Chapter 32

"Psychological disorders.. Types of therapy.. Risk factors for depression—"

"Sariah!"

Mabilis kong nilipat ang aking mata sa glass door na bumukas.

Binaba ko ang aking kamay. I was arranging my hard bound research papers from the wooden shelf of my office pero maaari ko namang gawin nalang iyon mamaya.

"Free time?" I asked.

Ngumiti si Jai at tinaas taas ang kanyang plakadong kilay bilang sagot.

With her black shoulder length hair, bumagay sakanya ang suot niyang white top with matching grey blazer and pants.

"Meryenda tayo!" Ngumuso ito at pabagsak na umupo sa cream accent chair na madalas kong inuupan pag may kliente.

Kaharap noon ay ang mahabang sofa na kulay rust. Sa gitna ay mayroong pabilog na wooden mini table kung saan may nakapatong na succulent.

Bumalik ako sa aking puting desk at sinarado ang aking laptop.

"Kain nanaman?" Tumawa si Jai.

"Alam mo naman kahit ganito ang katawan ko, lagi akong gutom!" She rested her head back at tinapik ang kanyang tiyan.

"Baka tumaba ako sa kakaaya mo sakin ha." Sambit ko tsaka kinuha ang aking wallet at phone sa bag.

"Really, Sariah? Ikaw tataba? Is that even possible?" Napailing na lamang ako habang tumatawa.

Tumayo na si Jai at bago kami lumabas ay pinasadahan ko muna ng tingin ang buong opisina.

Rumeplekta ang sinag ng araw sa loob mula sa malaking bintana. Doon makikita ang kagandahan ng syudad ngunit wala pa rin itong binatbat sa lugar na nasa isip ko.

The walls are divided into three. Two sides are in white and the other is in wooden brown for accent. Mayroon maliit na fireplace sa gitna noon.

Few indoor green plants were also displayed in some corners of the room. While the Kilim rugs complimented the khaki oak floorings and it's a good thing because it presented a very homey vibes just the way I imagined my office would be.

Sinara ko na ang glass door at bahagyang napa-ngiti nang mabasa ang nakapaskil doon.

Sariah Vera L. Alonte, RPsy
Licensed Psychologist

"Let's go, Sariah! Cafeteria na tayo, for sure inaabangan ka na ni Kol!" Sabay impit na tili ni Jai.

Napailing na lamang ako sa ligalig ng kasama ko. She reminds me of Yna.

Ang pinag kaibahan lamang nila ay ang kulay ng balat at tangkad. Mas isip bata rin si Yna o baka hindi rin dahil matagal na rin noong huli kaming nagkita.

Lumakad na kami at tinahak ang papunta sa first floor. Kasalukuyan kaming nasa seventh floor ng Lamarre Corporations.

Ang buong floor na ito ay nilaan na nila lola Virginia at lolo Barry para saakin.

Dito ako nagsimula ng sarili kong clinic kasama ang ibang Mental Health Specialists na mayroon ding mga kanya kanyang opisina.

Tumambad ang hilera ng white office cubicle saamin ni Jai, parang artista ang kasama ko dahil halos lahat ng madaanan namin ay kinakausap siya.

Sa area na ito nag tatrabaho ang mga nakatalang research team at ibang mental health advocates. May iilan ding taga disseminate ng information regarding our mental health services kaya unti unting nakikilala ang aming clinic.

Mataas ang respeto ko sakanila dahil kung wala sila ay hindi rin naman mag tatagumpay kung ano ang mayroon ako ngayon.

"Good afternoon, Ma'am Sari!" Bati ng mga interns at ibang empleyado na dumungaw sa kanilang mga cubicle.

Sinikop ko sa aking tenga ang kumakawala kong buhok.

"Good afternoon din. Meryenda lang kami sa baba, gusto niyong sumabay?" Tanong ko.

"Nako, hindi na po! Madami pa pong ginagawa." Humagikgik si Lance at nakipag apiran pa sa kanyang katabi.

"Grabe! Ang bait talaga ni Ma'am Sari!"

"Sssh. Oo, mabait talaga yan. Kaya nga crush ko eh." Tumawa na lamang ako sa narinig.

Mga bata pa talaga.

Hindi tulad ng opisina ko, ang kabuuan ng disenyo sa seventh floor ay moderno. Minimalist lamang at masarap sa mata.

The overall glass windows are lined with black borders. The walls are white just like the floorings kaya tumeterno ito sa mga iilang grey carpets.

May isang napaka laking clock sa pader na puti. Ang mga numero at ang dalawang kamay lamang ng orasan ang naka dikit doon, simple ngunit eleganteng tignan.

Habang nag hihintay sa pag akyat ng elevator ay napatingin ako sa repleksyon ko sa malaking salamin.

Sa gilid ay may halaman pang nakaharang doon ngunit kita ko naman ang sarili.

I'm wearing a brown strapped bodycon dress with a white notch collar blazer and a stilettos.

Gaya noon ay natural pa rin ang pagkapula ng aking pisngi at labi ngunit sa tagal ko sa Maynila ay natutunan ko na rin kung paano maglagay ng ibang kolorete.

Kumpara noon, ang buhok kong hanggang bewang dati ay mas umiksi na ngunit sumasayaw pa rin ang mga kulot nito sa dulo.

"Diba, Sariah? Wait, are you listening?" Napalingon ako kay Jai na panay ang buka ng kulay pula na labi.

"Sorry, hindi ko narinig." Tumawa ito.

"Ganda nga, bingi naman." Kumamot ito sa kanyang ulo at sumakay na kami sa elevator pag bukas nito.

May iilang tao sa loob at tumango naman ako bilang pag galang. Pamilyar din kasi ang iba.

"Sabi ko wala pa pala si Kollin sa baba. Aba, first time yata yun. Baka naman—"

"Baka busy lang yung tao, ikaw talaga." Nanliit ang mata ni Jai.

"You better be right kasi kung hindi sasapakin ko talaga yun! Hindi kita pinakilala dun para lokohin ha." Nanlaki ang mata ko.

"Jai, para kang baliw. Wag ka nga maingay." Napatingin ako sa ibang nasa elevator.

"Ano ka ba, Sariah! Syempre konsensya ko yun pag nagkataon, ako ang naging tulay niyo eh." Humagikgik ito at saka naman bumukas ang elevator.

Lumabas na kami dahil nasa first floor na.

"Mabait naman si Kollin." Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Jai and Kollin were one of my closest friends back in college. Noong una ay wala talaga akong kakilala at para akong inosente sa pribadong paaralan na pinasukan ko.

Doon ko tinuloy ang naudlot kong kurso sa probinsya. Medyo nahirapan lang ako sa pag adapt pero dahil sa tulong ni Jai ay napadali ang buhay ko.

Marami siyang tinuro ultimo lenggwahe nga niya na hindi ko naiintindihan noon ay natutunan ko na din.

"Ganito talaga dito sa Manila, Sariah! Masanay ka na. Oh, look at those pervs. Huwag kang lalapit sa mga yan ha!" Mula sa bench ng fields ay may tinurong kumpol ng kalalakihan si Jai.

Mga naka puting uniporme iyon gaya ng suot namin. Nasa apat ang bilang at ang gugulo habang nag tutulakan nang may dumaang babae.

"Pervs?" Kumunot ang noo ko at tinabi sa gilid ang librong hawak ko.

"Pervs! Pervert! Tirador! Manyak! Manyakol!" Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig iyon.

Walang ibang pumasok sa isip ko kung hindi si Matias. Umangat ang balahibo ko ngunit pinilit kong huwag pangunahan ng takot.

"Yeah, right." Agad akong napabalikwas ng may tumabi saakin. Malalim ang boses nito kaya nagulat ako.

"Hala. Okay ka lang?" Pinagpag ko ang uniporme ko at umayos sa pagkakaupo.

Tumango ako at tinitigan lamang ang lalaking nakalahad ang kamay saakin.

"Sungit." Kumunot ang noo ko.

Kilala ko ba ang isang to?

"What is it, Kol? Pasulpot sulpot ka nanaman." Umikot ang mata ni Jai at sumubo ng chichirya.

Sumayaw ang mga dahon ng puno sa fields at sandaling naglalagyan ang mga iyon.

Napapikit ang lalaking katabi ko tsaka humagod sa kanyang clean cut na buhok.

Pag hupa ng hangin ay dumilat ito tsaka ngumiti.

"Sabi mo pumunta ako dito?" Bumaling siya kay Jai. Napakagat naman ito sa labi at lumunok.

"Ayy. Oo nga pala. Ah, Sariah. Si Kollin pala. Pasensya ka na, nangungulit kasi yan. Gusto ka daw awrahan." Agad nag init ang pisngi ko.

Ha? Anong awrahan? Bakit ganito ang mga salita dito sa Maynila?

"Anong awrahan?" Tumawa si Jai.

"Sino nagsabi non, Jai? Gusto ko lang makipag kaibigan ah." Depensa nito.

Mukha naman siyang mabait. Mestizo ang lalaking ito, matangos ang ilong, mapula ang labi at mayroong dimple sa kanang pisngi.

"Basta, Sariah. Gusto ka niya kilalanin." Aniya.

Bumalik ang tingin ko sa lalaki.

"Hello, I'm Kollin! Block mates tayo, hindi ko lang alam kung napapansin mo ako sa likuran." Tinanggap ko ang kamay niya.

"Sariah." Ngumiti lang siya bilang sagot.

"Oh, ayan masaya ka na ba, Kollin? Go, alis na. Mag aaral na kami dito." Tumawa si Kollin at tumango.

"Right, see you sa klase!" Agad itong tumayo at tumakbo paalis.

Sinundan namin siya ng tingin at nakita kong umakbay siya sa isang kakilala, hindi nawawala ang ngiti sa labi.

Nabalik ako sa realidad ng matunton na namin ni Jai ang cafeteria.

"Joke lang! I know Kollin is good, too good to be true." Kumindat ito at napailing na lang ako.

The interior of the building's cafeteria is neat and clean. Mapapansin na maluwag rin ito. Black tables and chairs are scattered around while some are exposed in broad daylight dahil tumatagos iyon sa glass na wall kung saan tanaw ang garden sa labas.

May maliit na pinto doon marahil ay exit o di kaya nama'y daan patungong smoking area.

The main walls are white and it accentuates the grey part color that was painted diagonally. The high ceiling was designed with modern black Bakoko and the lights hanging above the tables are pairs of Kayan pendants from Plumen.

"What do you want to eat, Sariah?"

"Cheesecake na lang. Busog pa rin ako." Tumango si Jai at umorder na sa counter.

Mabilis namang naibigay iyon at umupo kami malapit sa may bintana, sa hindi masyado natatamaan ng araw.

Nilapag niya ang tray at sinimulan nang lantakan ang pasta na binili niya.

Sandali kaming natahimik habang kumakain ng magsalita si Jai.

"Until now, I still can't believe that we're already licensed psychologist. Parang kahapon lang umiiyak tayo maipasa lang ang exam ni Ma'am Petrova." Puno pa ang bibig nitong pagkain.

Napangiti ako at tumango.

"Oo nga. Ang bilis ng panahon."

"Omg! Is that Bryan? Hala hala! Sandali lang, Sariah. Samahan ko lang si baks!" Mabilis siyang sumubo sa plato niya at uminom ng juice tsaka kumaripas ng takbo sa kanyang kaibigan.

Napatawa nalang ako. Maligalig talaga itong si Jai.

"I miss you, baks! Catch up naman tayo!" Nakita ko ang pag beso nilang dalawa at tinuloy ko na lang ang pag kain ko ng cheesecake.

Sinuot ko din ang airpods na bigay ni Sadie saakin na nakalagay sa bulsa ko at nagpatugtog na lamang sa cellphone.

Nag play ako ng kahit ano sa spotify at napunta naman ito sa album ng Hale.

Nagsimula ang ritmo ng kanta at agad naman akong dinapuan ng lungkot dahil sa lirikong dala nito.

How long has it been? Seven years? Eight years? Tama, walong taon na rin pala ang lumipas.

Maraming nangyari. Sa dami ay hindi ko na kayang isa isahin pa.

When we moved here at Manila, talagang nakakapanibago.

New environment. New rules. New faces. Taliwas sa lahat ng nakasanayan ko.

Nung una ay namimiss ko ang baryo namin pero nagkibit na lamang ako ng balikat marahil dahil mananatiling alaala nalang ang mga yun.

Pero ito na yun, ito yung pangarap ko. Yung bagay na gusto kong maabot pero bakit ganun? Parang may kulang. Parang may nawawala.

Masaya naman ako and I'm proud knowing that I've survived my studies. Akala ko hindi ko kaya eh.

Natatandaan ko, I was twenty three years old when I finished my bachelor's in undergraduate school. Twenty seven when I earned my doctoral degree for four years, mas napadali pa iyon dahil sinagad ko ang sarili ko makatapos lang ng mas maaga.

It was worth it, though. Kahit wala akong tulog at puro aral na lang ang inaatupag noon ay hindi ko yun pagsisisihan.

After that, I was required to complete a year-long postdoctoral training period before I can be fully licensed to practice. I was twenty eight years old that time.

Ngayon, isang taon na ako bilang Clinical Psychologist at the age of twenty nine. Hindi pa rin ako makapaniwala na lisensyado na ako.

My job is to assess, diagnose, and give possible treatments concerning with the prevention of mental disorders.

I don't work in medical settings given that I have my own clinic and because I'm not a medical doctor. Psychologists doesn't prescribe medications, Psychiatrists do.

During sessions, I have to keep detailed records of my client's assessment, diagnosis, some therapeutic goals, and treatment notes. Of course, everything is confidential. That's the basic rule.

Naisip ko tuloy, kung hindi ba ako umalis sa probinsya, mangyayari kaya 'to? Naging tama naman ang desisyon ko hindi ba?

I wonder kung kumusta na kaya ang mga naiwan ko. Pilit kong tinatak sa kokote ko na siguro ay ayos lang naman sila, pampalubag loob para hindi ako kainin ng lungkot at pagsisisi.

Hindi na ako nakapag paalam ng personal kanila Yna at Kyle. Sobrang nagtatampo si Yna dahil hindi ko man lang daw siya sinabihan.

Nakakausap ko siya paminsan sa text ngunit nung nagbago ako ng numero ay sa facebook niya na ako chinat.

Nalungkot ako dahil sa pag palit ng numero ko ay parang pinutol ko na talaga ang konesyon namin ni Ithuriel.

Noong sariwa pa ang lahat ay hindi niya ako tinantanan, napuno ng mensahe ang inbox ko. Puro pag hingi ng tawad at sa kada pag basa ko nun ay parang mas lalong dinudurog ang puso ko. Hindi ko kaya.

Kumusta na kaya siya? Nakausad na kaya siya? Nakabangon na ba siya? Kasi ako, kahit ako yung umalis hindi ako naging masaya. Hindi ako nakalimot.

Sandali akong napatawa ng mapait.

Ano nga bang karapatan ko mag drama? Ako naman yung nanakit.

Bawi naman siguro. Bago kami umalis patungo sa Maynila ay sinigurado ko kay lolo Barry ang napag usapan namin.

Palayain niya sa kulungan ang mga magulang ni Ithuriel. Si Aling Matiana at Mang Agripino dahil alam ko kung gaano sila ka importante kay Ithuriel.

Alam ko nakalaya sila. Walang anumang record sa polisya dahil nagawan iyon ng paraan ng mga Lamarre. Clean slate kumbaga.

Isa rin sa kondisyon ko ang tulungan si Ithuriel sa pag pasok niya sa law school. Hindi ko na alam ang detalye ngunit alam kong nangyari iyon.

Hindi ko na inalam dahil ayoko naman nang manggulo pa. Tama na yung sakit na binigay ko sakanya. Basta matupad niya ang pangarap niya, ayos na yun.

Naniniwala naman ako sa kakayahan niya. Sobrang masipag, matalino, matyaga at mapagkumbaba ang lalaking yun. Malamang kahit nga walang tulong ay magagawa niya pero hindi ko kasi mataim na pahirapan niya ang sarili niya.

Alam kong may part time siya ngunit hindi iyon sapat. Marahil ngayon ay nasa Maynila din siya ngunit sa laki nito ay imposible na kaming magkita pa.

Maybe he's pursuing his dreams just the way he wanted to. O baka nakamit niya na. Wala akong ideya.

Siguro naman ay masaya siya diba? Sino bang hindi sasaya kung matupad na ang sarili niyang pangarap?

Napayuko ako. Ako. Hindi ako masaya eh.

Pakiramdam ko ay may iisang pirasong kulang sa puso ko at ang taong makakapunan lamang non ay siya. Si Ithuriel.

The music stopped and I ate the last piece of the cheesecake.

Inalis ko na rin ang airpods sa aking tenga lalo na ng makita kong pabalik si Jai sa upuan.

"Daming chika ni batla!" Uminom siya sa naiwan niyang baso kanina.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Sadie.

Mabilis kong sinagot iyon at nag excuse kay Jai.

"Hello?" Rinig ko sa kabilang linya ang ingay. Nasa klase yata ang isang to.

"Ate!!" Sigaw nito.

Agad kong nilayo sa tenga ko ang cellphone. Kahit kailan talaga ay maingay tong si Sadie.

"Anong nangyayari sayo?" Tumawa siya at medyo tumahimik sa linya niya.

"Magpapaalam lang ako, Te. Baka lumabas kami ng mga kaibigan ko after class.." Pansin ko ang pagiging hopeful sa boses niya.

Kung kaharap ko lamang siya ay malamang nag puppy eyes na rin ito.

"Hmm.."

"Sige na, Ate! Alam mo naman na kinain na ako ng kurso ko. Ngayon na lang ako makakagala." Bahagya akong natawa.

Twenty two na ang kapatid ko pero kung makipag usap ay para pading bata.

"Sige, basta i-text mo saakin kung saan kayo pupunta. Mag update ka sakin."

"Yes, Ate! I love you, bye!" Napailing na lang ako.

Alam ko excited itong si Sadie. Palagi naman kasing nakakulong iyon sa kwarto niya at gumagawa ng kanyang plates.

Architecture ang kurso niya at gamit na gamit ang talento niya sa pagguhit dahil doon ay alam kong proud at masaya si Tatay para sakanya.

"Bye, ingat kayo." Sabi ko tsaka pinatay ang tawag.

"Look who's here!" Lumingon ako sa sinisipat ni Jai.

Si Kollin. Papalapit ito saamin habang nakangiti. His face features were soft just like when we were on college.

Halatang masiyahin at good boy sa malinis na gupit ng kanyang buhok. Matanda siya saamin ng dalawang taon ngunit ka batch namin siya, nagbulakbol ata nung umpisa pero ngayon ay matured na ito kung mag isip.

Sakto ang pangangatawan nito kaya bagay na bagay ang suot niyang light blue button down long sleeves at black slacks sa kanya.

He waved his hand. Nakipag apir kay Jai at umupo sa tabi ko.

"Ang haba ng session ko with client. Na drain yata ako." Yumuko ito sa lamesa at nag pumilit sumiksik sa gilid ko.

Tumawa naman si Jai.

"Nanliligaw ka palang kay Sariah ang clingy mo na? Lumayo ka, layo!" Kollin chuckled at kaagad namang umayos ng upo.

Yes. Nililigawan niya ako. I let him dahil wala naman sigurong masama? I mean, hindi na rin ako bata at sa tagal ng pagkakakilala ko kay Kollin ay naging kumportable na rin ako sa kanya.

Alam niya na naging mailap ako sa mga lalaki dahil nga sa nangyari saakin noon and since then, all he did was to protect me just to make feel safe.

I am very thankful for that.

"Hmm.. Okay. Napagod lang ako kaya kailangan ko ng energy." Ngumuso ito at kumamot sa ulo.

"Energy energy! Mukha mo!" Natawa na lang rin ako kay Jai. Kahit kailan talaga.

Actually pareho kaming tatlo nila Kollin ng propesyon, kalaunan ay dito na rin nila napili sa clinic ko mag trabaho under Lamarre Corporations dahil madaming benefits.

Ang pinag kaibahan lang, ayaw pang tumigil ni Kollin at kasalukuyan niyang pinagsasabay ang trabaho at ang training sa field ng Neuropsychology.

Sobra na yata ang talino ng taong to.

"Kumain ka na?" Lingon ko sakanya.

Unti unting sumibol ang ngiti sa labi ni Kollin.

"Alam kong nakakakilig, Kol. Pero itago mo naman!" Humalakhak si Jai.

"Right." Sandali ring tumawa si Kollin at nang makabawi siya ay biglang ngumuso.

"Hindi pa. Nagugutom na nga ako eh." Umangat ang gilid ng labi ko.

"Bibilan pa ba kita?" Mabilis siyang umiling.

"Of course, not! Hindi kita pabibilin ng pagkain ko, Sariah." Tumayo siya at pumunta na sa counter.

"May tililing talaga." Ani ni Jai.

Natawa na lang ako habang tinatanaw ang likod niya sa malayo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top