Chapter 9 - The Revelation


Chapter 9

Ingrid's POV

NANDITO ako ngayon sa penthouse mag-isa. After nang confrontation namin ni Drake, hindi na ako bumalik sa stadium. Gusto ko kasi mag-isip. Sa mga sinabi ni Drake, isa lang ang naintindihan ko. Sabi niya, gusto niya ako.

Gusto ko rin naman siya, as a friend. Kasi nga ang bait niya. Pero hindi na iyon aabot sa level na magkakagusto rin ako sa kanya. Kasi may ibang gusto ang puso ko, yata? Hindi rin ako sigurado. Magulo. Sobrang gulo.

Habang nagmumuni-muni dito sa balkonahe, nagulat ako sa isang malakas na kalabog ng pinto. Hala! Baka si Hansel iyon. Baka nagalit siya kasi humiwalay ako kay Erina.

"Ingrid? Ingrid, where are you?!" malakas na tawag ni Hansel sa akin mula living room.

Tumayo ako at pinuntahan siya.

"Hansel I'm he—" Bigla na lang niya akong niyakap nang sobrang higpit na parang ayaw niya akong pakawalan.

"Oh, geez! Thank God you're here!" he said while hugging me.

"H-Hansel... I c-can't breathe."

"Sorry." Pinakawalan niya ako. Hindi ako makapagsalita. Parang na-stuck ang dila ko sa loob ng bibig ko.

"You made me worried sick! 'Di ba, ang sabi ko, huwag kang hihiwalay kay Erina? Mabuti at nakita kita dito," He said, full so concern.

"Ano kasi, eh..."

Nag-isip muna ako kung sasabihin ko ba na hinatak ako ni Drake papunta sa may gubat at sinabing huwag ko siyang pagkatiwalaan at sinabi rin sa akin na gusto niya ko. No. Di ko iyon puwedeng gawin. I promised Hansel na hindi ko papansinin si Drake.

"One of my right hand men told me, he saw you and Drake talking. Is it true?" Napa-pout na lang ako. So there's no reason to lie. May nakakita pala.

"I'm sorry. Hinila niya kasi 'ko kaya hindi na ko nakapalag. Sorry talaga. I know I promised na 'di ako—"

"Okay lang. Wala kang kasalanan." He said beaming.

Nakahinga naman ako ng maluwang. Si Hansel ba talaga ito? Bakit ang bait niya? Luh! Baka naman na-abduct na ang totoong Hansel?!

"Hansel? Ikaw ba 'yan? Ba't 'di ka galit?" tanong ko.

"Huh? Tsk. Gusto mo ba kong magalit?"

"Ahh? Ayaw." Sabi kong iiling-iling pa.

"Good."

"Congrats pala."

"I won because of you." Pakiramdam ko nahulog ang puso ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit naman dahil sa akin?" I said trying to hide my smile.

"Because you trust me." mas inilapit niya sarili niya sa akin.

"Oh." Was all I could say. Okay this is getting awkward.

"You want to go someplace?" he asked.

"Eh? 'Di ba may victory party kayo?"

"The hell I care about that victory party. All I care about is you."

Nakatitig lang kami sa isa't isa. Ano ba pinagsasasabi niya? Para talaga itong hindi si Hansel. Nakakapanibago.

"S-saan mo ba ko dadalhin?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa kanya.

"It's a surprise." Then he chuckled.

WAAAAH! Ang cute niya talaga! Ay hindi. Guwapo pala!

"Game!" sabi ko.

* * *

Erina's POV

At the Palace...

"SAAN ka ba umupo kanina?" tanong sa akin ni Mommy.

"Mom, I told you I'm with my friend." Kanina pa ako ine-interrogate ni Mommy.

"Sino ba kasi ang friend na 'yan?" pangungulit sa akin ni Mommy.

"Mommy naman, eh!" I said whining.

Biglang nagseryoso ang mukha ni Mommy.

"Your Dad had a vision."

That got my attention. Minsan lang magkaroon ng vision si Daddy at kadalasan ay tungkol ito sa kaharian ng vampire city.

"Vision?"

"Yes. May nakapasok daw na human dito."

"Po?" Hala. Lagot na! Alam na ni Daddy!

"Sabi ko nga sa Daddy mo, imposibleng may makapasok na tao dito kasi walang mortal ang may kakayanan na makapasok sa mundo natin." Nacurious naman ako sa sinabi ni Mommy.

She's right though. Ang portal kasi ang nagse-serve as barrier para walang tao na makapasok dito. Kung isa ka lamang na mortal, hindi sa'yo magpapakita ang portal at hindi ka makakapasok sa dimensiyon ng mundo namin.

Napaisip naman ako. Kung gano'n, bakit si Ate Ing nakapasok?

"Unless siya ang napili."

Napatingin naman ako kay Mommy.

"Napili po saan?" nagtatakang tanong ko.

"Na maging— Ah wala."

Napasimangot naman ako kay Mommy. Dapat ko kayang iyong malaman. Tungkol iyon kay Ate Ing, eh.

Hmm. Kung ayaw sabihin ni Mommy, puwes, si Cris ang tatanungin ko. Bookworm yata iyon. Pero nacu-curious talaga ako. Ano ba ito? Si Mommy kasi, bakit hindi na lang sabihin? Tsk.

* * *

Ingrid's POV

NAPATULALA lang ako sa lugar na pinagdalhan sa akin ni Hansel. Umakyat kami sa isang green hill. Nakakatuwa kasi flat ang surface sa tuktuk ng hill at may namumukod-tanging puno na nakatanim do'n. Malayo siya sa downtown pero natatanaw ko ang buong siyudad.

Naglabas ng cushion pillow at pang-sapin si Hansel sa dala-dala niyang backpack. Inilapag niya 'yon sa ilalim ng puno.

"Don't tell me, dito tayo matutulog?" nagbibiro kong sabi.

Tumango naman siya sa akin at umupo sa lapag. Nakakapanibago talaga ang mga kinkilos ngayon ni Hansel. Pero natutuwa ako at hindi na niya ako inaaway.

Sinabihan niya akong tumabi sa kanya and I willingly obliged. Pareho kaming nakatingin sa downtown. Hindi ko alam ang iniisip niya dahil blanko lang ang kanyang mukha.

"I always came here when I want to think," basag niya sa katahimikan.

"Pumunta ba tayo rito para makapag-isip ka?" tanong ko sa kanya.

"Maraming gumugulo sa akin. So, yes. I came here to think things." Seryoso niyang sabi.

"Kung gano'n, bakit mo ako isinama rito? Baka naman maka-istorbo ako sa pag-iisip mo," sabi ko sa kanya.

Lumingon naman siya sa akin at mataman akong tiningnan. Gusto kong umiwas ng tingin pero para akong nahi-hypnotize sa mga titig niya.

"M-may sasabihin ako sa'yo."

"Huh? Ano 'yon?"

"Mamayang sunrise. Saka ko sa'yo sasabihin ang lahat."

"May iba ka pa bang tinatago sa akin Hansel?" Natatakot akong malaman na mayroon pa. Kasi pinagkakatiwalaan ko siya.

"Meron ka pang 'di alam," sabi niya.

So tama ako. At tama si Drake. Pero iyon nga ang point 'di ba? Aamin na siya. Sasabihin niya mamayang sunrise.

"Handa akong makinig Hansel." Sabi ko.

Ngumiti naman siya sa akin.

"Ingrid, kapag nasabi ko na sa'yo lahat, mapipilitan akong paalisin ka dito sa lugar namin."

Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit ako kailangang umalis?

"Hansel naman. Kung makapagbiro ka."

Inisip ko na lang na isang joke lang ang sinabi niya. Wala akong ideya sa sasabihin niya at kung bakit kailangan ko umalis. Pero sana, magtiwala naman siya sa akin na kung ano man ang malalaman ko ay pipilitin kong intindihin 'yon. Newsflash, I trust him. But he doesn't trust me.

* * *

Third Person POV

"CRIS!" tawag ni Erina kay Cris habang nagsasalin ng blood wine sa chalice niya.

"Oh, Erina," casual nitong tugon.

"Cris, Dad had a vision." Seryosong balita ng Prinsesa sa kaibigan na ikinagulat naman ng huli.

"What vision?" tanong nito.

"Alam na ni Daddy na may nakapasok na tao sa city."

"What?!"

"I know! And Mommy said something about "napili thing.""

Napakunot-noo si Cris. "What do you mean?"

"Sabi ni Mommy, wala raw makakapasok na tao sa portal. Unless, siya ang napili. Ano ba'ng ibig sabihin no'n Cris?"

Napaisip din siya sa sinabi ni Erina. Hindi alam ni Cris ang tungkol sa sinabi nito. Pero alam niyang masasagot ang katanungan nito kung papasok sila sa royal library.

"'Di ba isa ka sa may acces sa royal library? Baka naroon ang sagot."

Napatango naman si Erina.

"Oo nga, 'no? Bakit ba hindi ko 'yon naisip." Napapailing na wika ng Prinsesa.

Hinila ni Erina si Cris palabas sa bahay nito at pumunta sa palasyo. Ang royal library ay matatagpuan sa south wing ng kaharian. Hindi ka puwedeng pumasok maliban sa royal family o kung may kasama kang isa sa kanila.

Ang mga libro sa royal library ay naglalaman ng iba't-ibang history ng kanilang lahi. Dito nakatago ang mga libro na matatawag mong "restricted" dahil hindi puwedeng mabasa ng isang ordinaryong bampira lamang.

Napasimangot ang Prinsesa nang makapasok siya sa loob ng library. Kahit kailan talaga hindi siya nahilig sa libro kaya unang tingin niya pa lang sa loob ay halos malula na siya. Kung gaano kalawak ang loob ng library ay gano'n din 'to kataas.

Pakiramdam niya mawawala siya sa loob. Ni hindi niya alam kung saan sila unang maghahanap.

Naghiwalay sila ni Cris sa loob para mas mapabilis ang paghahanap niya. Hindi pa siya nakakalayo nang tawagin siya ni Cris. Agad naman niya 'tong pinuntahan at nasa pinakadulo sila ng library kung saan ang ilan sa mga libro ay nakalagay pa sa isang stand.

Binuksan ni Erina ang unang libro na nakita niya at pakiramdam niya mauubo siya dahil sa alikabok na lumabas dito.

"I think, this is the book we're looking for." Wika ni Cris kaya napatingin sa kanya si Erina. He was holding an ancient book that was written in different language. No, more like a symbols.

"Each symbols corresponds to a letter so we only have to decipher each symbols." He said.

"What? That would take time!" pagrereklamo ni Erina. "At paano ka nakakasigurado na 'yan nga ang libro na kailangan natin?"

"Kung may ganitong libro na isinulat na puro symbols, for sure, may dictionary version din 'to." he said at hindi mapigilan ng Prinsesa na humanga.

"Ang talino mo talaga!" natutuwa niyang sabi pero napailing lamang sa kanya ito.

Sunod nilang hinanap ay ang dictionary na sinasabi ni Cris. Nakahanap nila ito sa gitna ng library at nakahanay sa mga iba't-ibang klase ng dictionaries.

Naupo sila sa sahig at napapaligiran ng bookshelves. Hinayaan lang ni Erina na si Cris ang mag translate ng mga symbols dahil alam naman niyang wala siyang maitutulong.

"The title says "The Damphyr"." Simula ni Cris.

"You mean, half vampire, half human?" she said.

Binuklat ni Cris ang libro at ikinukumpara niya ito sa dictionary.

"A damphyr is a special hybrid of a vampire and a female mortal. Its kind is rare and very difficult to conceive because a woman's body is genetically not designed to carry a vampire's offspring. Thus, the mortal is bound to die."

Natahimik lang si Erina habang nakikinig sa binabasa ni Cris. Alam niya ang tungkol doon. May ilang mga ordinary vampires na nagkakaroon ng anak sa mortal pero ikinamamatay ito ng mga babae. But, thousand years ago, sa history ng kanilang lahi sa buong mundo, may isang kaharian at nakapangasawa ang kanilang Hari ng isang mortal at nagkaroon ng damphyr na anak pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nabuhay ang mortal.

"Every thousand years, a prophecy is being fulfilled. The chosen one is a young female who has the ability to enter a portal. Her inevitable fate will be sealed and is bound to marry a crown prince to conceive a Damphyr."

Marami pa ang nakasulat sa libro pero sapat na 'yon para makuha nila ang impormasyon na hinahanap nila.

"Nang tinanong daw ni Hansel si Ingrid kung paano niya nahanap ang lugar na 'to, ang sabi niya raw ay dahil sa internet. Do you think it was fate that brought her here?" sabi ni Cris.

"Siguro. Lalo na sa past niya. She's about to marry someone pero tinakasan niya 'yon at dito siya napadpad. Because if she's the chosen one, she's not meant to marry a mortal, but a vampire. A vampire prince." Sabi rin ni Erina.

"Do you think we should tell this to Hansel?" tanong ni Cris.

"Of course!" Erina answered abruptly.

"But, Hansel has to love her. And she has to love him, too. They can't marry just because the prophecy say so." Cris said.

"Oh, that's not a problem, believe me. I can read mind, Cris." Then she gave him a meaningful smile.

* * *

Hansel's POV

SHE was sleeping soundless on my lap while I was staring at her. Malapit na. Sasabihin ko na sa kanya ang lahat. Dalawang bagay na itinago ko sa kanya simula nang makilala ko siya. At ngayon handa na akong umamin sa kanya. Keeping a secret from her is a very bad idea. Lalo na kung malalaman niya ito sa iba.

And that Drake! Ako ang nakakita sakanila kagabi at rinig ko ang usapan nila. Oo, nagsinungaling na naman ako kay Ingrid kasi sinabi ko sakanyang iba ang nakakita sa kanila where in fact, ako lang iyon. This decision was made nang marinig kong nag-confess ng feelings si Drake kay Ingrid.

Gusto ko siyang patayin! Gusto ko siyang pugutan ng ulo at itapon sa nagbabagang apoy! Pero hindi ko iyon puwedeng gawin kasi kaibigan ang turing sa kanya ni Ingrid.

Napatingin ako sa kanya. Kapag nalaman na niya ang lahat, aayawan niya na ako. Baka nga siya pa mismo ang umalis sa dito.

"H-Hansel?" she said in a sleepy voice.

"Good morning, sunshine," Nakangiti kong bungad sa kanya. Dahan-dahan siyang bumangon.

"Hindi ka ba natulog? Sorry dahil sa akin—"

"Sshh. That's nothing." Idinikit ko ang dalawa kong daliri sa lips niya.

"Are you cold? Ang lamig ng kamay mo."

Hinawakan niya ang kamay ko at saka parang hinilot.

"Look, the sun is about to rise." Itinuro ko 'yong araw na papasikat na.

"Ayy, oo nga." Sabay kaming tumayo. Hinarap naman niya iyong sunrise.

"Ingrid, tungkol pala do'n sa sasabihin ko." panimula ko at humarap naman siya sa akin.

"Ano ba 'yon?"

"Makinig ka sa akin. Sana sa sasabihin ko, huwag kang magbabago o kung hindi mo man matanggap, as I've said kanina, aalis ka sa city namin."

Napatango lang siya. Tumingin muna ko sa araw na halos kalahati na ang taas.

"'Di ba ang sabi ko sa'yo, pagkatiwalaan mo ako? Sorry kung pinaniwala kita sa kasinungalingan. Ang totoo niyan, takot akong mag-freak out ka kapag nalaman mo kung anong klaseng nilalang ako. Kami."

Napakunot-noo siya. "A-ano'ng ibig mong sabihin, Hansel?" naguguluhan niyang tanong.

"No'ng una kitang nakita wala akong balak na sigawan ka. Nakatalikod ka no'n eh. Wala rin akong balak businahan ka ng malakas. Sasagasaan na sana talaga dapat kita kasi nakaharang ka sa gate, eh."

Nanlaki naman ang mga mata niya at saka nag-pout. Siguro iniisip na naman nito na ang sama-sama ng ugali ko.

"Pero hindi ko alam kung anong mabuting espiritu ang sumanib sa akin dahil hindi ko iyon ginawa."

Napangiti lang siya. Siguro kasi naalala niya iyong tagpong 'yon.

"Pero no'ng humarap ka, napatulala na lang ako. Hindi ko alam kung bakit pero gandang-ganda ako sa'yo. Akala ko isa ka sa mga bagong exchange student."

"H-Hansel, why are you saying all of these?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot dahil marami pa akong gustong sabihin sa kanya.

"Bumaba ako no'n tapos sinigawan kita. No'ng nagtanong ako, sa'yo wala kang alam. Kaya nalaman kong galing ka sa mundo ng tao. Malakas kasi pang-amoy ko sa inyo eh."

"H-Hansel ano bang pinagsasabi mo?" nagpa-panic na ang mukha niya at tinitingnan ako na parang nababaliw na ako.

"No'ng kinaladkad kita papasok sa kotse ko, inutusan agad kita na ako lang susundin mo. Napakatigas ng ulo mo pero napapayag din kita. Gusto kitang gamitan ng kapangyarihan ko para mapasunod ka pero hindi ko magawa. Iniisip ko pa lang nakokonsensya na ako."

"Please get straight to the point, Hansel. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi mo." She scowled. Napatawa lang ako.

"Gusto mo bang malaman kung bakit ang dami kong dahilan sa'yo para lang hindi kita masaluhan sa pagkain?"

"Yes. Why?" agad niyang sagot.

"Because I'm different. We are different. That's why you can't find usual foods here."

"What kind of different Hansel? Please tell me, promise I won't freak out."

"We are in night class. We don't like salt, lemon and garlic. We never show ourselves in sunlight unless we wear protection like shades and sunglasses."

"Y-you're not h-human?" Her voice was trembling.

"We're not," sagot ko sa tanong niya.

"Then what are you?"

Nararamdaman ko ang takot sa boses niya. Parang may bumabara sa lalamunan ko habang iniisip ko ang sasabihin ko sa kanya. Pero sigurado na ako at pinag-isipan ko 'to. Sasabihin ko na sa kanya ang totoo.

"We're... We're Vampires."

* * *

Ingrid's POV

"WE'RE... We're Vampires ."

Hindi ako makagalaw. Nanlalamig ang pakiramdam ko sa sinabi niya.

"Hahaha. V-Vampires ka diyan! Joke ba 'to, Hansel? Kasi kung oo. 'Di siya benta sa 'kin." Sabi ko habang pinipilit na tumawa kahit ang totoo nangangatal na ang mga tuhod ko.

"I'm not joking, Ingrid. Kailan ba ako nagbiro sa'yo?" Seryoso niyang sabi.

Nasilaw ako sa araw kaya itinaas ko ang aking braso para itakip sa mga mata ko.

"M-mainit na dito, Hansel, tara na?" Sabi kong nakatakip ang mga mata.

"Tingnan mo muna ko." sabi niya.

Tinanggal ko ang aking braso sa mga mata ko at laking gulat ko sa nakita.

"You're... You're..."

"Flaming?" he answered for me.

Hindi ko alam kung bakit lumiliyab ang mga mata niya. Hindi naman siya nakangiti pero may lumalabas ng ngipin sa gilid ng labi niya. Parang... fangs?

"Why?" naguguluhan kong sabi.

"Because I'm a vampire."

"Totoo ba talaga?"

Nilapitan ko siya. Hinawakan ko ang malamig niyang mukha. Iyong mga pupil niya pala ang parang nagliliyab.

"Aren't you afraid?" He asked.

Ngumiti lang ako. Bakit naman ako matatakot? I trust him enough na hindi niya ako sasaktan. Siya pa nga ang may gustong protektahan ako, 'di ba?

"I'm not afraid of you," deretso kong sabi sa kanya.

"Ingrid, dahil alam mo na ang tungkol sa amin, kailangan mo nang umalis sa siyudad namin."

Napakunot naman ako ng noo. "Bakit? Dahil alam ko na?"

"Natatakot ako na kapag nalaman nila na tao ka..."

"Iinumin ba nila dugo ko?" tanong ko.

"No. I won't let that happen."

Na-flattered naman ako.

"Hansel, please let me stay here. Ayokong bumalik sa amin. Hindi pa ako ready." nagmamakaawa kong sabi.

"Hindi ka ligtas dito, Ingrid." He touched my cheeks with his cold hands.

"Nand'yan ka naman. You'll protect me, right?" sabi ko.

Tawagin na akong "assuming" pero alam kong poprotektahan ako ni Hansel.

"I'll protect you no matter what." Nagkatitigan lang kami.

Nararamdmaan kong parang nagwawala ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog niyon. Bakit ba ang lakas ng heartbeat ko? At saka, kinikilig ako! Waahh! Heto na ba 'yon?

"You're blushing, Ingrid." amused niyang sabi.

Napahawak naman ako sa pisngi ko.

"May isa pa akong aaminin sa'yo Ingrid."

Isinuot niya ang shades niya at hinila niya ako papunta sa ilalim ng puno.

"Ano pa 'yon?"

"Ingrid... I... I... I feel something for you."

"Huh?"

"Kasi ano—"

Hinintay ko siyang magsalita. He looks like he was choking. It seemed like he wanted to say something pero hindi niya masabi.

"Ingrid, sa palagay ko, mahal na kita."

######

A.N: I understand that most of your comment in the story has a quick phase lalo na sa feelings ni Hansel para kay Ingrid. But I just want you to know, especially new readers that this story written way back 2013 was suppose to be a short story. Hanggang 15 to 20 chapters lang dapat. Pero dahil sa nag-enjoy akong isulat 'to at sa demand na rin ng mga lumang readers ko noon, na-extend siya. Hanggang sa umabot sa 50 chapters hindi pa kasama ang special chapter. Kaya sana, sa mga harsh comments na "wow ang bilis" o kung ano-anu pang hindi maganda sa mata ko, try to understand. Isinulat ko ito noong mga panahon na crush na crush ko pa si Edward Cullen so don't judge me. Hahahahaha.

Anyway, sana ma-enjoy niyo pa rin basahin dahil sobra ko itong na-enjoy na isulat noong bata pa ako. Chos! hahahaha

-Ate Thy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top