Chapter 34
"Huwag 'yan, Sariah! Choose the white one, bagay sa'yo ang puti! Ang ganda!" Jai squealed.
Linayo ko ang phone ko sa akin at mas tinapat na lang 'yun sa katawan ko. Her voice is so loud. Sabagay wala namang bago do'n.
"Hindi ba mas okay itong isa?" Ulit ko sabay angat ng brown blazer.
"Iyang puti nga kasi. Ang kulit? Trust me on this one, Sariah." She winked.
Ang background sa kanyang likod ay ang kwarto niya.
Sabado ngayon at wala naman talagang pasok pero may forensic work kasi ako kaya ako abala ngayon sa pagpili ng masusuot.
Having Jai beside me is a pure blessing. Gaya ng sabi ko noon ay tinuruan niya ako ng maraming bagay. Ultimo tungkol pananamit at paglalagay ng kolorete ay sakanya ko rin natutunan.
"Okay."
Pinatong ko muna sa tukador ang phone ko nang hindi ako nawawala sa camera ng FaceTime namin.
I look at myself in the big mirror. I'm wearing a black satin cami top as an inner at bumagay doon ang napili ni Jai na ternong white blazer at high waisted work pants.
This outfit screams professionalism. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay.
Namulat ako na puro bestida lamang ang suot sa probinsya kahit pa may may okasyon.
But now, as I gaze my reflection through the mirror, I realized that a lot has changed since then. Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay hindi na ako ang Sariah noon.
This is still me but a bit tough and upgraded, I guess?
"Oh God, you're so beautiful! Please, kahit may kulay na ang labi mo mag apply ka pa rin ng lippie." Tumango ako at sinunod ang sinabi ni Jai.
Kinuha ko mula sa aking pouch ang aking MAC lipstick in the shade Velvet Teddy. It's between nude and pink.
Gusto ko iyon given na it's a gift from her at ang kulay nito ay bagay sa morena kong balat. Ayoko din kasi ng mapupulang lipstick na hilig naman ni Jai.
"That completes the look. Yay! Oh, those curls. Gusto ko din niyan!" Natawa ako sa puri ni Jai habang sinusuklay ko ang buhok ko.
Inilagay ko 'yun sa aking harapan.
"Ayan?" I asked.
"Yes! Now I know kung bakit hulog na hulog si Kol sa'yo at hindi na makabangon pa!" Humagikgik siya sa kabilang linya.
Agad naman akong pinamulahan ng pisngi.
"Kailan mo ba sasagutin, Sariah?" Natigilan ako. I was caught off guard.
Ang totoo ay hindi ko rin alam.
"Hey! I'm just asking, no pressure. I understand if you're not yet ready." Napalunok ako.
Do I still need time? Or am I just waiting for someone, hoping for a turn of events?
I shooked my head in disbelief.
Wala ng gano'n, Sari. Imposible na kayo ni Ithuriel.
I hurt him. I inflicted pain to his heart and I don't want to cross paths with him for the second time if that would only mean rubbing salts on his open wounds... again.
But what if he's healed?
Kung ganoon ay masaya ako para sakanya. Pipilitin ko na lang maging masaya para sakanya. 'Yun naman ang ginusto ko.
I left him and I think life would be easier for him without me in it.
"Alright! Talk to you later." Nagpaalam na si Jai at pinatay ko na rin ang tawag.
I glanced at the mirror one last time and wore my black open toe heels.
Pagkakuha ko ng shoulder bag ko ay bumaba na ako sa aming hagdanan.
Nakita ko agad si Kollin sa aming tanggapan. He immediately stood up when he saw me.
"Hey.." He scratched the back of his head.
Nanuot sa aking ilong ang pabango niya. Hindi iyon masakit sa ilong, natural scent 'yun na lalo lang nagpalakas sa dating niya.
He's wearing a gray sweatshirt that envelops his arms and body. Nakatupi iyon hanggang siko na tineternuhan naman ng black pants at white shoes.
"Ang aga mo. Nag lunch ka na?" I asked then he chuckled.
"Hindi pa nga eh." Tumango ako at inaya siya sa aming dining room.
Kahapon pagkalabas ng sekretarya ko sa aking opisina ay nagprisinta si Kollin na ihatid ako sa courthouse para sa evaluation ko mamayang Alas Tres.
I smiled. Ganoon talaga ka-thoughtful si Kol dati pa.
Pagkaupo namin sa antigong upuan ay nagsimula na kaming kumain sa long table.
Naroon sila lola at lolo at pilit nila kaming tinutukso pero ngumingiti lamang si Kollin. Hindi nagbibigay ng anumang sagot marahil para hindi umasa ang mga ito saamin.
Dahil wala pa naman kasing aasahan talaga.
Umandar ang oras at noong sumapit na ang Ala Una ay nagpasya na kaming gumayak.
Bago tuluyang umalis ay dumaan ulit ako sa garden upang magpaalam kay Nanay.
"Nay.. Aalis na po ako." I kissed her forehead at nagpaalam din si Kollin.
"Hello, Tita Veronica! Ihahatid ko lang po si Sariah." Nagmano siya dito at tila hindi mawaglit ang tingin ni Nanay sakanya.
"Hahatid?" Tumango si Kollin.
"Opo, hahatid lang, Tita. Ibabalik ko din po ng buong buo, wag po kayong mag-alala." Napatawa ako sa sinabi niya.
"Aalis na kayo?" I smiled. Muling tumango kay Nanay at kumaway.
"Ate Linda, Kuya Robert. Alis na po kami. Pakisabi na lang po ulit kanila Lola."
"Walang problema, mag ingat kayo." Anito.
Sa labas ng bahay ay nakita ko ang kotse ni Kollin. BMW na kulay gray. Pinagbuksan niya ako ng pinto at naupo na sa passenger seat.
Naging ayos naman ang byahe. Paminsan minsan ay sumusulyap saakin si Kollin at biglang ngingiti.
"Hala. Ano ba 'yun?" I asked.
Mamaya kasi ay may dumi na sa mukha ko at 'di ko pa alam.
"Nothing." Diretso na ang tingin niya sa kalsada ngunit hindi pa rin natitinag ang ngiti sa labi.
His right hand is resting on the steering wheel while the other one is playing his own lips.
"Hindi ako naniniwalang nothing lang." Tumawa siya.
"Wala. I'm just happy being here with you." He wiggled his brows.
"You're always happy, Kol." I stated a fact.
"Nandito ka kasi." Bumaling siya sa akin at ngumiti lamang ako sakanya.
I looked outside. Pinasadahan ng tingin ang mga commercial buildings, and suddenly, a memory flashed back on my mind.
Kakatapos lamang ng klase ko at pauwi na sana nang may makita akong mga lalaking nagkumpulan sa isang tabi.
Mabilis umangat ang balahibo ko dahil hindi ko pa naman gamay dito sa Maynila at natakot ako sa sinabi ni Jai na mga manyak daw.
Nalaman niya ang nangyari saakin noon dahil halata niya daw na mukha akong may takot sa mga lalaki.
Malas pa dahil hindi ko alam ang tinutukoy ni Kuya Robert na parking.
Malawak ang school na pinasukan ko at bago pa makarating sa main gate ay kailangan mo pang baybayin ang madilim na catwalk.
Umihip ang hangin, Alas Siyete na at ang tanging ilaw na lang dito ay ang magkakalayong street lights at ang liwanag ng buwan.
Parang kumawala sa dibdib ko ang puso ko ng may sumulpot bigla sa tabi ko.
"Hello." Agad akong lumayo.
Paglingon ko ay nakita ko ang pamilyar na mukha ng pinakilala ni Jai.
"Gabi na ah, wala kang kasabay?" Pinasok niya ang kamay niya bulsa ng pants niya.
"W-wala na si Jai eh. Nauna na." Tumango lang siya at inobserbahan ako.
Agad akong tumiklop, pakiramdam ko'y gusto ko na lang tumakbo kahit wala naman siyang masamang ginagawa.
Mukhang hindi yata siya nakangiti?
"I think I know what happened to you." Natigilan ako.
"Ha?" Kumunot ang noo ko.
Patuloy akong naglakad at hindi naman siya dumikit saakin. Nakasunod lang sa likod.
"Tingin ko alam ko na kung bakit ka mailap sa lalaki." Napahinto ako doon at humarap sakanya.
"B-bakit? May sinabi ba si Jai sa'yo?" Kumabog ang dibdib ko.
Mariing napapikit. Sana ay hindi sinabi ni Jai dahil nakakahiya.
"Nope. Wala siyang sinasabi. I kinda sensed it on you. We're psych majors, remember?" Napalunok ako.
"Tama ba ako?"
"A-anong ibig mong sabihin?" Nanginig na ang labi ko.
"You know what I mean." Mapait siyang ngumiti.
Hindi ako nakasagot.
"Well, my mom acted just like you. The only difference is that she didn't make it. She was raped at tinago niya saamin iyon hanggang sa hindi niya na kinaya. Kung sana ay mas nalaman ko ng mas maaga edi sana nandito pa siya kasama ko." Hindi ako nakasagot. Nanghina sa kanyang sinabi.
Ibig sabihin ba no'n ay nagpakamatay ang Nanay niya?
"S-sorry." Sabi ko.
"Don't be sorry." Napayuko ako at pinaglaruan ang kamay ko.
"B-biktima ako ng sexual harassment at attempted rape. Pero mahirap pa rin.. lalo na 'pag bumabalik sa isipan ko."
Wala naman ng punto ang pagtatago dahil alam niya na. Mabuting nang linawin ko ito sakanya.
Tumango lamang siya at nakinig. Naglakad na ako habang siya naman ay nakaantabay lang sa likod.
Rinig na rinig ang mga kuliglig sa tahimik na paligid at nadadaan kami sa mga kumpol ng lalaki na pauwi rin ngunit hindi ako dinapuan ng takot.
Kahit papano ay hindi ako naging balisa.
Pagdating sa main gate ay nasipat ko na ang kotse at si Kuya Robert.
Huminto si Kollin sa harap ko.
"Can you do me a favor?" Umangat ang tingin ko sakanya.
"Huwag mong ikahiya ang nangyari sa'yo. Alam kong mahirap but you're a survivor. Not everyone has the same courage as yours." Napatango ako at napaisip.
Simula noon ay gumaan ang loob ko kay Kollin.
Araw-araw na niya akong hinahatid palabas ng gate, nakabantay kapag may lalaking nag tatangkang lumapit.
Hindi naman niya ako binabakuran. Protective lang ito at ayos lang naman din sa'kin ang gano'n dahil hindi rin ako interesado sa mga lalaking lalapit lang para pumorma.
And that's what I like about him.
Sa nangyari sa kanyang ina ay nagawa niya akong intindihin at kahit alam niya ang tungkol doon, he never treated me as a fragile object.
Normal pa rin ang pakikitungo niya. I didn't feel like a burden and that helped me cope up with it.
Because of Kollin, I was empowered as a woman.
"We're here." Tumigil ang makina ng sasakyan.
Tumambad sa aking harapan ang magarang arkitekto't disenyo ng courthouse.
Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. He's always like that.
"Thank you, Kol." He just shrugged.
"Anytime." Saka ako ginawaran ng ngiti niya.
Nagpaalam na kami sa isa't isa at sinabi niyang maghihintay siya sa malapit na cafe.
Sa kulit niya ay napapayag niya ako at bago daw sana umuwi ay kumain muna kami sa labas.
I glanced at my watch. Sakto, hindi pa ako late kaya tumuloy na ako sa area.
Hindi ito ang unang beses ko dito but I'm still in awe whenever my feet walk in here. It felt like I'm walking to redeem justice.
Unlike my homey-vibe office, the court's clinic room is much spacious. The walls are in neutral color, gray to be exact which varies in shade. The other side is made up of glass kaya tumatagos doon ang liwanag ng araw papunta sa loob. From there, makikita ang kagandahan ng labas.
This clinic looks like an interrogation room but with a class. Lamesang itim at tatlong itim na upuan lamang kasi ang nasa loob. Marahil ginagamit lang kasi talaga itong area for assessment.
Wala naman akong karapatan magreklamo dahil ito ay nakabase din sa disenyo ng buong courthouse.
Pinatong ko ang aking bag sa gilid ng mesa at mayamaya lang bumukas na ang glass na pinto.
Iniluwa no'n si Mr. Levine na nakasuot ng pormal. Kaagad akong lumapit.
"Ms. Alonte. Thank you for coming." Kinamayan niya ako at tinanggap ko naman iyon.
"No problem, Mr. Levine."
"I'm expecting narinig mo na ang tungkol sa kasong ito?" Umiling ako.
"Oh right. Hindi ko yata nasabi sa iyong sekretarya. Ms. Alonte, you will evaluate a suspect for murder." Tumango ako.
Gaya ng sabi ko noon, pinili ko ang propesyon na ito kaya dapat maging matapang at matatag ako. Inaasahan ko na ang mga bagay na ganito.
"I'll call him. Don't worry he will be escorted." Lumabas siya at agad namang pumalit ang isang court guard kasama ang suspect.
Sinalubong ko ito but my heart jumped out. I was too stunned to say a word. I couldn't utter anything.
The man standing beside the court guard is very familiar.
In fact, I know him. Kilala ko.
Akala ko ay wala na akong mas igugulat pa pero mali ako.
My body froze. Unable to move. Unable to reach the hand of someone I thought I'd never see again.
"Ms. Alonte.. This is Agripino Cruz, my client. I'm Ithuriel Prieto Manjares, his attorney."
My lips trembled. Too caught up with what's happening. Is this real?
Tinitigan ko lamang ang kamay niyang nasa ere. Hindi ko matanggap dahil sa pagkagulat.
"Right." He said in a deep voice at mabilis na binawi ang kamay upang ilagay sa bulsa.
I looked at him. His built became more firm. His arms and chest were chiseled perfectly in a dark-colored suit. With a tie and white button-down shirt matched with a polished black shoes, he looked even better.
His once disheveled hair is now neatly styled. His face did not fully change but it became more manly.
His eyes weren't the same anymore, though.
I sensed indifference. I sensed detachment.
The way he carries himself is very different from the man I knew before. Something inside me flinched.
"Pwede na ba tayong magsimula?" His brows shot up.
Napalunok ako. Ang daming tanong na tumatakbo sa utak ko ngayon.
Kinuyom ko ang aking palad ng sobrang diin para malaman kung panaginip ba ito o hindi.
In the end, I realized that this is the reality.
"Y-yes.. Sorry." Hindi ko alam pero 'yun ang unang lumabas sa bibig ko.
Kusang sumara ang pinto at lumapit na kaming tatlo sa mesa.
I sat in front of them. Halos manginig ang tuhod ko buti na lang ay nakaupo na kami.
Bumaling ako kay Mang Agripino na nasa kaliwa. He obviously aged and there's something about him I couldn't name.
Naaalala niya ba ako o hindi?
Gusto ko sanang magtanong bilang Sari na taga baryo Dagatum pero iba na kasi ngayon.
I have to be professional. I won't let the past cloud my thinking. I have to be Sariah, the psychologist.
"I'll be present during the evaluation." Nanatili ang nakakapasong mata ni Ithuriel sa akin.
I looked away, unable to meet the intensity of his eyes.
I cleared my throat and mustered all the strength I have just to start.
"I... I will ask fairly personal questions, Mr. Cruz. Pero gusto ko muna malaman kung nasabi na ba sainyo ang layunin ng evaluation na ito?"
Tumingin sa paligid si Mang Agripino at hindi agad nakasagot, napansin iyon ni Ithuriel.
"I told him that the court wants to know if he's fit to proceed to trial. To know if he's lucid, processing, can tell right from wrong, or capable of murder." I slowly nodded.
"Did you explain that anything he will tell me may be qouted verbatim in testimony and could affect the outcome of his case?"
His lips parted for a while ngunit agad namang nabawi iyon.
"Yes." He stared at me blankly.
"Pakisagutan po ito, Mr. Cruz." Nilahad ko sa kanya ang papel at sinabihang kung may hindi naiintindihan ay itanong saakin.
The purpose of that questionnaire is to obtain a comprehensive picture of his background. In that way, mas magiging madali ang session namin.
After minutes of answering. We're now in our mid-conversation. Hindi ako makapagpokus masyado dahil sa mga titig na binibigay ni Ithuriel.
Pakiramdam ko ay mauutal at magkakamali ako sa sasabihin ko dahil sa ginagawa niya.
"Gumamit po ba kayo ng ilegal na droga?" Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.
Tumango si Mang Agripino.
"Ano ang mga iyon?"
"Heroin. Cocaine. LSD." Sagot nito.
"Kailan po nagsimula?"
"Hindi ko na matandaan pero matagal na. Kaya siguro—"
"Sagutin mo lang ang tanong niya." Pigil ni Ithuriel.
Kumunot naman ang noo ni Mang Agripino ngunit sumunod din ito.
"Kailan po ang huling paggamit niyo?" Umiwas ng tingin si Ithuriel saakin.
"Isang taon na rin ang nakakalipas." Sinulat ko iyon sa aking notebook.
"Paano po kayo huminto? Paano po kayo nagpagaling?" Bumalik sa isipan ko ang mga memorya ng nakaraan.
Balewala lang din pala ang pagtulong namin sakanila ni Aling Matiana kung pinagpatuloy lang nila iyon noon.
Akala ko noong napalaya sila sa kulungan ay tumigil na sila. Hindi pa rin pala.
"Noon.. Sa tulong ng anak ko pero kalaunan ay gumamit ulit. Paglipat sa maynila ay tumigil ulit." Nakita ko ang pag igiting ng panga ni Ithuriel.
My throat went dry. Tinawag siyang anak ni Mang Agripino? Tama ba ang narinig ko?
I'm a bit distracted during the evaluation. Hindi pa ako kuntento sa nakuha kong impormasyon dahil alam kong kulang pa ito.
Gusto kong makaharap si Mang Agripino ng siya lang kung papayag si Ithuriel.
Pero siya ang abogado nito. Sino ba ako para mag demand?
I am now in the comfort room. Facing the large mirror. Gray din ang pader dito na tumeterno naman sa disenyo ng court evaluation clinic.
Napansin ko ang tatlong cubicle sa repleksyon ko mula sa salamin ngunit wala namang tao doon. Naghugas ako ng kamay.
Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa nangyari. Paanong naging suspect si Mang Agripino?
Kumuha ako ng tissue at pinahid iyon sa basa kong kamay.
Kanina ay napatunayan ko na hindi nga niya ako naaalala noong mag simula ang evaluation pero si Ithuriel.. Hindi ko alam.
Naging attorney pala talaga siya. Mapait akong napangiti.
'Yun ang gusto ko para sakanya pero bakit ako nasasaktan ngayon?
Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan dahil mukhang wala naman na yata siyang pakialam.
Tulad kanina, he just nodded and left right after the session. They left before I could say anything.
I guess, there will be a second meeting. Hindi na kasi nila narinig ang sasabihin ko.
Pero paano? Hindi ko na yata kayang harapin sila ulit.
Huminga ako ng malalim at sinuklay ang buhok habang nakatingin sa salamin.
"Sari.. Kalma lang." Pinaypayan ko ang sarili.
Kailangan kong maging propesyunal. Hindi pwede ang ganito.
I immediately called Kollin and to my surprise, hinihintay niya na pala ako sa labas.
Huling beses kong tinignan ang sarili sa salamin at tinungo ang labas.
I started walking towards him but I felt my knees wobbling.
"Sariah." Agad akong napadantay kay Kol.
"Hey? Are you okay?" Parang umikot ang paningin ko.
Hindi malaman ang tunay na mararamdaman lalo na noong lagpasan kami ni Ithuriel kasama si Mang Agripino.
He wasn't even looking. It's like he doesn't seem to care at all.
Naisip ko tuloy kung wala na ba talaga? Kahit kaunting epekto?
Nakabangon na talaga siya? Gumaling na ba siya?
Napalunok ako.
Kung totoo man, wala akong dapat ibang gawin kung hindi ang tanggapin 'yun.
Ako ang rason kung bakit siya nasaktan.
Dapat hindi na ako nagulat sa reaksyon niya. Alam ko na dapat 'yun.
My stomach turned. The thought of having him near me is too overwhelming and making me feel regret.
But I shouldn't.
He's now successful. Even his real surname sounds like one.
Manjares.
I wonder kung nahanap na niya ang tunay niyang magulang? That last name surely belongs to his biological father.
I felt a tug on my heartstrings. I've always wanted that for him.
To experience the parental love he never had. Kahit huwag na ang akin. Kahit huwag na ang pagmamahal ko.
At least, nawala man ako sa tabi niya nahanap niya naman ang totoong magulang niya.
"Sorry.. Pwede bang sa susunod na lang tayo lumabas? Sumama kasi ang pakiramdam ko." I turned to Kollin.
Worry is evident in his eyes.
"Of course.. Don't think about it, you need rest."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top