Chapter 35
Kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos. Nakahiga lang yata ako at iniisip ang totoong nangyari kay Mang Agripino.
Ang daming bumabagabag sa akin at isa na doon ay kung galit pa ba sa akin si Ithuriel.
Alam kong halata naman pero nag ba-baka sakali pa rin ako.
Kaya paghatid sa akin ni Kollin sa bahay kahapon ay agad kong tinawagan si Jai.
Sinabi ko na nakaharap ko si Ithuriel at hindi naman lingid sa kanyang kaalaman ang tungkol sa amin.
"What? Totoo ba?" Bakas sa boses niya ang pagkagulat.
"Oo.." Umiba ako ng pwesto sa kama. Ang cellphone ay nasa kanang tainga.
"So, he did it right? Attorney na siya?" Tanong niya.
"Attorney na nga siya." Tipid akong ngumiti.
"That's good! At least, may bunga ang naging desisyon mo. So, nag sorry ka na ba?" Natigilan ako.
Should I? Kailangan pa ba? Ano pang saysay no'n kung nasaktan ko naman na siya?
"K-kailangan pa ba?" Mahina kong tanong.
"Oo naman, Sariah. Natatakot ka lang yata eh." Pakiramdam ko kung katapat ko lang si Jai ay inirapan niya na ako.
"Tingin mo tatanggapin niya?" Kinagat ko ang ibabang labi ko.
"Of course! Ikaw nga napatawad mo ang taong nakapatay sa tatay mo eh. Siya pa ba na minahal ka noon?"
Mariin akong napapikit. Minahal. Minahal noon.
"Alam mo, it doesn't even matter if he will accept it or not. Ang importante aminado kang nasaktan mo siya even if it was already years ago." Tumango ako.
Alam ko naman 'yun. Jai is right. Siguro natatakot lang ako na hindi niya tanggapin ang apology ko.
I left him hanging. Hindi ko man lang pinakinggan kung ano pa ang gusto niyang sabihin. Hindi ko sinagot ang mga tanong niya. Pati text o tawag.
I heavily sighed and looked outside the car window.
Just like what I've said yesterday, malamang ay magkaroon kami ng second session ni Mang Agripino at tama nga ako.
The information I had during the psychological evaluation wasn't enough given that I couldn't properly think or move in front of Ithuriel.
Kaya tinawagan ko si Mr. Levine upang mag request pa ng another session at napaunlakan naman iyon.
Ngayon ay hinatid ulit ako ni Kollin papuntang courthouse.
"Sigurado ka bang okay ka na?" Lumingon ito saakin.
I smiled. Kollin is very concern with what's happening to me. He has always been.
"Oo naman." I bit my lower lip.
Hindi ako sigurado. Ang totoo ay kinakabahan ako.
"Why do you look constipated, then?" He chuckled.
Nanlaki ang mata ko. Totoo ba?!
Mabilis kong tinignan ang sarili sa salamin. Hindi naman ako maputla. Ayos din naman ang itsura ko sa suot na square neck mesh sleeve midi dress na itim.
"I'm kidding, Sariah. You're always beautiful." Tumaas ang gilid ng labi niya at namula naman ako doon.
"Parati ka na lang nangbobola." Mabilis siyang umiling.
"Hindi ah, totoo kaya." Aniya.
Tumawa na lang ako at hinayaan siya sa pagmamaneho.
Mabilis tumakbo ang oras. Pagkababa namin sa BMW niya ay nagprisinta pa siyang ihatid ako sa pinakaloob.
Halos pagtinginan kami ng mga tao. Hindi ko alam kung bakit.
Siguro ay dahil sa kasama ko. Lumingon ako kay Kollin at wala siyang kamalay malay na maraming matang nakamasid sakanya.
With his look, mapapansin mong naaalagaan ito noong bata ito. Halata din ang kalinisan sa katawan. He's wearing a white button down shirt and gray trousers na tineternuhan naman ng puting sapatos.
He glanced at his watch.
"Sakto lang pala dating natin." Lumingon siya sa akin at kumunot ang noo ng nahuli akong nakatingin sakanya.
"Gwapo ba?" Sumibol ang ngiti sa labi niya.
Nailing ako at tumawa nalang.
Pagdating sa pinto ng court clinic room ay nagpaalam na ako kay Kollin.
"Thank you ulit sa pagsama." I smiled.
"No worries, Sariah. I'll wait until you're done." Pinagbuksan niya ako ng pinto at tumango naman ako sakanya.
Agad kumabog ang dibdib ko nang makita kung sino ang nasa loob. Parang napako ang mga paa ko.
Si Ithuriel.
He was standing and intently looking outside the glass wall with his crossed arms.
Mabilis dumaloy ang kaba sa sistema ko kahit nakatayo na lamang siya doon. Nakasuot ulit siya ng dark-colored suit, light gray button shirt sa loob at makintab na sapatos.
It's like his body was made for that kind of clothes.
Dumapo ang tingin niya sa may pinto making my heart stop. His gaze pierced to the man beside me and I saw coldness in his eyes.
I wasn't moving kaya tinanong ako ni Kollin.
"You okay?" I slowly nodded.
He seemed curious kaya lumingon siya sa tinitignan ko para lamang salubungin ang tingin sakanya ni Ithuriel. Sandali silang nagkatitigan ngunit pinutol niya din iyon.
"I can stay here if you want." He insisted.
Pakiramdam ko ay sinabi niya iyon dahil alam niyang hindi ako kumportable sa mga lalaki lalo na't apat na sulok lamang ang kwarto na ito.
"H-hindi na, Kol. I know him. He's the attorney. I'll see you later." Napalunok ako at alangan na tumango.
Bago tuluyang umalis ay tumingin muna ulit siya kay Ithuriel.
Para akong nalagutan ng hininga lalo na noong sumara na ang pinto sa likuran ko.
I didn't make a move. Not until he spoke.
"I thought you're scared of men." His voice is calm yet rigid.
Hindi ko mapangalanan kung statement ba iyon o patanong. May kung anong kumirot sa puso ko.
Kahit anong paghahanda pala ay hindi ko talaga kayang harapin ang galit niya.
Lumihis ako ng tingin.
"Bakit hindi ka maupo, Ms. Alonte?"
Nanlalambot ang tuhod ko at kahit hindi niya isuhestyon ito ay 'yun talaga ang gagawin ko.
I carefully walk towards the chair without making a sound kahit imposible iyon dahil sa takong na suot ko.
Pagkaupo ay hindi ko na alam kung saan ibabaling ang tingin ko ngayong nararamdaman ko ang titig ni Ithuriel sa akin.
Parang may boltaheng umakyat pataas sa katawan ko nang lumapit siya sa mesa.
"Tumawag si Mr. Levine. He said you asked for a second meeting." Dumantay ang braso niya sa mesa.
Nag-angat ako ng tingin ngunit parang biglang napaso ang mata ko. He's so close and I can barely breathe.
"Y-yes." I bit my lower lip.
Bumalik sa aking isipan ang plinano kong paghingi ng tawad. Paano ko sisimulan? Parang ang hirap niyang kausapin.
Parang may karapatan lang akong magsalita kapag nagtatanong siya.
"Para saan?" Mariin niyang tinitigan ang mga mata ko.
Like he's diving in it, searching for something he couldn't find. Napalunok ako.
"Hindi sapat ang isang session para sa evaluation. I need more information. And this time, ang gusto ko lamang sa kwartong 'to ay ako at ang kliyente mo."
His lips parted a bit. Tumaas ang isang kilay.
Para siyang nagulat at hindi inasahan ang sagot ko.
Ang totoo ay hindi ko lang talaga kayang nasa harapan ko siya habang ginagawa ang trabaho ko.
Nakamasid siya sa bawat galaw at sasabihin ko. Hindi ako sanay.
"I'm his lawyer." Tumaas ang gilid ng labi niya.
"And I'm the psychologist. This is my demand. Wala naman akong gagawing masama. Let me do my job."
Sinabi ko iyon sa marahang paraan. Hindi ko alam kung paano ako hindi nautal gayong nanghihina na ako sa kaloob looban.
He stiffened but still managed to hide it. He lazily sat down in front of me. Sumandal pa siya sa upuan, dumekwatro at hindi inalis ang titig niya sa akin.
"'Yan lang talaga ang gusto mong sabihin?" Parang bumaliktad ang tiyan ko.
Naghuramentado ang puso pero halos lahat ng praktisado kong salita kagabi ay tila naglaho sa isip ko.
Sandali kaming natahimik.
"Isang oras lang ang itatagal ng session na 'yun, hindi ka naman matagal maghihintay.." Sa hina noon ay hindi ko alam kung narinig ba niya 'yun o hindi.
Napayuko ako.
"Right." Mapait itong tumawa.
"Congratulations, then. You're now a psychologist." He coldly said.
Hindi ko mahanap ang nangungusap niyang mata noon. He really did change. Like me.
Parang nagasgasan ang puso ko sa aking narinig. Hindi ko alam ang tamang salita. Paano magsisimula sa pag hingi ng tawad.
"I-Ithuri—"
"Atty. Manjares, Ms. Alonte. You want this done professionally, let's act like one." Tumayo siya sa upuan at tinalukuran ako.
Nakalayo na siya ngunit hindi pa rin gumaan ang pakiramdam ko.
Parang may nakabara pa rin sa lalamunan ko.
He stopped mid-way. Lumingon sa akin bago lumabas ng pinto.
I cannot bear to look at his eyes, parang nagsisisi ako sa anumang nagawa ko noon.
"I'll prepare my client first, minuto lang at ipapahatid ko na siya dito."
And that's it. I was left alone in the room, thinking what will happen next.
Hindi ko inakalang magkakaganito kami ni Ithuriel pero wala naman ibang dapat sisihin kung hindi ako.
Gaya ng sabi niya ay ganoon nga ang nangyari. I saw Mang Agripino being escorted by a court guard.
Mabilis ko siyang sinalubong at pinaupo sa aking harapan. Ang sinag ng araw ay nasa kanyang likuran ngunit hindi naman nakakasilaw kaya ayos lang.
Ngayon kaming dalawa na lang ang nasa loob. Mas malaya na akong makakapagtanong.
Bumalik ako sa upuan ko at huminga ng malalim.
"Magandang araw, Mr. Cruz. Narito po ulit tayo para sa evaluation. Magsimula na po tayo.." Nilatag ko ang notebook na pinaglilistahan ko ng notes.
Umangat ang tingin ko kay Mang Agripino. He seems distracted. Ang lalim ng kanyang mga mata at pagala gala iyon sa paligid.
"Kumusta po kayo ngayon?" Matagal siya bago nakasagot.
"Hindi ako masyado nakakatulog." Umubo ito at halatang tumanda na rin pati ang boses.
"Bakit po?"
Lumingon ito sa kisame at parang may hinahanap.
"Sa iyo ko lamang sasabihin ito.. Nahihirapan akong makatulog dahil maraming gumugulo sa isip ko." Sumulat ako sa aking papel.
"Gaya po ng?"
"Bumabalik sa isipan ko ang gabing iyon.." Medyo naging malabo ang sagot ni Mang Agripino at ang trabaho ko dito ay palinawin iyon.
"Ano po ang gabing tinutukoy ninyo?" Naglaro ang kamay niyang nakapatong sa mesa.
Sinulat ko din iyon. Halos lahat ay dapat kong obserbahan pati na ang pagkurap niya.
"Si Matiana.." Kumunot ang noo ko at kasabay noon ang walang humpay na pagkabog ng puso ko.
"Naaalala niyo po ba ang nangyari sa gabing tinutukoy niyo?" Umiling siya pero kaulan ay tumango rin. Mukhang may naalala.
"Maaari niyo po bang ikuwento?" Dumiin ang pagkakahawak ko sa aking ballpen.
Hindi mawaglit sa isipan ko kung ano ang kinalaman ni Aling Matiana dito. Sana mali ako ng naiisip.
"Nakalaya kami sa kulungan. Muling bumalik sa bahay.."
"Simula po ba ng makalaya kayo ay patuloy kayong gumamit ng pinagbabawal na droga?" Kumamot ito sa kanyang ulo.
"Ilang taon rin kaming nahinto. Nasa Maynila ang isang anak namin, ang isa ay nakakulong. Dahil doon ay nagsimula nanaman kaming gumamit ni Matiana.." Lumapit ito sa akin at bumulong.
"Hindi ko mapigilan at hinahanap hanap talaga iyon ng aking katawan. 'Pag dadating ang anak namin sa bahay ay agad namin 'yong tinatago.."
Ibig sabihin ay walang ideya si Ithuriel habang nag-aaral ito ng law sa Maynila at paminsan minsang bumibisita sakanila sa probinsya.
"Taon din na ganoon ang aming sistema. Nang makarating sa anak namin iyon, dinala niya kami sa Maynila. Pinatira sa isang bahay. Hindi kami masaya dahil nangingialam nanaman siya.." Bigla siyang ngumiwi.
"Noon 'yun.. Ngayon, nagsisisi na ako. Tuwing naaalala ko ay kinikilabutan ako." Tumingin ito sa kanyang kamay at tinuro ang palad, hinagod iyon pababa.
"Tumutulo ang dugo dito.. Pulang pula. Sobrang dami." Pinagpatuloy ko ang pagsusulat.
"Parang may nakatingin. Mga aninong itim. Tinatawag ang pangalan ko habang nakapalibot sa akin."
Nakinig ako ng mabuti. Mukhang alam na kung saan patungo ang kwento.
"Sabi ko ay isara ang bahay at may paparating pero walang nakikinig. Tumakbo ako ng sobrang bilis sa itaas. Nagkulong sa kwarto.." Sa itsura ni Mang Agripino ngayon ay para siyang nababalisa.
"Ang lakas ng katok. Nakakabingi. Nataranta ako at bumukas ng kusa 'yun. Nakita ko ang anino kaya nawala na ako sa sarili. Puno ng takot.." Yumakap siya sa kanyang balikat at muling humina ang boses.
"Nang mahimasmasan ako ay bumaba ako sa unang palapag. Nagtaka ako kung bakit may dugo roon at nakita ko si Matiana. Basag na ang ulo. Sinubukan ko pang takpan iyon ng aking kamay ngunit dumadanak na ang dugo.."
Napasinghap ako. Nanlamig ang mga kamay.
"N-naaalala mo po ba kung bakit nagkaganoon ang asawa niyo?" Lumunok si Mang Agripino.
"Hindi.. Ang alam ko, takot ako sa anino. Natatakot ako sa anino." Muling gumala ang tingin niya sa paligid at dahan-dahan akong tumango.
Kahit parang may bigat na naka-angkla sa dibdib ko ay sinikap kong tapusin ang evaluation.
Nang makuntento ako sa impormasyon ay pumayag na akong ipasundo si Mang Agripino.
Matapos ang isang oras na pag-uusap ay pakiramdam ko'y hinugutan ako ng lakas.
Nagtagal ako sandali sa loob tsaka nagpasyang pumunta sa comfort room.
Narinig ko na ang mga dapat kong marinig ngunit nahihirapan akong i-proseso ito sa utak ko.
Ultimo nararamdaman at nasa isip ni Ithuriel ngayon ay pinoproblema ko. Ngayon kasi ay mag-isa niya nalang iyon hinaharap..
'Pag dating sa banyo ay wala namang tao. Humarap ako sa salamin at nag hugas ng kamay. Matagal kong pinadaloy sa aking kamay ang tubig.
Ilang sandali lamang akong nakagano'n. Lumulutang ang isipan.
Halos mapatalon ako ng may biglang pumasok sa banyo. Hindi agad ako nakagalaw dahil si Ithuriel iyon.
"A-anong ginagawa mo? Baka may pumaso—" Ni lock niya ang pinto at agad naman akong nataranta.
"Atty. Manjare—" Sinalubong niya ako ng tingin at humakbang palapit sa akin.
Mabilis akong napaatras. Tumama ang likod sa lababo.
Sinakop niya ang natitirang espasyo sa gitna namin at hindi ko mabasa ang nasa mata niya.
Pinagitna niya ako sa mga bisig niya at ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang kumawala doon.
"Tingin mo siya ang pumatay?" His voice is firm but I sensed fear.
Gusto niyang malaman ang sagot na tila ba ang tanging pag-asa na lang niya ay ang sasabihin ko.
My lips began to tremble, sa lapit niya ay sobrang akong kinakabahan.
"I... I don't make judgements about guilt or innocence." Bumaling ako ng tingin sa kanan.
Ngunit hinuli niya ang mata ko. Pilit pinatitingin sakanya.
"I'm asking your opinion." His tone is nearly begging pero iba ang pinararating ng mata niya.
"H-hindi ko pa maibibigay ang resul—"
"Sabihin mo sa akin kung siya ba ang nakapatay kay Nanay." Parang linukot ang puso ko.
"Hindi ko alam. Ang trabaho ko ay alamin kung ano ang tumatakbo sa isip niya at kung paano niya tignan ang mundo—"
"Please. I am not asking as his lawyer! Nagtatanong ako bilang anak ni Tatay Agripino!" Tumaas baba ang kanyang balikat na para bang naghahabol ng hininga.
"At nagtatanong ako sa Sari na kilala ko noon.." Napakagat siya sa ibabang labi niya at lumihis ng tingin.
Napayuko ako at sumakit ng triple ang aking puso.
I can feel his frustrations. Pero hanggang doon nalang iyon. Wala na akong magagawa para mapawi 'yun.
Parang may kung anong napatid sa akin at nagsimulang mamuo ang luha sa aking mata.
"I.. I'm sorry." My breath hitched.
Pakiramdam ko ay maiiyak na ako sa harapan ni Ithuriel ngunit kailangan kong pigilan iyon.
Anong karapatan kong makisabay sa pinagdadaanan niya?
Namatay si Aling Matiana at hindi alam kung si Mang Agripino nga ba ang nakapatay o hindi.
Hindi ko na kinaya at tumulo na ng tuluyan ang luha ko.
"Sabihin mo sa akin.. Are you this serious about your job na kahit ang opinyon mo ay ipagkakait mo sa akin?" His gaze shifted on me.
Parang akong hinihigop ng kanyang mga mata, gusto kong hawakan ang mukha niya pero may pumipigil sa sarili ko.
Hindi ako makapagsalita kahit gusto ko. Masyado akong gulantang sa mga nangyayari.
In short instance, lumitaw ang mata ng lalaking kilala ko noon. Ang hirap suklian, ang hirap salubungin.
Lalo na't sakit ang nakita ko doon.
"Right. Hindi na nga ikaw ang Sari na kilala ko.." Inalis niya ang magkabilang kamay niya sa lababo para pakawalan ako.
Sa ginawa niyang iyon pakiramdam ko ay kasama na rin ang pagbitiw sa pag-asang narito pa ang Sari na kilala niya noon.
Hindi ako nakapagsalita. Nanatili lamang ang tingin sakanya habang nakayuko siya.
"Ganito ka ba talaga kapatas, Sari?" Halos bulong nalang iyon.
But the impact is much worse.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Impit na pinipigilan ang paghikbi habang tumutulo ang mga luha sa mata.
Hindi na siya muling nag-angat ng tingin at tuluyan ng lumayo sa akin. Lumabas na siya sa banyo at naiwan akong mag-isa.
Doon lamang ako nakaiyak ng malaya.
Tinakpan ko ang aking bibig dahil baka may makarinig. Ramdam ko ang pag-angat baba ng aking dibdib.
Habang nakatingin sa salamin ay may napagtanto ako. Tama siya. Hindi ako patas. Hindi ako naging patas sakanya.
Kumuha ako ng tissue at pinunas iyon sa mukha ko. Huminahon din ako ng ayusin ko na ang sarili ko.
Huminga ako ng malalim at nagpasyang lumabas na sa banyo at pumunas muli sa pisngi.
"Sariah.." Nag-angat ako ng tingin.
Si Kollin. He was leaning on the wall ngunit agad nagbago ang ekspresyon ng makita ako.
"What happened?" Lumapit siya sa akin at sinuri ang mukha ko.
"W-wala. Napuwing lang ako." Ngumiti ako kahit alam kong pilit lamang iyon.
Tahimik lang siya at hindi sumagot. Sinamantala ko na iyon para magsimula ng lumakad.
Sinundan niya ako at hinawakan sa palapulsuhan.
"I think you need some comfort food." Mabilis kaming nagtungo sa malapit na cafe.
Nanuot ang amoy ng kape sa ilong ko at parang kumalma ang diwa ko.
The cafe is quite small and cozy. It's in European style, touched with beige, wood, and green tones.
Tahimik at kaunti lang ang tao.
Pinaupo na ako ni Kollin at siya na mismo ang umorder para saamin.
Habang naroon ay hindi maiwasang lumipad ng isip ko.
Sa nasabi kanina ni Mang Agripino, ang kapit-bahay daw nila ang tumawag ng pulis at nagsumbong na siya ang may sala ngunit wala iyong basehan.
Nakita lamang siya no'n na hawak si Aling Matiana habang duguan. Maaaring suspect din 'yun dahil paano niya nalaman na may nangyari sa bahay nila Mang Agripino kung wala naman siya sa loob?
Mabilis nakabalik si Kollin dala ang isang cheesecake, iced coffee at vanilla frappe na paborito niya.
"These are yours," Nilahad niya sa akin ang usual order ko. "This is mine." Sabay inom agad sa kanyang frappe at umupo na sa harapan ko.
"Thank you, Kol." Ngumiti ako at tumango naman siya.
"Kain ka na." He smiled at lumabas ang dimple niya sa pisngi.
Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko sa pagkain.
Sa gilid ng bintana ang pwesto namin kaya makikita doon ang labas. Gumala ang mata ko doon habang kumakain.
I watched the busy street outside gaya ng ginagawa ko noon sa aming baryo.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal napatitig doon basta naramdaman ko na lang na ubos na ang kinakain ko at nakatingin lang sa akin si Kollin.
"S-sorry.. Marami lang akong iniisip." Binalot ako ng hiya dahil hindi ko siya napansin.
Parang wala tuloy siyang kasama.
"It's okay. You think, I'll wait." Ngumiti ito ngunit umiling ako.
He chuckled. "Sabihin mo na lang. Baka makatulong ako."
"No.. Hindi na. Sa bahay ko na lang itutuloy ang pag-iisip." Sumimsim ako sa iced coffee ko at nang mapansing desidido na ako sa sinabi ko ay tumango siya.
"I'm just here if you need my help." I smiled.
Umandar ang oras at pinilit kong makipag-usap kay Kollin kahit na tinatangay ako ng pangyayari kanina.
Pagtapos namin kumain ay hinatid niya na rin ako pauwi. Tahimik at mabilis ang naging byahe, siguro napansin din niyang pagod ako.
Sobrang nagpapasalamat ako kay Kollin dahil lagi lamang siyang nakasuporta sa ginagawa ko.
Pagdating sa bahay ay agad naman akong humalik kay Nanay at nagpasyang maligo. Nang makapagpalit ng damit ay inasikaso ko agad ang kay Mang Agripino.
Mabuti kong pinag-aralan iyon at napunta lamang ako sa iisang konklusyon. Gabi na ng matapos ko iyon.
Kumain kami ng hapunan ng sabay-sabay at agad din namang nagsi-akyat sa kwarto pagpatak ng Alas Nuebe.
Dahil hindi ako makatulog ay nagpasya akong buksan ang laptop ko.
Kinain ako ng kuryosidad at tila may gusto akong gawin kaya tinipa ko ang pangalan ni Ithuriel sa google search.
Atty. Ithuriel P. Manjares
Doon lumabas ang samutsaring artikulo tungkol sakanya. Hindi ko inaasahan ang dami no'n. Ibig sabihin ay kalat na talaga ang pangalan niya at talamak na ang nakakakilala sakanya.
Nakita ko rin ang mga iilang gantimpalang natamo niya at mga kasong naipanalo sa korte.
It's true that he became successful. I'm so proud of him. Kung alam lang sana niya..
Pag pindot ko sa images ay mabilis gumala ang mata ko.
May iilan doon na puro kalalakihan ang kasama niya ngunit mayroon ding mga kababaihan.
Karamihan ay pormal ngunit may iilang masasabi mong hindi naman ka-trabaho lalo na't kita sa pwesto at pananamit.
Parang may bumaliktad sa aking tiyan kaya agad kong sinara ang laptop.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top