Chapter 2

The Broken Tears

"ANO? Siya ba 'yon? Ang lalaking nanloko sa'yo noon?" galit na sigaw ni Gawen sa 'kin habang hila-hila pa rin ako.

Alam niya. Kinuwento ko noon sa kanya. Si Gawen ay kaibigan ko din noon. Niligawan lang naman niya ako dahil sa inis niya. Naiinis siya sa papalit-palit ko ng boyfriend. Kaya ayoko din palitan siya kasi siya lang iyong nakakaalam ng lahat..siya lang din ang nakakaintindi sa 'kin maliban kay Brescia.

Umiwas ako ng tingin. "No other than."

Akmang papasok na ako sa kotse niya ng may humila na naman sa 'kin. Nakawala ako nang ganoon kadali kay Gawen. Para akong kinuryento sa hawak na iyon. Doon pa lang ay alam ko na. Sa biglaang pagkabog ng puso ko ay nakilala ko agad.

Shuta! Uso ba hilahan ngayon? Kanina pa sila hila ng hila sa 'kin. Kapag ako napuno, hindi lang kamay ang hihilahin ko sa kanila. Pati tanso, mapuputol kapag ako ang humila.

"Ano ba?!" sigaw ko at pilit na hinihila ang kamay ko mula sa kanya.

"Kishia!" sigaw ni Bree.

"Fuck! Babe!" Hindi talaga ako sanay na nagmumura si Gawen. Saan niya natutunan 'yon? Huwag niyang sasabihing sa 'kin dahil talagang black eye kalalabasan niya.

Ayoko nang dinidikitan ng manlolokong ito. Kapag naaalala ko ang harap-harapan niyang panloloko sa 'kin noon ay hindi ko maiwasang masaktan na hindi naman dapat...hindi ko dapat nararamdaman. Matagal na kasi 'yon.

Nakita ko ang galit sa mukha niya. Kanina pa siya galit. Anong pinaglalaban niya? Tangina niya! Nangunot ang noo ko ng hindi siya nagsalita, hinila lang niya ako ng mabilis patungo sa sasakyan niya. Buong lakas ko na ang ibinigay ko para makawala pero parang bakal ang kamay niya. Nagpi-feeling Ironman siya, hindi naman niya bagay. Ulol!

"Tangina mo, Zyair! Bitawan mo ako! Ano ba?! Shit! You're so disgusting!" Natigilan siya sa huling sinigaw ko pero sandali lamang iyon.

"Hoy lalaki, let go of her! Ano pa ba ang kailangan mo sa kaibigan ko? Kanina ka pa nanghihilang tangina ka!" galit na sigaw ni Bree habang hinahabol kami.

"Shit ka, gago!" mura ko nang sapilitan niya akong pinapasok sa kotse niya. Malakas niyang isinara ang pinto. Sinubukan ko iyong buksan ngunit naka-lock na ito.

"Let us talk first." Rinig kong sabi niya kila Bree bago siya pumasok sa kotse.

"Where are we going? The hell, Zyair? Bakit hindi ka nalang magpakamatay? Napakawalang hiya mo talaga!" galit na galit ko siyang sinapak.

"Can you please shut up!" sigaw niya na kinatigil ko. Napansin niya yata iyon kaya lumamlam ang mukha niya nang tingnan ako. "I'm sor---"

"Please, don't talk." Pigil ko at tinalikuran siya.

Sa labas ako nakatingin buong byahe. Kahit kinakausap niya ako ay tahimik lamang ako. Wala akong naririnig. Sino bang kausap niya? Tangina siya! Kung makikipag-usap lang naman pala siya sa sarili niya sana 'di na niya ako dinamay. Abnoy ba siya?! Sa anong hayop ba siya pinaglihi ni Tita? At anong karapatan niya para sigawan ako? Siya ba nagpapakain sa 'kin? Isa talaga siyang sperm! Kaya siguro sa sobrang daming sperm niya pinaputok na niya sa iba. Hello? May asawa siya, tapos sa iba niya ipapaputok? Putukan ko balun-balunan niya eh! Abnormal siya! Gago! Mabaog sana siyang hayop siya! Nakakadiri! Buong pagkatao niya ay nakakadiri.

"Can you talk to me?"

Inuutusan ba niya ako? Kaya imbis na sagutin siya ay pumikit na lang ako. At ilang minuto pa ay tuluyan na akong nawalan ng ulirat. Naalimpungatan lamang ako nang maramdaman ang sarili kong lumulutang. Nang imulat ko ang mga mata ay bumungad sa 'kin ang seryosong mukha ni Zyair habang naglalakad habang buhat ako.

"Ibaba mo ako." Gumalaw ako sa bisig niya.

Talagang nandidiri ako kapag nakadikit siya. Hindi ko na naitago pa sa kanya ang ekpresiyon ko na iyon. Alam kong nakita niya iyon dahil bahagya siyang natigilan sa paglalakad at tumiim ang bagang niya. Sinamantala ko iyon para makababa. Nang makatayo ako ng tuluyan ay tiningnan ko ang nasa harapan namin. Biglang kumabog nang sobrang bilis ang puso ko, kinabahan ako. Nakita ko ang pamilyar na bahay sa harap ko. Mabilis ang nagawa kong paglingon sa kanya. Kumuyom ang mga kamay ko.

"Anong ginagawa natin dito?" may diin kong tanong sa kanya at sinabayan ko pa ng masamang tingin.

"This is your house. And you'll leave here starting now." nakangising sagot niya bago ako hawakan sa kamay at hinila papasok.

Hindi agad ako nakahuma. Nang nasa salas na kami ay doon na lamang ako natauhan. Nakatayo siya sa aking harapan habang nakatitig sa 'kin. Muli akong may nakitang emosiyon sa mga mata niya ngunit hindi ko pinansin...o ayokong tanggapin. Agad namang nawala iyon. Pinawala ko ang kahit anong emosiyon sa mukha ko at ganoon din ang ginawa niya. He's looking at me coldly same as mine. Eh 'di palamigan kami.

"Stop pretending that you're strong...or better say stop pretending to be cold in front of me, Apple," sabi niya at humakbang palapit sa 'kin.

Siyempre umatras ako. Hindi naman ako marupok para lumapit sa kanya. Okay sana kung sinabi niya sa 'kin noon na may iba na siya kahit na hindi ko nakikita kesa na hindi niya sinabi pero kitang-kita ko nang harap-harapan. Handa akong maging marupok ulit sa kanya kung noon sinabi niya lang. Ang sakit lang kasi na ibinigay ko na lahat ng pagmamahal ko sa kanya ay kulang pa rin. Kasal kami pero nakuha pa niyang magloko. Ano ba ang nagawa ko sa past life ko para danasin lahat ng ito? Nakaka-stress na.

Ngumisi ako sa harap niya. "Pretending? You really think I'm pretending, huh? You didn't know? That...when you hurt me that day I learned to be strong. I'm also not cold, nagiging ganito lang talaga ako kapag ikaw ang kaharap ko. Alam mo bang hindi ko nasisikmuraang makita ang mukha mo? Para akong masusuka sa pandidiri sa'yo. Ni ang paglapit o paghawak mo nga lang diring-diri na ako." Tiningnan ko siya pababa. "Now your back? Kung bumalik ka lang ngayon para guluhin at saktan ako ulit ay tangina kana, Zyair! Kung akala mo ay madala mo ulit ako diyan sa mukha mo ay nagkakamali ka! Kahit sinong kalahi mo ay hindi matitibag ang pader na ginawa ko. Walang sino man sa inyo ang makakasira nang harang na binuo ko para sa sarili ko. Huwag mo na ring tangkain pang gibain dahil wala ka pa sa kalagitnaan ay dinurog na kita." Tumalikod ako sa kanya ngunit hinawakan niya ang braso ko.

"Ganyan ka ba talaga kagalit sa 'kin? I know that it's all my fault kaya nga ako narito ngayon para mag-sorry. Pero sana hindi ka umalis nang sabihin---"

Hindi ko na siya pinatapos pa. Dumapo na ang palad ko sa kanya. Ginagago ba niya ako? Durog na durog na nga ako dudurugin pa niya. Muli ay naramdaman ko na naman ang sakit noong nakita ko siyang nasa ibabaw ng babae niya. Kinapa ko ang mga mata ko. Halo-halo ang naging emosiyon ko nang wala akong makapang basa doon. Kahit sobrang sakit na nang nararamdaman ko ngayon ay hindi man lang ako umiiyak. Hindi siya tulad noon na kapag nasugatan lang ako ng konti ay lumuluha na ako.

"Hindi ako galit sa'yo, dahil kinasusuklaman kita!" Kumuyom ang mga kamay ko saka siya sinamaan ng tingin. "Alangan naman na kasalanan ko 'di ba? Alangan naman na ako yung nakapatong doon sa babae! Malamang talaga kasalanan mo! At gago ka rin ba? Now you telling me, na sana hindi ako umalis do'n? Ano panonoorin ko ang pambababoy niyo? Ni hindi nga ako nanonood ng scandal tapos ikaw gusto mong manatili ako do'n para manood? Hayop ka ba?! Saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha mo? Kapag ako napikon sa'yo, maririnig mo talaga lahat ng panghuhusga at panlalait ko. At talagang ngayon pa, Zyair?" Parang mapuputol na ang ugat sa leeg ko kakasigaw sa kanya. Gigil na gigil ako. Gusto ko siyang sakalin.

"Sorry, nag-isip---" Putangina!

"Nag-isip? Ulol mo! Ano, tatlong taon kang nag-isip? Seriously? Ikaw 'yong nag-isip? Anong pinag-isipan mo? Baligtad yata ang nangyari. Umalis ka pa talaga ng bansa kinaumagahan, huh. " Malakas akong tumawa. Nanggigigil ako ng sobra sa kanya. Gusto ko siyang tirisin. "Pagkatapos mo akong durugin ikaw pa ang may ganang umalis? Masyado na yatang makapal ang mukha mo sa part na yon, Zyair. Sabihin mo nga sa 'kin, ano ba ang ginawa ko sa'yo para saktan mo ako ng sobra? Ibinigay ko ang lahat sa'yo. Buong pagmamahal ko na meron ako ay ibinigay ko sa'yo. 'Yong pagmamahal na nilaan ko para sa sarili ay binigay ko na rin sa'yo." Sandali akong natigilan. "Tsk! Tsk! Hindi ko pa pala naibigay sa'yo ang lahat. Kasi ang kaisa-isahang bagay na hindi ko naibigay sa'yo ay sa iba mo kinuha. Ganoon naman kayong mga lalaki 'di ba? Kapag hindi niyo nakuha ang gusto niyo sa isang babae ay lilipat kayo sa iba para makuha iyon. Katawan lang kasi ang habol niyo." Umiling-iling pa ako sa kanya.

Imbis na galit ang makita ko mukha niya dahil sa sinabi ko ay blangko lang iyon. Aba! Gusto niya bang manghamon ng blankuhan? Hindi ko siya uurungan.

"Hindi katawan mo ang habol ko!" malamig niyang wika na siyang kinairap ko. Hindi his face! Ako pa talaga lolokuhin? "I have a---Fuck! May rason ako! I've a fucking reason why I did that. Kung hahayaan mo lang akong magpaliwanag sa'yo."

Gusto kong magwala. Ang puso ko sobrang durog na durog na. Bakit ko ba dinaranas lahat ng ito? Bakit kailangang ako pa? Mariin akong pumikit at sa pagmulat ko ay nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Ang may pagtataka nitong mga berdeng mata ay nakatitig sa walang kabuhay-buhay kong mga mata. Nagtataka ba siya kung bakit hindi ako umiiyak? Bakit ko naman siya iiyakan? Patay lang ang iniiyakan hindi ang manlolokong tulad niya.

"Reason, reason, reason. Tapos puro kasinungalingan naman lahat. Kaya pwede ba, Zyair, manahimik kana! Kasi kahit ano naman ang sasabihin mo sa 'kin ay hindi ko rin paniniwalaan. I'm tired of listening you. I'm tired for trusting you." Bago ako tumalikod ay sinampal ko siyang muli. Pambawi sa paghila niya sa 'kin kanina. "Sana ay ito na ang huli nating pagkikita. I'm happy with my life now, Zyair, at hindi na ikaw ang dahilan no'n."

"You changed. You're not my Kynzlee. You're not my apple anymore." May kung ano sa boses niya na hindi ko maintindihan.

Natigilan ako. Mabilis akong humarap sa kanya at dinuro siya. "Because you changed me! Binago mo ako, Zyair." Umatras ako at sinamaan siya ng tingin. "Just accept the fact that I am not the innocent, and stupid Kynzlee anymore. Hindi na ako ang Kynzlee na patay na patay sa'yo. Hindi na ako ang Kynzlee na nagpakatanga at nagpakagago sa'yo. In front of you, this is the new Kynzlee that you don't want to know. Ako na ang Kynzlee na walang pakialam sa'yo! Ang Kynzlee na kahit kailan hinding-hindi na magpapakagaga sa'yo!" Tumalikod ako at naglakad.

Pero wala pa ako sa pinto ay muli niyang hinawakan ang kamay ko at pinaharap ako sa kanya. Ngayon ay galit na siya. Ngunit kahit na perpekto ang bawat hulma ng mukha niya ay hindi mapapantayan no'n ang pandidiri ko para sa kanya. Kasi habang nakatitig ako sa mukha niya ay nakikita ko ang nakakadiring ginawa niya.

"I'll let you leave for now, pero sa susunod ay hindi kana makakawala pa sa 'kin. Your mine, Apple. Only mine. Kahit anong gawin mo ay sa 'kin pa rin ang bagsak mo. I'm still your husband." Pinakawalan niya ako at umatras ng ilang hakbang.

Pero imbis na mabahala sa sinabi niya ay ngingisi ko siya. "Don't worry, one of this day ay wala nang bisa ang kasal nating dalawa. Ipapadala ko sa'yo ang annulment paper. Matagal ko na sana ginawa ito kaso hindi ko alam kung saang diyamante ka na naman nakapatong. I hope you'll sign it kahit iyon nalang ang pambawi o pambayad mo sa sakit na idinulot mo sa 'kin noon." Binuksan ko ang pinto. "I'll never accept you again. I won't let you come in my life again, Zyair. Wala ka ng maaasahan sa 'kin. Pinagsisihan ko talaga noon na gawin kang mundo ko. Dahil sa ginawa mo ay hindi lang mundo ko ang ginuho mo, pati sarili ko ay nasira dahil sa'yo."

"Apple!" tawag niya sa 'kin.

Umalis ako doon at hindi na siya nilingon pa. Mahal ko pa rin yata siya. Kasi hindi naman titibok ang puso ko nang ganito kabilis kung hindi na. Hindi ako makakaramdam ng sobrang sakit kung wala na talaga. Bakit ba ganito? Akala ko talaga ay naka move on na ako. Galit nalang ang meron ako sa kanya 'di ba? Bakit naging ganito? I won't accept this. Ayokong sumugal pa ulit sa kanya. Wala nang natira sa 'kin noon at ayoko nang mangyari pa ulit iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top