Chapter 29
Sa dilim ng gabi ay nanatiling dilat ang aking mga mata. Inabot na rin ng umaga ngunit hindi pa rin dinapuan ng anumang antok.
"Sari.. Matulog ka na muna. Nandito lang ako.." Rinig kong bulong ni Ithuriel sa tabi ko.
Hindi ako sumagot. Pakiramdam ko'y gising ako ngunit wala ng buhay. Kahit pagtulog ay kinawalaan ko ng gana.
Pinilig ni Ithuriel ang ulo ko sakanyang balikat ngunit iniwas ko iyon.
Magdamag akong nag-isip, nagtanong ngunit tila wala pa rin akong makuhang sagot kung bakit nangyayari sa amin 'to.
Narinig ko ang pagsinghap ni Ithuriel.
"K-kung ayaw mong matulog, magpatingin tayo sa doktor, Sari.." Sobrang hina ng boses niya at halos ibulong na lamang niya iyon.
Awtomatikong umangat ang tingin ko sakanya. Wala akong maramdaman. Para akong namanhid sa lahat ng nangyari.
"Para saan?" Diretso kong sabi.
Nakita ko ang sandaling pag-awang ng labi niya. Hindi makapaniwala sa narinig.
Huminga ito ng malalim at mukhang nahirapan sa kanyang sasabihin.
"Sari.. Alam mo namang.." Lumihis ang tingin niya, 'di mapantayan ang blankong ekspresyon ng mukha ko. "Nag-aalala ako sa'yo. Gusto ko lang masigurado kung ano ang lagay mo.." Sobrang lambot ng boses niya, bakas ang pag-iingat sa mga sinasabi.
Ngunit hindi sapat iyon para matinag ang nararamdaman ko ngayon.
"Anong lagay ko? Hindi ko alam, Ithuriel." Napayuko siya habang nakaupo kami sa stainless na upuan ng ospital, sa gilid ng puting pader.
Sandali kaming natahimik.
Si Sadie ay walang ideya sa nangyari sa akin. Ibang dahilan ang pinasabi ko kay Ithuriel tungkol sa dugo ng aming damit at hindi ko na rin inalam kung anong sinabi niya.
Kasalukuyan siyang nakatayo ngayon sa may pinto ng emergency room, nakadungaw. Si Mang Jeri naman ay umuwi na noong madaling araw dahil kinailangan siya sa kanilang bahay.
Binasag ni Ithuriel ang katahimikan.
"Sari.. Magpatingin tayo." Tulad ng kanina ay sobrang hina lamang no'n.
Litaw sa mata niya ang pagod at determinasyong mapatignan ako sa doktor. Ngunit ayaw ko no'n.
Ayaw ko nang maalala 'yun at kung magpapatingin pa ako ay babalik lamang ulit sa isipan ko ang masamang bangungot na gusto ko ng kalimutan.
Napabaling kami sa pinto ng sabay-sabay nang may lumabas na doktor mula sa ER.
Mabilis akong tumayo at gano'n din si Ithuriel.
"Family of Veronica Alonte?" Aniya.
Agad kumabog ang dibdib ko, muling nabuhay dahil sa kaba na nararamdaman ko.
Mariin akong napapikit habang tinitignan ang itsura ng doktor.
Wala akong mabasa sa kanyang mukha. Diretso lamang ang ekspresyon niya.
"Anak po niya kami." Sagot ni Sadie.
Iginiya kami ng doktor sa isang gilid at doon kinausap.
"Doc. Kumusta na po ang Nanay namin?" Tanong ni Sadie.
Halos hindi ako makapagsalita. Takot sa kung anong maririnig. Namawis ang kamay ko dahil kung pangit na balita ang matatanggap namin ngayon ay baka tuluyan na akong mapigtas.
"Maswerte kayo at naisugod niyo agad ang Nanay niyo sa ospital. She's still unconscious but already stable, nailipat na siya sa ward kaninang madaling araw. No need to worry, hintayin na lang natin siyang magising." Naputol ang sasabihin nito ng muli siyang tawagin sa loob ng nurse.
"I'll get back to you later. Puntahan niyo na lamang siya sa public ward." Tumango kami at pinanuod na makaalis ang doktor.
Mabilis kaming kumilos at dali-daling hinanap kung nasaan si Nanay.
Pagdating namin doon ay naabutan namin ang hilera ng higaan na nahahati ng mga berdeng kurtina.
Lima ang pasyente doon at nasa may pinaka unahan si Nanay. Agad namin siyang dinaluhan doon.
May nakatusok sa kanyang IV fluid ngunit wala pa rin siyang malay. Buti naman at nabawi na ang putla ng kanyang labi na animo'y kakulay na ng papel kagabi.
Naupo kami sa katabing monoblocks ng higaan. Inabot ko ang kamay ni Nanay at pinisil pisil iyon.
Gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Ang mahalaga ay ligtas siya. Hindi niya kami iniwan.
Ilang minuto lamang kaming gano'n, naghihintay sa posibleng paggising ni Nanay hanggang sa umabot na ng tanghali.
'Di namin masyadong pansin ang oras at hindi pa rin pala kami nakakakain. Nung kumalam na ang sikmura namin ay nagpasya na munang bumili si Ithuriel sa labas.
Mabilis siyang nakabalik at sabay-sabay na kaming kumain. Pagtapos ay uuwi muna sila ni Sadie, marahil ay kukuha ng damit para sa amin. Ako na muna ang magbabantay kay Nanay.
"Sari. Babalik kaagad ako. Mabilis lang 'to." Naramdaman ko ang marahang halik ni Ithuriel sa tuktok ng aking ulo.
Tumango lamang ako at inayos ang kamang hinihigaan ni Nanay.
Payapa itong natutulog, kala mo ay hindi dumaan sa buong gabing pag-iyak.
Habang nasa ganoong kalagayan si Nanay ay tahimik akong nanalangin na sana ay magising na siya.
Ngunit kung hindi man ganoon ang mangyari ay hindi ko pa rin siya iiwan dito sa ospital. Dibale nang hindi ako makapasok ng ilang araw sa eskwelahan dahil grado lang naman iyon. Kaya ko iyong mabawi, ang pagbantay ko kay Nanay ang mas mahalaga.
Pinaglalaruan ko ang daliri ko habang nakatingin sa ibang mga pasyente. Gising ang iba at patuloy na nagpapagaling. Gaano na kaya sila katagal dito? Siguro ay nahihirapan din ang kanilang mga pamilya sa dinadanas nila ngayon. Sana ay ayos lang sila.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatulala sa kinauupan ko. Nagulat na lamang ako ng makarinig ng pamilyar na tinig na papalapit sa public ward.
"No! Where's my daughter?! Tell me where she is and I'll shut my loud mouth!" Mabilis akong tumayo ng bumungad sa akin si lola Virginia kasunod si lolo Barry sa kanyang likod.
"Oh my god, Veronica!" Napatakip ito sa kanyang bibig at agad lumapit sa kanyang anak.
"I'm so sorry, Veronica.. I'm so sorry.." Paulit-ulit na bulong ni lola habang hinahawakan ang mukha ni Nanay.
Wala pa rin reaksyon. Wala pa ring malay.
Tumama ang tingin sa akin ni lola at bumaba sa damit kong may dugo.
"What happened? Tell me! What happened to Veronica?" Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat at paninigaw niya.
Si lolo Barry ay sinimulan ng hatakin ang kanyang asawa ng alugin nito ang balikat ko.
"Say something! Magsalita ka! Bakit ayaw mong magsalita?!" Hindi ko alam kung bakit hindi bumubuka ang bibig ko at nagpapaubaya lang sa kanyang pamimisikal.
Mabuti na lang at dumating ang ibang staff at ang doktor na tumingin kay Nanay kanina.
"Mrs. Lamarre. Please, calm down. We're in a public ward at ayaw po nating makaistorbo sa ibang pasyente, it's in our protocol. Just breathe in, breathe out.." Unti-unting lumuwag ang kapit sa akin ni lola at kumalma habang kinakausap ng doktor.
"What happened to my daughter, Doc?" Humina na ang boses nito ngunit may halo pading gigil.
"Your daughter is already stable, Mrs. Lamarre. Wala ng dapat ikabahala at kailangan na lamang natin siyang hintaying magising. On the other hand, may question lang ako.." Lumipat ang mata sa akin ng doktor.
"Do you have an idea kung gaano na katagal umiinom ng sleeping pills ang Nanay mo?" Nagpaulit-ulit ang tanong ng doktor sa isip ko ngunit tanging pag-iling lang ang naisagot ko.
Umiinom na ba si Nanay nito dati pa?
Kumunot ang noo ng doktor at bahagyang tumango.
"According to our findings, this is not her first time taking that kind of sedative. Matagal ng umiinom si Mrs. Alonte. Benzodiazepines are a class of psychoactive drugs used to treat a range of conditions, including anxiety and insomnia. Meron itong qualities that can help in relaxing the muscles and inducing sleep." Pinakita nito ang boteng pinaglagyan noon.
"It is proven na ang short-term use ng medication na ito ay safe and effective. However, ang long-term use naman ay controversial because of the potential for tolerance, dependence, and other adverse effects. Unfortunately, halos ubusin ito ng Nanay niyo kagabi which resulted to intentional overdose." Nanlaki ang mata ni lola Virginia at napahawak sa braso ni lolo.
"Luckily, not all suicide attempts succeed as vomiting is common when the drug is taken in excess. Maaaring nakasurvive nga ito dito but there's also a chance na mag end-up ito sa brain damage due to lack of oxygen." Sumasakit na ang ulo ko dahil hindi nito agad maproseso ang sinasabi ng doktor.
"Gaano kalaki ang possibility sa brain damage na iyon, Doc?" Hindi na nakapagsalita si lola kaya si lolo Barry na ang kumausap dito.
"We cannot say for now, Mr. Lamarre. Let's wait hanggang sa magising siya and we'll run another test for your daughter." Humawak sa kamay ng doktor si lola Virginia.
"Does that mean, my daughter is.. suicidal?" Dumiin ang hawak ko sa sariling kamay.
"Maaari. Hindi ako eksperto sa larangan na 'yan but my advice is to always keep an eye on her once she regain her consciousness. Mahirap kalaban ang sariling mentalidad."
Nangilid ang luha ko. Paano kong hindi napansin?
Tumango na ang doktor hudyat ng kanyang pag-alis. Naiwan kaming nakatayo sa harapan ng kama ni Nanay.
"M-my.. daughter.. is suicidal. Veronica.." Rinig ang pagnginig ng boses ni lola at biglang tumalim ang mata nito sa akin.
"How could you not know?! Kayo ang kasama ni Veronica araw-araw, anak niya kayo! Paanong hindi niyo alam ang kalagayan ng sarili niyong ina?!" Halos sugudin na ako ni lola Virginia habang gulat na nakatayo sa harapan ni Nanay.
Hindi ko maipagtanggol ang sarili ko gayong alam kong may pagkukulang din ako.
Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko napansin? Wala akong kwentang anak.
"Stop it, Virginia! You're making a scene. Calm down!" Ani lolo Barry.
Sumikip lamang lalo ang dibdib ko.
Mayamaya ay dumating na si Sadie. Sa likod niya ay si Ithuriel.
"Nasa bahay sila Ate, hindi ko na naitagong nasa ospital si Nanay." Bulong ng kapatid ko.
"Magpalit kana muna, Sari.." Inabot sa akin ng bagong paligong si Ithuriel ang pamalit kong damit. Kinuha ko iyon.
"That's why! Kaya wala kang alam tungkol sa Nanay niyo ay dahil abala ka sa pag-ibig na 'yan!" Naramdaman kong napatigil si Ithuriel.
Hindi ako makasagot. Hindi ko maipaglaban ang taong gusto ko kasi baka nga tama si lola.
Tumikhim si Ithuriel ng hindi ako kumibo.
"Labas po muna ako.." Magalang niyang sabi. Nag-iwan muna ito ng tingin sa akin at saka tuluyang umalis.
"You know what? Galit ako sa sarili because of what happened to my daughter's life. It was ruined! And now, look at her. She looks lifeless! That's too much for her.. Naaawa na ako sa anak ko.." Umupo sa gilid ng kama si lola at hinaplos ang mukha ni Nanay.
Dumapo ang tingin sa akin ni lolo at umiling. Para bang kinamumuhian niya ang pangyayari na hindi rin naman namin ginusto.
"Ako na muna dito, Ate.. Magpalit ka muna." Naramdaman ko ang pagpisil ni Sadie sa kamay ko.
Huminga ako ng malalim at saglit na tinignan muli si Nanay.
Pilit kong pinalakad ang paa ko kahit nanghihina iyon. Kailangan kong makaalis doon dahil kinakain na ako ng konsensya.
Baka nga kami ang dahilan? Hindi namin napagtuunan ng pansin si Nanay.. Hindi namin siya natulungang dalin ang bigat na dapat kaming tatlo ang magpasan.
Lumakad na ako papuntang banyo sa labas ng ward. Malinis naman, may hati sa pagitan ng kubeta at paliguan.
Wala ako sa ulirat habang tinitignan ang sarili sa salamin. Nangilid ang luha ko habang bumabalik sa isipan ko ang nangyari sa akin.
Parang pinipiga ang puso ko ng sobrang tagal, pumipigil sa aking paghinga.
Mahina akong napahikbi. Sobrang lalim ng aking mata, halatang walang tulog kakaisip.
May mantsa ng dugo ang damit, dugo ng lalaking gumawa ng kawalangyaan sa'kin.
Agad kong pinunasan ang sarili ko. Nagagalit ako pero wala na akong magagawa. Nagagalit ako pero wala na akong laban.
Naging madiin ang pagpunas ko sa aking katawan. Gustong matanggal ang bakas na kahit anong gawin ay hindi na mabubura. Nakadikit na, ramdam at nakakasuka.
Patuloy ang pagpatak ng sarili kong luha. Nakaputi akong damit ngunit may bahid na ng dilim. Parang may ninakaw sa akin na kailanman ay hindi na mababalik.
Hinubad ko ang aking damit at pinadausdos ang tubig sa katawan. Umaasang sa pagbagsak at daloy nito'y maisama ang dumi ng kahapon.
Matagal akong nagbabad habang lumilipad ang pag-isip sa kawalan. Sinisisi ang sarili sa pagkakamaling baka ako nga rin ang may kasalanan.
Pinatay ko na ang gripo at nagpunas ng tuwalya. Nagsipilyo at nagbihis ng bestidang kulay kalawang, may maluwang na manggas at lampas tuhod ang haba.
Pinatuyo ko na din ang buhok ko. Nakapaligo nga ako ngunit pakiramdam ko, madumi pa rin ako.
Tahimik kong nilabas ang banyo at tinapon ang maruming damit ko sa basurahan. Ayoko ng makita pa iyon.
"Sari.." Napalingon ako sa tinig ni Ithuriel.
Nakaupo ito sa stainless na upuan ng ospital. Nakapagpalit na rin ito ng itim na shorts at t-shirt na kulay abo.
Mapungay ang mata niya. Hindi ko na napigilan ang nagbabadyang luha at tumabi na ako sa gilid niya. Binaon ang ulo sa kanyang dibdib.
"A-ayoko na, Ithuriel." Tumaas baba ang balikat ko sa impit na pagkawala ng hikbi ko.
Niyakap niya ako at bumulong sa tainga ko. Halos mabasag din ang boses niya ngunit gumaan ang pakiramdam ko.
"Sshh. Tahan na, Sari.. Nandito na ako. Dito lang ako." Tumango lamang ako.
Lumunok ako. Gusto ko rin masigurado ang kalagayan ko.. para kay Ithuriel. Alam ko puno din ng tanong ang isipan niya gaya ko.
Pero nakakatakot. Paano kung ungkatin ulit ang pilit kong binabaon sa limot?
Pinagdikit ko ang hita ko at mariing pumikit. Humigpit ang hawak ni Ithuriel sa akin.
"Patingin na tayo? Hindi ako aalis sa tabi mo.." Sobrang lambot ng boses niya at gusto ko na lamang umiyak.
Unti-unti akong tumango. Para rin sa akin 'to.
Inalalayan niya ako sa pagtayo, nakasuporta lamang sa aking siko.
Wala akong ideya kung saan magpapatingin ngunit mukhang alam naman na ni Ithuriel.
Kumakabog ang dibdib ko, lalo na ng makita kong kinausap ni Ithuriel ang isang babaeng Ob Gyne.
Lumipat ang mata nito sa akin at tumango. Mukha itong mabait sa mahabang itim niyang buhok at mapusyaw na kulay ng balat niya.
Lumapit ako ng sumensyas si Ithuriel.
"Hello. I am Dra. Furo, an Obstetrician and Gynecologist. Pwede ring Lai kung 'yun ang mas gusto mo.." Mukha na itong nasa mid-thirties. Iginiya niya kami sa pinto ng clinic niya.
"Huwag kang mag-alala, I can assure you that this would be highly confidential.." Marahan itong ngumiti at tumango naman ako.
Kinabahan ako ng makapasok na lalo na nung hindi sumunod si Ithuriel. Hinabol ko ang kamay niya sa doorknob bago niya iyon masara.
"Baka hindi ka kumportable, sa labas lang ako.." Unti-unti ko 'yong binitawan ng sinigurado niya namang 'di siya aalis.
Pinaupo ako sa harap ng desk ng babae.
"Hello. Bago tayo magsimula ay pirmahan mo muna ito.." May pinakita siyang maliit na papel na sasagutan.
Naroon ang pangalan, edad, address at kung anu-ano pa. Mabilis ko iyon natapos.
"Okay, Sariah. Huwag kabahan ha? We'll just check on you after your story. I'm not pressuring you to talk or anything but trust me.. I've been there. Mapagkakatiwalaan mo ako." Malungkot itong ngumiti sa akin at 'yun ang nagpabago ng isip ko.
Kung naranasan niya din ito ay malamang maiintindihan niya ako.
Sa una ay nautal-utal pa ako, hindi tuluyang masabi ang nangyari ngunit nakikinig lang siya at naiyak na ako hanggang sa matapos.
Binigyan niya ako ng tissue at sandali kaming natahimik.
Nang kumalma na ako ay pinahiga niya ako sa gynaecological examination table, mayroong bakal 'don na pagpapatungan na aking magkabilang binti.
Medyo naasiwa pa ako dahil kinailangan tignan ang pribadong parte ng katawan ko ng walang suot na pang-ibaba.
"This won't hurt, okay? Sabihin mo lang na stop if you're uneasy." Tumango ako at mariing pumikit.
Nakasuot na ng gloves si Dra. Lai at sinimulan akong eksaminahin. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida ko.
Ilang minuto din ang tinagal noon at hindi ko namalayan na tapos na pala siya.
"You can open your eyes now, Sariah.." Hinubad nito ang suot na gloves at tinapon. Binaba ko na din ang binti ko at sinuot ang pang-ibaba.
Bumalik siya sa kanyang desk at nag alcohol. Umupo ako ulit doon at nag hintay sa sasabihin niya.
"Gusto mong papasukin ang boyfriend mo?" Ngiti niya at tumango na lamang ako.
Nilabas siya ni Dra. Lai at pinaupo sa tabi ko.
Kita ko nag pag-aalala sa mata ni Ithuriel ngunit agad napawi iyon ng hawakan ko ang kamay niya.
"Since Sariah is already in her legal age, we don't need her parent's consent for this anymore. Pumirma ka naman sa form kanina so I've checked your external genitalia and I didn't find any vaginal laceration. Wala ring penetration na naganap, but still, what happened to you is an attempted rape and sexual assault which is considered as medico-legal case.."
Napatingin ako kay Ithuriel na seryosong nakikinig kay Doktora. Napapikit siya at parang nabunutan ng tinik.
"As a doctor, it is our legal duty to report this to the nearest police station. Don't worry, gaya ng sinabi ko kanina, your record would be safe. It's for security lang just in case balikan ka ng—" Pinutol ni Ithuriel ang sinasabi niya.
"Nasa kulungan na po iyong gumawa kay Sari no'n." Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Ithuriel.
Tumango naman si Doktora.
"However, kahit hindi iyon natuloy, it might affect you mentally and trigger range of emotions or fear. For that, you might want to consider consulting a psychiatrist or join interventions for sexual assault victims." Naglista siya sa maliit na papel ng mga hotline at inabot sa akin.
"And one more thing," hinawakan nito ang kamay kong nakapatong sa kanyang desk. "Don't blame yourself for this."
Nakipag-usap pa sakanya si Ithuriel ngunit hindi na ako nagsalita. Tumakbo lamang sa isipan ko ang sinabi niya.
"Maraming salamat po, Dra." Tumango lamang ito sa amin at inalalayan na ako palabas ni Ithuriel.
Pagtapos ay pumunta siya doon sa counter at may pinirmahang mga papel.
Kumunot ang noo ko pagbalik niya.
"Magkano?" Tanong ko.
"Ang ano?" Hanggang ngayon ay mapungay pa rin ang mata niya.
"Ang check up. Hindi naman libre iyon. Sabihin mo para mabayaran ko.." Binaba niya ang tingin sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Sshh.. Ako na ang bahala doon, Sari." Ngumiti ito ng tipid at hindi na ako nakipaglaban pa.
Pagbalik namin sa ward ay naroon pa rin ang magulang ni Nanay. Nakabantay sakanya.
Noong nakita nila ako ay tumayo si lola Virginia.
"We need to talk." Napansin ko ang pag-angat ng kilay nito kay Ithuriel at naintindihan naman niya 'yon.
"Dito lang ako sa labas, Sari." Tumango ito kanila lolo.
Si Sadie ay nakaupo sa dulo ng kama ni Nanay. Nakatayo lamang ako sa kanilang harapan.
"Sari. I've made up my mind. Ayoko sanang gawin ito ngunit tingin ko'y ito ang makakabuti. Look at your mother, she's still unconscious. I want her in Manila para magpagaling at doon tumira. For good. Of course, that includes you and Sadie." Hindi inaalis ni lola ang tingin niya sa akin.
"I am telling you this because I know you will understand. Ikaw ang panganay, huwag mong hayaang kung saan pa umabot ang nangyari kay Veronica. Sinabi ko kay Barry na disagree ako kung ipagkakasundo ka sa iba, kung sasama kayo sa amin ay mananatiling gano'n ang desisyon ko.. If not, I'll go with his terms at kayo na rin ang bahala sa pagbayad ng bill sa ospital na ito. Your choice."
Parang umikot ang paningin ko sa sinabi ni lola.
"Pero tandaan mo, gusto ni Veronica ng magandang kinabukasan para sainyo and that would only happen if you will let us help."
Tahimik lamang ako at malamang hindi makapagbigay ng desisyon kaagad.
'Yun pa rin ba ang gusto ni Nanay? Ang huli kong alam ay nagalit siya dahil tinago sakanya ng magulang niya ang tungkol sa pagkamatay ni Tatay.
Hindi ko rin pwedeng iwan si Ithuriel.
"Think about it, Sari. Mas mabilis gagaling ang Nanay niyo sa Maynila. Mas gaganda ang kinabukasan niyo pag sumama kayo sa amin ng lola Virginia niyo. Hindi niyo na kailangang maghirap at alam niyo namang mayaman ang kumpanya!" Agad nagpantig ang tainga ko sa narinig ko kay lolo.
"Wala naman pong mali sa pagiging mahirap. Kung ipapamukha niyo lamang po sa amin 'yang kayamanan niyo ay huwag na lang. Hindi po kami ganyan nila Nanay." Umismid si lola Virginia.
"Sigurado ka? Kaya niyong bayaran ang pang ospital ng Nanay niyo? Mag-isip ka, Sari. Paano kung magtagal pa si Veronica diyan? May ipang babayad ka ba?" Napalunok ako at napayuko sa sinabi ni lola.
"See? You need us. Alam mo iyan. Kung gising lamang ang Nanay mo panigurado akong hindi niya kayo pababayaang mahirapan. Pag-isipan mong mabuti." Tumayo na si lola at hinalikan sa noo si Nanay.
"We're coming back tomorrow. Tawagan mo ako kapag nagising na ang anak ko." Inalalayan siya ni lolo Barry at sinundo na ng isang kasambahay at driver nila.
Nakatayo pa rin ako sa aking pwesto, nakasunod ang tingin hanggang sa mawala na sila.
Hindi ko alam ngunit pumatak ang luha sa aking mata. Agad ko iyong pinunasan.
"Ate.." Mapait akong ngumiti.
"Labas lang ako, Sadie." Umalis ako sa public ward at dumiretso sa parking lot ng ospital.
Gabi na rin pala at litaw na ang buwan sa langit. Sariwa ang hangin sa labas ngunit pakiramdam ko'y tinatakasan pa din ako ng paghinga.
Umupo ako sa gutter ng parking lot. Wala namang tao dito, lahat ay nasa loob.
Buti pa dito tahimik, ang kaso lang ay nakakabingi, pilit hinahatak ang kaluluwa ko para mag-isip ng mag-isip at nagtagumpay iyon.
Wala na akong nagawa kung hindi ang umiyak na lang ng tahimik. Niyakap ko ang aking tuhod at yumuko.
"B-bakit ba nangyayari 'to?" Bulong ko habang pinipigilan ang labi sa pagnginig.
Ni minsan ay hindi ko inakalang dadating kami sa ganitong punto nila Nanay.
Paano kung magkamali ako ng desisyon? Paano kung ayaw na pala ni Nanay tumanggap ng kahit anong tulong sa magulang niya matapos ng nalaman namin ang tungkol kay Tatay?
Ang daming gumugulo sa isipan ko, parang inuubos ako ng dahan-dahan habang ang utak ko'y pagod nang lumaban.
Mayamaya ay nakaramdam ako ng kaluskos sa aking likod. Lumingon ako at umupo naman siya sa gilid ko.
Si Ithuriel.
Pinagpag niya ang sahig at pinatong sa gilid ang dala niyang paper bag ng pagkain.
Humarap siya sa akin at pinunasan ang luha ko na galing sa namumugto kong mata.
Tipid itong ngumiti at kahit walang salita, alam kong pinapakalma niya ako.
Mas lalo akong naiyak lalo na noong yinakap niya na ako ng tuluyan.
"Hindi ako aalis sa tabi mo, Sari." Mahina niyang bulong.
Pero sapat na upang iparating na hindi ako mag-isa sa pagsubok na 'to kasi kasama ko siya.
Naramdaman ko ang pag-alo niya sa akin, ang marahang pag-ugoy niya sa aming dalawa.
"Dito lang ako." Tumango ako at nanatili kaming ganoon hanggang sa mahimasmasan ako.
"I-Ithuriel.." Umayos ako ng upo at hinarap siya.
"Hmm?" Kita ko ang pagod sa kanyang mata.
"Huminto na lang kaya ako? Para mabantayan ko si Nanay. Maghahanap ako ng trabaho para mabayar—"
"Hindi pwede, Sari.. Mahirap ang gusto mong mangyari. Gagawan ko na lang ng paraan ang pang bayad dito sa ospital." Aniya.
"A-ayoko na rin naman na.. Ayoko na tapusin." Halata ang gulat sa mukha ni Ithuriel.
"Anong ayaw mo na? Ilang taon na lang iyon, Sari.." Sobrang nag-aalala na siya ngunit iyon na lang ang naisip kong paraan kung hindi ko tatanggapin ang tulong nila lola.
"Hihinto na lang ako. Biruin mo, sikolohiya ang kinukuha ko ngunit sarili kong ina hindi ko man lang nabantayan." Yumuko ako dahil totoo naman 'yun.
"Hindi ko man lang nahalata? Kasama ko na nga sa bahay araw-araw pero 'di ko nakitaan ng senyales na unti-unti na palang sumusuko si Nanay.." Napailing ako.
"Ako talaga ang may kasalanan. Kung hindi lang din ako umalis sa bahay non ay hindi mangyayari 'yun." Narinig ko ang pagsinghap niya.
"Hindi, Sari. Kung hindi kita pinapunta sa bahay, hindi mangyayari 'yun. Ako ang may kasalanan, Sari. Hindi ikaw.." Bakas ang pagsisisi sa mata ni Ithuriel.
Ang dalawang kamay nito ay dumausdos sa kanyang buhok at nanatili sa kanyang noo.
"Kung hindi dahil sa akin ay hindi ka mahahawakan ni Matias.." Basag ang kanyang boses.
"Sari. Sobrang nagagalit ako sa sarili ko. Nangako akong aalagaan kita pero bakit hindi ko nagawa?" Binaba niya ang dalawa niyang kamay at tumingin sa mata ko.
Parang nadurog ang puso ko ng makita ang pamumula sa kanyang mata.
"Ngayon, sinisisi mo pa ang sarili mo sa lahat ng nangyayari. Ayaw ko no'n, Sari.. Ayokong pasanin mo 'yun kaya ibigay mo sa akin at ako ang bubuhat." Hindi ko na napigilan ang pag-iyak.
"Gagawan ko ng paraan ang bayarin dito sa ospital hindi mo na kailangang huminto sa pag-aaral. Sumusweldo naman ako kay Mr. Delfino sa pagiging assistant. Pwede rin akong humanap ng trabaho para mas mabilis makaipon, Sari." Mabilis akong umiling.
"H-hindi, Ithuriel. Ipunin mo 'yan para sa pagpasok mo ng law school. Hindi mo kailangan gawin para sa'kin 'to, dapat nga ay naghahanda ka para sa LSAT mo at hindi pinoproblema ang pamilya ko.." Kinagat ko ang ibaba ng labi ko at hinawakan niya naman mukha ko, tinitigan ang aking mata.
"Pamilya kita, Sari. Pamilya ko na rin sila Aling Veron at gusto kong gawin 'yun para sa inyo ng walang kapalit."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top