Chapter 1

THE THIEF

Althea's POV

Nakakabinging tinig ng manok ang pumukaw sa aking diwa kaya agad akong nagising. Kahit labag sa loob ko ay bumangon ako at mag inat inat.

Panibagong araw na naman ang tatahakin ko. Bumangon na ako sa aking higaan at tahimik na inayos ito, pagkatapos ay humikab at iling iling na pumasok sa kusina.

Kumuha ako ng dugo na nasa loob ng isang plastik at ininom ito. Sapat na ito bilang agahan ko, dito sa lugar namin sa isang maliit ng bayan ng Herios simple lang ang pamumuhay ng mga tao rito. Kadalasan ay halos magsasaka at mangangaso anh nakatira. Isa rin kami sa pinakamahirap na bayan sa buong Azeria kabilang sa Adario Cove.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #ongoing