Chapter 18
"Bakit mo 'ko buhat?"
Malabo ang imahe ni Ithuriel habang karga niya ako sa mga bisig niya kaya para makasigurado akong hindi 'to panaginip ay dahan-dahan kong tinusok ang pisngi niya.
Nararamdaman ko na ang pagkahilo ko dahil sa likidong nainom ko.
"Lasing ka, Sari." Mahina niyang sagot habang diretso lamang ang tingin sa nilalakaran niya.
Pinanuod ko lamang ang paggalaw ng perpekto niyang panga, ang makapal niyang pilikmata at mapupulang labi.
"Eh yung bag ko bakit mo binuhat?" Nakaakbay ang braso ko sa kabila niyang balikat kaya ginamit ko ang isang kamay ko para iharap ang mukha niya saakin.
"Sabi ko bakit mo binuhat bag ko kanina?" Pilit iniiwas ni Ithuriel ang mukha niya sa kamay ko ngunit hindi niya magawa dahil gamit niya ang dalawang kamay niya sa pagbuhat saakin.
"Bakit nga?" Hindi ko siya tinigilan hangga't sa kusa na itong tumingin saakin.
Pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko sa lapit ng mukha niya saakin.
"Kasi gusto ko." Kumunot ang noo ko nang dumiretso ulit siya ng tingin.
Binalot kami ng katahimikan habang patuloy lamang siya sa paglakad ng magtanong ulit ako.
"Hindi mo 'ko pinapansin. Gusto mo din ba 'yun?" Mahina lamang ang boses ko ngunit alam kong narinig niya 'yun.
Para siyang natigilan, naramdaman ko iyon sa kanyang kamay na nakasuporta sa aking likod.
Hindi siya sumagot. Mayamaya ay narinig ko na ang pamilyar na tinig nila Jersey.
"Oh, anong nangyari? Pakipasok na lang siya dito sa tent, kaya ba?" Binaba na ako ni Ithuriel ngunit nakadantay pa rin ang bigat ko sakanya.
"Aba, Ithuriel. Anong ginawa mo kay Sari?" Boses ni Marco.
"Hoy, huwag mo nga gaya si Ithuriel sa'yo." Rinig kong sagot ni Jersey.
Naramdaman ko naman ang pagpasok namin ni Ithuriel sa tent hanggang sa lumapat na ang likod ko sa nilatag na higaan.
Pinanuod ko ang mukha niya habang inaalalayan niya ako at bago pa siya makalayo ay ihinarap ko ang mukha niya sa mukha ko.
"Hindi mo pa sinasagot tanong ko." Tulad ng kanina ay parang natigilan siya ngunit nang pasadahan niya ng tingin ang aking mukha ay lumambot ang ekspresyon niya.
"Hindi ko gusto." Namayani ang katahimikan saamin habang nakatingin sa mata ng isa't isa. "Matulog ka na, Sari."
Binaba niya ang kamay kong nasa pisngi niya at saka ako kinumutan.
"Nakahiga na siya." Rinig kong sambit niya kay Jersey nang makalabas na ito sa tent.
Malabo ang paningin ko ngunit malinaw saakin ang salitang sinabi niya.
"Uy, Sari! Bakit namumula ka? Lika na, number two tayo. Kalaban natin mga number one." Bumalik sa reyalidad ang isip ko nang hatakin ako ni Jersey.
Anong ginawa ko kagabi?
Para akong nanghina sa naalala ko. Nahihiya akong magpakita kay Ithuriel ngayon. Sana lang ay hindi ko siya makagrupo sa mga activities.
"Oh warm up muna oh. Walang kamatayang thug of war." Ani Jersey.
"Grabe, ayan na ba yung pa activity mo? Basic naman." Pangangasar ni Marco na ngayon ay naningikit ang mata habang pinapakita ang biceps niya.
"Kala mo talaga malakas." Sabi ni Lucian na ikinatuwa nila Ced at Aidan.
"Minsan talaga mas ayos na tulog ka na lang." Irap nito.
"Game! Sino sinong one? Dito kayo. Mga two dito samin." Sigaw ni Jersey.
Agad namang nagsigalaw ang lahat habang kinakabitan ng panyo ni Ced ang gitna ng isang mahabang lubid.
Puno ng tuyong dahon ang lupa at mas lalong pa itong lumuwag dahil nakaligpit na pala ang tent ng karamihan.
Pumuwesto na ako sa pinaka unahan at si Jersey naman sa aking likuran. Gayon din sa kabilang grupo na kaharap namin, babae din ang sa una.
Nasipat ko sa kabila sina Ced, Lucian, at Aidan. Ang saamin ay si Marco at Ithuriel.
Bago sila tumungo sa likuran ay dumapo ang tingin saakin ni Ithuriel pero umiwas ako. Nakakahiya.
Ang linis niyang tignan sa suot niyang plain gray shirt, itim na shorts at tsinelas kahit magulo ang buhok niya.
Humawak na kami sa lubid pati na rin ang kabilang grupo kaya sumigaw na si Jersey biglang hudyat.
"Ready.. set.. go!" Buhos agad ang pwersa naming lahat. Ayaw magpatalo.
Ramdam ko sa kamay ko ang gaspang ng lubid at medyo umiinit na rin ito kakahila. Umalingawngaw ang ingay ng bawat isa sa laro.
"Ang hina niyo naman!" Ani Aidan habang tumatawa dahil mas malapit na sakanila ang panyo.
"Tangina, may price ba 'to? Palong palo, amputa." Sigaw ni Marco mula sa likuran.
Grabe, hirap na ako sa paghila dito pero nagagawa pa nila magbiruan.
Ang ibang kababaihan sa grupo nila Aidan ay umayaw na ngunit patuloy pa rin ang laro.
"Sari, bibitaw ako saglit. Higpitan mo hawak mo." Bulong ni Jersey sa likuran ko.
Agad ko namang sinunod ang sinabi niya at lalong humugot ng lakas, unti-unti ay nararamdaman ko ang pagbawi ng lubid. Lamang na kami ngayon.
"Ang sarap niyong kuhanan ng picture!" Sabi ni Jersey habang tumatawa. "Oh para ganahan kayo, ang manalo may kiss saakin!" Dagdag niya.
"Pota, patalo na tayo." Sagot ni Marco. "Baka awayin pa kami ng babe mo." Nasipat ko ang paglisik ng mata ni Ced.
"Biro lang, hindi saakin. Kay Sari. Wala namang magagalit!" Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Pahamak talaga kahit kailan.
"Yown! Nakakagana!" Si Marco.
Naghiyawan pa ang iba ngunit hindi ko na pinansin sa sobrang init ng palad ko, pakiramdam ko ay masusugatan pa yata ko.
"'Wag ka na gumalaw." Natigilan ako sa bulong ng isang pamilyar na boses.
Si Ithuriel.
Agad kumabog ang dibdib ko sa pag-iisip na nakatayo siya sa likuran ko. Bigla akong nahirapan sa paghinga.
Umabante ang kamay niya sa kinalalagyan ng kamay ko, sobrang lapit niya. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang maglaho pero 'di ako makagalaw sa pwesto ko.
"Hawakan mo na lang." Sambit niya.
Hindi ko alam pero agad ko siyang sinunod, linuwagan ko ang kapit sa lubid at do'n ko lang naramdaman ang hapdi ng namumula kong kamay.
Wala nang kababaihan sa kabila, natira na lang sila Ced.
Habang ako, na-estatwa sa presensya ni Ithuriel pero mukhang 'di niya ata pansin ang epekto niya saakin.
Ramdam ko sa aking likuran ang dibdib niya dahil sa kanyang paghila.
"Huwag na kayo lumaban! Panalo na kami!" Sigaw ni Marco nang makita namin ang pagbitaw ni Aidan sa kabilang grupo.
"Pre. Pabuhat ka lang naman diyan. Si Ithuriel ang nagdadala." Pangaasar nito.
Isang hatak pa nga ni Ithuriel ay naabot na niya ang panyo sa harapan ko. Ngumiti ito at lumingon saakin. Nailang ako kaya agad akong kumalas, lumayo sakanya.
"Pano ba 'yan? Panalo kami." Sabi ni Marco kay Jersey. Lumingon ako, totoo ba?
Kinakabahan ako. Ayaw ko ng ganito.
"Kiss! Kiss! Walang malisya!" Paulit ulit na sigaw ng iba.
"Si Sari. Kung papayag." Umiling ako kay Jersey na ngayon ay tawa pa ng tawa. "Dali na, sa cheeks lang, Sariah!"
Parang nag-init ang tenga ko. Wala namang malisya pero kung gagawin ko 'yun, pati si Ithuriel ay kasama sa hahalikan ko.. Ayoko.
Lumipat ang tingin ko sa mga lalaking kagrupo ko. Si Marco ay nakaturo na sa kanyang pisngi at si Ithuriel naman ay seryoso lamang ang itsura.
Nag-iwas ako ng tingin, umiling at tumawa. "Pass."
Nalungkot ang lahat. Ayos lang naman sakin kahit pa sabihan nila ako nang KJ.
Tumakbo ang oras sa buong maghapon at matapos ang mga iilang paggulong sa lupa sa mga pa-activities ni Jersey ay sa talon ang huli naming bagsak.
"Ang ganda. Ang linaw ng tubig." Pababa pa lang kami sa pinakatalon. Habang binabaybay namin ito ay hindi ko mapigilang mamangha sa nakikita.
Rumaragasa ang tubig mula sa itaas at hindi na ako makapaghintay lumusong dito.
"Oh, humanap kayo ng buddy niyo. Baka magkawalaan. Sari. Sama ka saamin ni Ced." Ani Jersey.
Tumango lamang ako ngunit hindi ako sasama sakanila. Masasaksihan ko lamang ang paghaharutan ng dalawa.
Tuloy lamang kami sa paglakad hanggang matunton na namin ang pinakatalon, mabato na rito kaya nagyapak na kami at ipinatong ang mga bitbit na gamit sa isang kubo malapit saamin.
"Kuya. Pwede na po diyan?" Tanong ni Jersey sa lalaking nagbabantay sa talon.
"Opo, maam. Huwag lang po sana madumi ang suot 'pag maliligo." Aniya.
Agad kaming napatingin sa mga suot namin. Ang dungis namin lahat dahil sa mga palaro kanina.
"Wala pong kaso. Salamat, kuya!" Sagot ni Jersey.
Ang iba ay nag kanya-kanyang palit na ng panligo. Halos lahat sila ay may dala. Ako lang ba ang wala?
"Tara, Sari. Palit na tayo." Hinatak ako sa gilid ni Jersey.
"Wala akong dalang panligo, Jersey." Lumingon ito saakin at may inabot.
"Nagdala ako ng extra. Kasya naman siguro 'yan?" Inilapat ko sa dibdib ko ang inabot niyang puting bikini top.
Agad akong nailang. Sakto naman siya ngunit sigurado akong lilitaw ng kaunti ang dibdib ko.
Nauna ng magpalit si Jersey ng kulay kalawang na one piece, tinakpan ko siya dahil malayo pa ang banyo mula dito.
Hindi ko kaya 'yun kaya naka shorts pa rin ako at hindi ko ito tatanggalin sa pagligo mamaya.
Sinuot ko rin ang checkered kong polo na kaninang nasa bewang ko. Malinis naman 'yun dahil inalis ko bago pa gumulong sa lupa.
"Grabe, Sari. Kung ako ang may suot niyan sakop niyan ang buong dibdib ko, walang kakawala. Ang lusog naman ng iyo." Aniya.
Namula ako sa sinabi niya kaya naisipan kong isara ang butones ng polo.
"Huwag mo itago. Makikita din naman 'yan mamaya." Humalakhak si Jersey.
Bumalik na kami at halos lahat ay nakabihis na. Ang ibang kababaihan ay nakasuot ng ternong bikini. Ako lang ang naka shorts. Ang mga lalaki naman ay hubad ang mga pang-itaas at mga naka board shorts.
"Sari." Agad akong lumingon sa tumawag saakin at nagsisi nang salubungin ako ng titig ni Ithuriel.
Natigilan ito at bumaba ang tingin niya sa dibdib ko ngunit sobrang bilis lamang no'n dahil biglang itong umiwas.
"Nahulog mo." Hindi pa rin ito nakatingin ngunit inabot nito ang sandong suot ko kanina.
Mabilis kong kinuha 'yun at tumalikod. Umalis naman siya agad.
"Namumula ka, Sariah." Napapikit ako sa pangaasar ni Jersey sa tabi.
"Tara na, babe." Aya sakanya ni Ced. Mabuti 'yan para si Ced naman ang asarin niya.
Kumindat lamang si Jersey saakin hudyat na mauuna na sila ni Ced. Umupo ako sa kubo katabi ng mga gamit namin, nag-iisip kung maliligo pa ba o huwag na lang.
"Uy, Sari. Tara na." Sambit ni Marco. Nakangiti nanaman ang mata niya.
"Sige lang." Tumango ako at nagpatuloy na siya sa paglakad ngunit tinulak siya ni Aidan at Lucian sa tubig.
"Nakaganti din sayong gago ka." Sabay tawa nila Lucian. Umiling na lamang ako at napagtantong sayang ang ipinunta ko dito kung palalampasin ko itong talon sa Banaw.
Kaya naman sumunod ako kanila Jersey sa mataas na bato kung saan pwedeng mag dive.
"Oh ayan na, si Sari. Magaling lumangoy 'yan!" Sabi nito.
Dinungaw ko ang baba, hindi naman ako nalula. Kayang kaya ito.
Hinubad ko ang suot kong polo at siniguradong hindi maalis ang buhol ng pantaas ko. Pumuwesto na ako upang mag dive, hindi ko pa rin limot ang estratehiya na itinuro sakin ni Tatay.
Iminuwestra ko ang aking kamay sa harapan at sandali lamang pagtapos ng bilang ko ay ang siyang pagbagsak ng katawan ko sa tubig.
Sumisid pa ako sa ilalim at nang umangat ako para kumuha ng hangin ay hindi ko maiwasan ang pagngiti.
Hinawi ko ang buhok na humaharang sa mukha ko habang patuloy na nagpapalutang sa tubig.
"Tara na, Jersey! Ang lamig!" Anyaya ko.
Nag patuloy lamang ako sa paglangoy habang pinapanuod sila ni Ced magtulakan sa itaas.
Lumipat ang tingin ko sa iba naming kasama na ngayon ay nag-uunahan sumisid. Naroon sila Lucian ngunit napako ang tingin ko kay Ithuriel na ngayon ay nakatitig lamang sa gawi ko.
Nakaupo siya sa bato habang humahawi sa kanyang buhok, basa na rin ang kanyang shorts malamang ay naligo na rin.
Mukha siyang nag-iisip. Kaya naghuramentado nanaman ang puso ko, para akong kinikilatis ng tingin niya, hindi ko kayang pantayan kaya lumihis na lamang ako.
Nagpatuloy sa paglangoy para lang maibsan ang kaba sa dibdib ko. Bakit ba ako nagkakaganito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top