Prologue

The Broken Tears


I raised my left hand that was holding a paperbag. Nasa loob no'n ang isang mamahaling relo na paborito niya. Pinag-ipunan ko iyon nang matagal. Sa sobrang mahal ay hindi ko siya afford bilhin, kaya nagtrabaho ako. Gusto ko na pinaghihirapan ko ang mga bigay ko sa kanya. Gusto kong makita ang ngiti niya habang tinatanggap iyon. When my cellphone vibrated in my pocket, I just let it.

"I'm nervous," I pouted while looking at his door.

September 5, the day today. This day is our second anniversary. Ngunit mula kaninang umaga ay wala pa akong natanggap na tawag o text mula sa kanya. Siguro ay busy ito sa paghanda ng surpresa para sa 'kin. I'm so excited. Gusto ko din siya surpresahin kaya narito ako ngayon sa condo niya. Isang buntonghininga ang pinakawalan ko bago pinindot ang doorbell. Ngunit ilang minuto na ang tinagal ko ay walang bumukas no'n. Inulit-ulit ko iyon hanggang sa mapagod ako. Hinawakan ko ang sigadura at pinihit iyon, then it clicked. Nagtaka ako kung bakit hindi iyon naka-lock. Itinulak ko ito pabukas. Nilibot ko ang aking paningin upang hanapin siya ngunit kahit anino niya ah hindi ko makita. Kaya naglakad ako patungo sa kanyang kwarto pero agad na natigilan, hindi ko inaasahan ang maririnig ko.

"Aahh...Faster, babe..."

"Fuck! You're so tight...Shit!"

Para akong natuod sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw sa mga naririnig ko. Ang bawat ungol na naririnig ko ay siyang kirot na nararamdaman ko. Unti-unting tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ito ang inaasahan kong surpresa. Hindi ito ang inaasahan kong regalong matatanggap mula sa kanya.

Sobrang bigat ang bawat nagagawa kong hakbang patungo sa pinto. Dahan-dahan ko iyong binuksan. Alam ko naman kung ano ang nangyayari sa loob pero sobrang sakit pala, harap-harapan ko iyon nakikita.

Biglaan kong nabitawan ang paperback na hawak, nagbigay iyon ng ingay na siyang dahilan nang pagtigil nilang dalawa.

"Who are you?" inis na tanong ng babaeng nasa ilalim niya.

Natatakpan ang pang-ibaba nila ng kumot ngunit nakikita ko ang huwad nilang itaas, puno ng pawis.

Hindi ako makapagsalita. Umaagos lamang ang mga luha ko nang walang tigil. Akala ko ay aalis siya sa ibabaw ng babae at magpapaliwanag sa 'kin. Ngunit hindi ko inaasahan na titingnan niya ako na para bang hindi niya ako kilala.

"Why are you here? Umalis kana. You're disturbing us," aniya at para akong pinaulanan ng matutulis na kutsilyo sa sinabi niyang iyon.

Hindi ko maibigay sa kanya ang gusto niya kaya sa iba niya iyon hinanap. Mahirap lamang ako kaya hindi ko maibibigay ang mamahaling hinahangad niya. Mahirap lang ako pero hindi ako tanga at bobo. Alam ko ang pinahihiwatig niya.

Tumalikod na lang ako at tuluyan nang umalis sa lugar na iyon. Para yatang nakikisama sa nararamdaman ko ang langit. Sa paglabas ko ay ang pagbuhos naman ng malakas na ulan. Sobrang sakit. Akala ko ay nabago ko na siya. Lumuluhang sinuong ko ang ulan, walang pakialam sa lakas nito. Napaluhod siya, sinigaw ang sakit na nararamdaman.

****
"HOY, RAYE! ANO TULALAY NA?" singhal ng kaisa-isahang kaibigan ko na siyang tanging tumanggap sa pag-uugaling mero'n ako. Brescia Ernea Ferguiño.

Namumungay ang matang tiningnan ko siya. Napangisi ako ng makita ang masama niyang tingin sa 'kin. Minsan ay gustong-gusto ko siyang inisin. Kahit kasi anong panlalaki ng mga mata niya sa galit ay maliit pa din ito. She look like a Japanese girl.

"Why you just won't get laid? Iniistorbo mo ang pagsesente ko dito." Tinarayan ko siya saka kinuha ang basong may lamang alak. Deretso ko iyong tinunga.

"Get laid ka diyan! I'm still virgin, what the hell? Makipot pa 'to sa'yo, noh!" naiinis na bwelta niya sa 'kin kaya't inismiran ko siya.

"Tigilan mo ako sa makipot na 'yan. Isasapak ko itong basong ito sa diyamante mo!" iritadong singhal ko din sa kanya.

Ngumuso siya kaya lalong sumama ang mukha ko. Hindi ko napigilan ang kamay kong bigwasan siya. Ganito talaga kami lagi. Walang araw na hindi kami nagbabangayan.

"Aray ha! Mapanakit ka! Ikaw na nga ang  sinamahan dito, ikaw pa nananakit! Break na tayo!" sobrang lakas na sigaw nito.

Inilingan ko siya at inambahan muli pero sinamangutan lang niya ako. "Break mo mukha mo!"

"Hmp! Ang bad mo lagi sa 'kin."

Hindi ko siya pinansin. Tumayo ako at nilibot ang paningin sa buong paligid. Nasa bar kami ngayon at naghahanap ng mapaglalaruan ...well ako lang pala. Sumama lang siya para guluhin ako.

"Saan ka pupunta?" pigil niya sa 'kin ng maglakad ako sa patungong dance floor.

"Manood ka nalang," sagot ko at naglakad papalayo.

"Huwag mong sabihin na gagawin mo na naman 'yon? What the hell, Raye?" rinig ko pang sigaw niya bago ako tuluyang makatungtong sa dance floor.

May isang couple akong nakita sa gitna. Ang lapit ng katawan at mukha nilang dalawa. Bakit hindi na lang nila ingudngod ang mukha sa isa't isa? Well, huli na din naman iyan kaya huwag na lang. I flip my hair before I walked toward their direction. Nang marating ang pwesto nila ay malakas na tinulak ko ang babae. It's showtime, baby.

"How dare you to flirt my husband!" kunwaring galit kong sigaw sa kanya. Sa ginawa kong pagsigaw na iyon ay nakahakot kami ng atensiyon.

"What are you sayin—" Hindi ko na pinatapos ang sinabi ng lalaki. I slap him hard.

"You jerk! How dare you! Pagkatapos mo akong anakan ay may gana ka pang lokohin ako?" Gusto kong matawa sa mukha niya. Sobrang sama na no'n at para bang kinakabahan. Iyon ang gusto kong makita sa mukha nila.

"B-Babe, what the meaning of this?" Hinarap ko ang babaeng nagsalita.

Dinuro ko siya. "Wala ka na bang kahihiyan? Kababae mong tao! Hindi mo man lang alam na may asawa na ang kinakalantari mo? May anak na kami ng lalaking iyan! Sa harapan ko pa talaga, ha? Wala kayong hiya! Kapag hindi mo pa tinigilan ang asawa ko ay ipapakulong kitang!” Saka ko siya sinampal. Pinalabas ko ang buong emosiyon ko para makitang seryoso kuno ako. Hinarap ko ang mga taong nakatingin sa amin. "Ano? Sumayaw kayo! Mga walang magawa sa buhay! And see that man? He's a cheater, a jerk that have no ball!" Sinabayan ko iyon ng alis patungo kay Brescia na ngayo'y nakasimangot na nakatingin sa 'kin.

"Ang panget mo talagang ka-bonding lagi. Sana hindi masarap ulam mo bukas," singhal na naman niya.

"Imposible. Ipalamon ko kaya sa'yo ang letson sa bahay? And I'm sure naman doon ka din kakain." Naglakad ako patungong pwesto namin. Muli kong tinunga ang laman ng baso ko.

"Tsk! Ang sadista mo! May sasabihin nga pala ako sa'yo." Para siyang batang nagpapadyak.

"Just talk and stop doing that.”

Napataas ang kilay ko sa kanya nang lumapit siya sa 'kin hanggang sa sobrang lapit ng labi niya sa tainga ko. Ano bang trip niya? Sisinghalan ko na sana siya ng marinig ko ang sinabi.

"Bumalik na siya at narito siya ngayon sa lugar kung nasaan ka. Hindi ko alam kong nakita ba niya ang ginawa mo but I think he is." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay lumayo na siya at nag-cross-armed sa harap ko. "Paano kung makita mo siya? What are you going to do?"

Kahit na natigilan ay hindi ko iyon pinahalata. "Pake ko naman kung nandito na siya? Huwag lang siya magpapakita sa 'kin dahil mababasag talaga ang hindi pwedeng mabasag."

"Ang harsh mo talaga."

"Hindi. Mabait pa ako sa lagay na 'yon, Bree. Iba ang harsh sa 'kin," nakangising saad ko bago sumandal sa sopang kinauupuan ko.

Nahihilo na yata ako. Unti-unti na ako natatamaan ng kalasingan ko o baka natamaan na talaga kanina pa.

"Huwag na huwag mo siyang patatawarin hangga't hindi ko nalalaman!"

Hindi mangyayari iyon. Hangga't nasa alaala ko lahat ay wala siyang aasahan sa 'kin. Wala na akong pakialam sa kanya. Nang gawin niya sa 'kin ang bagay na iyon, kasabay no'n ay ang pagkawala ng nararamdaman ko para sa kanya. Puot at galit na lang ang mayroon ako para sa walang hiya na 'yon. He changed me. He's the reason why I am like this. Kahit matagal na 'yon ay sariwang-sariwa pa rin ang lahat. Pasalamat nalang siya at wala sa bokabularyo ko ang gumanti sa kanila. Kaya imbis na sila ang gantihan ko ay sa iba ko nalang binubuntong. I use to ruin the relationship of other couples and I think it's become my hobby. Hindi ko na kasalanan kung nagdudusa sila, if they want a blamed then blame it to that man. Pare-pareho naman sila.

“And someday he will taste the sweeties karma, and I am just there watching and laughing at him.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top