. No pressure." Sabi niya.

"Okay lang. I'll just send it right away." Napatitig ako sa papel na sinulatan ko.

Sticky note pala 'yun na nanggaling kay Ithuriel noon. Lahat kasi ng sulat niya nakatabi pa rin sa akin.

Sa drawer ng opisina ko para kapag nalulungkot ako, may babalik balikan ako. Kahit sa sulat na lang.

Tipid akong napangiti habang binabasa sa isip ang nakasulat.

Sari,
Huwag kang mag-alala, sabay lalakad ang mga paa natin paakyat.

Napakagat ako sa labi ko.

Nakaakyat na tayo, Ithuriel. Nagawa natin pareho. Nagawa natin ng magkahiwalay.

"Hello?" Nagising ang diwa ko ng marinig ko ulit ang boses niya sa telepono.

"Uh, hello." I cleared my throat. "Isesend ko na kaagad mamaya." Dagdag ko.

I heard him sighed. "Okay."

"Okay." Napahawak sa noo ko. Hindi na alam ang sunod na sasabihin. 

Tumikhim siya sa kabilang linya.

"Good night." At naputol na ang tawag.

Napahawak ako sa dibdib ko. Tama ba ako ng rinig? Nag good night siya?

Mariin akong napapikit pagbaba ng telepono at sumandal sa swivel chair.

"Good night lang 'yun, Sari. Kumalma ka. Walang ibig sabihin." Bulong ko sa sarili at saka hinilamos ang kamay sa mukha.

Nang mahimasmasan ay umayos na ako ng upo at nagsimulang i-text sa numero niya ang detalye.

"What? Are you serious? Pupunta dito si Ithuriel?" Sigaw ni Jai.

Napatakip ako ng tainga habang nakasandal sa swivel chair ng opisina.

"Oo." Ngumiwi ako.

Linakihan ni Jai ang mata niya habang nakangiti. Kapansin pansin din ang red lips niya.

"Like how? Alam niya ba ang address ng Lamarre Corp?" Humarap pa lalo sa akin si Jai habang nakaupo sa sofa. Mukhang excited sa malalaman.

"Tinext ko sa kanya kagabi." I bit my lower lip.

"Ano!? So, you guys are text mates?" Mabilis akong umiling at sinara ang laptop ko.

"Hindi ah. Nagsend lang ako ng details about sa mental institution."

"Ahhh." Tumango tango si Jai na para bang hindi naniniwala.

"Totoo nga." Humagalapak siya ng tawa sa sinabi ko.

"Oh, wala naman akong sinabing 'di totoo!" Hinawi niya ang buhok niya.

Umagang umaga ay sobrang taas na agad ng energy ni Jai. Patuloy niya akong inuusisa sa pagpunta ni Ithuriel dito mamaya.

Nakwento ko kasi sakanya na kagabi pagtapos kong i-send ang detalye tungkol sa institusyong papasukan ni Mang Agripino kay Ithuriel, nag-insist itong pumunta na lang sa opisina ko para pag-usapan.

Kaya kahit hindi naman na kailangan, napilitan akong pumasok ng maaga ngayong araw dahil wala naman siyang sinabi oras.

Ayoko namang magtext pa dahil baka kung anong isipin niya. Ito tuloy ako ngayon, kinakabahan.

"Tingin mo awkward kay Kol? Paano 'pag nagkita sila?" Pumunta sa desk ko si Jai at linapit ang mukha niya sa akin. Agad akong lumayo.

"Nag-usap na kami ni Kollin. Alam niya.." Napayuko ako ng maalala ko kung gaano lungkot ang mata niya kahapon.

"Sabagay, kahit naman gaano pa kabait 'yang si Kollin eh kung wala talaga. Okay lang 'yun, Sariah. Kaysa naman umasa siya." Pumamewang si Jai at ginala ang tingin sa opisina.

Ilang sandali lang ay tumunog ang telepono sa opisina ko. I immediately picked up the call.

"Hello?"

"Good morning, Ma'am. Heads up ko lang po kayo, dumating na po si Atty. Manjares. On the way na po siya diyan sa office niyo." Nanlaki ang mata ko sa narinig mula sa aking secretary.

Nakita kong napalingon sa akin si Jai at tila nagtatanong kung ano ang sinabi.

I mouthed the name Ithuriel at tinuro ang pintuan.

Nanlaki ang mata ni Jai at tumuro pababa habang may binibigkas ang salitang 'ngayon?' ng wala ring boses.

Tumango ako at sumigaw naman siya nang pabulong. Halatang tuwang tuwa.

"Ma'am?" I cleared my throat.

"U-uh, yes yes. Thank you." Napakamot ako sa ulo.

Ang aga naman? Akala ko mga after lunch pa siya makakapunta.

"You're welcome, Ma'am." Saka naputol ang kabilang linya.

Pagkababa ng telepono ay biglang tumakbo palapit saakin si Jai.

"Sariah! Mag-ayos ka!" Tumalon talon pa sa harapan ko at inayos ang buhok ko.

"Ano ka ba, Jai. Hindi naman 'yan kailangan. Wala naman na.." Mapait akong tumawa ng pati damit ko ay pagpagin niya.

"Oh my god! Alam kong gwapo siya base sa mga kwento mo kaya naiintriga ako, asan na ba 'yan? Baka naligaw na 'yan sa laki ng opisi—" Nahinto siya sa pagsasalita ng may kumatok.

Mabilis kumabog ang dibdib ko at napatingin kay Jai.

"Buksan mo na." Bulong niya at umayos na ng upo sa sofa.

Lumunok ako at lumapit na sa pinto saka 'yun binuksan.

Parang napako ang paa ko nang magkatinginan kaming dalawa ni Ithuriel.

May kakaiba sa mata niya ngayon, parang may bumalik. O baka guni-guni ko lang 'yun?

"Hi." I greeted him awkwardly.

He cleared his throat and looked away, breaking our gaze. Napakagat ako sa labi ko, may parte sa akin na natutuwa ngunit kailangan kong pigilan. Ganitong ganito siya noon.

"Hi." Aniya.

Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Gaya ng nakasanayan, nakasuot ulit siya ng dark colored suit at puting button down shirt sa loob.

Napaka gwapo pa rin talaga ni Ithuriel.

Naputol ang paninitig ko sakanya nang marinig ko ang pagtikhim ni Jai sa loob.

"P-pasok ka." Mas linakihan ko ang uwang ng pinto.

He slightly smiled and nodded his head. Pumasok na siya at sinara ko naman na ang pinto.

Gumala ang tingin niya sa loob at nagkatinginan naman kami ni Jai.

Linakihan niya ang mata niya, ang gusto niya yatang mangyari ay ipakilala ko siya kaya sinunod ko iyon.

"Uh, this is Jai, my friend. She's also working here. Jai, si Atty. Manjares." Bumaling ang mata sa akin ni Ithuriel at tila tumagal 'yun ng minuto bago nagdesisyong makipag-kamay kay Jai.

Bakit? May mali ba sa sinabi ko?

"Nice meeting you." Bati niya.

"Nice meeting you too, Atty. Manjares! Madalas kang makwento sa akin ni Sariah." Sabay ngiti ng malawak.

Muntik na akong maubo sa narinig. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Ithuriel ngunit agad ding nawala 'yun.

"Talaga?" He smiled.

Tumikhim ako at hinawi ang buhok sa likod tainga.

"Hindi ba't may gagawin ka pa sa opisina mo, Jai?" Agap ko.

"Huh? Mayroon ba?" Naguguluhan niyang tanong.

Pinanlakihan ko siya ng mata ng hindi nakikita ni Ithuriel. Nang bumaling naman ako dito ay ngumiti ako.

"Ah yes, right! Oo nga, may gagawin nga pala ko." She laughed, realizing what I want.

Tumango ako at pinanuod siyang makalabas ng pinto. Isang kaway pa ang iginawad niya sa amin bago tuluyang makalabas at do'n lang ako nakahinga ng maluwag.

Hinarap ko si Ithuriel, nakatayo lang siya, nakaabang sa susunod kong galaw.

Napalunok ako. Hindi ako mapalagay. Kaya nag-iisip ako ng sasabihin.

"Uh, upo ka muna." Sinunod niya sinabi ko at naupo sa mahabang kulay kalawang na sofa.

Naupo naman ako sa one seated chair na kaharap niya. Tumikhim ako para magkaroon ng ingay sa pagitan namin habang nagsusukatan ng tingin.

"Uhm, si Dr. Torres 'yung sinasabi ko kagabi. She's really good. Tiwala akong matututukan si Mr. Cruz do'n." Panimula ko.

I tried to be professional at ayoko na rin namang maramdaman niyang apektado ako sa harapan niya. 

Tumango lang siya at mariing nakatingin sa akin. Mukha siyang may malalim na iniisip, nakasandal ang likod, knees a bit parted looking relaxed habang ako naman ay balisa dahil sa 'di niya pananalita.

"Don't you have any questions, Atty—" He cut me off.

"Marami." He said while looking me intently.

Parang tinakasan ako ng hininga ng napakiramdam kong iba ang tinutukoy niyang tanong.

"A-ano?" Mahina kong tugon.

He licked his lips, making it red. Napalunok siya pagtapos no'n at 'di rin nakatakas sa paningin ko ang paggalaw ng adam's apple niya.

Bumuka ang bibig niya ngunit muli namang sinara. Hinintay ko siya hanggang sa makapagsalita.

"Never mind." Umiwas siya ng tingin at tumango naman ako.

"Kumusta si Mr. Cruz?" Tanong ko.

"He's on probation. The court guards are probably on their way to send him to the institution." Kumunot ang noo ko.

"You're not going?" I asked.

"Pupunta. Dumaan lang ako dito." Nagsimula nanaman ang pagtatambol sa dibdib ko.

Sabi niya kagabi, pupunta siya dito para pag-usapan ang pagpasok kay Mang Agripino sa institusyon tapos ngayon on the way na pala ito doon?

Ibig sabihin naayos na ang mga kailangang papel.. Ano pang ipinunta ni Ithuriel dito?

Hindi maiwasan ng isip kong maglakbay. Hindi kaya gusto niya ng suporta? Siguro? Kasi mahirap rin naman para sakanya lahat ng nangyayari.

Napapikit ako ng kusang bumukas ang bibig ko.

"Can I go with you?" Mahinang tanong ko.

He stiffened a bit. Looking surprised.

"You have no plans for today?" His brows furrowed.

"I can adjust my schedule." I assured him.

Hindi naman ako manggugulo. If he chose to move on, edi okay lang. If he wants us to be civil, okay lang rin. Kahit anong maging desisyon niya, okay lang. Anything for his best, okay lang sa akin. I will respect that and be happy for him.

Sandali kaming nagkatitigan. The warmth in our gaze brought back a lot of memories.

I felt at ease, I felt peace. Gaya ng presensyang pinararamdam niya sa akin noon.

I weakly smiled. Hindi ko mabasa ang mukha niya. Dala na rin siguro ng taon, hindi ko na saulo ang mga galaw niya.

"Okay." Sagot niya, mukhang nag-aalangan.

"Sige. Tawagan ko lang si Kuya Robert para magpahatid." Tumayo ako, gumiya sa aking desk at kinuha ang phone sa loob ng bag.

Tumayo din siya. "Bakit? Pwede ka naman sa'kin sumabay. Unless you don't want to." Mabilis akong umiling.

"Uh, no. Baka lang kasi.." Ayaw mo.

"Baka ano?" His eyes shifted to door when it suddenly opened.

Iniluwa no'n si Kollin, nakangiti ngunit agad ding napalitan ng gulat nang makita si Ithuriel sa opisina.

It lasted for seconds. Then, he turned away.

The door closed. Nagkatinginan kami ni Ithuriel at tila umiwas ng tingin ang mga mata niya.

"I see." Aniya.

Gumapang ang lamig sa katawan ko. "Sasabay ako sa'yo." Agap ko. "Baka wala din pala si Kuya Robert ng ganitong oras kaya sasabay ako."

Lumunok ako nang hindi na siya nagsalita. Tumango lang siya at sinabing magtext na lang kapag handa na akong umalis.

Bumaba siya sa lobby at pumunta naman ako sa comfort room pagtapos kong patayin ang ilaw sa aking opisina.

I looked at myself in the mirror. Bagsak sa aking harapan ang kulot kong buhok. Bumagay ito sa aking self belted white wrap top na tineternuhan naman ng brown wide leg trousers at puting ankle strap heels. 

Hindi magkamayaw ang kabog sa dibdib ko. Ano kayang iniisip ni Ithuriel ngayon?

I closed my eyes and exhaled deeply. Hindi ko na dapat problemahin pa. Hindi na kami tulad noon. Narito siya dahil kay Mang Agripino.

After washing my hands, pinatuyo ko iyon at nagpasya ng tumuloy sa lobby. I texted him na pababa na ako.

Bumukas ang elevator at lumakad na ako.

Tumayo agad ito sa pagkakaupo ng makita ako. Gaya ng lagi niyang ginagawa noong hinihintay niya ako sa sala ng bahay namin sa probinsya.

Parang may kung anong kumurot sa puso ko.

"Hintayin mo na lang ako sa labas." Tumango ako at tumungo na siya sa parking para kunin ang kotse niya.

Umihip ang hangin sa labas ng Lamarre Corporations habang nakatitig ako sa matayog nitong sukat. This building is really huge!

Isang taon na akong pumapasok dito ngunit parang hindi pa rin ako sanay na kanila lolo talaga ito.

Tumama ang sinag ng araw sa mata ko ngunit hindi naman sobrang nakakasilaw.

Ilang sandali lang ay may humintong kotse sa harapan ko na nakapukaw sa aking atensyon. Agad nanlaki ang mata ko.

1968 Ford Mustang. Eleanor. Black.

Hindi pa ako nakakabawi ay bumaba na si Ithuriel mula sa driver seat at pinagbuksan ako ng pinto.

Kahit gulat ay pumasok na ako. Mabilis siyang bumalik sa pwesto pagtapos ay binuhay ang makina.

Kanya ba ito? Akala ko ba ay Audi ang sasakyan niya? Naalala niya ba na ito ang pangarap naming sasakyan noon? Kung ganoon, bakit niya binili?

Napansin niya yata ang pagkabalisa ko dahil sa paninitig ko sakanya.

"I can get my Audi if you're not comfortable to sit beside me." He said softly.

Hindi ako sumagot. Kahit kailan naman ay hindi nangyaring naasiwa ako sa presensya niya pero minabuti ko na ring hindi kumibo dahil gano'n din siya.

Binalot ng nakaraan ang puso ko. Bumalik sa aking alaala ang pag-uusap namin kung saan niya sinabi na sa susunod na pag-alis namin ay may kotse na siya. Kung kailan kami sabay nangarap sa mga bagay na dati lang naming hinahangad, ngayon ay abot kamay na.

"Sa'yo ba 'to?" Hindi ko napigilan ang pagtatanong.

Bumaling siya sa akin habang ang kaliwang kamay ay namamahinga sa manibela.

Tumango lang siya sa akin sabay balik ng mata sa harapan.

"Naalala mo.." I whispered and weakly smiled.

Akala ko madali na lang panindigan ang desisyon ko sa paglayo kay Ithuriel noon. Pero sa nangyayari ngayon, parang unti-unting nabubuhay ang maliit na pag-asa sa kaibuturan ko na baka sakaling pwede pa? Baka naman maaayos pa?

"Una kong nabili 'to bago ang Audi pero hindi ko ginamit.." I saw him glanced at me, sapat na para pagwalain ang mga paru paro sa aking tiyan.

He bit his lower lip, supressing himself from talking, but then, words managed to escape from his mouth.

"Sinabi ko na gagamitin ko lang 'to kapag nasa tabi na ulit kita. Hindi ako nakalimot, Sari.." Lumunok siya at hindi na muling tumingin sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top