Chapter 46 - She's Psycho

Chapter 46

Ingrid's POV

NAGULAT ako nang magising akong may nakakabit na dextrose sa kamay ko. Ano ang ginagawa ko dito sa hospital?!

"Inatake ka ng asthma,"

"Erina?!" halos mahulog ako sa hospital bed nang marinig ang boses niya. Katabi niya si Maxhene na busy sa pagtetext.

"Ate Ing!" niyakap niya ako ng mahigpit. Si Maxhene hindi ako pinapansin. Galit ba siya sa akin?

"Aren't you gonna hug me?" I asked Maxhene while pouting.

"Mamaya ka na. Kanina ko pa kasi tinetext si Denver hindi sumasagot. Makikita sa akin ng bampirang 'yon at makakatikim na naman siya sa akin!" parang nakikita ko na ang invisible sungay ni Maxhene. Poor Denver.

"Ate, nakita ko na iyong Eunice. Pati si Kuya Hansel. Nilagpasan lang nila kami ni Maxhene. Hindi niya kami nakilala," malungkot na sabi ni Erina. Alam kong masakit din ito para kay Erina. Kapatid niya si Hansel at ngayon isa na lamang kaming estranghero sa buhay niya.

"May amnesia nga kuno, 'di ba?" Maxhene hissed, still texting.

"Tell me, Erina. Mas maganda ba sa akin ang Eunice na 'yon? Mas mabait bang tignan? Mas sexy?" Tinignan naman ako ni Erina na parang nanunuri.

"Pereho kayong maganda, Ate, eh. Pero mas baby face ka," sabi niya.

"Hindi! Pumili ka lang ng isa!" naiinis kong sabi.

"Ayokong maging bias, ah. Maganda ka, Ate. Pero maganda rin kasi iyong si Eunice,"

Parang gusto kong maiyak sa sinabi ni Erina. Naagaw na sa akin nang Eunice na 'yon si Hansel, pati ba naman si Erina? Huhuhu. Sino na lang ba kakampi ko? Bakit ba pakiramdam ko inaapi ako sa mundong 'to? Nakakainis!

"Joke lang, Ate! Ano ka ba. Mas maganda ka do'n. At saka feeling ko ang plastik niya. Ewan ko. Basta. You know, vampire instinc," sabi ni Erina.

"Tama ka diyan," segunda ni Maxhene.

"Eh, akala ko ba kasi aagawin mo si Kuya?"

"Correction mahal na prinsesa, babawiin ko lang!" sabi ko.

"Oo nga pala. So ano ang plano mo, Ate?"

"Mag pagaling ka muna kaya diyan. Paano mo siya mababawi kung nakaratay ka diyan?" sabi ni Maxhene. This time, hindi na siya nagtetext.

"What will I do?" tanong ko.

"Kailangan natin ng checklist. Ikaw na kaya Max gumawa no'n? Ikaw expert diyan," nang-aasar na sabi ni Erina.

"Kaibiganin mo muna kaya?" suggest ni Maxhene.

"Ay oo nga, Ate. Tapos kapag nakuha mo na ang loob ni Kuya siraan mo na si Eunice," sabay nag evil laugh ang dalawa. Sabi na, eh. Wala silang maitutulong.

"Ayoko nga. Hindi ako naninira ng tao. Kahit nga karibal kita noon kay Hansel hindi ko nagawang siraan ka," sabi ko kay Maxhene.

"Aww. Talaga? You're such a good bestfriend," she said pouting.

"OA mo, ah."

"Wait nga. May naalala pala ko," sabi ni Erina.

"Ano 'yon?" sabay naming sabi ni Max.

"'Di ba, healing ang strength mo, Maxhene? Bakit hindi mo 'yon gawin kay Kuya?" para akong nabuhayan sa sinabi ni Erina.

"I can't do that," she said. Para ang bilis na lumubog no'ng pag-asang naramdaman ko.

"Why?"

"Amnesia ang mayro'n siya. Nasa utak 'yon. At kung kokontrolin ko naman si Hansel sa control ability ko, hindi rin naman magtatagal 'yon. Naisip ko na 'yan dati pero hindi talaga puwede. We're not allowed to interfere human's mind," paliwanag niya.

Akala ko may pag-asa na, wala pa pala.

* * *

Hariko's POV

KINAUMAGAHAN ay bumalik akong hospital pero nai-discharge na raw si Ingrid. May photoshoot ako ngayon pero mas pinili kong puntahan siya. Hindi ko alam kung bakit nagiging ganito ako sa kanya.

Pumunta ako sa office niya pero nanatili lang ako sa loob ng kotse. Sa tingin ko ay hindi naman siya pumasok dahil nirekomenda ng doctor na magpahinga siya.

Napatingin ako sa phone ko na nagba-vibrate. Eunice is calling again. She's acting weird lately lalo na no'ng bumalik kaming Korea. Pakiramdam ko masyado na niya akong sinasakal. Gusto niya lahat ng galaw ko alam niya.

A message popped on the screen and I knew it was from her. I don't need to read it. Alam kong gusto niya lang ako pabalikin. Instead of texting her back ay dumeretso ako sa photoshoot.

* * *

"WHERE have you been? Why aren't you answering my calls?! I told you not to go outside without me!" salubong sa akin ni Eunice nang makabalik akong hotel. Kakauwi lang namin nina manager galing sa photoshoot and her rants is the last thing I want to hear from her.

"Eunice, will you stop it! I'm tired and I want some rest. I just came here to say goodnight. I gotta go," tinalikuran ko siya pero agad niyang hinigit ang braso ko.

"What?!" Iritado kong sigaw sa kanya. Nakita kong naamaang siya.

"Why are you acting different, Hariko? Is this because of Miss Sy?" naluluha niyang sabi.

"How the hell Ingrid get involved in this?! She has nothing to do with me or with us, you understand?! So stop acting like a paranoid girlfriend!" nahalata kong nanlaki ang mga mata niya pero agad na nagseryoso ito.

"W-what did you say?"

"You want me to—"

"What's her name? What's Miss Sy's name?"

"Ingrid," nakiita kong namutla siya. "Are you okay?" tanong ko sa kanya. I heard she mumbled something pero hindi ko marinig. Then she eyes me angrily.

"I want you to stay away from her!"

"You can't tell me what to do, Eunice!"

"Oh, really?! I'm your girlfriend, Hariko! So you better obey me or else.. Or else I'll kill myself!"

"You're crazy!" I utter with disbelief.

"I am really crazy, Hariko! I'm doing this because I love you."

"I don't know, Eunice. But it seems you're hiding something from me," I said.

Natahimik siya sa sinabi ko. Hindi na siya ulit nagsalita kaya lumabas na akong kuwarto niya.

Pagpasok kong kuwarto namin, nadatnan ko silang kumakain.

"Hey dude, let's eat," imbita sa akin ni Kio.

"Who cooked?" I asked.

"Oh, it's a room service don't worry," he said kaya narinig 'yon ni Sai

"What do you mean by don't worry?" Singhal ni Sai kay Kio. Pareho lang kaming natawa. I know what he meant. Sawa na kami sa scrambled egg niya.

"Someone is looking for you by the way," sabi ni Kio.

"Huh? Who?"

"Two pale girls. They're really beautiful, but... pale,"

Pale? Baka may sakit.

"Fans maybe?" I said.

"I don't think so. They are with Ingrid,"

"Really?" I smiled inwardly when Kio mentioned her name. Para bang lumukso sa tuwa ang puso ko.

"You're blushing," Sai commented.

"I-I'm not!" Iniba ko ang tingin ko.

"Yes, you are. Hey manager, Hariko is blushing when Kio mentioned Ingrid's name," malakas na sigaw ni Sai kaya pinuntahan kami ni manager na busy sa laptop niya.

"You have a crush on her?" tanong ni manager at halos matawa lang ako.

"You like her?" exaggerated naman na sabi ni Kio.

"She's a cutie, ayt?" komento naman ni Sai.

"I like her more than Eunice," seryosong sabi ni manager.

"W-what are you talking about guys? Stop inventing things! You started this Sai, tell them you're lying." singhal ko kay Sai.

Itinaas nito ang dalawang kamay at parang sinasabi na wala siyang alam.

"Guilty as charge," they chorused sabay nagtawanan.

"Aigoo!" Tinalikuran ko sila.

Inaasar lang nila ako pero bakit parang kinikilig ako? First time ko itong maramdaman but the feeling is very familiar.

* * *

Ingrid's POV

ISANG araw pa lang ako dito sa bahay ay pakiramdam ko mamamatay na ako sa sobrang boredom. Nadischarge ako kahapon sa hospital at pinagbawalan ako ng doctor na ma-stress. Magpahinga muna raw ako. Ayaw ko sanang makinig pero si Mommy ay talagang pinabantayan ako sa mga maid.

Sinilip ko muna ang mga maid kung ano ang ginagawa nila at nakita kong busy sila sa paghanda ng tanghalian. Bumalik ako sa kuwarto at naligo. Matapos ay nagsuot lang ako ng tight jeans and white tank top. Isinuot ko rin ang kuwintas na binigay sa akin ni Hansel. Ngayon na alam ko na na si Hariko at Hansel ay iisa, nabigyan ako ng idea na gamitin ang lahat ng bagay na makakapag-paalala sa kanya.

Mabuti na lang at sa mga maids lang nagbilin si Mommy na huwag akong palabasin kaya nakalusot ako sa mga guard nang ilabas ko ang kotse.

Pumunta ako sa coffee shop malapit lang office ko. Nagce-crave ako ng French macaron. Kanina kasi fruits and cereals lang ang pinakain sa akin ni Mommy. Ako pa naman 'yong tipo ng babae na matakaw kumain ng breakfast.

Nasa counter ako para magbayad nang may bumangga sa akin. Napasimangot ako.

"Excuse me—"

"Oh, Hi, Ingrid," napakurap ako para tingnan kung sino ang nasa harap ko. He was wearing a baseball cap and a sunglass but I manage to recognize him. Ibinaba niya ang kanyang shades hanggang sa ilong niya at ngumiti nang nakakaasar.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" I asked while trying to suppress my smile with the thought na baka sinadya niyang banggain ako.

"Bakit? Ikaw lang ba ang puwedeng pumunta rito?" he said with playful grin. Pinipigilan ko ang sarili ko na yakapin siya. God, nasa harap ko na siya pero hindi ko pa masabi sa kanya ang totoo.

Inirapan ko na lang siya kunwari at saka ko ibinigay ang card ko sa cashier. Kinuha ko lang order ko at saka ako pumunta sa may gilid ng café kung saan nakikita ko ang nasa labas.

"Share na lang tayo ng table," sabi niya at kahit wala pa akong sinasabi ay inilapag na niya ang order niya.

"Ang daming bakante, oh," casual kong sabi kahit ang totoo ay nagbubunyi ang puso ko.

"Nah. I love the view here," makahulugan niyang sabi.

"B-bahala ka," sabi ko na lang.

Ah! Thank you, Lord, for this moment.

Tahimik lang ako habang kumakain. Gusto ko man siyang tingnan ay hindi ko magawa dahil sa suot niyang shades. Mamaya mahuli niya akong nakatingin sa kanya tapos aasarin na naman niya ako.

Akala ko nga magiging awkward ako sa kanya. Pero parang natural na talaga sa amin ang magbangayan. Panay kasi ang kuha niya sa French macaron ko. First time raw kumain no'n.

"Hariko, naniniwala ka ba sa mga bampira?" bigla na lang lumabas sa bibig ko.

Huli na para bawiin ko ang sinabi ko. Nakita kong nagseryoso ang mukha at tinanggal niya ang shades niya. Kinakabahan ako. Did I trigger his memory? Oh, I hope.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin at umatras naman ako. Hanggang sa sobrang lapit na nang mukha niya sa akin kaya napapikit na lang ako.

Iminulat ko ang mata ko nang marinig ko ang malakas niyang tawa. Napasimangot ako sa kanya. Nakahawak pa siya sa tiyan niya na para bang mamamatay na siya sa kakatawa.

"I can't believe you just asked me that," then he laugh again. Nagpunas pa siya ng luha sa gilid ng mata niya. Napahalukipkip lang ako. Pinagtatawanan niya ako dahil lang sa tinanong ko 'yon.

"Walang nakakatawa!" I deadpanned.

"I'm sorry. Hahaha. I just can't... hahaha,"

"Ewan ko sa'yo!" inirapan ko siya. Tumikhim naman siya at tumigil sa kakatawa.

"To answer your question, Ingrid. No, I don't believe that shit," seryoso niyang sabi. Napatango lang ako. Gusto kong sabihin sa kanya na ang shit na sinasabi niya ay mga dati niyang kauri.

"Naisip ko kasing vampire ang theme ng next fashion show kaya kita tinanong," palusot ko na lang.

Mukhang wala na talagang chance para maalala niya kung ano siya dati. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng mapait. Ang hirap tanggapin na ginawa niya ang lahat para matanggap siya ni Daddy at ito ang kinahinatnan niya. Kahit sabihin nilang wala akong kasalanan sa nangyari, alam kong hindi ito lahat mangyayari kung hindi sa akin. He gave up everything just to be with me and now he can't remember me. And the worst thing is, wala akong magawa para masuklian ang ginawa niya.

Lumabas kaming coffee shop at napagalaman kong nagtaxi lang siya kaya pinasakay ko siya sa kotse. Pumayag naman ako nang mag volunteer siyang magdrive. Ayaw ko pa siyang umuwi. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal.

Inihinto niya ang kotse sa isang park. Napangiti ako kasi ito 'yong park na pinuntahan namin noong binigyan niya ako ng balloons.

Sabay kaming umibis ng kotse at pumunta sa isang bench. Dumaan kami sa pathway na napapaligiran ng bushes. Napansin kong tinanggal na niya ang kanyang cap at shades.

"This place is nice. Noon ko pa 'to laging nadadaanan at ngayon lang ako nagkaroon ng chance na nakapunta. Para nga siyang pamilyar, eh," sabi niya. Nakita kong nangunot ang noo niya at lihim akong nagdadasal na sana kahit konti ay may maalala siya.

"Dito kami noon pumunta ng boyfriend ko. Nanliligaw pa lang siya noon," sabi ko naman. Tumingin naman ako kay Hansel at kit akong nagbuka ang bibig niya at para siyang may sasabihin pero agad din naman niyang tinikom.

Minsan, gusto ko na lang siyang sigawan at sabihin sa kanya ang lahat. Pero alam kong kapag ginawa ko 'yon ay mas lalo siyang mapapalayo sa akin. Kaya nakuntento na lang ako sa ganito.

"Ingrid—"

"Kayo pa pala?"

Sabay kaming napalingon ni Hansel sa nagsalita. Isang binata na sa tingin ko ay nasa 16 years old pa lang.

"Who are you?" nakakunot noong tanong ni Hansel.

"Hanggang ngayon hindi ka pa rin natututo, Kuya, eh, 'no?" sabi ng binata kaya nagtatakang tiningnan ko lang 'to. Sino ba 'to?

"Kilala ka ba namin?" tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot bagkus ay may inilabas siyang tatlong piraso ng bulaklak sa likod niya.

"Oh, 'yan. Tatlo dalawang daan. Mahal na ngayon kaysa noong una," pagkasabi niya noon ay biglang nanlaki ang mga mata ko.

Oh, my God! Siya 'yong bata na pinilit si Hansel na ibili ako ng rosas. I can't believe it. Malaki na siya!

"Ano pa'ng tinutunganga mo diyan, Kuya? Wala ka talagang kuwentang boypren. Hindi ko alam kung bakit kayo nagtagal ni Ate," sabi pa nito.

"What the hell is this kid talking about?" nakakunot noo nang sabi ni Hansel. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Nagkaroon man siya ng amnesia, hanggang ngayon ay naasar pa rin siya sa bata.

"Do not English me, Kuya. Akin na ang dalawang-daan at ibigay mo na 'tong bulaklak sa gelpren mo," inabot nito ang tatlong rosas kay Hansel at walang siyang nagawa kundi ang kumuha ng pera sa wallet niya.

"I can't believe this," rinig kong bulong ni Hansel. "Here," ibinigay niya ang pera kasabay ng bulaklak.

"Salamat!" nagpaalam na ang bata at tumakbo palayo sa amin. Napailing na lang ako habang nakangiti. Limang taon na rin pala ang lumipas.

"For you," nagulat ako nang ibigay sa akin ni Hansel ang tatlong piraso ng rosas.

"Kay Eunice mo dapat 'yan ibigay," I said trying to sound casual.

"She's allergic to flowers," kibit balikat niyang sabi.

"Oh," was all I could say.

Nakakaselos. Ngayon alam ko na ang nararamdaman noon ni Maxhene no'ng time na may gusto pa siya kay Hansel. Parang gusto mo na lang umiyak sa sobrang sakit na nararamdaman.

"Are you okay?" tanong niya. Hindi ko kasi kinuha ang bulaklak at nakatingin lang ako sa roses na hawak niya.

"I'm perfect!" I said feigning a huge smile. Kinuha ko ang bulaklak sa kanya.

Naglalakad kami papunta sa gitna ng park kung saan ang malaking pond nang biglang dumilim at pumatak ang malakas na ulan. Nakita kong nagsitakbuhan ang ilang namamasyal kaya hinigit ko ang braso ni Hansel para umalis na kami.

"Basa na tayo. Tara!" hinila ko siya pero hindi siya gumagalaw. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

"Let's enjoy the rain," he said.

"Ha? Pero kasi..."

"Please? Stay with me. I want to enjoy the rain with you," nagsusumamo niyang sabi.

Okay, I know kagagaling ko lang sa hospital at makakasama sa akin ang magpaulan pero hindi ko siya kayang tangihan. How can I say no kung siya na mismo ang nakikiusap na samahan ko siya.

"Sige,"

Basang-basa na kami pareho. Nagsisisi tuloy akong puting damit ang sinuot ko.

"Alam mo ba—" natigilan ako nang makita kong nakatingin lang siya sa akin. Bigla niyang inangat kamay niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na nagkalat sa pisngi ko. he caress my cheeks kaya napapikit ako.

"I am attracted to you, Ingrid," sabi niya at nanlaki ang mga mata ko. Alam kong ito ang gusto kong mangyari pero hindi ko mapigilang magulat.

"Gusto kitang layuan pero hindi ko kaya. What did you do to me," he cupped my face. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at konti na lang ang layo ng mga labi namin.

Nahigit ko ang hininga ko nang dumampi ang labi niya sa akin. Gustong gusto kong banggitin ang pangalan niya pero natatakot ako. Baka bigla akong magising. Baka isa lamang itong magandang panaginip.

I felt his warm lips planted on mine. Kusang gumalaw ang labi ko para sagutin ang mga halik niya. Naging banayad siya sa paghalik. Doon ko binuhos lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Ipinaramdam ko sa bawat halik ko ang natatagong pagmamahal sa kanya.

Parehong habol namin ang hininga. Nakadikit pa rin ang noo niya sa akin. Then he flashes a warm smile.

"I've never been so sure about my life. But you, there's something about you that made me feels like everything is in the right place. I am myself whenever I am with you."

Napakurap lang ako sa sinabi niya. Does that mean he remembered his feelings for me?

"Saranghae, Ingrid." He whispered.

Tuluyan na akong naiyak. Wala akong alam na salitang Korean pero alam ko ang ibig niyang sabihin. Mahal niya ako. At sapat na 'to para sa akin. Hindi niya ako maalala pero naalala niya ang nararamdaman niya para sa akin.

* * *

PINILIT ako ni Hansel na magpatuyo ng damit sa hotel room nila. Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad sa lobby at pareho kaming walang pakialam kung may makakita. Wala akong sinabi no'ng nagtapat siya sa akin. Para bang may pagkakaunawaan na ang puso namin kahit wala pang kasiguraduhan.

Nasa hallway na kami papunta sa room nang biglang lumabas si Eunice sa kabilang elevator. Sinugod niya kami at nagulat ako nang sampalin niya ako sa aking magkabilang pisngi. Nabitawan ko ang kamay ni Hansel at napahawak ako sa pisngi ko. I can feel the sting on it.

"What the fuck! Eunice, why did you slap her?!" galit na sigaw ni Hansel kay Eunice.

"She's flirting you! I told you to stay away from her!" she yelled back. Sinubukan niyang sugurin uli ako pero agad na humarang si Hansel para protektahan ako.

"She's not flirting me so stop whatever you're doing!" nanlilisik ang mata niya ng tumingin sa akin. Nawala iyong mala anghel niyang mukha. Na para bang ipinakita na niya ang totoo niyang mukha sa likod ng maamong mascara.

Nagulat na lang ako nang sumigaw siya at sinugod ulit ako. Naramdaman ko na lang na nasa ibabaw ko na siya at paulit-ulit akong sinampal.

She strangled my hair at kinalmot kalmot niya ang leeg ko pati ang mukha ko. Nakita kong pilit siyang inilalayo ni Hansel sa akin pero para siyang amazona. Kinubawan niya ako hanggang sa maramdam ko ang dalawang kamay niya sa leeg ko.

Naririnig ko ang boses nina Kio, Sai, at manager Hyun. May tumulong sa aking tumayo habang nakahawak ako sa leeg ko. God, pakiramdam ko hindi ako makakalunon kahit tubig.

Inalalayan ako ni Kio na pumasok sa kuwarto nila. Pinaupo nila ako sa sofa at pinatungan ako ni manager Hyun ng dry towel.

"Are you okay? Oh God, you have bruises," Kio said. Nakita ko ang reflection ko sa salaming, para akong basang sisiw na sinabunutan. I look like a mess. May mga kalmot din ako sa leeg at sa pisngi.

"Here, drink this," Inabot ni manager ang isang mug na may tea bag. Lihim lang akong nagpasalamat dahil nang abutin ko ang mug. Pakiramdam ko hindi ako makapagsalita.

"Eunice had gone mad," sabi naman ni Sai.

Nagbaba lang ako ng tingin. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan. Nalalamigan na ako sa aking suot at ang lamig pa dito sa kuwarto nila.

Pinagpalit ako ni manager ng damit na rush niyang pinabili sa butler service ng hotel. Pinagamit nila sa akin ang extrang higaan na katabi lang ng higaan ni Hansel. Nanghihinang nahiga ako sa kama. Wala sa sariling kinapa ko ang leeg ko at doon ko lang na-realize na nawawala ang kuwintas ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top