Chapter 48 - Truth be told

Chapter 48

Erina's POV

NAKAAKBAY sa akin si Cris habang pinagmamasdam namin si Ate Ingrid sa labas ng ICU. Nakadungaw lang kami sa bintana na salamin dahil bawal kaming pumasok sa loob. Ang daming nakakabit na apparatus sa katawan niya maging sa bibig niya. Mayroon din mga monitors para sa obserbahan ang paghinga niya.

Kanina lang nang mabalitaan namin na sinadyang sagasaan ni Eunice si Ate Ingrid gamit ang embulance ng hospital. Nakita sa CCTV ang ginawa niya at matapos niya 'tong sagasaan ay pinagpapalo niya 'to ng isang mahabang bakal. I could just imagine everything at hindi ko mapigilang maawa kay Ate Ingrid. Napahamak na naman siya. At wala kaming nagawa para protektahan siya.

Nakita kong dumating si Tom kasama si Maxhene at Denver. Pasimple kong tiningnan si Maxhene at kita ko ang pamumugto ng mga mata niya. Alam kong galit na galit siya sa nangyari kay Ate Ingrid. Siya rin ang humuli kay Eunice para ibigay ito sa mga pulis.

"I wanted to kill her! God, I wanted to make her suffer!" she angrily said.

"Magiging okay din siya," pang-aalo ni Denver kay Max.

"Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ayaw ni King Vladimir na pagalingin ko si Ingrid. I could always heal her!" umiiyak niyang sabi.

Hindi ko rin alam kung bakit ayaw ni Daddy na hayaan si Maxhene na pagalingin si Ate Ingrid. Nagkaroon uli siya ng visions pero hindi niya sa amin sinasabi.

"I wanted to see her!"

"But Hariko—"

Napalingon kaming lahat sa entrance ng ICU. Nakita ko si Kuya na nakasuot pa ng hospital gown. Tiningnan ko lang siya. The last time I saw him, he just ignored me kaya ang sama ng loob ko.

Sa akin nabaling ang tingin at kita kong nanlambot ang expresyon ng mukha niya.

"Erina," sambit niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Patakbo siyang sumugod sa akin at bigla na lamang niya akong niyakap.

"K-Kuya?"

"I missed you, Erina!" he said. Hindi ko na napigilan ang luhang lumabas sa mga mata ko. Naaalala na niya ako. Bumitaw siya sa akin at hinawakan niya ang pisngi ko.

"Naaalala mo na ba ang lahat, Kuya?" tanong ko at tumango siya.

"Welcome back, bro," sabi ni Cris.

"Sinabi sa akin ni manager ang nangyari kay Ingrid. Okay lang ba siya?" tanong ni Kuya. Lumapit naman si Maxhene at tiningnan niya ng masama si Kuya.

"If it wasn't with your crazy girlfriend, hindi magkakaganito si Ingrid! She's brain-dead, asshole!" galit na singhal ni Maxhene.

"I'm sorry. Kasalanan ko," nagbaba ng tingin si Kuya. Lumapit siya sa may window at pinagmasdan si Ate Ingrid. Narinig ko siyang bumuntong hininga. Nagtatagis ang bagang niya at nakakumos ang kamay niya.

"Ibabalik ko dapat 'to sa kanya," rinig kong bulong niya sa kanyang sarili. Nakita ko ang kuwintas na hawak niya.

Dumating naman ang parents ni Ate Ingrid at kasama ng mga 'to ang doctor. Maraming ine-explain ang doctor sa kanilang dalawa at panay lang ang tango ni Tita Rida habang seryoso lang si Tito Ington.

* * *

Hansel's POV

"DO you want me to come with you?" tanong sa akin ni manager Hyun.

"I'm fine," tipid kong sagot.

Naaalala ko na ang lahat at sinabi ko rink ay manager ang totoo maliban sa dati kong katauhan. Hindi na nila 'yon kailangan pang malaman. Sabi niya ay saka na lang namin pag-usapan ang tungkol sa kontrata ko kung gusto ko pa itong ipagpatuloy o hindi na.

Nagdrive ako papunta sa police station kung saan pansamantalang nakakulong si Eunice. Hindi pa nagsisimula ang hearing kaya wala pang desisyon ang korte kung makukulong ba siya dito sa Pilipinas o ibabalik siya sa China at doon ikukulong.

"Oh, Hariko. I know you'll come," masaya niyang sabi. Nasa visitors area kami. She was wearing a yellow shirt. Pinigilan ko ang sarili ko na saktan siya. Inilayo niya ako sa babaeng mahal ko. Nagsinungaling siya sa akin at limang taon niya akong pinaniwala sa isang kasinungalingan.

"Why did you lie to me?" kalmado kong tanong. Nawala ang mga ngiti niya sa labi.

"H-Hariko..."

"Damn it! Don't call me Hariko!" I stomped my fist on the table.

"Y-you're still my Hariko," naiiyak niyang sabi. Kinalma ko ang sarili ko. Gusto kong isipin 'yong magagandang bagay na ginawa niya para sa akin pero hindi ko magawa. Nananaig ang galit ko sa kanya. At nasasaktan ako dahil naging parte siya ng buhay ko. Pinagkatiwalaan ko siya.

"I can remember everything, Eunice. So you don't have to pretend anymore," seryoso kong sabi sa kanya.

"I only did that because I love you!" hinawakan niya ang braso ko pero agad ko itong binawi.

"You have deceived me!"

"And I'm sorry! But I didn't regret it. Lying to you is the best thing that had happened to me,"

"I want to know everything. Why did you do it?"

"Hariko was the name of my ex- fiancé," she started. Pinahid niya ang kanyang kamay niya sa pisngi niya. "He died in plane crash two weeks before I met you. That day, when I saw you, I planned to kill my self. I was ready to be crashed by your car but you change your route. I was so shocked to witness an accident caused by me," she paused.

"When I helped you, I was stunned to see you. You just look like my fiancé, every part of your face. That day, I though he was you. That God sent you to be his replacement. Then it was like a blessing in disguise when you said you can't remember anything. I told you lies. I named you Hariko." Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi niya.

"You are so sweet so it was easy for me to fall for you. I fell in love with the new Hariko not because you are a look a like of my fiancé."

"When I saw your ring, I discovered that your real name was Hansel and that you have a girlfriend named Ingrid. Remember when I told you that Hansel and Ingrid was your friend? Another lie, I know. I'm sorry."

"But believe me, I wanted to tell you the truth. But I am scared. I was afraid that you will hate me."

"I loathe you," mariin kong sabi.

"I'm sorry," nakayuko niyang sabi.

"Sorry won't take back Ingrid's life!" galit kong sabi sa kanya.

"W-what do you mean?"

"She was almost dead. Brain-dead!" napatakip siya ng bibig at saka humagulhol.

"I-I'm... I-I'm sorry. I was eaten by my jealousy. I'm really really sorry,"

Tumayo ako at iniwan ko siya. Gusto ko maawa sa kanya pero wala akong makapa ni katiting na awa sa kanya. Ang dami niyang ginawang panloloko sa akin at ngayon ay maaring mawala sa akin ang babaeng mahal ko.

* * *

One week later...

"INGRID, nandito lang ako. Hihintayin kitang magising," bulong ko sa kanya.

"Kuya, hindi ka naman maririnig ni Ate Ing, eh," sabi ni Erina. Kasama namin siya dito sa kuwarto ni Ingrid. Nakaalis na sina Hyun, Kio at Sai sa Pilipinas.

Pinakiusapan ko si Hyun na siya na ang bahala sa pag-asikaso ng kontrata ko sa management. Kung kailangan magbayad ako for breach of contract makaalis lang ako management. Mas importante ngayon sa akin ang bantayan si Ingrid. Natatakot akong baka may masamang mangyari sa kanya kapag wala ako.

From time to time, kinekwentuhan ko si Ingrid sa mga nangyayari sa paligid. Sabi kasi ng doctor, naririnig pa rin naman daw 'yan ng pasyente. Hindi ako nawawalan ng pag-asa ng isang araw ay gigising siya at ako agad ang hahanapin niya.

Isang pag-asa na biglang maglalaho dahil sa isang balita.

"We can't keep her alive anymore," sabi nang doctor.

"'Di ba po humihinga pa naman siya? Buhay pa naman ang anak ko," sabi ni Tita Rida. Nangingilid na naman ang luha sa mata niya. Tahimik lang ako sa gilid at hinahaplos ang kamay ni Ingid.

"Life support na lang ang bumubuhay sa kanya, Misis Sy. Kung tutuusin, parang patay na rin naman siya,"

Anger rose inside me. Magsasalita sana ako pero naunahan ako ni Tita Rida.

"Kami ang magulang! Kami ang magdedesisyun kung bubuhayin namin ang anak namin o hindi! Wala kayong karapatan para sabihin na patay na ang anak!" naiiyak na sabi ni Tita Rida. Nasa likod niya si Tito Ington at tahimik din. Sina Erina at Maxhene nasa sulok at halatang nalulungkot din.

"It will be considered as mercy killing, Misis Sy. Baka hindi natin alam gusto na rin ng anak niyong bumitaw kayo. Nahihirapan na siya. Wala na siyang sign of progress."

Nagulat kaming lahat nang biglang sinampal ni Tita ang doctor.

"You don't tell us what to do, Doc! I am the mother! You don't know how it feels to see my daughter lying on that bed lifeless! If I have to spend all my money and fortune just to keep her alive, I will do that! And I am willing to sell my soul to the devil himself just to see her alive!"

Lumabas ang doctor sa kuwarto. Napayakap si Tita Rida kay Tito Ington habang umiiyak. Mahigpit na napahawak ako sa kamay ni Ingrid. I will believe in her. Naniniwala akong gigising siya.

"Hindi tayo bibitaw kay Ingrid. B-baka... Baka nagpapahinga lang siya kasi napagod siya. Gigising din siya," sabi ni Tita sa amin.

Another days had passed. Days, weeks, hanggang sa umabot sa isang buwan. Pati ako nawawalan na rin ng pag-asa. Magkatulong si Erina at Maxhene para panatiliing malinis ang katawan ni Ingrid. Lagi rin siyang sinusuklayan ni Maxhene.

Dahil isa na akong tao ay may kakayanan na akong magkaroon ng panaginip. Kaya minsan dinadalaw niya ako sa panaginip ko. Hindi siya nagsasalita pero sapat na para sa akin para makita kong nakangiti siya sa akin.

Hanggang sa lumipas ang inim na buwan. Wala pa ring progress. Ramdam kong nawawalan na nang pag-asa si Tita Rida lalo na sa sinabi niya.

"I have decided, Hansel. Pakawalan na natin siya," naiiyak niyang sabi.

"Pero Tita..."

"Hijo, hindi ko na kaya. Nararamdaman kong nahihirapan na ang anak namin. Pakawalan na natin siya." Tita said. I am grateful on her because she is considering my approval pero ito ang klase ng bagay na hindi ko siya mapagbibigyan.

"Anything but letting her go, Tita. Hindi ko kayang mawala siya sa akin," I said. She heaved a heavy sigh and stared at Ingrid. Humaba na ang buhok niya kaya kalahati na nang kanyang buhok ay bumalik na sa pagiging itim. Maputla na rin siya at wala nang buhay ang mukha niya. It was like we are preserving a lifeless body.

Tumayo naman si Tito Ington sa pagkakaupo. I barely noticed his presence dahil tahimik lang siya palagi.

"No. Don't unplug the life support," he said in a low, calm voice.

"Ington, akala ko ba nagkasundo na tayo?" sabi naman ni Tita Rida.

"May isa pang solusyon."

rIubK)Ta

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top