Chapter 36
"Yes, Mr. Levine. No, it's okay. No need na po. Yes, thank you.. Bye." I ended the call.
Hinanap ko ang brown hand bag ko at pinasok doon ang cellphone.
I glanced at my watch. Alas Siyete pa lang ng umaga at bago ako pumasok ng opisina ay napagdesisyunan kong may daanan muna.
I was up all night. Hindi makatulog kakaisip.
Sa nangyari kahapon ay natural lamang iyon kaya naman noong gabi ay kinumbinsi ko ang sarili kong humingi ng tawad kay Ithuriel.
That's the least I can do for him. He was right, I wasn't fair. Kahit papaano naman ay deserve niya ng paghingi ng tawad mula sa akin.
Hiningi ko ang home address niya kay Mr. Levine, hindi siya sigurado masyado pero ayos lang. Magpapahatid na lang ako kay Kuya Robert.
Hindi ako mapakali. Parang may naghahabulan sa kaloob looban ko, kasabay ng pagkabog ng dibdib ko.
Muli akong bumaling sa salamin ng kwarto at tinignan ang sarili. I am wearing a cream Odalie dress. Backless ito at lagpas tuhod ang haba.
Ang kulot sa dulo kong buhok ay nakatali ng dilaw na hair scarf scrunchie. May iilang hibla na naiwan sa gilid ng mukha ko ngunit hindi naman masagwang tignan.
Bumagay din sa akin ang Hoola Matte Bronzer sa pisngi ko in shade Lite pati ang brownish pink lipstick na nasa labi ko. Regalo lahat 'yun ni Jai dahil hindi yata iyon sakto sa mala papel niyang kulay.
Bumaba na ako at agad kong namataan sila lola Virginia at lolo Barry.
Nasa sala sila, si lolo ay nagbabasa sa kanyang tablet at si lola naman ay sumisimsim sa kanyang kape.
"You're early for work, Sari." Bumeso ako sakanila at saka nagpaalam.
"May dadaanan po muna, La." Tumango lang ito at ngumiti.
"Mag-iingat, ha?" I nodded.
Gumala ang paningin ko sa buong bahay at nasipat si Nanay sa dining table, nasa wheel chair at sinusubuan ni Ate Linda.
"Nay.." Lumapit ako at pinunasan ang labi niyang may kalat ng pagkain.
"Alis po muna ako ulit ha? Nakainom na ba ng gamot si Nanay, Ate Linda?" Binaba ni Ate Linda ang kutsara at tumango sa akin.
"Oo, Sari. Buti nga ay hindi na nangulit." Bahagya akong nangiti.
"Ang bait ni Nanay ah. Nay, pasok muna ulit ang panganay niyo ha." Humalik ako sa ulo niya at hinawakan ang kamay ko.
"Sari.. Ingat." Lumawak ang ngiti ko at tila may humaplos sa puso ko.
"Oo naman, Nay." Matapos ang iilan pang bilin ay dumiretso na ako sa labas.
"Kuya Robert, ayos na po ako." Mabilis niyang tinapos ang iniinom na tubig at pinatong sa cast stone table ng aming garden.
"Tara po, Ma'am." Sinuot niya ang itim niyang shades at pinagbuksan ako ng pinto.
"Kuya Robert talaga oh." Pang aasar ko sakanya.
Sumakay na ako sa passenger seat at 'di na hinintay na pagbuksan pa ako. Kaya ko naman at may kamay ako para gawin iyon.
Naisara ang gate at nasa driver seat na rin si Kuya Robert.
"Oh, ma'am. Ayaw niyo sa likod? Diyan talaga?" Tinawanan ko si Kuya Robert.
"Kuya Robert, sabing Sari na lang nga po ang itawag niyo sa akin eh. Dito na po ko para may katabi kayo." Nagkamot ng ulo ang driver nila lola.
"Sensya na, Ma'am, este Sari. 'Di po kasi ako sanay! Ang bait niyo po talagang apo ni Ma'am Virginia."
"Bakit ang kapatid ko ba ay hindi?" Tumaas ang kilay ko, tila may hinuhuling sagot.
Nako, Sadie! 'Pag lang talaga.
Napakamot ulit sa ulo si Kuya Robert.
"Eh kasi po si Ma'am Sadie ay medyo makulit. Mabait naman po pero medyo pasaway." Tumawa ako dahil alam ko naman 'yun dati pa.
"Basta, isumbong mo sa akin 'pag may ginawang kalokohan ha?" Tumawa din ito.
Mayamaya ay naalala ko ang address na binigay ni Mr. Levine sa akin at pinakita iyon kay Kuya Robert.
Wala naman daw problema dahil alam niya sa subdivision na iyon. Sabi pa niya ay eksklusibo iyon at puro mayayaman lang ang nakatira doon.
Hindi na ako magtataka. Manjares siya at malamang sa taon niyang pag a-abogado ay nakaipon na rin iyon.
Muling bumalik sa isipan ko ang mga nakita ko sa google kagabi. Kahit ang apelido niya ay sumisigaw ng tagumpay.
Pinuno ng kwestyon ang isipan ko, interesadong malaman ang parteng iyon sa buhay ni Ithuriel kaso naalala ko wala na pala akong karapatan para mag tanong-tanong pa.
Tumingin ako sa labas ng bintana, nag-iisip ng sasabihin pag mismong kaharap ko na siya.
Kaya ko ba ulit salubungin ang mga mata niya? Paano kung naroon ang pamilya niya sa bahay niya? Magpapakilala ba ako? Ipapakilala niya ba ako?
Bilang ano? Kapit-bahay niya sa probinsya noon?
Sumakit ang ulo ko habang nasa byahe. Ang mga linyang kinabisa ko ay tila naglaho lalo na noong huminto ang makina ng sasakyan.
Nanlamig ang mga kamay ko.
"BLK 39.. LOT 27. Ma'am, ay Sari, narito na po yata tayo." Humigpit ang hawak ko sa hand bag ko at dahan dahang tumango.
Sinilip ko ang labas. Ang kabuunan ng bahay ay sobrang laki. Dumagundong ang puso ko, pakiramdam ko ay kakawala iyon mula sa katawan ko.
"Hintayin ko po ba kayo dito, Ma'am?" Napakurap ako ng kausapin muli ako ni Kuya Robert.
"O-opo. Salamat, Kuya Robert." Tumango lang siya at lumabas na ako sa kotse.
Lumakad ako sa harapan ng bahay. May kotse sa labas na kulay pula ngunit hindi ko sigurado kung kanya ba 'yon o hindi dahil mukhang babae ang may-ari.
Pinagsawalang bahala ko iyon at dinungaw ang loob ng gate.
Mula sa kinatatayuan ko ay malayo pa ang pinaka pinto ng bahay. Sobrang lawak!
The exterior design of the house is in modern box type. The colors are only playing with the neutral ones. White, black, and brown to be exact. Kitang kita din ang naglalakihang salamin na bintana ngunit tinted iyon at hindi kita sa loob.
Nakita ko ang engraved na Manjares sa gate kaya nasigurado na ito nga ang tinitirhan ni Ithuriel ngayon.
Nagulat ako ng nakabukas ito, may awang doon at maaaring makapasok ang kahit sino.
Wala ba silang kasambahay para mag check ng mga ganito?
Huminga ako ng malalim. Nag-ipon ng lakas upang magtawag sa loob.
Kinuyom ko ang aking palad at nagsimulang sumigaw.
"Uhh.. Ithuriel!" Tumikhim ako dahil medyo pumiyok pa ako sa unang subok.
"Ithuriel!" Naka tatlo na yata ako at medyo nahihiya na ako dahil tahimik sa subdivision.
Gaya ng sabi ni Kuya Robert ay mayayaman daw ang nandito.
"Ma'am, may problema ba?" Mabilis akong umiling kay Kuya Robert ng ibaba niya ang bintana ng sasakyan.
"W-wala, Kuya. 'Di lang ako naririnig!" Tumingin ako sa aking cellphone.
"Ah, ito. Nag text na po. Pasok na daw ako. Hehe." Tumango si Kuya Robert at sinara ang bintana.
Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi naman siguro ako mukhang mag nanakaw? Pwede ko naman sigurong pasukin at doon ako kakatok sa pinaka pinto?
Dahil wala namang sasagot sa tanong ko kung hindi ako ay sinunod ko na ang isip ko.
Dumaan ako sa stone pavement nila dahil nakakahiya namang tapakan ang mga berdeng bermuda grass.
May naka parkeng Audi R8 na itim mula sa harap ng house garage nila kaya nagtaka ako, bakit kaya hindi nakapasok iyon sa pinaka garahe?
Pakiramdam ko pa naman ay kay Ithuriel iyon. Biglang may kumirot sa puso ko. Akala ko ba ay Mustang ang gusto niya? Mapait akong napangiti.
Noon 'yun, Sari. Iba na ngayon.
Tinunton ko na ang black door ng bahay at inayos ang damit ko. Muntik na akong mapatalon ng may lumabas mula sa pinto.
"Sure.. I'll text you some other time." Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng tumambad saakin ang isang seksing babae na ka-edad ko lang yata.
Naka bodycon dress ito na kulay itim at pulang lipstick.
Sa likod niya ay si Ithuriel na mukhang bagong gising pa yata dahil nakaputing t-shirt lamang ito at itim na shorts.
"Excuse me, Miss?" Napasinghap ako ng maaninag ko ang perpektong mukha ng babae.
Hindi ako pwedeng magkamali. Ito yung nakita ko sa google na kasama ni Ithuriel sa litrato!
"U-uh.. s-sorry. Wrong house." Napakagat ako sa labi ko ng nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ithuriel.
Mukhang gulat na nandito ako sa harapan ng bahay niya.
"Are you a client?" Napakurap ako sa tanong ng babae. Hindi alam ang isasagot. I gulped.
"Anyways, I gotta go.. Atty. Manjares, sa susunod ulit." Tumango lang si Ithuriel bilang sagot hindi naaalis ang titig sa akin.
Linampasan na ako ng babae at tuluyang lumabas ng bahay. Sakanya nga ang sasakyang pula sa labas!
Namula yata ang mukha ko ng maalalang pinagkamalan niya akong kliyente.
Mukha ba akong nanghihingi ng tulong?
"What are you doing here?" Nawala ako sa pag-iisip ng tanungin ako ni Ithuriel.
His voice is a bit husky. Hindi napigilan maglaro ng isipan ko kung anong ginawa nila ng babaeng kalalabas lang ng bahay niya.
"Uh.. I-I'm here to apologize." Pinaglaruan ko ang aking daliri habang nakatingin sakanya.
Hindi ko mapaliwanag ang mata niya. Gulat iyon ngunit hindi pa rin naaalis ang lamig. Nakahawak siya sa hamba ng pinto, sa gilid noon.
"Para saan?" Nakita ko ang pagbaba ng mata niya sa kabuuan ko.
Namula yata ako sa ginawa niyang iyon.
"For everything."
Noong hindi siya sumagot ay naramdaman ko na ang paghuhuramentado ng puso ko. Mas triple pa sa kanina.
Binuksan niya ng mas malaki ang awang ng pinto para patuluyin ako.
I felt relieved. Ibig sabihin ay willing siyang makinig sa apology ko!
I was astounded when I saw the interior of the house. It's so spacious. The walls are in white pero may iilang accents ng gray. Mataas ang ceilings at may chandelier doon na kulay itim.
The style is very minimalist lalo na't may iilang frames lang na nakasabit sa pader na kulay black and white lang.
"Iska!" Nanlaki ang mata ko sa narinig.
Lumingon ako kay Ithuriel at nakita ko ang papalapit na Siberian Husky sa paanan ko.
Pinaghalong kulay itim at puti iyon at nasa sakto lang ang laki. Inamoy amoy nito ang paanan ko at nang yumuko ako ay dinamba ako ng halik.
"Iska!" Lumapit si Ithuriel at linayo ang aso sa akin. Bahagya akong napangiti.
"Iska rin ang pinangalan mo?" Halos pabulong lang 'yun.
Nakita ko ang marahan niyang pagtango.
"Oo." Lumakad siya patungong kusina. Sumunod naman ako sa likuran niya.
Grabe. Pati kusina ay mahahalata mong pinaghandaan ang disenyo. Puti rin ang mga pader, itim ang mga cup board at gray naman ang mini counter.
"What is it, Ms. Alonte?" Napahinto ako.
Nakatalikod pa rin siya sa akin ngunit bakas ko ang lamig sa boses niya habang kumukuha ng tubig sa ref.
"G-gusto ko sana mag-usap tayo." I cleared my throat and put my bag in the counter.
Inubos niya ang laman ng baso ng hindi pa rin tumitingin sa akin.
"Bilang noon o ngayon?" Napapikit ako.
Binaba niya ang baso sa sink at hinarap ako.
"N-noon at ngayon.." Naramdaman ko ang pagnginig ng labi ko.
"Kailangan pa ba?" Nanuot ang pait sa sistema ko.
Kahit hinanda ko ang sasabihin ko ay parang nasayang lang 'yun dahil wala ng maisip ilabas ang bibig ko ngayon.
"I-Ithuriel—"
"I thought you're all about your job. Anong nakapag pabago sa isipan mo para balikan ang nakaraan?" His eyes are cold.
Ramdam ko 'yun sa kaibuturan ng buto ko. Pati tuloy ang katawan ko ay nanlamig na pero hinanda ko na ang sarili ko para dito.
"Ithuriel, gusto ko humingi ng tawad at magpaliwanag." Napayuko ako ng magsimula siyang lumapit sa akin.
Inoqkupa niya ang natitirang distansya sa gitna namin.
"Pagtapos ng walong taon, Sari?" Bumagsak ang balikat ko.
"Bakit hindi mo ginawa noon? Bakit hindi ng mas maaga?" Sinalubong ko ang mata niya at napansin ko doon ang galit sa kabila ng mahinahon niyang boses.
Napalunok ako. My lips are continuously trembling and my knees are now turning jelly.
Nanghihina ako. Natatakot sa naiisip ko pero kaakibat naman sa desisyon ko noon ang posibilidad na pagdating ng araw ay maaaring wala na talaga kaming pag-asa pa.
"Huli na ba?" Napaatras si Ithuriel.
Kumunot ang noo niya at tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. He licked his bottom lip and combed his hair with his fingers.
"'Yung babae kanina.. Kasintahan mo siya?" Tumakas ang sarkastikong tawa sa labi niya.
"Ganyan ka ba humingi ng tawad?" Mabilis akong umiling.
Bumibigat ang pakiramdam ko at nagsimula ng mangilid ang luha sa aking mata.
"H-hindi.. Uhh.. S-sorry. Sorry talaga, Ithuriel. Ginawa ko 'yun para sa ikakabuti nating lahat—"
"Mabuti para sa'yo ang iwan ako?" Napakagat ako sa labi ko. Hindi agad nakapagsalita.
"Hindi naman sa gano'n.. Pero tignan mo, abogado kan—"
"Anong dahilan 'yun, Sari? Hindi ba sinabi kong huwag mo akong iwan? Ginawa mo pa rin." Napaiwas ako ng tingin.
Hindi ko kinakaya ang mata ni Ithuriel. Malamig iyon kanina ngunit habang tumatagal ay bumabalik ang nangungusap niyang mata.
Bumalik sa harapan ko ang Ithuriel noon.
"I-Ithuriel, makinig ka." Hinanap ko ang kamay niya at hinawakan pero mabilis niyang iniwas iyon.
"Maniwala ka sa akin. Ginawa ko 'yun para sa'ting lahat. Para mabilis gumaling si Nanay, sa kinabukasan namin ni Sadie, sa kinabukasan mo.." Nagsalubong ang kilay niya.
"Bakit ikaw ang mag dedesisyon sa kinabuksan ko, Sari? Hindi mo ba alam na muntik na akong sumuko dahil para saan pa? Iniwan na ako ng taong unang naniwala sa akin." Parang sinaksak ng libong beses ang puso ko.
Lumapit ulit si Ithuriel at napaatras ako. Tumama na ang aking likod sa mini counter at dinantay niya doon ang kanang kamay niya.
Pilit akong umiwas sa tingin niya ngunit nahuli niya 'yun at wala na akong nagawa kung hindi salubungin. Kahit na alam kong malulunod ako..
"Sari.. Nagmakaawa ako pero wala kang narinig. Tanggap ko na malaki ang kasalanan ko sa'yo. Ako ang dahilan kung bakit tingin mo sa sarili mo'y madumi ka na. Ako ang may kasalanan ng kay Matias, hindi ba?" Tumulo na ang luha ko. Unti unting nilalamon ng nakaraan.
"Sabi mo takot ka na sa lalaki. Sino 'yung naghahatid sa'yo? Bakit siya pwede, ako hindi?" Sobrang hina ng boses niya pakiramdam ko ay pinipigilan niyang sabihin ito ngunit hindi niya kinaya.
"T-totoong natakot ako, Ithuriel. Pero hindi sa'yo. Sinabi ko lang 'yun para mas madali. Para mas—"
"Kailangan mo akong saktan para doon, Sari?" Hindi ako sumagot ngunit tumaas baba na ang aking balikat sa paghikbi.
"Walong taon na ang nakalipas, Sari. Pero alam mo? Iba pa rin 'yung sakit. Ang dami kong tanong pero sa huli sinisi ko lang sarili ko sa lahat. Baka nga kasi mahirap lang ako, walang pera, magulo ang pamilya pati na buhay. Tama ka sa lahat ng sinabi mo eh, dinamay lang kita." Namula na ang kanyang mata.
"Pero Sari, ni minsan ba hindi ka naging masaya? Hindi ba sapat? Hindi ba ako sapat? Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko kasi alam ko namang mas mahalaga ka pati ang mga taong mahalaga sa'yo. Sari.. Alam mo ba kung anong nangyari pag-alis mo?" Umiling ako patuloy na umiiyak.
Hinawakan ni Ithuriel ang magkabilang pisngi ko. Mariin niyang tinititigan ang mata ko, sinusuri, kinakabisa.
"Hindi ako makatulog. Hindi ako makapag-aral. Nakakahiya kay Mr. Delfino dahil palpak naman lahat ng gawa ko. Para akong mababaliw, Sari. Ang dami kong tawag sa'yo pero ni isa wala kang sinagot. Kahit sila Yna ay kinulit ko para lang makausap ka pero nagpalit ka raw ng numero. Naisip ko baka kailangan mo lang ng oras at pagtapos babalik ka na. Babalikan mo na ako.." Nabasag ang boses niya.
"Iyon ang pinanghawakan ko, Sari. Kahit noong namatay si Aling Sita. Sinabi ko noon na hindi ko kakayanin kung may iba pang madadamay dahil sa kagagawan ng pamilya ko at tama ako. Gumuho ang mundo ko. Ang miserable ko no'n, Sari. Gabi-gabi akong umaasa kahit sa tawag mo lang. Marinig lang kita, ang boses mo at ayos na ako.."
Nanikip ang dibdib ko sa narinig. Hindi makapaniwalang dinanas niya itong mag-isa.
"Hindi ko alam anong gagawin ko. Kinakain ako ang konsensya at hiya. Hindi ko maharap si Boyong.. Si Aling Sita na lang ang pamilya niya, nawala pa. Alam mo kung saan napunta ang bata? Sa bahay ampunan. Sari, wala akong nagawa. Pakiramdam ko ay wala akong kakayahan no'ng mga araw na iyon lalo na't wala ka sa tabi ko.." Nanlalabo na ang paningin ko sa pag-iyak, pakiramdam ko ay tatakasan ako ng hininga.
"Nakalaya man ang mga magulang ko, hindi ako masaya. Hindi ako naging masaya, Sari. Kahit may tulong na dumating para makapag aral ako sa Maynila, wala pa rin. At ngayon parang nauulit lang ulit. Napapagod na ako, Sari.." Umalpas sa kanyang mata ang mga luha. Pulang pula ang mata.
"Nahanap ko ang tunay kong pamilya pero isang buwan lang ang lumipas namatay ang Tatay ko, sumunod kay Nanay na matagal ng patay. Wala akong kapatid, Sari. Ang lungkot. Lalo na noong mabalitaan ko na bumalik nanaman sa bisyo sila Tatay Agripino. Mabilis ko silang dinala dito pero anong kinahinatnan? Si Nanay Matiana naman ang nawala! Sari, gulong gulo na ako! Ngayon, bumalik ka.. Para ano!?" Pinagdikit ko ang noo namin at hinawakan ko ang mukha niya.
Pilit niyang iniiwas iyon at kada paglayo niya ay parang pinipiraso ang puso ko.
Kahit ganoon ay hindi ko siya pinakawalan. Sa halip ay pinakalma dahil ramdam ko ang lubos na pagkabigo niya.
"Patawarin mo 'ko.. Hindi ko alam. Hindi ko alam.. Sorry.. Sorry." Mariin akong pumikit.
Ang bigat ng pakiramdam ko ay wala kumpara sa dinadanas ni Ithuriel ngayon.
"Sari, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kay Tatay Agripino. Galit ako. Nagagalit ako kasi patay na si Nanay. Patay na si Nanay at posibleng siya nga ang may kagagawan. Pero anong ginagawa ko? Pinagtatanggol ko pa rin. Pinaglalaban ko pa rin siya. Ni hindi pa ako nakakapagluksa! Bakit ganito, Sari? Bakit? Bakit.." Hinaplos ko ang buhok.
Umaasang maiibsan ang batong naka angkla sa dibdib niya.
"Sssh.. T-tahan na, Ithuriel.." Tumaas baba ang kanyang balikat at sinubsob na ang mukha sa aking leeg.
"Gusto ko na lang siyang bitawan. Hayaang makulong pero bakit gano'n? Sabihin mo sa'kin, Sari.. Ano bang dapat kong gawin?" Mahina na lamang ang boses niya habang umiiyak sa balikat ko.
Hindi ako makapagsalita. Hindi makapagsabi ng opinyon dahil bakit ako ang sasagot para doon? Siya lamang ang makakaalam ng gagawin niya.. Wala akong karapatan.
Imbes na sumagot ay unti-unti kong inangat ang kamay ko upang haplusin ang likod niya. Mariing pumikit at dinamdam ang presensya niya.
Sandali kaming nanatili sa gano'ng pwesto at nang mahimasmasan siya at nag-angat siya ng tingin sa akin.
Ngayon napansin ko na ang pagod sakanya. His eyes were bloodshot. Mamumula din ang kanyang ilong.
Binalot kami ng katahimikan at tila pagsinghot ko na lamang ang naririnig na ingay.
Bumaling ang mukha niya sa kanan at hindi ako tinignan.
"Talaga bang nandito ka lang para humingi ng tawad, Sari?" Ang matigas na boses ni Ithuriel noong una ko siyang makita sa Maynila ay napalitan ngayon ng malambot na tono.
Hindi ako nakahinga. Nanigas ang paa ko. Gusto kong humindi pero paano kung masaktan ko lang siya ulit? Paano kung sa kabila ng pag-angat niya ay mailubog ko pa siya?
Nangatal ang labi ko. Kinagat ko iyon para mapigilan.
Napayuko ako. Kahit anong piliin ko ay hindi pa rin ako magiging patas.
Baka 'pag sinabi kong pinatulungan ko siya kanila lolo Barry ay maging mababa ang tingin niya sa kakayanan niya.
Natatakot ako baka 'pag sinabi ko ay magalit siya. Baka isipin niyang hindi niya mararating ang mayroon siya ngayon kung hindi dahil doon.
Sa huli baka masaktan lang siya ulit. At ayoko na noon. Sapat na ang mga nangyari sa nakaraang mga taon. Ayokong pati kakayanan niya ay pagduduhan pa niya.
"I-Ithuriel.." Hinuli ko ang kamay niya at napapikit lamang siya doon.
"Sagutin mo ako, Sari. Ang paghingi lang ba ng tawad ang sinadya mo dito?"
Hindi lang iyon. Gusto ko tayo. Gusto kong magkaayos tayo. Gusto ko ulit sa tabi mo.
Ito ang mga salitang gusto kong isagot. Ngunit walang lumabas sa bibig ko.
Parang nadurog ang puso ko nang tahimik na tumango si Ithuriel. Hindi pa rin binabalik sa akin ang tingin.
Unti unting siyang bumitaw sa kamay ko. Kinalas ang higpit ng kapit ko dahilan ng pagbagsak no'n sa ere.
"Kung gano'n, pinapatawad na kita." Umawang ang labi ko.
Gusto ko itong marinig pero hindi ito nakatulong para pagaanin ang dibdib ko.
"Umalis ka na." Napatakip ako sa aking bibig habang naiiling.
"I-Ithuriel.." Hinuli ko ulit ang kamay niya pero iniwas niya iyon.
"Iwan mo na ulit ako, Sari." Tumalikod na siya at mukhang wala ng balak pang humarap.
Ang tagal ko pa bago nakagalaw sa aking pwesto pero kailangan kong umalis. Mabuti na rin siguro ito.
Bumaling ako ng tingin sa gilid, gusto kong lumapit sakanya. Gusto ko siyang yakapin mula sa likod pero hindi ko tinuloy at impit na umiyak na lang.
Dahang dahang umatras habang hawak ang puso. Huling beses na yata itong titibok. Pagtapos ay wala na.. Wala na.
Huling beses kong tinitigan ang lalaking nagparamdam sa akin ng kapayapaan at kasiguraduhan. Sana sa tuluyan kong pagbitaw ay mahanap niya din iyon. Sa iba..
Lumabas na ako sa bahay niya at hindi na muling tumingin pa. Kahit sa bawat paghakbang ko ay tila umuurong ang lakas ko para lumayo.
Nagtatalo ang isip at puso ko pero hanggang doon na lang iyon.
Tahimik akong pumasok sa kotse at hindi na nagtanong pa si Kuya Robert kahit mukha itong nag-aalala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top