Chapter 4 - His stare
Chapter 4
Hansel's POV
I'VE BEEN staring at her for about eight hours already. This is the first time I've ever seen someone sleep. She's so soundless. Her breath, parang gusto kong maramdaman ang bawat paghinga niya.
I know she's a human. Ang hindi ko alam ay kung paano siya napadpad sa lugar na 'to. Kanina nang kinompronta ko siya sa may gate ng school, naamoy ko agad ang dugong nananalaytay sa katawan niya. Hindi pa siya nagtatagal dito kaya hindi pa siya exposed sa lahat.
Iyon din ang dahilan kung bakit gusto kong sa akin lang siya sumama. As a prince in this town, I am disciplined when it comes to human blood. Eventhough lahat ng nakatira dito ay desiplina 'pagdating sa sariwang dugo ng tao, hindi pa rin maiiwasan na ma-trigger ang senses nila sa fresh blood.
Isa pa sa dahilan kung bakit gusto kong sa akin siya sumama ay dahil alam kong oras na tumuntong siya dito sa Vampire City naramdaman kong alam na rin ng mga Sanguinarians na may tao sa lugar namin. Sa katunayan, wala naman akong dapat pakialam kung makuha siya ng mga Sanguinarians. Pero kanina nang hinawakan ko ang braso niya, nakaramdam ako ng kakaiba. At first time kong makaramdam ng gano'n.
Nakita kong gumalaw siya nang bahagya sa higaan. Lihim akong napangiti. Ganoon pala ang taong natutulog.
Kaming mga bampira, hindi kami natutulog. Kaya isa sa mga insecurities namin ang life. The uncertainly of life. Iyong tipong hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa iyo bukas. Iyong aantukin ka. Sasakit ang katawan mo. Mabubuhay kang hindi nagtatago sa araw at walang sunglass.
Hindi ko alam kung hanggang saan ang matutuklasan niya. At natatakot akong sa oras na malaman niya kung nasaan siya ay matakot siya sa akin.
"Bakit nandito ka pa?" she asked while yawning.
Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. "Uhh, I was— uhh." I don't know why I can't say anything right now. Feeling ko kasi nahuli niya akong nakakatitig sa kanya, eh.
"Siguro tinititigan mo ako 'no?!" she said teasingly.
"H-hindi, ah! Ayaw lang kitang maiwan dito na mag-isa," palusot ko.
"At bakit?"
"W-wala! Basta! Huwag nang maraming tanong!" Nag-iwas ako ng tingin.
"Anong oras na ba?" tanong niya.
"Alas-dose na ng tanghali." Bigla namang nanlaki ang singkitin niyang mata.
"Waah! Gutom na ako!"
Para naman akong naawa dahil sa sinabi niya.
"Maligo ka na at magbihis," utos ko at saka tumayo.
"Eh?"
"Oh? Retarded ka talaga! Sige na at dadalhin kita sa restaurant." Para namang nangislap ang mga mata.
"Waah! Talaga? Thank you!" Tumakbo siya palapit sa akin at bigla-bigla na lang akong niyakap.
"H-hey! A-ano ba?!"
"Pero wait, bakit ang lamig mo? Oh, geez! You're freezing!" Bumitaw siya sa akin at lumapit siya sa aircon. "Hindi naman malamig, ah." Itinapat niya ang kanyang kamay sa aircon.
"Pfft! Nagha-hallucinate ka lang. Maligo ka na para mawala 'yang antok mo."
Nagpout lang siya. Damn! Why is she so cute when she does that?
"Sige maliligo na ko. God, I'm famished."
Ingrid's POV
NAGULAT ako nang makita kong bihis ni Hansel. Sinabi niya sa akin na nakatira siya sa penthouse ng hotel na 'to. Napag-alaman ko rin na ang family niya ang nagmamay-ari nitong hotel, mall, at 'yong school.
Gumayak naman kami at sabi niya kanina dadalhin niya ako sa isang restaurant. Pero nagulat ako dahil napansin kong palabas na ng siyudad ang binabaybay namin. Ang dami niyang dahilan porque't hindi raw masarap ang pagkain sa lugar nila.
Nagulat ako nang lumabas kami sa intersection na pinasukan ko noong nagda-drive akong mag-isa papunta sa Secret City. May bigla kasing parang kuminang na ewan. Iyon bang parang nakalabas kami sa isang portal. Parang ganoon.
"Huwag sana tayong pupunta ng Manila."
"Hindi. Pero bakit ayaw mo doon?"
"Basta."
Hindi rin nagtagal tinigil niya ang sasakyan sa isang restaurant. Nag-suot muna siya ng shades at saka lumabas ng kotse. Pinatungan niya ng leather jacket ang kanyang three-fourth shirt. Hindi ba siya naiinitan sa porma niya?
Akala ko sasaluhan niya akong kumain pero ako lang ang pina-order niya. Kumain na raw. Naiilang ako sa kanya dahil pinanuod niya lang ako habang kumakain. Feeling ko tuloy binibilang niya ang bawat subo ko.
Malapit na akong matapod kumain nang maisipan kong magtanong sa kanya.
"I'm curious. Ano ba'ng pangalan ng City n'yo? Secret City ba talaga tawag doon? 'Yon kasi nakalagay sa internet, eh."
"Secret City nga," matipid niyang sagot.
"Eh, bakit secret?"
"Kasi nga, hindi puwedeng malaman."
"Bakit kasi?"
"Ang kulit mo!"
"Okay."
Natahimik ako at pinagpatuloy ang pagkain. Para siyang babaeng laging may period. Ang sungit-sungit.
"Paano ka napadpad sa amin?"
Tiningnan ko siya. "Sa internet nga. 'Yong mapa n'yo kasi nakakaintriga."
Kumunot naman ang noo niya. "Mapa?"
"Yeah."
"Paano magkakamapa ang lugar namin sa internet? Eh, wala ngang nakakaalam na..." he trail off and his face turned grim. "Unless."
"Unless what?"
"Never mind. I suggest na bumalik ka na kung saan ka man nanggaling."
Napasimangot naman ako. "No!"
"Why?!"
"Because I said so!"
Umandar na naman ang pagkatigas ng ulo ko. One thing na ayaw sa akin nina Daddy ay ang pagiging hard-headed ko.
"I'll make a deal with you," he said.
"Ano?"
"Hindi ka aalis sa city namin in one condition."
"And what is that?"
"Titira ka sa penthouse ko," simple niyang sabi.
"Are you crazy? Close ba tayo? Ano na lang sasabihin ng mga nakakakilala sa'yo na nagpatira ka ng isang estranghero? Isipin pa nila nagli-live-in tayo."
"My people don't think that way. They're not like you." Seryoso niyang sabi. Hindi ko maintindihan 'yong sinabi niya. My people? They're not like me? What does he mean by that?
"Enlighten me," nakahalukipkip kong sabi.
"I don't want you to think that I want to take advantage on you. I just want to help you." Natahimik naman ako. "And besides, masyadong malaki ang penthouse ko. We can devide the space. And if it hurts your pride, you can pay me every month."
Napaisip naman ako. Baka mas makatipid ako kung papayag ako. Mauubos din naman ang pera ko, sooner or later.
"Sige, payag ako."
"Good. Lilipat ka na after ng class natin. Pagkatapos mong kumain, magma-market tayo sa bayan."
Napatango lang ako.
Pumunta kami sa isang grocery store malapit lang sa kinainan namin. Hinayaan niya akong pumili ng gusto ko. But the weird thing is, he didn't let me buy garlic, salt, and lemon.
"Concern ako sa'yo. Ayaw kong magakasakit ka sa bato."
I made a face habang nagsasalita siya.
"Concerned-in mong mukha mo! Para kang aswang!" halos pabulong ko lang na sabi.
"I heard that!"
Ang talas naman ng pandinig niya! Unbelievable.
Magdidilim na nang makabalik kaming City. Umidlip na ako kanina sa biyahe dahil alam kong magpupuyat na naman kami.
Bago kami pumuntang University ay pinagbihis niya ako sa hotel room ko.
"Here," inabot niya ang isang paper bag kaya nagtatakang binuksan ko 'to.
"Isuot mo 'yan. I'll wait for you outside."
Iniwan niya ako sa kuwarto at tiningnan ko naman binigay niya. Uniform sa University.
A maroon pleated skirt above the knee and a white long sleeve blouse with maroon linings on the collar, and a maroon bow.
Ito 'yong suot ng mga college student sa University. Mabuti na lang may close shoes akong dala.
* * *
SABAY kami ni Hansel na bumaba ng kotse. Kagaya kagabi, napapatingin sa amin ang ibang estudyante. Hindi ata ako masasanay sa ganito. Feeling ko tuloy celebrity 'tong kasama ko.
"Why is everyone staring?" I asked him.
"Because you're beau— Becuase you're retarded!" napasimangot naman ako sa sinabi niya.
I'm not retarded! Nakakabuwesit na, ah! Pinapa-low niya ang self-steem ko.
"Stop calling me that!"
"Eh, 'yon ang gusto ko!" He said without looking at me.
"My name is Ingrid! Kay ganda-gandang pangalan ang ibinigay sa akin nina Mommy kaya huwag mo akong tatawagin ng kung ano-anung pangalan!"
Nag-smirk lang siya sa sinabi ko. Malapit na kami sa room nang may lumapit sakanyang lalaki na naka black suit.
"Sir, your father is requesting for your presence." Nagbow pa ito.
"Okay, I'll be there." Umalis na rin iyong lalaki at saka humarap sa akin si Hansel. "Pumasok ka na sa room. At kahit ano'ng mangyari, don't talk to anyone. Don't let anyone touch you. At huwag kang aalis dito sa room, understand?"
Napatango naman ako kahit gusto kong magprotesta. He's so bossy.
"Huwag mo ng gawin ang binabalak mo!" he said glaring at me. He can read my mind?
"Sige, 'pasok na 'ko."
Nauna akong tumalikod sa kanya at saka pumasok sa room. Umupo ako sa dati naming inupuan ni Hansel kagabi. Lahat ng babae ang sama ng tingin sa akin.
"Hi."
Tumabi sa akin ang nakangiting babae. She was beautiful with medium length black hair.
"Hello." Ngumiti din ako sa kanya.
"I'm Erina, and you must be Ingrid," she extended her arms at inabot ko naman 'yon.
"Yeah," halos mamilog ang mga mata ko nang magdapo ang kamay namin. Ang lamig-lamig.
"Kuya was right. You really smell great," nakangiting sabi niya.
Huh? Smells great? Sino ang nagsabi niyon?
"Sinong Kuya?" nagtatakang tanong ko.
"Si Kuya Hansel. 'Di ba close kayo?" sabi niya.
Napa-nguso lang ako sa sinabi niya. Close bang matatawag kahit ang mean ng trato niya sa akin?
Tiningnan niya ako tapos tumawa na para bang nababasa niya ang iniisip ko.
"Kuya told me to keep an eye on you," she said.
Nagulat naman ako. Why does she have to keep an eye on me?
"Bakit naman daw?"
"Because—"
"Erina!" sabay kaming napalingon.
Si Hansel, seryosong papalapit sa amin. Ano naman kaya problema niyo at lukot na naman ang mala porselana niyang mukha.
"You can go now, Erina." Masungit na utos niya rito. Pati ba naman sa kapatid niya masungit niya?
Mukha namang sanay na si Erina sa kanya dahil hindi siya nito pinansin.
"See you later, Ingrid."Sabay kaway palabas.
Humarap naman ako kay Hansel.
"Ikaw!" dinuro ko siya. Tiningnan niya lang ako at saka ibinalik ang tingin sa unahan. "Hoy! Pansinin mo nga ako! Tumingin ka sa akin!" Sinundot-sundot ko ang balikat niya pero hindi man lang siya natitinag.
"Stop being so childish!" He snapped at me.
He narrowed his eyes at me and I saw his eyes shifted to red.
"My sore eyes ka ba?" tanong ko sa kanya. Inilapit ko pa mukha ko sa kanya para tingnan ang mga mata niya.
"What are you talking about?" his forehead creased.
"Then, why are your eyes are red?" Itinuro ko pa.
Humarap naman siya pero laking gulat ko nang makita kong brown na naman ito.
"Baka ikaw ang may sore eyes? Kung ano-anu na lang nakikita mo. May prolema ka na sa mata." he said then, he chuckled.
Oh my god!
That was the first time I heard him chuckle. Not a laugh, but at least a chuckle!
"Did you just—"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang pumasok ang professor namin. Lahat kami ay umayos ng pagkakaupo. Bigla naman akong kinabahan nang ilabas niya ang mga papel.
Waah! Iyong quiz kagabi!
Inilapag ni Sir ang papel sa mesa namin ni Hansel. Tiningnan naman ng katabi ko ang papel namin. Nakakainis naman siya! Alam niya kayang wala akong sagot! Tsk!
"Oh, 'eto." inabot niya sa akin yung papel.
Kinuha ko iyon. Expected ko nang isang malaking F ang nakalagay dito but to my surprise. Isang malaking...
"A!"
Hindi ako makapaniwala. May sagot ang papel ko. Waah! Naghihimala ang amang Diyos! Makapagsimba nga nang madalas.
"Pasalamat ka sinagutan ko 'yan kagabi." He smirk.
Napatingin naman ako sa kanya.
"Oh, God! You answered the quiz for me? Waah! Thank you! Thank you talaga!" Nayakap ko siya nang wala sa oras kaya napatingin sa amin mga kaklase namin.
"Ehem, ehem." Si sir. Napaayos tuloy ako ng pagkakaupo. Nakakahiya.
34
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top