Chapter 1

The Broken Tears

Hindi ko mapigilang mainis kay Brescia, gusto ko siyang sakalin sa totoo lang. Paano ba naman ay tinawagan pa niya ako sa kalagitnaan nang mahimbing kong pagtulog para lang magpasama sa akin mag-mall. Pagkatapos ng eksena ko kagabi sa bar ay umuwi na kami. Hindi pwedeng manatili kami doon, ang sama na ng tingin sa 'kin ng lalaking sinampal ko. Ano mang oras ay kaya niya akong lapitan at pilipitin ang leeg ko dahil sa pamamahiya dito.

"Samahan mo muna ako sa taas. Bibili akong bagong cellphone. Dalawang buwan na 'tong cellphone ko, eh."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag mo akong kausapin! Sungalngalin kita nitong cellphone ko!" Nagngalaiti ang mga ngipin ko sa gigil sa kanya.

She plastered a sly smile on her face that made me more irritated. Ano bang pwedeng gawin sa babaeng ito? Can you tell me, why did she become my friend? Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan ay baka kanina ko pa siya natamaan. Lumingkis siya bigla sa 'kin na kinataas ng kilay ko.

"Sorry na kasi, Raye! Libre nalang kitang BTS meal." Alam na alam niya ang kahinaan ko.

"Okay, fine!" Saka ko siya hinila.

Nang matapos niyang bumili ng cellphone ay may kung ano-ano pa siyang binili. Pinahawak pa niya sa 'kin ang iba pero tinarayan ko lang siya. Aba, siya ang bumili tapos sa 'kin niya ipapahawak?

"Bilisan mo dahil nagugutom na ako!" Pinandilatan ko siya.

"Wait lang naman," she replied.

Nagsalubong ang mga kilay ko nang tingnan ang mga hawak niyang paper bag. "Hindi ka pa tapos sa lagay na 'yan?"

Umiling siya at nginusuan ako. " 'Yong Taehyung pillow pa, Raye."

Napatampal ako sa noo ko. Biglang nag-level up ang inis ko sa kanya. Kung kanina hanggang tuhod lang ngayon lampas fifteen floor na.

Kanina pa siya tapos hindi pa niya nabili ang mga 'yon? Pwede ko naman yata siyang iwan dito? Kaya na niya sigurong mag-isa.

"Puno na ng Taehyung pillows ang kwarto mo, Bree. Stop it now, dahil kanina pa ako nagugutom! And you know what will happened kapag hindi ako nakain agad." I threatened her.

Her eyes widened because of that . Napangiwi ako nang biglaan niyang hinablot ang kamay ko, hinila ako pababa. Kahit ang dami niyang hawak na paper bag ay nakakaya pa din niyang hilahin ako.

"Stop dragging me! Sumasakit ang braso ko!" singhal ko at hinila pabalik ang kamay ko.

Nakanguso naman siyang lumingon sa 'kin. "Nagugutom ka 'di ba? Kakain na tayo."

"Hindi mo ko kailangang hilahin. You see, I can walk."

"I'm sorry then!" singhal din niya. Akmang aambahan ko siya nang tumakbo siya papalayo sa 'kin.

Umiling-iling ako at sinundan siya. Doon ko siya nakita sa isang kainan sa baba ng mall. Doon kami laging kumakain kapag nasa mall kami. Nasa counter na ang baliw at kung ano-anong tinuturo. Naghanap ako ng mauupuan, kinuha ang cellphone.

"Nasaan kana?" walang kaamor-amor na tanong ko pagkasagot niya sa tawag ko.

"I'm sorry babe, sinundo ko pa kasi si Mommy. Wait for me, okay?"

He is Gawen Acachi, my boyfriend for the month. But to tell you the truth, he is my longest boyfriend now. Gawen and I we're a couple for two months now. Siya talaga ang tumagal sa 'kin. Okay siyang kasama. Hindi siya gago, maalaga at loyal din siya. But I don't like him romantically, hindi ko lang talaga trip magpalit ng boyfriend ngayon. Well Gawen is a very supportive boyfriend for me. Sinusuportahan niya ang mga ginagawa ko sa iba. Hindi rin naman niya ako masabihan kung sakali.

"Okay. We're going to eat and while waiting you, maglalaro muna ako," natatawang ani ko.

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya ng marinig ang sinabi ko. That's the one  reason why I didn't feel to changed him this time. Iyong mga dating boyfriend ay sobrang oa kung magreact.

Telling me to stop what I was doing. So I broke up with them. Ang ayoko pa naman ay ang pinapakialam ako at pinagsasabihan ako sa mga ginagawa ko.

"Basta mag-ingat ka. Baka magalit na naman ang mga lalaking sasampalin mo at ikaw ang saktan nila."

Gawen is not a clingy type of person. Para nga lang kaming magkapatid eh. He didn't like me too, he's just doing this because he's bored.

"Doancha worry about me. I can manage myself." Nakita kong papalapit sa puwesto ko si Bree kung kaya nagpaalam na ako sa kanya. "Bree is here, we will eat now. Make it sure na makakarating kaagad dito before ten, hmm?"

"Sure. See you, babe." Then he hang up the call.

"Sino tinatawagan mo?" Bree asked when she notice that I'm holding my phone.

"Gawen. Sinundo pa niya si Tita kaya matatagalan siya ng konti." Kinuha ko ang BTS meal na binili niya.

Nakita ko ang pagtango niya. "Bilib din ako sa isang 'yan. Aba, talagang tanggap ang kademonyuhan mo. Bibihira ang ganoong lalaki." Nag-umpisa na siyang kumain ngunit maya-maya ay natigilan siya. Tiningnan niya ako nang may kahulugan. "Do you like him? Two months na kayo. Siya lang ang pinatagal mo ng isang buwan."

Sabi ko na nga ba at bubuksan niya ang topic na 'yan. Wala siyang alam sa deal namin ni Gawen pero alam niyang wala akong gusto sa doon. Tinaasan ko siya ng kilay at pinakita sa kanya ang kamao ko.

"You see this? Anong like ang pinagsasabi mo diyan? You know that I don't like him," bwelta ko.

Akmang magsasalita pa sana siya ng pasakan ko ng burger ang bunganga niya. Ang daldal. Ayokong kinakausap ako kapag kumakain. Kinuha niya iyon sa bunganga niya at magtatatalak na sana kung hindi niya lang nakita ang masama kong tingin. Nakangusong kinain niya ang pinasak ko sa kanya.

Nang matapos kaming kumain ay hinila ko na siya agad patungo sa gitna ng mall. Binitawan ko siya at kinuha ang lipstick ko sa bag na dala. Nilagyan ko ang labi ko.

"Bakit ang pula —don't tell me you'll do that again?" nanlalaki ang mga matang sigaw niya sa 'kin.

Tinabingi ko ang ulo ko para tingnan siya. "Then I won't tell you."

"Raye, may bibilhin pa nga ako, eh."

Hindi ko siya pinansin. Ibinigay ko sa kanya ang bag ko saka inilibot ang paningin ko sa paligid ng mall. Ang daming couple ang narito. Pero gusto kong sirain yung sa tingin ko ay seryoso ang lalaki kaysa sa kapareha nito.

I want them to feel the pain they always cause to the girls everytime na sila itong nang gago. I want them pay...i want then suffer. Kasi kung mahal nila ang babae at may kabalastugan silang nagawa na malalaman ng kapareha nila eh 'di hihiwalayan sila.

And that they'll know our pain that they cause us. Interesting right? Napangisi ako ng makakita ng isang couple malapit sa puwesto namin. Nakikita ko sa tingin ng lalaki ang pagmamahal nito sa kaharap niya. Kahit may kalakihan ang katawan nito ay nakanguso itong nakatingin sa babae.

"Raye?" Hindi ko siya nilingon kaya nagtungo siya sa harap ko at sinundan ang tingin ko. "Oh my! Raye, not them, okay? They're friend of— saan ka pupunta?"

Tinarayan ko siya. "Stay and watch me." Saka ako tumalikod.

Pinalitan ko ang emosiyon sa mukha ko. Bago sumugod sa kanilang dalawa ay pinatakan ko ng tubig ang mga mata para magmukhang umiyak. Makakahakot na naman yata ako ng atensiyon ng iba. Well I don't care naman basta ma-satisfied lang ako sa mga ginagawa ko at sa makikita kong sakit sa mata ng lalaki.

"You fucking jerk!" galit na sigaw ko sa lalaki. Gulat naman na napatingin silang dalawa sa 'kin pati ang ibang naglalakad ay natigilan at napatingin sa puwesto namin. Hinarap ko ang lalaki. "Ano ang ibig sabihin nito, ha! Akala ko ay nasa Mexico ka, iyon ang sinabi mo dahil may importante kang meeting. At malalaman ko na lang na nandito ka? Ako ang naghihirap mag-alaga ng anak natin sa bahay tapos ikaw nagpapakasaya dito?" sigaw ko pa rin.

Nakita ko ang pagbalatay ng kung anong emosiyon sa mukha ng babae. Ang lalaki ay gulat na gulat pa rin. Dumadami na ang nakatingin sa amin.

"Mykel, w-what is she talking about?" maluha-luhang tanong ng babae sa lalaking ito.

Pero sinampal ko lang siya. Fuck! Wala sa plano kong sampalin ang babae. Pero tang*na! Nadala na naman ako sa eksina.

"Don't talk like you didn't know anything. You knew everything that he has a wife, but you didn't even care! Nagbulagbulan ka sa katotohanan, kahit may nasasaktan kayo ay okay lang. Didn't you even think about my child ...paano kung lumaki siyang walang ama?" Pinilit kong maging kaawa-awa sa harap nila para epektibo ang eksina ko. Naririnig ko ang singhapan ng mga tao sa paligid namin.

"The hell miss?" Ngayon pa lang nakahuma ang lalaki.

Gusto ko sanang humalakhak ng makita ang pagyuko ng babae. Gusto ko sanang magulat sa reaksiyon niya. Natamaan ko ba siya? Damn! Muling tumaas ang kamay ko at tumama iyon sa mukha ng lalaki. Oops sorry.

"Miss? Miss na ako ngayon dahil ano? Dahil sa babaeng ito? Limang taon tayong naging mag-asawa pero bakit ngayon mo pa ako ginago kung saan may dalawa na tayong anak?! Pagkatapos mo akong anakan maghahanap ka ng bagong papasukang diyamante? Gago ka! Wala kang hiya! Fuck you! Damn all of you!" Tinulak-tulak ko ang dibdib ng lalaki at nilakasan ang iyak ko kahit na wala namang luhang tumutulo. Mga sinasabi ng mga tao sa piligid ay naririnig ko.

"Grabe naman ang lalaking 'yan."

"May asawa't anak na lalandi pa."

"Manloloko, tsk!"

"Kaya ayokong mag-asawa eh, mga lalaki ngayon mga manloloko na."

"Stop this nonsense, mis—" Muli kong sinampal ang lalaki. Luh, namumula na ang pisngi niya. Do I need to say sorry after this?

"Huwag kang uuwi sa bahay! Ilalayo ko na sayo ang anak natin. I'm telling you! At sisiguraduhin ko na hindi mo na sila makikita pa kahit kailan! Jerk!" Before I walk out ay sinampal ko siya sa magkabilang pisngi.

Umalis ako do‘n at hinila si Bree na maluha-luhang nakatingin sa dalawang iniwan ko. Pero bago kami tuluyang makaalis ay narinig ko pa ang malakas na tonog mula sa isang sampal. Nilingon ko ang direksiyon ng pinagmulan ko kanina. Napataas ang sulok ng labi ko nang makita ang pagtabingi ng mukha ng lalaki dahil sa sampal ng babae.

"Asshole! Fuck you, Mykel! Fuck you!" Saka umiiyak na tumakbo paalis ang babae.

"I can't believe this. Oh my god! Why them, Raye? Of all people, why them?" Hindi makapaniwalang tanong ni Bree nang harapin ako.

Kinunutan ko siya ng noo. "What's wrong with you?"

Itinuro niya ang puwesto kong nasaan ako gumawa ng gulo. "Them. Wala ka bang ideya kung sino sila? Hindi mo ba sila nakilala?"

Ano ba ang sinasabi niya? Bakit parang kinakabahan siya? "Do I need to know them?"

Nagulat ako ng hawakan ni Bree ang magkabilang balikat ko. Salubong ang kilay nito. "They're the perfect couple, sikat din sila. Kaibigan sila ni Zyair Arawn."

Sandali akong natigilan sa sinabi niya. Kaibigan? Imbis na kabahan ay isang ngisi ang namutawi sa labi ko. Pinaningkitan ako ng mata ni Bree ng makita iyon.

"Well that's good then." Naglakad ako papalabas ng mall ngunit may kung anong kuryente ang humawak sa kamay ko bago ako hinila na siyang kinataranta ko.

"Hoy! Saan mo dadalhin si Raye?" sigaw ni Bree ang narinig ko bago kami makalayo.

Akala ko kung saan niya ako dadalhin sa garden lang naman pala ng mall na siyang may kalayuan sa pasukan ng mall. Sino ba ito? Huwag lang ito si Gawen dahil malilintikan siya sa akin.

"What the hell mister?" Malakas na hinila ko ang kamay ko sa mula sa kanya. "Kung wala kang matinong gagawin, magpakamatay ka!" Akmang tatalikod na ako ng magsalita siya.

"What was that? Asawa? Anak?" Para akong natuod nang marinig ang malamig at baritonong boses niya.

He's really here in the Philippines huh. That's good that he saw what happened. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang pagngisi.

Naka-move on na ako! Pero bakit ganito pa din ang epekto niya sa 'kin? Umiling ako at kinalma ang sarili ko. Hinarap ko siya nang walang emosiyon ang mukha. Blanko kong tiningnan ang madilim at galit na mukha niya.

At bakit naman siya galit? Of course, he will get mad because of what I did to his friend.

"And who are you?" malamig ko ring tanong sa kanya.

Nakita ko ang pagbago ng emosiyon sa kanya. Para iyong lumamlam ngunit panandalian lang. Bumalik iyon sa galit niyang emosiyon.

"Stop this nonsense, Vanessa!" galit na sigaw niya sa 'kin.

Pagak ako tumawa sa kanya. "Your insane! Who are you for telling me to stop this? Sa tingin mo talaga makikinig ako sa isang tulad mo? Hindi nga ako nakikinig sa boyfriend ko, sa'yo pa ba?"

Nagulat ako ng hawakan niya ang braso ko ng sobrang higpit. Kaya kahit na nasasaktan ay pinatili ko pa rin ang walang emosiyon ko.

"You'll stop this or—"

"Or what?" Tinulak ko siya at malakas na hinila ang braso ko mula sa kanya. "Don't tell what to do! Did you asked yourself why I am like this...why I'm become like this? If you already asked yourself then try to answer it too, asshole!"

"Apple."

Dinuro ko siya. Alam ko din na kahit gusto kong umiyak ay walang tutulong luha sa mga mata ko pero nasasaktan ako. Nasasaktan pa rin ako ngayon na kahit ilang ulit kong sabihing naka-move on na ako sa kanya ay ganito pa rin ang nararamdaman ko. Ang hirap pigilan lalo na't nasa harap ko na ang dahilan kung bakit ako nasasaktan noon pagkahanggang ngayon. Bakit ba siya bumalik? Bakit niya ba ako paulit-ulit na sinasaktan?

"Stop calling me with that endearment! Dahil wala kang karapatan! At alam mo kung bakit ako ganito ngayon 'di ba? Did you know, right?!" Tumawa ako at tinulak siya. "You're the reason why I become like this, Zyair. I'm once an innocent, sweet and loving girl but you just triggered the demon inside of me. So don't tell me to stop this because everything that I did is because of you. You know, I want you to feel my pain too...but I didn't do anything para masaktan ka. Bagama't gusto kong iparamdam sa mga kalahi mong lalaki ang mga sakit na pinaramdam niyo sa aming mga babae. I can be a demon in everyone eyes just to hurt the asshole like you." Ngumisi ako sa kanya.

Lalong dumilim ang mukha niya. Akmang magsasalita na siya ng may boses kaming narinig mula sa likuran ko.

"Babe!”

“Raye!"

Si Gawen at Bree. Lumingon ako at nakita ko silang tumatakbo papunta sa 'kin. Ngumiti ako at tinaasan sila ng kilay.

"Why are you..." Hindi ko natapos ang sasabihin dahil agad akong niyakap ni Gawen.

"Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo." Yayakapin ko din sana siya pabalik nang may kung sinong nagpahiwalay sa amin.

"Back off!" galit na sigaw ni Zyair kay Gawen. Hawak-hawak na rin niya ang baywang ko.

"The hell man?! Let go of my girlfriend!" Ngayon ko lang yata ulit nakitang nagalit si Gawen.

"Girlfriend?" Tumingin sa 'kin si Zyair pero blanko ko siyang tiningnan. "Talagang nakipag-relasyon ka pa ah!"

Dahil sa sinabi niya ay siniko ko siya ng malakas. Nabitawan niya ako. Naglakad ako patungo kay Gawen. Tumingin ako kay Zyair na ngayo'y nakikipagsukatan ng tingin kay Gawen.

"Katulad lang niyan ng pakikipagtalik mo sa iba habang nasa isang relasiyon pa tayong dalawa." Para siyang tinuklaw sa kinatatayuan niya. Lumingon siya sa 'kin ng may malamlam at pagmamakaawa.

"Apple, let's talk please."

Umiling ako at hinawakan ang kamay ni Gawen. Doon napunta ang paningin niya. May kung ano akong emosiyon na nakita sa mata niya pero sinawalang bahala ko iyon.

"We already talk Zyair, at wala na rin naman tayong pag-uusapan pa. Ang ugnayang mayroon tayo ay matagal mo ng tinapos." Hinila ko si Gawen at sumunod naman si Bree. Pero bago pa kami makaalis ay narinig namin ang sinabi niya.

"You're still my wife, Apple. Kahit makipag-relasyon ka sa iba ako pa din ang asawa mo."

Ayon at nasabi niya na rin ang relasiyon namin na sinira niya noon pa man. Tsk! Wife niya mukha niya! After what he done to me, sasabihin niya iyan sa pagmumukha ko? Akala ko ay tapos na...na tuluyan na kaming makaalis. Ngunit nagsalita si Gawen.

"You don't deserve to be her husband. If you can't stand seeing her with other man sana hindi mo ginawa ang noong ikinasasakit niya. Wala kang alam sa pinagdaanan niya kaya huwag mong tawagin ang sarili mong asawa niya." At si Gawen na ang naghila sa 'kin papalayo roon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top