Chapter 44 - Return to Vampire City
Chapter 44
Ingrid's POV
HINDI ko maintindihan kung bakit ako iniiwasan ni Hariko o Hansel. Magkahiwalay kami ngayon ng upuan sa eroplano kaya hindi ako mabigyan ng chance para makausap siya. Oo, alam ko nang siya si Hansel. Ang hindi ko maintindihan, kung bakit hindi niya ko maalala? Inisip ko na ibang tao siya kaya accepted ko na hindi niya ko kilala. Pero alam ko, siya si Hansel. Patunay ang singsing na 'yon. Sa kanya 'yon. Pero bakit? Bakit hindi niya 'ko nakikilala? Epekto ba 'yon ng pagiging tao niya? Ugh! Hindi na ako makapaghintay na mag landing ang eroplano sa airport!
Nang I-announce ng stewardess na puwede ng tumayo at bumaba. Agad din akong tumayo pero kagaya ko, kasabay ko ang pasahero na nagsisiksikan. Nakita ko si Hansel pero para rin itong naglaho dahil natatakpan na siya ng mga tao at sa height kong 5'5" ay hindi sapat para hanapin siya. Nakalabas na kami sa departure area at malayo pa rin siya sa akin. Mabuti nga hindi sila pansin ng tao dahil busy ang lahat at siguro dahil na rin sa suot nilang hoody at shades kaya hindi sila gaanong nakikilala. Pati si Manager nagtataka kay Hariko o Hansel kung bakit malayo siya sa amin at tila may hinihintay o hinahanap.
Nakahanap ako ng tyempo para lapitan siya kaya dali-dali akong tumakbo palapit sa kanya. Kung hindi niya ako maalala, pwes ipapaalala ko sa kanya. Ilang metro na lang ang layo namin at tatawagin ko na sana siya pero naunahan ako ng isang malambing na boses.
"Hariko..."
Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Kita ko ang galak sa mukha ni Hansel na makita ang babae. Niyakap nila ang isa't-isa na mas ikigulat ko. Parang may kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko.
"I miss you so much!" I heard the girl said. May sinabi sila sa isa't-isa na hindi ko na narinig. Puno ng pagmamahal na tiningnan niya ang babae. Hindi ko mapigilang masaktan. Ako dapat 'yon, eh. Sa akin lang dapat siya tumitingin nang ganyan.
Halos nabagsak ko ang dala kong handbag sa sahig. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanlalamig katawan ko at pakiramdam ko nahihirapan akong huminga. Gusto kong umiyak pero parang naging bato ang luha ko. Ayaw nitong lumabas. Naramdaman kong lumapit sa akin sina Kio, Sai at si manager. At gaya nila, gulat din sila na makita si Hansel o Hariko na may kasamang babae.
"Hariko! What's the meaning of this?!" galit na hasik ni manager. Kung tutuusin, ako dapat ang magsabi no'n.
"Manager," sabi lang ni Hansel. The girl and Hansel just looked at each other. Nakita kong pinisil ni Hansel ang kamay niya.
"This is Eunice, guys. She's my girlfriend." Casual na sabi ni Hansel.
Para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig. Iba pala iyong nakita mo sa narinig at nakumpirma pa. Masakit. Sobrang masakit!
"We'll talk about this later, young man! You have so much explaining thing to do!" I can feel the cold treatment manager is giving to Hansel.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung susunod ba ako sakanila para magkaroon din ako ng chance para malaman ang totoo o babalik na ako sa opisina at magsimula ng magtrabaho.
I decided na umalis. Gusto ko mang kausapin si Hansel, or Hariko, ay hindi ko magawa. Para bang bigla siyang naging malayo sa akin.
Nagpara akong taxi at nagpahatid sa bahay. Ipinaakyat ko ang mga gamit ko sa maids at saka ko kinuha ang susi ng kotse ko. May kailangan akong puntahan. At hindi ako papayag na papanuorin ko lang ang babaeng 'yon tuluyang agawin sa akin si Hansel. Hindi ko alam ang totoong nangyari kaya magbabakasakali akong bumalik sa vampire city para malaman ko ang totoo.
* * *
MASAYA akong hanggang ngayon ay puwede pa rin akong pumasok sa Vampire City. Maraming nagbago dito. Mas gumanda ang plaza. Pati ang hotel naging mas magarbo. Napahinto ako sa harap ng school kung saan kami unang nagkita. Hindi ko mapigilan na maging emotional.
Dumeretso ako papasok sa palasyo. 'Buti nga at kilala pa ako ng mga kawal kaya hindi ako nahirapang pumasok. Nang umibis akong sasakyan ay may nakita akong pamilyar na bampira.
"Denver?" mahina kong sambit. Bakit nandito siya? Kasama niya kaya si Maxhene? Bakit hindi ko alam na nandito sila? Nakumpirma ang mga tanong ko nang lumabas galing sa loob si Maxhene.
Agad ko silang nilapitan at kit akong nagulat si Maxhene na makita ako.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" sabay pa naming tanong sa isa't-isa.
"Ako dapat nagtatanong niyan. Akala ko ba may internship ka pa?" tanong ko.
"Tapos na po. At saka may right akong pumunta dito since vampire ako. Eh, ikaw, bakit ka nandito?" nakapameywang niyang sabi.
"Nasaan si Erina?" tanong ko nang hindi man lang sinasagot ang tanong niya.
"Ang sama mo. Nandito ako pero si Erina ang hinahanap mo," she said pouting.
"Aba siyempre hahanapin ko ang wala. Tss," pagtataray ko.
"Oh, relax. Galit agad? Nasa loob si Erina. Pero hindi pa puwedeng istorbohin. Nagsasanay para sa wedding ritual,"
"Gano'n?" nalungkot ako bigla. Haay. Paano na 'to.
"Teka, may problema ka ba Ingrid?" tanong ni Maxhene. She must have noticed my dreadful face.
"W-wala," nag-iba ako ng tingin.
"H'wag ka ngang magsinungaling sa akin. Alam ko kung may problema ka! Com'on, tell me,"
Napabuntong hininga lang ako.
"Alam ko na kung nasaan si Hansel,"
"Talaga? Oh, eh, bakit ka malungkot diyan?"
"H-he doesn't remember me. A-and she already have a girlfriend,"
Hindi ko na napigilan ang luha ko. Niyakap ako ni Maxhene at pilit na pinapatahan pero hindi ko magawa. Nakakainis kasi parang nawala 'yong tapang ko noon. Para bang naduduwag na ako ngayon.
"Sshh. Don't cry. That's why I'm here to help. Is Hariko and Hansel are the same?" she said. Bahagya akong lumayo sa kanya at nagtatakang tingingnan siya. Paano niya nalaman na si Hariko ang tinutukoy ko?
"Paanong—"
"Alam ko. Pero nagdududa pa ako no'ng una. After mong umalis ay sumunod ako sa'yo, then nakita ko itong lalaki na kamukhang-kamukha ni Hansel. Ayaw ko lang mag jump into conclusion dahil wala akong pruweba. Then I read an article about you and him. Nagtaka lang ako hindi mo ako tinawagan para ibalita na kasama mo si Hansel. May amnesia ba siya?"
"Hindi ko alam. Ilang beses kong kinumbinsi ang sarili ko na magkamukha lang sila. Pero no'ng nakita ko yung singsing na may naka engrave na pangalan namin, alam ko na siya 'yon. Ang hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya 'ko kilala tapos suot-suot niya ang singsing," I said.
"Nasa sa'yo ba ang sing-sing?" she asked.
"Yes. Hindi ko na kasi nasauli sa kanya kasi hindi na kami nakapag-usap pa," sabi ko at saka inilabas sa bag ko ang sing-sing. Kinuha 'yon ni Maxhene at saka pinakiramdaman.
"Hindi kita matutulungan dito. But the Queen can help us. She can see the past," parang nabuhayan ako sa sinabi ni Maxhene.
Pumasok kami sa bulwagan at halos tumalon sa tuwa si Queen Veruca na makita ako. Wala pa rin siyang pinagbago, maganda pa rin. At gano'n din ang Hari.
"I didn't see you coming, Ingrid. I am so glad to see you again," sabi ni King Vladimir.
"Ako din po. Masaya kong makabalik ulit," pinilit kong ngumiti sa kanila.
"Payakap nga ako, Ingrid. Namiss kita," Queen Veruca said and hugged me tightly. "Oh, you're mourning," malungkot niyang sabi.
"Ingrid knows where Hansel is," Maxhene said. I heard them gasped.
"Really? So he's really human now?" I can see glow in King's eyes. Masaya ba siya na tao na si Hansel? Hindi ba siya nanghihinayang na ang tagapagmana niya ay mas pinili ang maging mortal?
"He is," si Maxhene ang sumagot. Inabot ni Maxhene ang sing-sing kay Queen Veruca. The Queen examined the ring at saka pumikit.
It took her 5 minutes bago niya minulat mata niya. Alam na kaya niya?
"Kay Hansel nga 'eto," she said. "It seems that he has amnesia,"
"Bakit po? Akala ko ba hindi niya ako makakalimutan kahit maging tao siya?" tanong ko.
"He met an accident. 5 years ago," hinawakan ako ni Queen Veruca sa kamay at bigla na lang naging blurred ang paligid ko. Unti-unti nagliwanag ang paligid pero hindi ko na sila nakikita. Para bang nakapunta ako sa ibang lugar.
I turn around and saw Hansel. Pababa siya sa isang abbey at kita ko sa mukha niya ang saya na kahit kailan hindi ko pa nakita sa kanya. Wala na ang flame sa mga mata niya kapag naarawan siya.
"Hansel!" malakas na tawag ko sa kanya pero hindi niya ako naririnig.
Lalapitan ko sana siya pero biglang napunta ako sa ibang lugar. Nasa gilid na ako ng highway. Mabibilis na sasakyan ang nakikita ko. Pero napukaw ng attention sa isang black BMW na familiar sa paningin ko. Hansel was driving.
Before I could react, nakita ko na lang na lumiko ang sasakyan niya dahil iniwasan niyang banggain ang babae sa gitna ng kalsada. Nabanggo ang sasakyan niya sa poste pero dahil sa may kasunod siyang isa pang sasakyan, nawalan din ito ng preno at tumama ito sa kotse ni Hansel. Halos mapatakip ako ng bibig sa nasaksihan. I was on verge on crying when I saw the girl running towards Hansel's car. Siya 'yong babaeng iniwasan niyang masagasaan. Siya ang dahilan kung bakit naaksidente si Hansel.
Si Eunice.
Gaya kanina, nasa ibang lugar na naman ako napunta. It was all white. All I can hear is a beep sound coming from a hospital apparatus. I saw Hansel lying on the hospital bed. Nakabenda ang paa nito pati ang ulo. Naiyak ako dahil sa nakita. Naghirap ang mahal ko samantalagang ako walang nagawa.
Nakita kong pumasok sa kuwarto si Eunice. May dala itong bulaklak. Kinakausap niya si Hansel pero hindi ko maitindihan ang salitang ginagamit niya.
The next thing I know, gising na si Hansel. Nasapo niya ulo niya. At 'gaya sa pelikula 'yon ang una niyang litanya.
"Where am I?" tanong niya. Kasunod ng...
"Who are you? Who am I?" nakatingin lang ako sakanila. Hinihintay kung ano ang sasabihin ng babae.
"D-don't be like that, H-Hariko. It's me, Eunice. Your girlfriend."
* * *
"GUSTO mo bang sabunutan natin ang Eunice na 'yon? Naku! The nerve of her, ah! Si Hansel ngang hindi ko man lang naagaw sa'yo, siya pa? Aba ipaglaban mo kung ano ang dapat sa'yo!"
Maxhene has been lecturing me, again. Nasa cafe kami ngayon at ikuwenento ko sa kanya ang nakita ko sa past. Hindi na nga kami naabutan ni Erina, eh.
"Wala akong karapatan kay Hansel. Isa na akong ex girlfriend. At saka malay natin kung talagang mahal na niya si Eunice." I said even though para akong sinasaksak ng kutsilyo sa dibdib.
"Tanga ka ba?! So itatapon mo na lang si Hansel, gano'n? Pakatapos kong magparaya sa inyo? Ang akin lang, h'wag mong hayaan na malunod si Hansel sa kasinungalingan ng Eunice na 'yon! Sapakin ko kayang chinitang 'yon! Maganda siya pero mas maganda pa rin tayo," sabi niya with matching flips of hair. Natawa na lang ako. Pasalamat na lang ako at nandito si Maxhene para palakasin loob ko.
"So ano gagawin ko?"
"Steal the Prince. Make him remember na ikaw talaga ang totoo niyang mahal," she said encouraging me.
"Steal the Prince?" I formed a playful smile. So be it. Babawiin ko kung ano ang dapat sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top