Chapter 27
"Yna.. Kausapin mo naman na ako."
"Oh, ano ba 'yun kasi?" Iniwas nito ang kamay niya na pilit inaabot ni Kyle.
Kumunot ang noo ko sa kanila.
Nanndito kami ngayon palabas ng eskwelahan at kakatapos lang ng aming klase.
Sa wakas tapos na rin ang mga exams sa buong linggo.
"Sari, oh! Ayaw ako pansinin." Nagsumbong sa akin si Kyle ngunit mas kinainis lang iyon ni Yna.
"Kahit mag sumbong ka pa kay Tita." Irap nito.
"Ano ba kayo? Mag bati na nga kayo. Para kayong aso't pusa." Hinatak ako ni Yna upang maiwanan namin si Kyle.
"Ano ba kasing problema, Yna?" Bulong ko.
"Ewan ko diyan! Naiinis ako. Ang bait kasi sa mga babae, panay din ang lapit, alam naman niyang may girlfriend na siya. Buti pa si Ithuriel, sa'yong sa'yo lang!" Natawa ko sa pag aalburoto ng kaibigan ko.
"Edi sabihin mo kay Kyle na ayaw mo ng gano'n. Natural na kasi sa kanya 'yun baka hindi niya napapansin." Bumuntong hininga si Yna.
"Bakit kasi sa best friend ko pa ko nagkagusto? 'Di ko mapanindigan ang pagtatampo." Lalo akong natawa.
"Sandali, Yna! Sari!" Humabol sa aming likod si Kyle.
"Bilisan mo kung hindi iiwan kita, uuwi akong mag-isa!" Sigaw pabalik ni Yna.
Tumawa si Kyle at lalong binilisan ang takbo.
"Baka hayaan kang umuwi mag-isa." Nang makalapit na siya ay inakbayan niya si Yna.
Tumango kami sa guard at tuluyan ng nakalabas sa gate ng unibersidad.
"Ingat kayo ha?" Inayos ko ang aking puting uniporme at saka kumaway sa kanila.
"Wala kang sundo? Si Ithuriel?" Tanong ni Yna.
"Wala eh. Pumasok sa opisina ni Mr. Delfino." Inayos ko sa gilid ang aking buhok.
"Ayos ka lang mag-isang umuwi?" Ani Kyle.
"Oo naman. Alas Singko palang naman at ang lapit lang. Sige na, ingat kayo. Bye!" Paninigurado ko.
"Bye, Sari!" 'Pag talikod nila ay binaybay ko na rin ang kalsada pauwi sa amin.
Hapon pa lamang ngunit ang lamig na ng simoy ng hangin sa labas siguro ay dahil ber months na nga.
Pinasok ko na lang ang aking kamay sa bulsa ng aking uniporme.
Linggo na ang lumipas simula nung bumisita ang mga magulang ni Nanay sa bahay.
Halos nakalimot na rin ang isip ko do'n dahil sa paghahanda ko sa eskwelahan, mabuti na lang at tapos na ang mga pagsusulit.
Nagsimula na rin sa pagiging assistant si Ithuriel kay Mr. Delfino kaya kahit siya ay abala na rin.
Nahahatid niya naman ako tuwing umaga at nasusundo din pauwi kapag libre siya ngunit ngayon ay gagabihin daw ito ng uwi dahil marami ang pinagagawa sakanya.
Kahit na ganoon ay hindi pa rin nakakaligtaan ni Ithuriel ang araw-araw na sulat niyang binibigay sa akin. Napapangiti na lang ako 'pag nababasa ko ang mga 'yun.
Dahil nga sa higpit ng aming schedule napag-usapan namin ni Ithuriel na kada Sabado at Linggo na lang kami palaging magkakasama at naiintindihan naman namin.
Masaya ako na abala siya habang naghahanda sa pagpasok niya sa law school at pag-iipon din para sa kinabukasan niya.
Mabilis akong nakarating sa bahay. Pag pasok ay naabutan kong nag kakape si Nanay sa may lamesa.
"Hi, Nay!" Humalik ako sa kanyang pisngi at agad nagpalit ng damit pambahay, isang maluwang na t-shirt at shorts.
"Si Sadie, Nay?" Tanong ko pagbaba ko ng hagdan.
"Eh ayun, na kanila Macoy kasama yata pati si Jergie." Tumango na lamang ako at nag prisinta upang magluto ng hapunan para mamaya. Wala naman kasi akong gagawin.
Agad kong nilabas ang mga rekados na gagamitin at nagsimulang mag gayat ng pang gisa. Siguro ay tinola na lang ang lulutuin ko.
Mabilis ko lamang iyon natapos at hinihintay na lamang ang pagkulo no'n. At para hindi sayang sa oras ay nagsaing na din ako.
Nang matapos ko ang lahat ay pumanik muna ako sa aking kwarto, nagpahinga at tumigin sa aking cellphone.
Naisipan kong magtipa ng mensahe para kay Ithuriel.
To: Ithuriel
Huwag ka masyado mag pagod.
Umupo ako sa dulo ng aking kama at agad napatingin ng tumunog ang aking cellphone.
From: Ithuriel
Huwag kang ganyan, Sari. Bigla-bigla mo akong pinapangiti.
Napailing na lamang ako, naiisip ang itsura ng namumulang mukha ni Ithuriel.
To: Ithuriel
Miss kita.
Pumikit muna ako bago ko iyon ipadala sa kanya. Nakakagat ang labi pero totoo naman kasi!
Namimiss ko si Ithuriel. Madalas na kaming magkasama at ang mawalay sa kanya ng ilang araw pa lamang ay nakakapanibago na.
Ilang minuto pa ang tumagal ngunit wala akong mensaheng nakuha. Baka may ginagawa. Ibababa ko na sana ang cellphone ko sa may study table ng bigla itong nag ring.
Tumatawag siya. Agad ko itong sinagot.
"Hmm, hello?" Mahina kong sabi.
Rinig ko ang ingay sa kabilang linya ngunit mayamaya lang ay tumahimik na doon.
"Sari? Sorry, lumabas muna ako saglit para tahimik." Narinig ko ang pag buntong hininga niya.
"Ano ulit 'yun?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko.
"Ang ano?" Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame habang ang cellphone ay nakatapat sa aking kaliwang tenga.
"'Yung sinabi mo, Sari. Gusto kong marinig ng galing sa labi mo." Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.
"Anong sinasabi mo?" 'Pag mamaang-maangan ko habang nakangiti.
"'Yung sinabi mo.. Ulitin mo, gusto kong marinig." Lumambot nanaman ang boses ni Ithuriel.
At alam ko na pag ginagamit niya 'yun ay gusto niyang mag palambing.
"Sige na, Sari. Para mawala ang pagod ko." Lalong lumawak ang ngiti ko.
Pumikit ako at mahinang nagsalita. "Sabi ko miss kita."
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.
"Ano ulit? Paki lakasan." Umikot ang mata ko dahil alam kong nangaasar na lang ito.
"Wala na, hindi na kita miss." Tumawa ako ng marinig ko ang pagtawa niya.
Mayamaya lang ay huminga siya ng malalim.
"Ako din, Sari. Gusto na ulit kitang makita. Umuwi na kaya ako?" Nanlaki ang mata ko.
"Huh? Wag. Ano ka ba, kakaumpisa mo lang kay Mr. Delfino.." Bumuntong hininga nanaman siya.
"Gusto ko ng yakap mo, Sari." Mahina niyang sambit.
Napakagat ako sa aking labi at nakaramdam ng mga paru paro sa aking tiyan.
"Huwag kang umuwi. Tulungan mo si Mr. Delfino saka na ang yakap." Narinig ko na tumawa ito ng bahagya.
"Opo." Napailing ako at nangiti.
"Sige na, Sari.. Tinawag na ulit ako. Baka mamaya gabi na ako makauwi, madami kasing tinatrabahong papel dito." Tumango ako na para bang nakikita niya ako mula dito.
"Okay.. Ingat ka mamaya sa pag-uwi." Umupo na ulit ako sa gilid ng kama.
"Okay. Love you." Nanlaki ang mata ko at biglang nawala ang kabilang linya.
Tama ba ang rinig ko?
Nag huramentado ang puso ko at kumagat sa sariling labi upang pigilan ang pagtili ng biglang tumawag na si Nanay upang kumain.
Pagbaba ko ay nakahain na ang mga kubyertos. Nakauwi narin si Sadie at nakaupo na ito sa may lamesa.
"Anong nangyari sa'yo, Te? Pulang pula ka diyan?" Agad akong napapunas sa mukha ko.
"Huh? Anong pula? 'Di naman ha?" Tinawanan ako ni Sadie dahil halatang nagmamaang-maangan lang ako.
"Okay, sabi mo eh." Tumawa na lang din ako at naupo.
Nagsimula na kaming kumain at panaka nakang nag-uusap kapag nagtatanong si Nanay.
"Sadie.. Mukhang nadadalas ka yata kasama si Macoy?" Nakita ko ang paglaki ng mata ni Sadie at bumilis ang subo nito sa pag kain.
"Madalas kasi kaming magkagrupo sa project, Nay." Natawa ako at naramdaman ko naman ang pagsipa ni Sadie sa paa ko sa ilalim ng mesa.
"Tama. Puro project kasi sila ngayon, Nay." Tumango lamang si Nanay at muling kumain.
Pinanlakihan ako ng mata ng kapatid ko at mas lalo lang akong natawa.
Nang matapos kaming kumain ay mabilis akong nagligpit ng mga plato. Hinugasan ang mga iyon ng biglang may kumatok sa aming pinto.
Binuksan ni Sadie iyon. Alas Siyete na at bumungad sa amin ang kasambahay na kasama noon ng magulang ni Nanay.
"Amm.. Ma'am Veron. Nandito po ulit ang inyong magulang." Agad itong gumilid saka namin nakita si lola Virginia at lolo Barry.
Tulad noon ay ayos na ayos ulit ang dalawa. Nakasuot ng kulay abong bestida si lola at naka collared longsleeves naman si lolo.
Ang tela ng mga kasuotan nila ay halatang pang mayaman, malambot at presko sa balat ng matatanda.
"Veronica. We're here to make amends. Let us in so we could talk." Bungad ni lola Virginia.
Tumango lamang si Nanay at giniya sila papasok. Ang kasambahay naman ay pinili na lamang manatili sa bakuran at ayaw talagang pumasok.
"Kakatapos lang namin mag hapunan. Kung gusto niyong kumain ay meron pa namang ulam." Nagkatinginan ang dalawang mag asawa.
"Siguro naman ay hindi mo kami lalasunin?" Nakataas ang kilay ni lola agad namang tumikhim si Nanay.
"Kung ayaw niyo ay hindi ko naman kayo pinipilit—"
"I'm just kidding, Veronica. Come on, Barry. Let's give it a try." Hinawakan ni lola ang kamay ni lolo.
"You mean, let's try being poor for once?" Pinalo ni lola ang kamay ng asawa.
"Barry! We're here to make amends!" Hindi sumagot ang Tatay ni Nanay at umupo na lamang sila sa mesa.
Pinaghainan namin sila ni Sadie at binigyan din ng tubig.
"Thank you, mga Apo." Ani lola.
Nagkatinginan kami ni Sadie. Nilagay naman ni Nanay ang ulam sa gitna ng kanyang magulang.
"Who cooked this? Tinola ang tawag dito, tama?" Tumango ako.
"Si Sari ang nagluto niyan." Sagot ni Nanay.
"Hmm, not bad. Masarap siya, Hija." Nagpasalamat ako at tumango sa puring nakuha.
Si lolo naman ay tumango lamang sa sinabi ni lola. Pagtapos nila kumain ay niligpit na ni Nanay ang kinainan nila.
Umupo sila sa sala habang hinihintay matapos si Nanay.
"Sari. Ikaw ang panganay, hindi ba?" Tumango ako at naasiwa ng tumagal ang titig ni lolo Barry sa akin.
"How old are you?" Lumipat ang tingin ni lola Virginia sa asawa.
"Twenty-one po." Tumango ito at hindi na muling nagsalita.
Bumalik sa sala si Nanay at umupo sa pang isahang upuan.
Kami naman ni Sadie ay umupo na din kaharap ang lolo at lola namin.
"So, Veronica. Our daughter.. How are you?" Lumipat ang mata ni lola sakanya.
"Ipunto niyo na ang ipinunta niyo dito." Diretso lang ang mukha ni Nanay, tila ayaw makarinig ng kahit ano mula sa magulang.
Agad kong hinimas ang likod niya para kumalma siya.
Lumunok si lola Virginia at tumingin sa kanyang anak at sa amin ni Sadie.
"Well, we can all agree that the last time we have been here wasn't really pleasant. Ngayon, narito kami to apologize sa mga nasabi nami—" Pinutol ni lolo Barry ang pagsasalita niya.
"No. You're here to apologize. Not me. I'm here for something else." Inayos nito ang salamin sa kanyang mata at tumingin sa kanyang anak.
"What are you saying, Barry?" Hinatak ni lola ang braso ng asawa.
"Veronica. You're a Lamarre and so are your daughters. Our blood runs in their system too, that is why I'm offering you a fair agreement." Kumunot ang noo ni Nanay.
"What agreement?! What is this Barry?" Bakas sa boses ni lola na wala itong ideya sa gusto ng kanyang asawa.
"Anong fair agreement?" Tanong ni Nanay.
"You want us to help your children finish their studies and have their bright future ahead?" Mabilis na tango ang isinagot ni Nanay.
"Then help us, too. Help our company, Veronica. Help Lamarre Corporations to grow more money." Wala kaming maintindihan ni Sadie sa sinasabi ni lolo.
Paano sila matutulungan ni Nanay?
"Anong ibig mong sabihin?"
"Do I still need to say it?" Blangko ang itsura ni lolo at walang makitang ekspresyon dito.
Bigla itong tumawa ng sarkastiko.
"Veronica, you grew up knowing that we needed power and we still do in order to make Lamarre Corporations progressive. We needed to increase high in numbers but we failed doing so.. Because of who?" Lumitaw ang galit sa mata ni lolo.
"Because of you, Veronica! We were almost there but you chose to be selfish rather than making our own company known!" Napapikit si Nanay.
"Ako ba talaga ang makasarili o ikaw?" Nagtagis ang bagang ng kanyang Tatay.
"Hindi pa rin ba tapos sa'yo ang nakaraan?" Mahinahon lamang ang boses ni Nanay ngunit alam kong gusto niya ng sumabog.
"I am done with the past, Veronica. That's is why I'm offering you a deal. We will help your children, even you. Afterall, you're still our daughter. Only daughter. Basta hayaan mo akong ipagkasundo ang panganay mo sa anak ng kasosyo ng ating kompanya. It's a smart move, Veronica. And now, we will do it in my terms."
Biglang kumabog ang dibdib ko sa narinig ko.
"Barry?! Anong sinasabi mo?" Gulat ang reaksyon ni lola Virginia.
"Hindi! Wala kang karapatan ganyanin ang anak ko." Ang bawat salita ni Nanay ay may diin. Nakita ko na din ang panginginig ng kamay niya.
"'Yun ang inayawan mo noon hindi ba? Tutal hindi naman na nababalik ang nakaraan, anak mo na lang ang babawi sa katangahan mo, Veronica." Kumuyom ang kamay ni Nanay at hindi na napigilang sumigaw.
"Wala kang kwentang ama! Ultimo apo mo ay hindi mo palalagpasin?!" Tumawa lamang si lolo at sumigaw na rin si lola.
"Barry! Not again! Anong bang sinasabi mo?! Hindi ito ang napag-usapan natin. We're here to help them, not to use them!" Iniwas ni lolo ang braso niya sa panghahatak ni lola.
"Aren't you mad at your own daughter? Let me remind you, Virginia. Iniwan tayo ni Veronica, walang utang na loob ang batang 'yan at ngayon tama lang ang kasunduang inaalok ko sa kanya. Payagan niya ang anak niya. Gano'n lang kadali. Mahirap ba 'yon?"
Kumukumpas ang kamay nito habang nagpapaliwanag, madiin ang bawat salita sa pag-aakalang maiintindihan namin iyong argumento niya.
"Are you out of your mind, Barry?! We lost our daughter because of that and I'm not doing that again ngayong abot kamay na natin siya. I was mad! I'm not denying it. I don't hate her, I hate what she did but it's all in the past now! She's our daughter, Barry!" Nagtatalo na ang dalawang matanda.
"You know what?! I don't want to tolerate you anymore. I'm done understanding your narrowed mind, Barry! I thought you're better than this but no. Gahaman ka sa pera na ultimo sarili mong anak ipagkanulo mo sa hindi mo ganoon kakilala!" Lumakas lalo ang boses ni lolo sa narinig.
"What are you doing, Virginia? Playing nice?! Hindi ba't ginusto mo rin iyon dahil malaki ang makukuha natin sa kompanya 'pag ipinakasal natin si Veronica kay Raul?!" Nagtakip ng tainga si Nanay dahil sa mga naririnig.
"I made a mistake for letting you do that to our child, Barry. Sa totoo lang galit pa din ako pati na sa sarili ko. Pero tapos na, dapat nga ay pumayag na lamang akong sumama siya kay Emil dahil mas importante ang kaligayahan ng anak ko kaysa sa pera. Ilang taon, Barry.. Dala-dala ko ang bigat ng pagiging ina kahit nakawalay sa akin ang nag-iisa kong anak!"
Ang gulo, ang daming tanong na pumapasok sa isipan ko ngunit hindi ako makasunod.
"I won't let you do that again, not to my grand daughter! Hindi na muli ako papayag sa mga kasunduan na 'yan!" Dagdag ni lola.
Hindi kami makakilos ni Sadie marahil ay gulat sa mga naririnig.
Ngayon lamang namin nalaman na pinagkasundo si Nanay sa ibang lalaki bago tuluyang naikasal kay Tatay.
Sino si Raul?
"Look, Barry! Tignan mo! Tignan mo kung ano ang kinahinatnan no'n! Hahayaan mo bang maulit?! Nakakalimutan mo na ba?!" Nanigas at nagbago ang ekspresyon ni lolo.
"Don't go there, Virginia! Keep your mouth shut!" Napahawak sa sentido si lola at saka umiling.
"I kept this burden for so many years but I'm done. Totally done. Veronica, you may not forgive us about this but it's your right to know. Dibale ng magalit ka sa amin, kasuklaman mo kami, we deserve it. Pero hindi na ako mag sisinungaling sa'yo. You have to know. You have to.."
Hindi namin naiintindihan si lola kaya pati si Nanay ay nakakunot na ang noo. Kita ko ang kaba sa kanyang mukha na parang bang isang kalabit na lang sakanya ay pipitik na siya.
"Kinuha ko ito sa aming record, Veronica. Tinabi ko ito sa aking bag simula ng tumawag ka. Noong marinig ang boses mo ay gusto na agad kitang mayakap ngunit pinangunahan ako ng galit. Ng tampo. Alam kong mahal mo kami, Veronica. Na kahit gaano kami naging malupit noon ay kami ang naisip mong hingan ng tulong para sa kinabukasan ng anak mo. I feel happy knowing that you still trust us but after this, hindi ko alam kung magagawa mo pa kaming pagkatiwalaan. See this for yourself, forgive me, daughter."
May nilabas siyang CD mula sa kanyang bag at may maliit na pangalan ni Tatay.
Emil Alonte.
Agad akong nakaramdam ng pagkabalisa, sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ng tumingin ako kay Nanay ay parang maiiyak na ito kahit hindi pa namin alam ang nandoon.
"What did you do, Virginia?!?? Bakit mo pinakielaman yan! Give that to me! Are you crazy?! Mas lalong magagalit ang anak mo sayo!" Amok ni lolo.
Agad inabot saakin ni lola ang CD at wala akong nagawa kung hindi tanggapin iyon.
"Wala na akong pakialam, Barry! She has the rights to know! Kailangan malaman ng anak mo ang totoong nangyari kay Emil! Kailangan malaman ng anak mo na hindi aksidente ang nangyari kay Emil! It's all planned, Barry! All planned by Raul na pilit mong ipinagkasundo sa anak mo! It's killing me, Barry. Hindi ko na kayang itago ito! This is too much—" Lumipad ang kamay ni lolo sa pisngi ni lola. Muntikan na itong mahulog sa upuan.
Sobrang nanlaki ang mata ko. Naninikip ang dibdib sa mga narinig. Anong ibig sabihin 'non? Ang pagkamatay ni Tatay?
Nanginginig na ang kamay ko at nangingilid na ang mga luha sa mata ni Nanay. Si Sadie ay nakatulala, hindi makagalaw at namumutla.
"Anong sinasabi niyo?!? Anong planado?!!! Si Raul??? Saan nanggagaling ang lahat ng ito!? Saan nanggagaling yang mga sinasabi niyo?!?" Tumayo si Nanay at dinuro duro ang kanyang Tatay.
Agad akong tumayo upang hatakin si Nanay. Si Sadie ay tinulungan si lola upang ihiwalay kay lolo.
"Nay!! Tama na 'yan, Nay!" Pilit kong hinatak si Nanay dahil gusto na niyang saktan si lolo.
"The justice has been served! Ano bang iniiyak mo, Virginia?!? You're only making things worse! Nakakulong na si Raul and he's still paying for what he did!" Tumulo na ang luha ni Nanay.
"Sabihin niyong hindi totoo ang naririnig ko!!" Sigaw ni Nanay pagtapos ay lumingon saakin. "Anak, anong nangyayari?! Hindi ko kaya! Hindi ko kaya!" Pinapalo ni Nanay ang kanyang dibdib, tuloy sa pag iyak at pag hikbi.
Hindi ko namalayan na umiiyak na rin ako ngunit inaawat pa din si Nanay sa pag sugod kay lolo.
"But he's not sorry, Barry!! That man is not a person! He's insane and it was our fault for letting him know Veronica. We are to blame also, Barry! Kasalanan din natin iyon!" Tumayo si lolo at hinawakan ni lola ang kamay niya.
"Don't touch me, Virginia! Kung gusto mong sisihin ang sarili mo sa nangyari, hindi kita pipigilan! But I won't blame myself for something I didn't do!" Lumabas ng pinto si lolo at hindi na muling lumingon.
"Veronica. Forgive me, daughter. This may be the last time you will ever talk to me but know this, I love you. So much. I am so sorry.." Lumakad ito pasunod sa kanyang asawa at inalalayan ng kasambahay.
Lumakad na sila pabalik sa kanilang kotse at tuluyang nakalayo ngunit ito parin kaming tatlo.
Gulat sa mga narinig, nanginginig at tila hindi makagalaw.
Nanghihina si Nanay at kailangan niya ng suporta ngunit kailangan namin mapanuod kung ano ang nasa CD na 'yun.
"Sadie." Tinuro ko ang CD sakanya upang ilagay sa player.
Dahan dahan itong tumayo, mabagal at parang pinipilit na lamang ang sariling paa sa paggalaw.
Dinampot niya iyon at nilabas sa lagayan. Nanginginig ang kamay niya habang pinapasok iyon sa CD player.
Hindi ko alam pero sobrang kaba ang nararamdaman ko. Sobrang sikip ng dibdib ko lalo na noong may lumabas na dalawang file doon.
Ang dashboard footage at CCTV footage. Unang pinindot ni Sadie ang dashboard footage.
Agad kaming nanghina ng sabay sabay naming makita sa video ang buhay na si Tatay.
Sa kabilang baryo ito kung titignan ng mabuti ang paligid. Una ay lumalakad lamang si Tatay sa madilim na kalsada marahil ay pauwi na saamin.
Napatakip kami sa aming bibig ng biglang may nagsilapitang grupo ng lalaki. Nasa lima yata sila, pinalibutan nila si Tatay at sinimulang atakihin.
Pinaulanan nila ng suntok, pinag pasapasahan at tinulaktulak.
Bumagsak si Nanay at napaupo sa sahig.
"Emil.." Nanginig ang labi ni Nanay habang binabanggit ang pangalan ni Tatay.
Ilang minuto ang tinagal ng pananakit nila kay Tatay ng biglang umalog ang kuha sa dashcam, marahil ay may bumaba galing kotse at hindi nga ako nagkakamali.
Lumitaw ang likuran ng isang malaking lalaki, hindi makita ang mukha ngunit agad napasinghap si Nanay.
"Walanghiya ka, Raul! Napaka hayop mo! Anong kasalanan ba ang ginawa ko sayo.. Ang sama-sama mo!" Sigaw ng sigaw si Nanay habang patuloy na lumuluha.
Nakita namin na binitawan na lamang ng lima si Tatay upang matumba sa sahig. Puno ng sugat at pasa sa katawan.
Bakas ang hirap sa sitwasyon ni Tatay, bakit siya ginano'n?!
Ilang sandali pa ay umupo at pinantayan ni Raul si Tatay at tila kinausap. Hindi namin marinig dahil walang tokis iyon. Nakita ko sa mata ni Tatay ang suklam at galit, dumura ito ng dugo kay Raul ngunit agad nakaiwas ito, tumayo at sinipa si Tatay na siya namang napahiyaw sa sakit.
Bumalik papuntang kotse si Raul at doon ko nakita ang mukha niya. Nakakatakot, mahahalatang may mali sa mga mata niya.
Malalim. Mapula. Nakakapangilabot.
Hindi siya mukhang normal. Napakasama niya!
"Ayan 'yung.. ayan 'yung umuwi siyang sugatan dito sa bahay. Sabi niya ay napagtripan lamang siya at hindi dapat ikabahala pero ito pala iyon. Bakit hindi sinabi ni Emil? Bakit hindi mo sa akin sinabi Emil?!"
Nanlalamig na ang katawan ko at pakiramdam ko'y lalabas ang puso ko sa aking katawan lalo na ng pindutin na ni Sadie ang ikalawang footage.
Galing ito sa CCTV at kung titignan ng maigi ito ay ang kalsada sa lugar namin!
Medyo mas madami nga lang puno ngunit ito 'yun, hindi ako pwedeng magkamali.
Tumambad ang naglalakad na si Tatay. May hawak itong plastik, may lamang mga pangsanggol na gamit. Diapers, wet wipes, at laruan.
Makikita na masaya ang itsura ni Tatay kahit na madilim na sa labas at siya na lamang mag nag-iisa sa kalsada.
Mayamaya lamang ay may ilaw na bumalandra kay Tatay. Napatakip ito sa kanyang mata, nasilaw, at sa ilang iglap lang ay binundol ng kotse.
Kuhang kuha sa video na hindi aksidente 'yun. Kita ang pagbuwelo ng kotse at hindi pa ito nakuntento dahil dinaan daanan niya pa ang katawan ni Tatay Emil.
Gusto ko ng pumikit upang iwasan ang napapanuod ko ngayon ngunit napako ang tingin ko.
Nagsimulang tumulo ang luha ko, hinagpis, lungkot at galit ang naramdaman ko sa taong gumuwa noon sa Tatay ko.
Naaalala ko na. Ito yung pauwi si Tatay galing trabaho niya sa kabilang baryo upang bilhin ang laruan na pinangako niya saakin at ang mga gamit ni Sadie para sa kanyang paglabas sa sinapupunan ni Nanay.
Hindi na nakaabot sa amin ang mga iyon dahil patay na siya. Patay na ang Tatay ko..
Lumakas ang hagulgol naming tatlo habang patuloy na nakikita ang kawalangyaang ginawa sa aming Tatay.
Napaluhod na lamang ako sa tabi ni Nanay, si Sadie ay nakatakip ang bibig habang umiiyak ng pigil.
Ayoko na ng makita ang sunod pang pangyayari ngunit gusto ko makita ang huling hininga ni Tatay. Nanlamig ang mga kamay ko, nanigas ang mga paa lalo na ng bumaba ang lalaking nasa kotse.
Si Raul. Nilapitan niya si Tatay. Dinuraan at sinipa sipa. Wala siyang awa!
Hindi ko maintindihan ang sakit na nararamdaman ko ngayon, paano pa kaya ang kay Nanay?
Tumalikod na si Sadie, hindi kinakaya ang nakikita. Sobrang daming dugo sa kalsada, dugo na nanggaling sa katawan ni Tatay.
Walang taong nakakita. Walang taong pwedeng mahingan ng tulong. Walang pwedeng sumalba kay Tatay.
Kung alam ko lang na mangyayari iyon ay sana hindi na lamang ako humiling pa ng laruan.
Lalong lumakas ang pag-iyak naming tatlo. Hindi ko na alintana ang lakas ng bawat hikbi namin dahil sa bigat ng nararamdaman.
Hindi ko lubos maisip ang nangyari kay Tatay. Mabait ang Tatay ko.. Hindi siya dapat ginano'n. Hindi siya karapat-dapat doon.
Awang awa ako kay Nanay dahil para na itong mawawalan ng hininga. Walang humpay ang pagtulo ng luha niya na pati ang sarili niya ay sinasaktan niya na.
"Tama na! Tama na! Ayoko na.. Patigilin niyo na 'to, parang awa niyo na.. Ang sakit na.. Bakit kung kailan naman na ako pasaya saka ko malalaman ang tungkol sa sinapit ng mahal ko? Emil.. Ayoko na.. Diyos ko, ano bang kasalanan ko para parusahan niyo ako ng ganito?"
Gusto kong gumapang palapit kay Nanay, yakapin at aluin siya ngunit wala akong lakas.
Wala kaming lakas lahat. Para kaming pinagsakluban ng langit at lupa na halos 'di na kami makagalaw sa aming kinapupwestuhan.
Muling sumibol ang sakit at lungkot sa puso namin. Akala ko lumaya na kami dito, mali ako. Mas dumoble pa pala ang sakit, ang pighati.
Pakiramdam ko ay parang pinatay na din kami sa mga nalaman namin.
Huminto na ang CD at itim na lamang ang pumaskil sa aming telebisyon. Wala na ni isang nag-ayos noon.
Hindi ko alam kung paano kami nakatayo muli mula sa sahig pagtapos ng mga napanuod.
Ang alam ko lang pagod kami. Sobrang pagod na kami at hindi kami masaya.
Para kaming lumulutang, nawalan ng pakiramdam. Namanhid at hindi na mahanap ang boses upang makapag salita pa.
Himala pa na nakaakyat kami sa aming mga kwarto ngunit hindi ko na rin matandaan kung paano.
Ang daming pumapasok sa isipan ko. Ultimong huling salita ni Tatay ay gumugulo sa utak ko.
Tumawag ba siya sa Diyos? Humiling pa ba siya ng isang buhay? Ano ang huling sinabi niya? Tinawag niya ba kami? Tinawag niya ba kaming pamilya niya?
Kusang tumulo ang luha ko ngunit tahimik na lamang. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at gano'n din sila Nanay sa kani-kanilang kwarto.
Sobrang lungkot ko. Pakiramdam ko ay nilalamon ako ng dilim sa nararamdaman ko ngayon.
Hindi ako makakatulog pero isa lamang ang hiling ko sa gabing ito.
Sana panaginip lang lahat ng ito.
Gustong itanggi ng isip ko na hindi totoo ang nakita ko. Na hindi totoo ang mga nalaman ko, namin nila Nanay.
Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Ithuriel. Kailangan ko ng kausap. Kailangan ko ng mapagsasabihan.
Patuloy lamang ang pagtawag ko sakanya. Naka ilang tunog na ngunit wala parin.
"Sagutin mo, Ithuriel. Please.." Nagsimula na akong humikbi.
Hindi kinakaya ang nararamdaman.
Hindi naman masama si Tatay. Bakit nangyari sakanya 'yun? Bakit sa Tatay ko? Sa Tatay ko na sobrang bait at walang ibang ginawa kung hindi tumulong?
Bakit si Tatay?
Binaba ko na lamang ang tawag ng walang sumagot mula sa kabilang linya.
Nanghihina na ako. Matagal akong naging lakas nila Nanay ngunit para akong pinutulan ngayon ng paa.
Hindi ko na kayang itayo sila Nanay ngayong pabagsak na rin ako.
Hindi ko na kaya, Tay.. Sobrang sakit na.
Hinayaan kong mahiga ang katawan ko sa kama. Hinayaan ang sarili sa pag-iyak. Wala ng saysay ang pag pigil nito gayong hindi ko na din magawang patatagin sila Nanay.
Pero kung iisipin ko lamang si Nanay, malamang ay walang katumbas ang sakit na nararamdaman niya kumpara saamin ni Sadie.
Pinakamamahal niya si Tatay at pinagkaitan siya ng magulang niyang malaman ang tunay na nangyari dito.
Pumikit ako ng mariin. Pilit inaalis sa aking isipan ang itsura ni Tatay habang nakahandusay sa kalsada ngunit sadyang hindi ko makalimutan.
Naghanda na ako para makatulog ngunit hindi ko magawa. Nagagalit ako. Nasasaktan ako..
Ilang sandali pa ang tinagal ng pag iyak ko. Halos maubusan na tubig sa katawan kakaluha.
Hindi ko na rin namalayan kung paano natapos ang araw na ito.
Ngunit sa pagod at pag-iyak, nakatulog ako habang naririnig rin mula sa aking kwarto ang hinagpis ni Nanay at ng kapatid ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top