Chapter 3
"Sari. Pumunta ka na mamaya. Kumpleto attendance, ikaw lang ata 'di sasama eh." Bulong ni Yna habang nasa klase kami ni Mrs. Lopigan.
Pinipilit kong makinig sa discussion niya kaso parang lumilipad ang utak ko sa kawalan. Iniisip ko si Nanay sa bahay kung ayos lang ba siya.
"Huy, Sari. 'Di makausap teh? Lalim ng iniisip." Humagikgik si Yna sa tabi ko ngunit hindi ko siya pinansin.
Inaaya niya kasi ako sa Psychology Night mamaya. Sayang lang ang oras ko kapag pumunta ako do'n.
Habang nagtuturo si Mrs. Lopigan, nakatitig lamang ako sakanya.
Bumubukas ang bibig niya ngunit wala akong naririnig. Halos ka-edad niya lang si Nanay, iniisip ko ano kaya ang trabaho ni Nanay dati? Hindi kasi siya nagkwento saamin tungkol sa nakaraan niya. Puro istorya lang nila Tatay ang bukambibig niya.
Naalala ko tuloy noong ipinagbubuntis ni Nanay si Sadie. Bata pa lang ako no'n pero tandang tanda ko kung paano sinuyo ni Tatay si Nanay.
Nasa dalampasigan kami noon malapit sa puno na may duyan. Nakaupo si Nanay sa duyan habang nakaakbay naman sakanya si Tatay.
"Ayoko ngang umalis ka, Emil. Gusto ko dito ka lang sa bahay." Ang boses ni Nanay ay malumanay, mukhang nagpapaawa.
Manipis ang labi niya at sa pagkakataong ito ay nakanguso siya.
"Mahal, trabaho din kasi 'yun. Sayang at pwede nating pang-ipon 'yun sa panganganak mo kay Sadie." Inalo ni Tatay si Nanay at isinandal ang ulo niya sa baliktad nito.
Pinanuod ko lamang silang dalawa habang umuugoy ang duyan. Hinahangin ang buhok kasabay ng mga damit nilang sumasayaw sa ihip ng malamig na hangin.
"Oo nga, Emil. Pero gusto ko dito ka lang sa tabi ko." Hindi tumitingin si Nanay kay Tatay marahil ay nahihiya sa pagiging mapilit niya.
Ngumiti si Tatay at umiling. Hinalikan ang noo ni Nanay.
"Sige." Sagot nito.
"Sige?"
"Sige na. Hindi ko na tatanggapin ang trabaho, Mahal. Hahanap nalang ako ng mas malapit para lagi pa rin kitang mabantayan. Makita araw-araw."
Napangiti ako noong oras na 'yun. Musmos pa lamang ako at walang ideya tungkol sa pagmamahal pero nung masaksihan ko ang mga magulang ko, gusto ko gano'n rin ang mangyari sa istorya ko.
Kaso patay na si Tatay.
"Ms. Alonte." Patuloy lamang ako sa paglalaro ng aking ballpen habang nakatingin sa harap ng pisara.
"Sariah Vera." Nagising lamang ang diwa ko ng sikuhin ako ni Yna.
"Teh, tama na kakatulala. Tawag ka ni Mrs. Lopigan." Nagulat ako at agad na napatingin sa mga kaklase ko, lahat sila ay nakatingin saakin. Nag-aabang.
Napalunok tuloy ako sabay ayos ng bar pin ko sa may bandang dibdib ko.
"Ms. Alonte, mukhang nasa ibang dimensyon ka na ata. May bumabagabag ba sayo?" Umiling agad ako.
Ngunit alam kong hindi ito maniniwala. Magaling manuri si Mrs. Lopigan at alam niya kapag wala sa sarili ang estudyante niya.
Tinitigan niya lamang ako at ngumiti. Hindi na muling magtatanong.
Mali pala ako.
"Gaya ng sabi ko kanina. Care to explain what is operant conditioning?" Sabi ko na nga ba't dapat laging handa sa mga pa-recitation niya.
"Uhmm. Operant conditioning is a method of learning that occurs through rewards and punishments for behavior both positive and negative.." Tumatango lamang si Mrs. Lopigan at mukhang nag-aantay pa ng kasunod.
"Operant conditioning also known as operant learning theory was proposed by Burrhus Frederic Skinner. He was an American psychologist, behaviorist, author, inventor, and a social philosopher. Skinner argued that both animals and humans repeat acts that lead to favorable outcomes and suppress those that lead to unfavorable outcomes. Through operant conditioning, an individual makes association between a particular bahavior and a consequence."
Tumagal pa ang titig ni Mrs. Lopigan saakin at nakahinga na ako ng maluwag ng paupuin niya na ako.
"Correct. Hear that, Class? Sana lahat ng tulala sa klase ko ay katulad ni Ms. Alonte. Edi wala sana tayong problema sa pagkalkyula ng mga grado ninyo."
"Oof." Sabay tawa ni Yna at ibang mga kaklase ko. Nag kantyawan pa sila dahil sa sinabi ni Ma'am.
Nakinig na ako sa takot na matawag ulit. Mabuti na lang nakapagbasa ako kagabi bago matulog.
Lumipas ang oras at inabot na kami ng 6 PM sa school. Laktaw-laktaw ang vacant namin kaya walang pagpipilian kung hindi mag hintay na lang kaysa umuwi pa.
"Teh. Wag ka na umuwi ha. Sabi ng Dean ang lahat ng umattend exempted na sa finals."
Nandito kami nina Yna ngayon sa field ng school, may bench dito na pwedeng pag tambayan habang nag-iintay sa pag set-up ng lahat.
"Parang may choice pa ko ah. Finals na 'yun, ayoko na rin mag-take kung mag-isa lang ako." Sagot ko.
Ayoko ngang magreview mag-isa. Nakakabaliw.
"'Yan. Tama yan, Sari." Sagot ni Kyle at nag-apir pa sila ni Yna.
Kung hindi ko lang sila kaibigan, talagang mapagkakalaman kong mag boyfriend at girlfriend 'tong dalawa eh.
Magkababata kasi sila at nakilala lang nila ko sa klase. Bagay silang dalawa hindi ko lang sinasabi at baka magka-ilangan.
Napahinto na lamang kami sa pag-uusap nang may tumugtog na sa stage, bigla na rin nagsi-datingan ang iba.
Dumami na ang tao sa field. Mukhang mauunahan pa kami sa pinakaharap nito ah.
"Huy! Tugtugan na, Sari. Gusto ko yang may pa-opening number!" Bigla namang tumalon si Yna sa kinauupan niya at hinatak ako sa tabi niya.
Sumunod saamin si Kyle habang umiiling. Sabay kaming tatlo nakihalubilo sa mga tao. Lahat ay nakaputing uniporme pero wala yata silang pakialam kahit madumihan 'to.
"Shet, Sari. Ang pogi ng mga tumutugtog!" Bulong ni Yna habang pinagmamasdan ang grupo ng lalaking may hawak na mga gitara.
Sakto lang.
Tumabi sa likod namin si Kyle, matangkad naman kasi siya at mukhang hinaharangan niya kami ni Yna sa mga taong magugulo sa likod namin. Gentleman kasi tong si Kyle.
Inobserbahan ko ang mga tao sa paligid, ang iba ay may hawak na inumin at mga pagkain mula sa booth na nasa field. Isa sa pinagkakaabalahan ng mga club presidents at members sa school.
Lahat ay nagsasaya. Dahil siguro wala ng finals? Dahil sa tugtog? O dahil sa mga tumutugtog?
Malawak ang school na 'to, madami ring estudyante. Kaya naman ang ganitong event ay talagang pinaghahandaan ng mga student council bilang pagdiriwang sa kada department ng school.
Nagkalat ang mga lobo sa paligid, iba ibang kulay. Meron sa stage at sa bawat harap ng booth.
Ang ganda rin ng pagkakaayos sa stage na tinutugtugan ngayon. Kitang kita ang projector mula sa likod dahil madilim narin ngayon sa field.
Natatapatan naman sila ng iba't ibang kulay na spotlight kaya walang problema. Mamaya ay diyan rin siguro sasayaw ang bawat representative ng mga section.
Ngayon lang ako umattend sa ganito dahil madalas kailangan ako sa bahay ni Nanay. Hindi naman sa KJ ako o ano, mas pinipili ko lang sa bahay kaysa sumali sa mga extra-curricular activities dito sa school.
At saka pag iniwan ko naman si Sadie sa bahay baka umalis lang 'yun at maggagagala sa labas kasama si Macoy. Edi wala ding makakasama si Nanay sa bahay.
Sabi nga ni Yna dapat lagi daw akong sumama sakanila para masanay ako sa madaming tao.
Hindi naman ako introvert, hindi naman porket ilag sa madaming tao ay introvert na. May malalim na rason kung bakit nagiging introvert ang isang tao, 'yun ang sabi samin ni Mrs. Lopigan.
Narealize ko tuloy kahit papano masarap din pa lang makisama sa madaming tao.
Habang nagtatalunan at nagtutulakan ang mga estudyante sa field ay nakuha ang atensyon ko ng nag-iisang lalaking hindi nakauniporme tulad ng amin.
Kasama niya ang mga higher year sa psychology department. Siya ulit.
Ang sumundo kay Matias. Pero parang hindi kasi nakangiti siya. Bago ata 'yun.
Naka t-shirt siyang itim at maong na shorts. Pano siya nakapasok dito? Pwede ba ang outsider?
Inaakbayan siya ng apat na lalaki, mukhang mag t-tropa. Pero bakit hindi ko naman siya nakikita sa school namin kung nag-aaral siya dito?
Hindi ko maalis ang tingin ko sakanya habang tumatawa silang magkakaibigan.
Ang perpekto ng hugis ng mukha niya, nadepina lalo ng maganda niyang panga. Makapal din ang kilay niya pati pilik-mata, ang tangos ng ilong at mapula rin ang labi.
Sari, bakit mo siya tinititigan?
Umiwas ako ng tingin at bumaling na lamang sa mga tumutugtog pero hindi rin nagtagal, tumingin ulit ako sa gawi nila.
Kasabay ng huling liriko ng kanta at pagtigil ng tugtog, nagtama muli ang aming mga mata.
Hindi ako umiwas ng tingin. Para akong kinausap ng mga mata niya. Hindi ko maipaliwanag.
Mula saakin, lumipat ang tingin niya sa likuran ko, hindi ko alam kung kanino. Kay Kyle ba?
Hindi na ulit siya nakangiti nang ibalik niya saakin ang tingin niya at nauna siyang umiwas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top